Chapter 4

1705 Words
PAGLABAS sa backyard ng beach resort ay dire-diretso ang lakad at takbo ng dalagang si Jane nang bigla siyang napahinto dahil sa mga yabag na naririnig niya tungo sa direksyon niya. Hingal na napaatras ang dalaga sa gawing kaliwa at mabilis na nagtago sa likod ng malaking poste. Pagsilip niya’y nakita niya ang tatlong babaeng bisita na dumaan sa pasilyo at pumasok sa isang restroom. Nang malamang hindi iyon ang mga tauhan ni Efrain ay nakahinga siya ng maluwag. Bago niya ipinagpatuloy ang hangad na tumakas. She walked as calmly as possible, blending in with the other guests, trying her best not to draw attention as she headed for the gate. Nang mapagtagumpayan makalabas ay agad hinanap ng kanyang mga mata ang taxi. Hinayon niya ang kahabaan ng kalsada, ngunit ni isa'y wala siyang naapuhap na masasakyan “May sasakyan po ba kayo, Ma’am?” tanong ng guard, seryosong nakatingin sa kanya. “Ah, w-wala,” nauutal niyang sagot, saka mabilis na umiwas ng tingin, kinakabahan na baka makilala siya na hindi kabilang sa mga guess na dumating. “Kung gano’n, maghintay na lang po kayo diyan sa may labas. Madalang kasi ang taxi sa oras na ‘to,” sabi ng guard, at pakiramdam niya'y lalo siyang nabaon sa kaba at pangamba. Tiningnan niya ang wrist-watch. Halos kinse minuto din siyang nakipag-patintero and she's running out of time! She didn't know either kung hanggang kailan kaya ni Eula na pagtakpan ang pagtakas niya. Paglingon ng dalaga sa pinanggalingan ay natanaw niya ang isa sa mga tauhan ni Efrain na papalapit sa direksyon niya kaswal na humihithit ng sigarilyo. Agad bumilis ang t***k ng puso niya. Oh, god, no! she hissed inwardly, her mind racing. What should she do? Maya-maya, huminto ang isang itim na kotse sa harap niya. Tinted ang mga bintana, kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. But she didn’t care anymore! Bago pa siya maabutan ng mga tauhan ni Efrain sa aktong pagtakas, hindi na nagdalawang-isip ang dalaga at dali-dali siyang sumakay sa sasakyan. Mula sa driver's seat, hindi maiwasan ni Marcelo na mabigla sa babaeng nangahas na pumasok sa kanyang sasakyan. “Miss, I think you’ve entered the wrong car," sabi niya, nakakunot ang noo sa pagkalito. “Mister, magmaneho ka na!” apurang utos ng babae sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Marcelo sa estranghera. "Hindi kita maintindihan. Kararating ko lang at balak kong mag-parking," sagot niya, naguguluhan sa sitwasyon. Napahinto si Jane sa sandaling iyon. Narealize niyang isa siya sa mga bisita ng kasal ang nasakyan niya. Naku paano ito? Isip niya, kinakabahan. Kung lalabas siya ng sasakyan, tiyak na makikita siya ng tauhan ni Efrain. She shook her head, kinastigo ang sarili sa naging desisyon. "No, kailangan kong umalis ngayon. Wala akong oras maghintay ng taxi. Please, ilayo mo na lang ako dito!” pagmamakaawa niya, halata ang desperasyon sa kanyang boses at mukha. Sandaling pinakatitigan ni Marcelo ang babae. Ramdam niya ang panginginig nito. Bakas ang takot at panic sa maganda nitong mukha. Ang galaw nito ay hindi mapakali sa kinauupuan sa passenger seat. "Help me, please…" bulong ng babae, habang nakatitig ang mga mata nito sa kanya, na para bang humihingi ng tulong. Ang mata nitong puno ng takot ay nag-udyok kay Marcelo na magdesisyon. Nakaramdam ng paghimok para protektahan ang babae. Sa ganoong kadahilanan ay walang pag-aalinlangan na binuksan ni Marcelo ang ignition at kaagad na minaneho ang sasakyan. Nang malayo-layo na ang natahak nila ay saka lamang inalis ni Jane ang tingin sa likuran ng kotse. She leaned on the headrest and let out a sigh of relief. Parang nabunutan siya ng tinik sa bigat ng kanyang dibdib. Sa wakas, nakaramdam siya ng kaunting kapanatagan, ngunit alam niyang hindi pa tapos ang mga nangyayaring ito sa kanya. Ngayon, ang kailangan na lang niyang gawin ay gantihan ang lalaki sa pagtulong nito sa kanya. Pinagsikapan niyang hanapin ang wallet sa loob ng kanyang bag. Subalit, kahit na nakailang bukas na siya ng mga pakete at bulsa sa loob nito, wala siyang nakita. Unti-unting bumalik ang panic habang nag-iisip siya. Nasaan na ang wallet ko? Nagsimula ang kanyang isip na mag-alala sa mga posibleng senaryo—baka naiwan niya ito habang nag-iimpake ng mga gamit para sa kanyang pagtakas. Ang takot ay umuusad sa kanyang dibdib, nagdudulot ng pangamba na maaaring magdulot ito ng masamang sitwasyon, hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa lalaking nagbigay sa kanya ng tulong. "Miss, where should I drop you off? Pwede kitang ihatid sa malapit na sakayan ng taxi." Alok ni Marcelo na sinulyapan ang babae. Napansin ang pagiging abala nito sa paghahanap sa bag. Laking tuwa ang ngiti ni Jane nang matagpuan ang hinahanap na wallet at agad iyon binuksan. Ngunit habang sinusuri ang laman, tumambad sa kanya ang nakapanghihina—wala siyang natagpuang kahit isang pirasong pera o kahit ATM card. Agad na nagdilim ang kanyang mundo. "Is there a problem?" muling tanong ng lalaki. "Uh, I don’t have any money, Mister. Not even an ATM card," she confessed, her voice strained with embarrassment. "I can’t pay you for the help you’ve given me." "There's no need. Saan ka ba pupunta?" tanong ni Marcelo, sinulyapan ang babae habang naguguluhan pa rin. "My friend gave me her telephone number," she replied, at nang maalala iyon ay nagmamadali siyang hinanap ang cellphone sa kanyang bag. "Well, hindi mo pala alam kung saan ka pupunta niyan ngayon. Kung gayon, saan na lang kita maaaring dalhin?" ani Marcelo, ang tono niya ay nagiging mas seryoso, nag-aalala para sa kalagayan ng babae. Napatigil sa pangangalkal sa bag si Jane. Tila sasabog ang utak niya. Hindi niya alam ang mga lugar sa manila. "I don’t know anywhere in Manila, Mister. I just need to get away from here. I can't go back." she said. Marcelo frowned, puzzled by her predicament. How could someone like her not know her way around Manila? Alam niya na karamihan sa mga bisita ay mula sa mga karatig na lugar. Subalit dahil sa dami ng kakilala ng Ninong niya, hindi niya rin mawari. "Are you one of the guests?" natanong na lamang ng lalaki. Tumango si Jane, ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay may halong pagsisinungaling. “I see. I’d like to help you, but I have something important to attend to. If you want, I can give you some cash,” he offered. "At saan naman ako maaaring pumunta?" "That’s up to you. Importante ang dadaluhan ko. Hindi kita matutulungan. I’m supposed to be back at the wedding as the best man,” Natigil si Jane sa huling sinabi ng lalaki. "B-best man?" ulit niya. "Yeah, the groom is my late father's best friend." Oh no! She was in deeper trouble than she thought. Ang lalaking ito ay may kaugnayan sa mismong lalaking tinatakasan niya sa kasal. She had to get away from him—fast. Hindi malabong gaya din ito ni Efrain. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang telepono ni Marcelo. "Hello, Delphina." he answered. Dahilan para tumaas ang tension na nararamdaman ni Jane sa dibdib. Batid niyang iyon ang personal assistant ni Efrain. "Mr. Efrain is asking where you are, Mr. Bracho?" Bago pa makapagsalita si Marcelo ay hinawakan siya ng babae sa kamay. Tila may ipinapahiwatig ang mga mata nito na hindi maintindihan ng lalaki. "I'm sorry, Delphina. There was a slight hitch, but I’m on my way. Why?" pagdadahilan ni Marcelo. "Alright, I was about to ask you for help to find the bride." Anito. Napakunot ang noo ni Marcelo sa pagkalito. Si Jane ay nasapo ang noo. Nangangamba sa anumang mangyayari. Ayon na nga ba ang sinasabi niya. Her struggles to escape turns out to be in vain. Tahimik na nagdasal ang dalaga na huwag siyang ilaglag ng lalaki sa kausap. Nang tumingin sa kanya si Marcelo ay iniiwas niya ang tingin rito at ibinaling sa labas ng sasakyan. "Why do you need help, Delphina?" tanong ni Marcelo na lalong lumalim ang kuryusidad. "Bigla na lang nawala na parang bula ang bride sa silid niya. At hindi pa namin ito pinapaalam kay Mr. Efrain." Sa sinabi ng babae ay kaagad na napindot ni Marcelo ang break ng sasakyan. Ilang sandali natigilan ang lalaki bago binalingan ng tingin ang babae sa passenger seat. May pagsusupetsang pinasadahan nito ng tingin ang dalaga. Nakasuot ito ng kupas na jacket na kinapapalooban ng isang putting gown. While Jane could feel the man's eyes staring at her. And she doesn't know what to do. Pilit na lamang niyang iniwas ang mukha sa lalaki. The awkwardness between them was gone when Delphina spoke on the other line. "Nakatitiyak ako na isa itong malaking eskandalo, Mr. Bracho. I called you because Mr. Efrain may need your support to find his bride." Pagkatapos ay ibinaba ang linya. Sa mga sinabi ni Delphina ay nalinawan ng buo si Marcelo sa mga nangyari. Ang babaeng kasama niya ay ang nawawalang bride ng kaibigan ng ama niya. Hindi batid na ang taos pusong tinulungang babae ay ang hinahanap ng mga tauhan ni Efrain Laurenco. Nang muling balingan ni Marcelo ang babae sa passenger seat ay nagtagpo ang mga mata nila ng dalaga. Nagmamakaawa ang mga tingin nito. At hindi alam ng binata ang sa tinging mas magandang gawin. Siya ang naiipit ngayon. Marcelo motioned his hand to the woman to explain. Pero tila pipi itong nanahimik lang sa gilid. Marahas na nagpakawala ng hininga si Marcelo sa driver's seat. "This is absurd! I just helped you but I ended up k********g you." Wika nito sa kanya sa 'di makapaniwala. "Why? Why did I end up in the middle of this nonsense?" he exclaimed angrily. She shrugged her shoulders. "Pasensiya na, pero ang sasakyan mo lang ang nagiisa kong nakita." Manghang tiningnan siya ng lalaki sa passenger seat. "Wonderful!" sarkastikong bulalas nito. Bakas ang tinitimping galit para sa sarili. May konsensiyang naramdaman ang dalagang si Jane sa puso. Hindi niya intensiyong idamay ang lalaki. Sadyang wala na siyang pagkakataon na maghintay pa ng taxi. Nang bumaling ang lalaki sa kanya na mayroong kaakibat na problema sa mukha ay kaagad niyang ibinaba ang tingin. Hindi niya matagalan ang mga tingin nitong mayroong aburido sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD