HALOS mabali ang leeg ni Jane kakalilingon sa likod ng kotse. Her eyes scanning the empty road behind them. She couldn’t let her guard down—not with this man she barely knew driving her away from her own wedding. Hindi siya mapakali, patuloy na nag-aabang ng sasakyang sumusunod. Ngunit nang makumpirma niyang wala, saka lang siya mahinahong bumalik sa pagkakaupo, bagay na ikinataka ni Marcelo.
Nasa pag-iisip pa si Jane nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay ang ama niya ang tumatawag. Her heart skip a bit. Nababatid niyang alam na ng mga ito ang pagtakas niya, ngunit wala siyang balak sagutin ang tawag.
“You're too young to make this mistake. Come back and talk to him,” maya-mayang sabi ni Marcelo habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. His referring to Efrain, the man she had left at the altar. When she didn’t respond, he clicked his tongue in frustration, shaking his head. “This is ridiculous! You can’t just run out on a wedding that’s minutes away. What exactly are you looking for? A thrill? An adrenaline rush? It makes no sense.” bulalas ng lalaki dahil hindi nito naiintindihan.
Jane's eyes narrowed, her irritation spiking. “And do you really think advice from a stranger is supposed to make sense?” she shot back, her tone sharp.
Marcelo’s grip on the wheel tightened. “A stranger?” he echoed with a harsh laugh. "You might think I’m just a stranger, but you dragged my Ninong into this mess. You had better have thought about that before humiliating him in front of everyone!"
Naiinis na inalis niya ang tingin dito at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Pilit na pakalmahin ang sarili. She had no time, no energy, to argue with a man who had no clue kung bakit siya tumakas sa araw ng kasal niya. He wasn’t the one standing at the altar, staring into a future that felt like a prison.
Hindi kalayuan sa unahan nila’y nakita ni Jane sa ibabaw ng karatula ang sakayan ng taxi.
“Stop the car,” she ordered, her voice clipped.
Marcelo slowed down, pulling to the side of the road, eyeing her with suspicion. “What now? Are you going back?”
Hindi sumagot si Jane. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt at bumaba sa kotse, nagmamadaling nilakad ang direksyon papunta sa taxi station. That was her chance to get away from him.
Naramdaman niya ang pag-aapoy ng tingin ni Marcelo sa kanyang likuran, ngunit hindi niya ito pinansin, habang inaayos niya ang laylayan ng mahabang wedding gown na dumadampi sa lupa, pagkatapos ay nilakad na lang ang di-kalayuang taxi station.
Subalit, sumunod sa kanya ang lalaki na akala niya’y umalis na. Binuksan nito ang car side window at tinawag siya. “You’re seriously going to take a taxi?”
“Pasensiya na sa abala, mister. Maaari ka nang umalis. I’ll handle this on my own. Magta-taxi na lang ako,” wika niya.
“You don’t have any money, and you don’t even know where you’re going,” Marcelo countered coolly, which made her freeze mid-step. He was right. Her heart sank as the realization hit her—she had nothing. No plan, no destination, and worse, no money.
Natigilan si Jane. Noon lang niya napagtanto ang kawalan ng direksyon ng kanyang plano. Wala nga siyang pera. Wala rin siyang alam na pupuntahan.
“Kung gusto mo talagang makatakas, this taxi station is the worst idea. They’ll trace you here within minutes,” he added, his tone matter-of-fact but laced with a warning. “Think this through.”
Her fists clenched while holding the hem of her gown. She hated that he was right. May punto ang lalaki. Why didn’t she think of that right away?
Huminga nang malalim si Jane, pilit na nilulunok ang kanyang pride. Wala siyang choice. Bumalik siya sa kotse, binuksan ang pinto, at muling umupo sa passenger seat.
“Salamat,” aniya na labas sa ilong ang sinabi.
Ngumisi si Marcelo at muling pinaandar ang kotse.
***
SAMANTALA, nang bumalik ang mga tauhan ni Efrain ay negatibong balita ang dala ng mga ito na hindi nila naabutan si Eula. Maging si Abel ay hindi ma-contact ang anak na si Jane.
“Palpak kayong lahat!” galit na sigaw ni Efrain, his voice echoing off the walls.
Tumindig si Abel, halatang takot. “M-Mr. Efrain, hindi ko rin maintindihan. Hindi ko alam kung bakit biglang umatras si Jane.”
Efrain turned his icy gaze toward him, his eyes burning with rage. “Then how am I supposed to explain this to the guests? Dapat ko bang sabihin sa kanila na tumakas ang bride?”
“Pasensiya na. Pero hindi alam ni Jane kung saan pupunta. Wala siyang alam sa lugar na ito. Alam kong babalik din siya,” wika ni Abel, nanginginig ang boses ngunit desperado na patahimikin ang lumalakas na bagyo sa mga mata ni Efrain
Pigil ang galit ni Efrain, ngunit kitang-kita ang tensyon sa bawat galaw niya. Sa isang iglap, hinawakan niya si Abel sa balikat, marahas na idiniin, at sinakal ito ng isang kamay.
Nabalot ng takot ang mukha ni Abel, his breath caught in his throat as he nodded frantically.
“You better pray she comes back, Abel. Or else this wedding will turn into a funeral,” bulong niya na puno ng banta.
Naputol ang tensyon nang may kumatok sa pintuan. Pumasok ang wedding coordinator, mukhang naguguluhan sa nadatnang tensiyon sa silid.
“Mr. Efrain, come on. Late na para sa seremonya ng kasal. The guests are starting to wonder why you haven’t come down yet,” pahayag nito, tuluyang pumasok ito at kaagad napansin ang pagiging tahimik at tila walang pananabik na nakikita sa mga kaharap.
“Delphina,” tawag ni Efrain sa kanyang assistant.
“Yes, sir.”
“Wala nang dahilan pa para paghintayin ang mga bisita. Tell them in a nice way that the wedding will be moved to next month,” seryosong pahayag ng lalaki.