Umaga akong nagising dahil oras na ng pahinga ni itay. Ayaw niya kasing matulog, siguro ang haba lang ng tulog niya ay dalawang oras. Kaya sa ayaw o sa gusto nito, papatulogin ko siya. Kailangan niya ng pahinga.
Napangiti ako nang makita si Dane na natutulog habang nakanganga. Napapaisip ako, grabe sobrang natiis niya ang ganito?
Sabagay, hindi ko pa naman siya kilala kung ano mga ayaw o kaya niyang gawin. Para sa akin kasi 'pag mayaman, sobrang arte na sa lahat ng bagay. Pero tignan mo nga naman ang nakikita, pinamukha sa akin ng lalaking ito na huwag maging mapanghusga.
Nilampasan ko na siya at nagkape na ako. Bukas na pala ililibing si inay. Sobrang bilis ng pangyayari. May mga bagay talaga na nangyayari kahit hindi mo ito inaasahan. Magugulat ka na lang na nangyari na. Na wala na. Hindi talaga lahat ng bagay nagtatagal. Oo, minsan 'yung iba nagtatagal pero nawawala rin naman kaagad 'pag oras niya na itong mawala.
"Aga mo nagising anak ah." Nilingon ko si itay.
"Dahil papatulogin na kita."
"Ayaw k--"
"Oppp opp huwag makulit. Sige na, ako na bahala kay inay rito, 'tay."
"Opo, tulungan ko po siya." Napalingon ako kaagad sa likod ko.
Jusko, bagong gising. Pero kahit sobrang gulo ng buhok ay napakagwapo pa rin.
Keisha ano ba, erase!
Tinignan ko si itay na lumapit kay Dane saka siya tinapik. "Sobrang salamat sa'yo at sa ama mo," wika nitong nakangiti.
"Oh sige, naantok na rin ako. Kain lang kayo diyan, busog pa naman ako. Mamaya na lang ako kakain 'pag gising ko. Kayo na bahala," dagdag pa nito at pumasok na sa kwarto.
Nilingon ko siya at bigla rin naman siyang nag-iwas tingin.
"M-mag bra ka nga."
Automatiko kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. Shet, nakasando pa naman ako. Tumakbo ako papuntang kwarto at naglagay ng bra.
Jusme.
Lumabas ako at nakitang wala si Dane. Nasaan kaya 'yon? Napatingin ako sa mga naglalaro. Hindi pa rin nauubusan ng tao si inay. Dito kasi sa probinsya, 'pag sa bahay ang lamay maraming taong dadalo. Maglalaro ng kahit anong klase ng baraha. May binggo, lucky 9 o tong-its. Kaya sobrang nagtataka ako kay Dane kung bakit hindi man lang siya nanibago tungkol dito eh anak mayaman naman siya, wala ito sa kanila eh.
"Ate ate." napayuko ako sa kumalabit ng pants ko.
Si boknoy pala. Ang bunsong anak ni Aling Melda.
"Oh, kay aga aga boknoy nandito ka?" Tanong ko at lumuhod para maabot siya.
"Kanina pa ako dito kasama si nanay. Ayon siya oh nag ma-majong." Saka turo niya kay aling Melda na naglalaro kasama ang ibang kapit-bahay namin.
"Pero pinasasabi po ni kuya na pumasok ka na raw po sa banyo ng bahay namin. Nandoon siya." Namilog mata ko sa sinabi niya. Tinakpan ko kaagad ito at baka may makarinig at mabigyan ng malisya.
"Ano kamo?" Tanong ko ulit. Juskong bata 'to. Halos atakihin ako sa puso.
"Hehehe jowa mo po ba 'yon ate?" At nag-chismis pa. Nako.
"Sabi niya po maligo ka na raw. Nag igib siya tubig ate. Saka dalian mo raw dahil baka may kumuha ng pinag-igiban niya. Di niya alam ate na mayroon rin kaming bomba sa likod." Saka tumawa ito at napakamot ng ulo. Napatawa na lang din ako. Bata nga talaga.
Lumapit muna ako kay aling Melda, kahit na siya nag offer na maligo sa kanila ay magpapa-alam pa rin ako. Para naman aware siya. Ganito kasi sa amin sa probinsya, naniniwala kami sa mga pamahiin, na bawal maligo sa sariling bahay 'pag may patay at dapat daw sa ibang bahay. Wala namang mawawala kaya sinusunod namin ito.
Pumasok na ako ng banyo at naligo. Patapos na nang biglang nagbukas ang pinto at lumuwa sa akin ang nakahubad na katawan ni Dane.
Dali-dali kong inabot ang tuwalyo at nagtampi.
"f**k! I'm sorry! I thought you are done! Shit."
Nakapikit nitong wika at kinakapkap ang doorknob.
"Gago ka Dane! Uso ang kumatok! May nakita ka ba?" Maiyak-iyak kong tanong.
Naabot na niyang doorknob na nakapikit at lumabas.
"Yeah, a little bit. I'm sorry Keisha, I really thought tapos kana at nasa bahay kana. I'm sorry. Sorry." Bakas sa boses nito na sincere naman.
Potaena! A little bit!?
"Bakit ba kasi agad-agad kang pumasok! Hindi ka ba marunong kumatok?" Sigaw ko pa rin.
Kasi naman 'e!
"Yeah, it's my fault, but it's your fault too. You should know how to lock the door," sisi niya rin sa akin.
"Wow, pero sana kumatok ka! Bakit ka ba kasi bukas ng bukas kaagad!"
Natahimik ito bigla. Narinig ko ang paglalim ng hinga nito at pagbuga.
"Kasi..."
Kasi ano?
"Kasi taeng-tae na ako, Keisha. Fck!" Bulaslas nito.
Hindi ko alam pero natawa ako, at tumawa na ako nang napakalakas.
Inayos ko na ang sarili ko at lumabas nang nakatuwalya. Hinarap ko siya na sobrang namumula. Tumatawa pa rin ako pero siya ay inis na inis pa rin.
Pinigilan ko na tawa ko dahil baka bumalik ito sa pagiging beast.
"Youcanpoopna," diretso kong saad at tumakbo papuntang kwarto.
'Pag 'yan ginalit mo Kiesha nakooo nakooo, baka hinding-hindi na 'yan babait!
Tsk. Wrong move. Tsk.
Natapos ang araw namin kaka-asikaso ng bisita. Umuwi na rin si Dane sa Manila pagkatapos maligo dahil may bigla siya aasikasohin doon sa companya.
Kinabukasan ay inilibing na si inay. Andaming taong dumalo buti na lang at hindi nagkulang ang aming pagkain. Hindi nakadalo ang daddy ni Dane dahil nga nasa ibang bansa pa ito.
Kailangan may gawin ako sa kaniya. Something na makakabawi sa kanila.
Nang nakauwi na ang mga bisita, dalawa na lang kami ni itay ang natira. Hindi ko alam kung bakit ang konti lang ang naiyak ko kanina, at laking pagtataka ko rin na ganoon din si itay. Oo, sobrang sakit, sa sobrang sakit naubos na ang luha namin kakaiyak gabi-gabi.
"Anak, pwede ka nang lumuwas ng Maynila. Sayang ang trabaho mo do'n baka mawala."
Tinignan ko si itay na nasa harap ko. Mugto ang kaniyang mata sa kakaiyak kanina. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Saka na ho 'tay, mas importante ay kayo. Hindi ko pa po kayang iwanan kayo."
Niyakap niya ako. "Kaya mahal na mahal ka namin eh, bukod sa maganda ka, sobrang maalaga mo pa."
Napatawa ako kay itay. "Sus, anak mo na nga ako niloloko mo pa."
"Hindi kita niloloko ah! Alam ni inay mo na hindi ako manloloko." Nawala ang ngiti niya sa mga labi at napatingin sa picture ni inay na nasa tabi namin. Kinuha niya ito at niyakap. "Sobrang miss ko na siya." Saka nagsimulang umiyak.
Ang sakit pala makita na umiiyak ang taong sobrang mahal mo, 'no? Sobrang sakit. Kung pwede lang kimkimin ko ang lahat ng sakit na dinadamdam ni itay ay gagawin ko. Pero anong magagawa ko? Kung ako ay sobra mang nasaktan, triple ito para kay itay.
"Tay tama na." Wika ko saka niyakap siya.
"Kung ganon lang kadali ihinto ang sakit nang nararamdaman ko anak, ay ginawa ko na." Hikbi nito. Mas lalo akong napahagulhol sa sinabi niya.
"Pero kailangan nating tanggapin."