"Inom ka muna."
Nilingon ko ang taong nag abot ng baso sa akin. Si Dane. Ewan ko, pero naa-appreciate ko siya.
Simula kahapon hanggang ngayon na nandito na ang lamay ni inay sa bahay ay hindi siya nawala sa tabi ko. Ni hindi nga ako nakarinig nang kahit ano mang reklamo mula sa kaniya. Katunayan, boss ko siya. Pero sa pag-trato niya sa akin para akong kaibigan niya.
"Bakit ang bait mo?" Tanong ko at kinuha ang baso ng tubig. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa kabaong ni Inay. Napatingin din ako. Sa maliit na sala ng bahay namin nilagay si Inay. Hindi naman kasi sobrang laki ang bahay namin, 'yong sakto lang. Sakto sa aming tatlo. Nanikip naman bigla ang dibdib ko, dalawa na lang pala kami ngayon.
Nagulat ako nang pinunasan ni Dane ang luha ko. "You are crying again." Wika nito sabay punas.
"Bakit nga ang bait mo?" Natatawa kong tanong.
"I can handle my attitude. Okay. Sa sitwasyon mong 'to, mas kailangan mo ng damay," nahihiya pa nitong sambit.
Napangiti ako sa kaniya. "Salamat."
Atleast, kahit papaano hindi madagdagan problema ko.
Tatahimik na sana ako nang bigla akong may naalala.
"Ahm, pwede ka na palang bumalik sa Maynila. Saka, bawasan mo na lang ang sweldo ko. Pasensya na muna ha? Kailangan ko lang talaga magtagal muna dito. Kailangan din naman ako ni itay," malungkot kong wika.
"Saka pwedeng pautang? Kailangan ko rin kasi ng p-pera para dito." Yumuko ako dahil sobrang nahihiya talaga ako.
"Hayaan mo, babayaran at babawi ak---" 'di na natuloy ang aking pagsasalita nang tinakpan niya ang bibig ko gamit ang daliri nito.
"Shh. Okay na. Sagot ko na lahat 'to. I called my dad about this and naawa siya. Dati palang tropa ng itay mo sa sa sabungan? I don't know what's that. Basta, they are great buddies back then. So he'll donate."
Naiiyak na naman ako. Hindi ko na napigilan at humagolhol ako. Grabe, sobrang nahihiya ako.
Nagulat ako nang niyakap ako ni Dane. This is the first time na niyakap niya ako, at ang masasabi ko lang ay sobrang gaan na ng loob ko.
His hug just took away all the burdens and pain inside of me.
And this is the best feeling.
"Maraming salamat sa inyo," nakangiting sabi ni itay sa mga bisita nang sila ay umalis.
Pumasok siya sa loob at umupo sa tabi ng kabaong ni inay. Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap.
"Sobrang ganda talaga ng mama mo, 'no?" Aniya.
Nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya mula sa likod.
"Naalala ko pa no'n sobrang dami ng manliligaw ni mama mo." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni itay.
"Wow, ganda ni inay haha."
"Sobra. Tapos may isang manliligaw si inay mo na sobrang gwapo at mayaman. Pero alam mo? Ako pa rin ang pinili niya. Gwapo ng itay mo, 'no? Ako lang 'to." Napatawa naman ako kay itay.
"Syempre naman, sus! Sobrang gwapo talaga ng itay koooooo!" Gigil kong sabi at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
"Naalala ko pa nang tinanong ko sa kaniya kung bakit ako pinili niya, sagot niya 'Wala naman sa itsura ang pagmamahal. Mahal kita hindi lang sa dahil napapasaya mo ako. Mahal kita dahil ito ang narararamdaman ko. Ang mukha ay mababanas lang 'yan, pero ang puro at totoong pagmamahal, makikita 'yan hanggang sa kamatayan. Kaya sa 'yo ako, dahil alam kong sa akin ka rin.' Kinilig ako anak."
Napangiti naman ako. Kahit ano talaga ang ichura mo, may taong tatanggap at tatanggap sayo at mamahalin ka ng buong-buo. Oo, wala ka man kayamanan tulad ng iba, hindi ka man gwapo o maganda, wala kaman kotse o pera, 'pag may mabuti kang kalooban-- may magmamahal talaga sa'yo ng totoo.
"Kaya ikaw anak, huwag na huwag kang masisilaw sa kahit ano mang halaga. Tularan mo ang inay mo, dapat matuto kang tumingin sa loob at hindi panlabas," wika nito at humarap sa akin.
Napabitaw naman ako sa pagyakap at hinawakan ang kamay ni itay.
"Yes po 'tay. Sobrang hinding-hindi ko makalimutang ang mga mabubuting payo niyo."
Humarap kami kay inay na nakangiti.
Kahit wala ka man ngayon, habang buhay ko pa rin dadalhin ang mga mabubuting pangaral niyo inay.
Nagpaalam si itay na pumunta muna sa kusina para mapagserbehan ng kape ang mga tao sa labas. Alas dose na ng gabi at nandito pa rin ang mga kapitbahay namin. Si inay kasi ay pala-kaibigan. Di hamak na mas magmukha na siyang mangangampanya dahil sa kadaldalan nito. Kaya heto, marami-rami rin ang bumibisita sa kaniya.
Umupo na ako pero patuloy ko pa rin minamasdam ang kabaong ni inay nang may biglang tumabi sa akin. Si Dane.
"Matulog kana. Kahapon ka pa walang tulog," bungad nito.
Nginitian ko lang siya. Sa totoo lang, wala naman akong may ginawa kung bakit sobrang bait nito sa akin ngayon. Pero thankful pa rin ako dahil sinasamahan niya ako.
"Dane.. thank you," ani ko.
"For?" Nakakunot nitong tanong.
Napatawa naman ako sa kaniya. Nakasuot siya ng simpleng puting tshirt at kita sa mga mata nito na naantok na siya. Pero ang mas lalo kong napansin ay ang kabuuan ng mukha niya.
Ang gwapo niya pala talaga.
Lalo na sa malapitan.
Mas gumwapo siya kasi mabait siya ngayon.
"Sa lahat. Sa tulong. Hindi ko alam kung bakit ang bait mo, alam ko namang may pagka bad boy ka pero heto, nanatili kang mabait sa akin at sa pamilya ko."
Napatawa siya nang mahina. Hindi ko alam pero biglang kumabog din ang aking dibdib. Tinignan niya ako. Sobrang nagugulohan ako ngayon dahil parang hindi normal ang nararamdaman ko.
Parang.. gusto ko siyang halikan.
Hoy Keisha! Gumising ka!
Umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin. Ang awkward.
"Don't mind me. I saw the younger version of me in you. Mama's boy ako. At hindi ko kinakahiya 'yon. In fact, I am more clingy than you. I really miss my mom,but she's not hete. Nasa State, at may inaasikaso lang. At sa nakikita ko sayo ay parang hindi ko rin kayang mawalan ng ina. That would be so painful. So yeah, I am really trying to put my feet on your shoes," mahabang paliwanag nito.
Napayuko naman siya at nagsalita ulit.
"And, you're too good. You deserve to be treated this way."
Umangat ang tingin nito at napatingin sa akin.
"Keisha.."
"I appreciate you, thank you." Wika nito.
Hindi ko alam pero parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya. Limang salita lang pero hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin.
Dane, bakit?