Chapter 3

3003 Words
ARAW NG KASAL, aligaga si Jane sa isang bridal suite. The nervousness she felt was beyond compare. Isang beach wedding ang gaganapin sa isang resort na pag-aari ni Efrain Laurenco. Ang lalaking pakakasalan niya. Marami ng mga bisita sa venue. Ang iba ay mga pawang mga negosyante, pamilya, malalapit na kaibigan at kakilala ng groom. Expected na niya na magiging isang engrandeng kasal ang magaganap, ngunit hindi niya pa rin maiwasang lihim na mamangha. Everything was flawlessly organized—from the wedding invitations, the venues down to the wedding decorations, which looks so classy and expensive. At anumang oras ay magsisimula na ang seremonya ng kasal. She let out a sigh of despair. Umalis sa barandilya at lumakad tungo sa malaking salamin ng aparador. Then she looked at her reflection. She was wearing a pure white sleeveless wedding gown with beaded embroidery. It was fit-and-flare that accentuates her slender body. Sa gilid nito ay may slit na lampas tuhod. Also, her makeup is simple and timeless. While, her hair was bound and braided. Subalit kaakibat sa eleganteng bihis na iyon ay hindi kakikitaan ng kaligayahan ang magandang mukha ng dalaga. "Kailangan mo rin gamitin iyang isip mo, Abel. Hindi iyong laging umaasa tayo sa grasya. Paano natin mababayaran ang bill sa ospital at sa mga utang pa natin, aber? Isipin mo na tanging anak mong si Jane lang ang makapagbibigay sa atin ng kaginhawaan!" Naalala at narinig niyang masakit na salita ng madrasta na si Doris pagkauwi niya galing sa trabaho. They never approached her to talk properly, kung payag ba siya sa gustong mangyari o hindi? They just made the decision for their own selfish gain. Gayunpaman, magmula nang mag-usap sila ng lalaking si Efrain noong nakaraang dalawang buwan, hindi niya maitatanggi na gumaan ang pamumuhay nila. Efrain proved himself to her. Binigyan nito ng ikakabuhay ang tiyahin at pinangakuan na bibigyan ng lupa sa malawak nitong lupain. At dahil ayaw ni Doris mauwi sa wala ang lahat, dumaan ang ginang sa proseso ng pag-uudyok kay Abel na pilitin ang anak na tanggapin ang hinihinging kapalit ng lalaking si Efrain. And her father didn't give her a chance to refuse. He sacrificed his daughter to pay their debt. At iyon ang ikinasasama ng damdamin ni Jane. Only then she realized that she was worthless to her family. Katok sa pinto ang umagaw sa atensyon ni Jane. Pabukas ng pintuan ay pumasok doon ang lalaking si Efrain. Pinasadahan ang kabuuan niya mula sa salamin. Bakas sa mukha ang lihim na pagnanasa at pananabik. "You're so beautiful," he said expressively. She sneered to get rid of the awkwardness she felt. Bago hinarap ang lalaki. Efrain walked towards her. Hinawakan ang palad niya. "Hindi ko akalain na sa loob ng maraming taon ay mararanasan ko ang ganitong saya sa puso ko, Jane." Marahang dumampi ang labi nito sa likod ng palad niya. She smiled shyly. Ramdam niya ang sinseridad sa mga salita nito pero hindi siya komportable sa kilos at tingin ng lalaki. “Salamat sa mabubuting salita, bagama't nakakahiya na pinupuri ako ng ganito," nahihiya niyang pag-amin bago binawi ang kamay. He restraint. Balewalang hindi pinansin ang ginawa ng babae. "Hindi mo kailangang mahiya. Nagpapakatotoo lamang ako sa nararamdaman ko para sa'yo,” mabait na wika nito. Sa bahaging iyon ay nakonsensya siya sa ginawa niyang pag-iwas sa lalaki. "Anyway, I bought a wedding gift for you," pag-iiba ng paksa ni Efrain. Umalis ito sa harapan niya at tumungo sa dresser. Kinuha roon ang isang itim na kahon. "It must be a surprise gift, pero hindi na ako makapaghintay na ibigay sa 'yo ito.” he stated habang binubuksan sa harapan niya ang kahon. Jane gasped in surprised, nang masilayan niya ang isang mamahaling sterling silver necklace. The jewelry shines beautifully. Ang pendant ay napapalibutan ng maliliit na diamante. Hindi niya inakalang makakatanggap siya ng ganoon kagandang regalo. Sandali siyang nasilaw sa magandang alahas bagaman nang matanto na nadadala siya sa ganoon ay inalis niya iyon sa isip. "It's so beautiful, but . . ." "Don't say anything. It makes me happy to give you all these things, Jane. So please, huwag mong tanggihan ang nararapat para sa 'yo.” Pigil nito sa maaari niya pang sabihin. Alam ni Efrain na tatanggihan niya ang anumang materyal na bagay na ibibigay nito sa kanya. Efrain took the jewelry from the box. "May I?" asking her permission to wear the jewelry on her. Wala siyang tanging naapuhap na salita. Kaya't ang lalaki na ang pumunta sa likuran niya upang isuot sa leeg niya ang kuwintas. At ganoon na lang ang pinipigilang pagkislot ni Jane nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong labi sa kanyang balikat. She closed her eyes. Natuod sa ginawa ng lalaki. Wala siyang magawa kundi tanggapin ito. Marahang iniharap siya ni Efrain. Pinagsawa ang pagtitig sa kanya habang suot ang bigay nitong alahas. "I can’t wait any longer, Jane," Makahulugang wika ng lalaki. Tumaas ang kamay upang iangat ang baba niya, para hagkan siya sa labi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Eula, ang maid of honor. Jane was immensely grateful to her friend, as she had saved her at just the right moment. Eula was taken aback by what she saw. " Oh, I should’ve knocked. How embarrassing.” wika nito na tila nakakita ng hindi magandang tanawin. Muling isasara nito ang pinto nang pigilan niya ang kaibigan sa pag-alis. "S-sandali! Eula, kanina pa kita hinihintay dito. Napakatagal mo," sabi ni Jane, binigyan ng tingin na sakyan ang paandar niya. "Ah, oo. Pasensiya na, freny. Traffic sa restroom eh. Buti naman at hindi ako late." wika nito, bago pormal na kumaway kay Efrain. "Hello," Tumango si Efrain bilang tugon. "Mukhang kailangan ko na munang iwan kayong magkaibigan para makapag-usap kayo. Nais ko pa sanang ipakilala kita sa aking inaanak, Jane. But maybe later, when things aren’t as busy.” She nodded and smiled. "S-sure." Nang makaalis ang lalaking si Efrain ay sinigurado nai-locked ni Jane ng maigi ang pinto. Nang harapin ang kaibigan ay nakahanda na siya para sa malakas na pambubuska nito, subalit hindi nito in-open up ang bagay na nadatnan sa pagitan nila ni Efrain. "Napakaganda mo, Jane." puri ni Eula sa kanya nang pasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Pagkatapos ay namamanghang hinawakan ang kuwintas sa kanyang leeg. "Wow, you're wearing a fortune around your neck! At bagay na bagay sa 'yo tingnan bilang ikakasal sa mayaman na lalaking si Efrain Laurenco!" Malungkot siyang ngumiti, at napansin iyon ni Eula. "What's wrong?" She asked. Nanlulumong naupo si Jane sa gilid ng kama. Sumunod si Eula at umupo sa tapat niya, pinakatitigan siya ng mabuti. "Hindi ka pa rin ba sigurado kay Efrain?" "Hindi naman sa ganun." sagot niya. "But something is bothering you. Sabihin mo sa akin." Napailing siya sa kawalan. "Hay, Eula. I feel distressed! Maraming mga worries ang pumapasok sa isip ko ngayon." nahihirapang pagtatapat niya sa kaibigan. Sinunod niya ang payo ni Eula na kilalanin si Efrain. Pero kahit anong gawin niya, wala talaga siyang naramdaman sa lalaki, bukod sa pagiging generous, gentleman, at mahaba ang pasensiya nito sa kanya. "Hey, relax. Wala akong magagawa maliban sa palakasin ang loob mo ngayon, Jane. Baka kinakabahan ka lang at hindi mo alam ang gagawin mamayang gabi kasama ang asawa mo? Mukhang uunahin niyo na ang honeymoon kanina bago ang kasal nang dumating ako," mapanuksong wika ng kaibigan. She rolled her eyes. "Hindi ka nakakatulong, Eula." "Pasensiya na. I'm just trying to cheer you up. Pero, ano ba ang pumapasok na mga katanungan riyan sa isipan mo?" seryosong tanong na ng kaibigan. Nanlulumong bumuntonghininga siya. "Hay, Eula. Paano kung hindi ko makuhang mahalin si Efrain gaya ng ibinibigay niyang pagmamahal sa akin? What if I disappoint him?" sunod-sunod niyang tanong sa kaibigan. "Kapag tinitigan naman niya ako ng matagal, naiilang ako at hindi makapagsalita. Hindi ko matagalan ang mga titig niya and with that, I feel so small and dishonest to him." Eula held her hand. "You were honest to him. Tinanggap niya ang sitwasyong maghihintay siya. Hangga't walang pumipilit sa 'yo. Puwera na lang sa pamilya mo.” "And I think if you keep thinking about Efrain, you’ll eventually learn to love him. Inamin mo rin sa akin na hindi siya mahirap mahalin." "Pero hindi ko maiwasang isipin na maging miserable sa piling ni Efrain. Heto ba talaga ang nakatadhana para sa 'kin?" Simpatya ang umusbong sa kamay ni Eula habang ito ay bumababa sa kanyang pisngi. "Don't overthink, my dear. Relaxed. Everything will be easier. Nakikita kong totoo ang pagmamahal ni Efrain sa iyo sa paraang tinitingnan ka niya. And his family likes you too." Bigay lubag nito sa nararamdaman niya. She smiled warmly, considering her friend's words. "Maybe you're right. Paano ko siya hindi mamahalin kung handa siyang ibigay ang lahat para sa pamilya ko?" Ito naman talaga ang dahilan kung bakit siya ikakasal sa lalaki, para mabayaran ang utang at umalwan ang buhay nila. "Your family is lucky to have you, Jane. Bilib ako sa 'yo. Kayang-kaya mong indahin ang lahat para sa kanila." "Mahal ko ang pamilya ko, Eula. Pero mahal din ba nila ako?" tanong niya sa kaibigan. Eula hugged her and gently patted her back. Even her ay nahihirapan din sa nakikitang sitwasyon ng kaibigan. Don't think that you don’t have anyone on your side, Jane. I’m here for you. Tiwala din naman ako na makakabuti ka sa mga kamay ni Efrain." "Sana nga, Eula. Sana. . ." she said, suppressing her tears. It was time to accept that this might be her fate. Matapos ang ilang sandali, humiwalay siya sa kaibigan. Pareho nilang pinunasan ang luha sa kanilang mga mata. "Maybe all these events are making me feel suffocated." "Tama ka," nakangiting sang-ayon ni Eula. Ngumiti siya. Biglang natigilan nang may naalala. "Wait, could you give me two minutes? I forgot something." "Anong nakalimutan mo?" takang tanong nito. Tumayo siya sa kama upang kunin ang isang maliit na kahon. Ipinakita niya iyon sa kaibigan. "This, I forgot to give my wedding gift to Efrain." Aniya. Natawa si Eula. "Ibibigay ko lang ito sa kanya. Could you wait for me here?" "Of course, beautiful bride. Pero bumalik ka rin kaagad. A groom comes and gets his bride from her room. You should not go to him." wika nito. Natawa siya. Pagkatapos ay lumabas ng silid. Balak puntahan ang lalaki sa silid nito. Kahit man lang sa abot kaya niyang regalo na barya lamang para dito ay nais niyang ibalik ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Kaya nang makakita siya ng isang rolex shop sa mall kamakailan lamang, hindi na siya nagdalawang-isip na pumasok at bumili ng regalo para sa lalaki. Sa ikatlong silid ng ikalawang palapag sa hotel ay huminto siya sa harap ng isang pinto. Kumatok ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. "Efrain?" she called out softly, stepping inside. Hinanap niya ang groom sa silid hanggang sa napadpad ang dalaga sa loob ng opisina. Ngunit wala roon ang lalaki. Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na mga panauhin sa loob. "Mga boss, sandali lang! Magpapaliwanag ako." Narinig niyang salita ng isang taong nasasaktan. Sa sindak ni Jane ay nagtago siya sa likod ng bookshelf. Mula sa labas ay kinaladkad ng mga tauhan ni Efrain ang isang duguang lalaki papasok sa loob ng silid. "Pumasok ka nga rito, lintik ka!" Kasunod niyon ang pagpasok ni Efrain, kasama ang personal assistant nitong si Sora. "Wow, the guest of honor of my wedding is here." Efrain remarked in a voice Jane barely recognized—a tone laced with cold authority. Sumilip si Jane sa siwang ng bookshelf. Hindi siya nagkamaling kay Efrain ang boses na iyon. Her eyes widened in disbelief habang kaharap ang duguang lalaki. His calm demeanor was chilling, and his words cut through the air with terrifying clarity. "Mr. Efrain, with your permission . . ." "You don't have my permission. No more permission!" maawtoridad na putol nito na noon lang narinig ni Jane sa lalaki. Napatigil ang bihag sa winika ng amo. Bumakas ang takot sa mukha nito. "Let's refresh our friendship today, Mr. Salcedo. You take time off my restaurant to get treatment in your province. Six months ago, the hospital expenses increased. I paid them all. Then you disappeared. Ang inakala namin, namatay ka na. If we hadn't looked into it, we'd have been really worried about you. But we found out that the manager didn't die. Iyon pala, he's about to open a restaurant in Cebu, with my money." Efrain retorted. Lumuhod ang lalaki sa harap ni Efrain "Mr. Efrain, please, let’s talk about this—" "Mr. Efrain is not here,” Efrain snapped. "Mr. Efrain is on holiday, saad mo last six months ago, right? Sinabi mo pang, masama ang pakiramdam ko. At malala na ang sakit ko. Gusto sana kitang bilang isang mabuting manager Mr. Salcedo pero iyang bibig mo ay tila isang bomba na maraming kemikal!" "Mr. Efrain, handa akong bayaran lahat ng utang ko, huwag lang ako masira sa 'yo. Bigyan mo lang akong kumita sa restaurant. Siguradong babayaran kita." Pagmamakaawa ng lalaki. "But I didn't give you a loan." Efrain replied coolly. "I paid because it was my duty of loyalty for a dying man who had work for me for years. Natulungan ko na gumaling ka sa sakit mo. You owe me your life, And I’ll take back what I’m owed." Hayag nito kasabay ng pagsuntok sa lalaki na bumagsak sa sahig. Napasinghap si Jane. Tinakpan niya ang bibig para pagilan na makagawa ng ingay. "Dalhin niyo siya sa vineyard. Kill him off there." malamig na utos nito sa mga tauhan. "Mr. Efrain, sandali! May pamilya akong binubuhay. Nagmamakaawa ako, please! Bigyan mo pa ko ng isang pagkakataon!" Umiiyak na pakiusap ng duguang lalaki. Subalit binusalan ng mga armadong lalaki ang bibig nito ng tela upang hindi makagawa ng anumang ingay, bago kinaladkad palabas ng silid. "Delphina, could you get me a clean long sleeve shirt?" malamig na utos ni Efrain nang nabahiran ng dugo ang manggas na panloob ng tuxedo. Tumango ang personal assistant bago umalis. Si Efrain naman ay sa secret door dumaan. Nang si Jane na lang ang natitira, saka niya lang pinakawalan ang kanina pa niyang pinipigilang hininga. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya. Ang mabait, matulungin at pasensiyosong si Efrain na kilala niya at ng karamihan ay hindi niya nakita sa katauhan ng lalaki kanina. Biglang nagbago ang tingin niya rito. Lahat ng kabutihang ginagawa niya sa isang tao ay mayroong kapalit. Ngayon, natatakot siya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Bago pa man siya datnan doon ng kung sino ay agad na lumabas ng silid si Jane at dagling bumalik sa bridal suit. Her legs trembled uncontrollably as she entered. "What's wrong?" nag-alalang tanong ni Eula sa kanya. "I need to leave, Eula,” nanghihinang wika niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ibinalik niya sa tokador ang regalo at kwintas na nanginginig ang mga kamay. Pagkatapos ay madaling hinubad ang tatlong pulgadang takong at pinalitan ng rubber shoes. "Oh my god! What's going on, Jane?" natilihang sambit ni Eula sa ginawa niya. Hinarap niya ang babae. The dread was still on her face. "Efrain gave the order to kill someone without a wince, Eula." Pagtatapat niya. Sa pagkataranta ay sinuot niya ang cardigan. At ang bagpack na dala. "Wait, what? Jane, maghunos dili ka muna. Killing someone? Are you kidding me?" Eula retorted in disbelief. Muli niyang hinarap ang babae "Totoo ang sinasabi ko, Eula. Nakita mismo ng dalawa kong mga mata. Ang taong pakakasalan ko ay isang cold-blooded killer!" isa-isa niyang sinabi at isinalaysay ang mga pangyayari sa kaibigan. Eula's palms covered her mouth in shock. "Oh my god! I thought he was a good man. But this . . . this changes everything." "Talaga! Kaya Eula, makinig ka. Tulungan mo akong makaalis dito." "Of course, but there are so many people outside. Hindi kita ganoon kadaling itakas dito. At ilang minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya ng kasal.” natatarantang wika nito sa kanya. “Pero hindi ko hahayaan na makasal sa Efrain na ‘yon.” "Kung aalis ako ngayon. Paano ang pamilya ko?" nag-aalalang tanong niya. Siguradong malalagay ang buhay ng pamilya niya sa kamay ni Efrain. "Don’t worry about them. Right now, we need to get you out of here. You have less than three minutes to escape. I’ll handle everything else.” Tumango siya. Pagkatapos ay naunang lumabas si Eula. Tiningnan kung may ibang tao sa labas. Nang wala ay inanyayahan siya nitong lumabas at sumunod dito. Ngunit kaagad din natigilan nang makita si Efrain at Abel patungo sa direksyon nila. "Oh god! This is trouble." Eula whispered. "Ano'ng problema?" tanong ni Jane banda sa likuran ng babae. "Si Efrain at ang tatay mo ay papunta na sa silid mo." Sindak na umiling siya. "No, Eula. Gumawa tayo ng paraan." "Okay, okay!" natatarantang wika nito. Pinilit pakalmahin ng ilang sandali ang sarili bago humarap sa kanya. "Dumaan ka sa kabilang hallway at hanapin ang labasan. Ako naman, sasalubungin ko ang Uncle Abel at si Efrain. Gagawin ko ang lahat para pigilan sila. Then paglabas mo, get a taxi. This is my work phone number. Call me when you’re safe." Inabot nito sa kanya ang isang card number. Tears welled up in Jane’s eyes. "What about you?" she asked, not wanting to leave her friend behind. "Huwag mo akong alalahanin. Ang importante ay makaalis ka rito. Come on, sweetheart. Wala na tayong oras. Run for your life," Eula urged. Tumango siya. "Mag-iingat ka, Eula" "Ikaw din, hangad ko ang kalayaan at kasiyahan mo, Jane." "Salamat." Nais niya sanang yakapin pa ang kaibigan subalit wala ng natitirang oras. Sinunod niya ang sinabi nito. Dumaan siya sa kabilang hallway. Samantala, inayos ni Eula ang sarili at sinalubong ng malawak na ngiti ang dalawang lalaking paakyat ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD