Chapter 6

2014 Words
“NARITO na tayo,” wika ni Marcelo sa dalaga nang marating nila ang dalawang palapag at di-kalakihang bahay na gawa sa wood at adobe. Itinigil ng lalaki ang kotse sa tabi ng mayabong na puno ng mangga bago ito nagpatiunang bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Subalit hindi kaagad kumilos si Jane. Hindi niya alam ang gagawin. Inabot na sila ng hapon sa biyahe. Inikot niya ang mga mata sa paligid mula sa loob ng sasakyan. Wala siyang nakikitang kapitbahay. Mukhang dinala siya ng lalaki sa isang liblib na lugar. May pagtatakang sinundan niya ito ng tingin habang nagpatiuna ito tungo sa bahay. The man was tall, easily over six feet. He was big. Malalapad ang balikat. Ang paraan nito ng pagdadala ng itim nitong suit ay nahahalintulad niya sa modelong si Nick Bateman. Napalunok siya at nang mapagtanto ang ginawa ay napailing. She was disgusted with herself. Paano niya naiisip ang ganoon sa kalagayan niya? May dinukot na susi ang lalaki sa bulsa ng slacks nito at binuksan ang pinto ng bahay. Saka pa lamang siya bumaba ng sasakyan bitbit ang backpack. Nilinga niya ang paligid. Tanging nagsisitaasan at mayayabong na puno lang ang nakikita niya. Halos hindi sila matamaan doon ng sikat ng araw. Parang nasa gitna sila ng kawalan. Napapitlag siya nang marinig ang tinig ng lalaki. “Pumasok ka na sa loob. Kailangan mong makapagpahinga, makapagbihis, at makakain.” “Sige, pero matanong ko lang. Bakit tila yata napakaliblib naman ng lugar na ito?” tanong niya sa pagtataka. Tinapos muna ng lalaki ang pagsasara ng bintana at pinto ng sasakyan bago siya nito tinapunan ng tingin at sumagot. “Pansamantalang dito ka muna. Secluded man ang lugar pero nakatitiyak akong ligtas ka rito. Pagkasabi nito’y nagpatiuna itong pumasok sa loob ng bahay. Hindi man niya gusto ay napasunod siya rito. Nasa bungad siya ng malaking pinto nang huminto siya sa paghakbang. Inikot niya ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa isip niya’y kapag pumasok siya’y sinelyuhan na rin niya ang kapahamakan niya. “Huwag kang mag-alala. May makakasama ka naman dito dahil tatawagan ko ang caretaker upang samahan ka,” wika ng lalaki na alam kung ano ang iniisip niya. “Salamat. Pero kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo.” “Call me Marcelo,” walang emosyong tugon nito. “Pumasok ka na at pakisara ang pinto.” Tumango siya at sinunod ang lalaki. Si Marcelo ay umakyat sa hagdan kaya dumeretso na rin siya tungo sa living room at doon balak na maghintay. Ang mga mata niya’y nilinga ang buong paligid at pinag-aaralan ang bawat sulok ng kabahayan. Two story ang di-kalakihang bahay na iyon. Cozy at simple. Adobe ang ibaba at kahoy ang itaas. Yari sa matitibay na kawayan ang interior at ilan sa mga piling kasangkapan. Sa ibaba ay ang di-kalakihang sala. Naroon ang mahabang sofa na yari sa antigong upuan. Yari naman ang center table mula sa pinutol na puno at may natural na kulay ng barnis. Natuon ang mga mata niya sa di-kalaparang hagdanan na kahoy na nakapagitan sa sala at dining room. May dalawang mamahaling vase na nakapagitan sa mga ito. Hindi maipagkakailang puno ng mamahalin at antigong mga kasangkapan ang bahay. May-kadiliman sa loob ng bahay kahit may araw pa. Nagulat siya nang magbukas ang switch ng ilaw ang lalaki. Lumiwanag ang buong paligid. Bagaman malamlam ang kulay ng ilaw ay naaaninag niya pa rin nang malinaw ang lalaki. Hindi niya inaasahan na may koryente sa ganoong liblib na lugar. “Saan nagmumula itong ilaw?” she asked. “May generator sa backyard,” walang emosyong wika nito at tumuloy sa dining room. Hindi niya naiwasang sumunod dito upang tingnan kung ano ang ginagawa ng kanyang savior. Bumungad sa kanya ang nasa gitna ng komedor, ang pangalawang mesang bilog na yari sa pinong kawayan na napapaibabawan ng salamin. At sa likod ng mesa ay ang tiled counter at ang lababo. Sa kanyang pag-iikot sa loob ng bahay, she would surely love the house. Simple and cozy. Ang mga kasangkapan lamang ang kinakailangan. Naglagay ang lalaki ng tubig sa takuri at isinalang sa kalan. Sinimulan nitong sindihan iyon subalit nakailang ikot na ito ay hindi pa rin nasisindihan ng apoy. “Damn it!” he hissed. Sa kanyang palagay, base sa itsura ng lalaki, nasisiguro niyang wala nang gas ang tangke. Hawak ang takuri ay lumabas ito sa kabilang pinto. Naramdaman niyang may ginagawa ang lalaki mula roon. Nakakaamoy siya ng gas at hindi nagtagal ay nakaaninag siya ng sumiklab na apoy sa kinaroroonan nito. Sa labis na kuryosidad ay humakbang siya paroon. Huminto siya sa may komedor at bumungad sa kanya ang dirty kitchen. Isang abuhan iyon. Ang lumang kalan ang ginagamit nito. Alam niyang sa probinsiya lamang iyon nagagamit. Ang kalan na ginagamit ay kahoy at uling na may malaking tsiminea sa ibabaw niyon. Sa ibaba naman ng abuhan ay ang mga panggatong sa pagluluto. Bigla niyang naalala ang buhay nila sa Mountain Province. Ganitong-ganito ang buhay nila roon. Simple at tahimik ang pamumuhay. Dahil sa pagnanais na makauwi at magsimula ng panibagong buhay ay nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata niya. Iyon ang nalingunan ng lalaki sa kanya. Nakatulala siya sa apoy na lumalagablab, tila siya wala sa kasalukuyan at nasa kabilang dako ang isip. Physically present but mentally absent. Ngayon ay lungkot na ang nakikita nito sa mga mata niya, hindi ang takot. Sandaling nagsalubong ang makakapal na kilay ng lalaki at pagdaka’y tumikhim. “Kung gusto mong magkape, ihanda mo ang tasa at ang platito, nasa cupboard nakalagay. Sandali lamang at kukulo na ito.” Napapitlag si Jane sa pormal at malamig na tinig ng lalaki. She couldn’t utter any words nang hindi matinag ang kakaibang tingin nito at ang awkwardness na siyang ibinibigay nito sa kanya na para bang sinisilaban siya ng apoy sa katawan. She was the first to avert her gaze. Tumalikod na lamang siya at umalis sa komedor. Ngunit bago pa siya makahakbang ay kasunod niya na ito. Nilampasan siya at kinuha sa ref ang nasa sulok niyon. Mula roon ay may kinuha sa chiller ang lalaki. Ham and bacon. Pagkatapos ay isang balot ng bread ang kinuha nito mula sa itaas ng ref at hinagis sa mesa. “Mag-loaf bread ka muna, pamatid-gutom rin ’yan kasabay ng masarap na kape.” Nakita niyang bahagyang ngumiti ang lalaki na natitiyak niyang ngiting hindi nito namalayan. She almost gasped loudly. Ang ngiti ng lalaking ito ay nakatutunaw ng puso. Isang matipid na ngiti lamang iyon subalit nasundot na nito ang kiliti niya sa katawan. Paano pa kaya kapag nasilayan niya ang totoong ngiti nito? Hmm . . . how she wishes that would happen. Nang bumalik ang lalaki sa dirty kitchen ay nanatiling nakatanga pa rin si Jane sa pintong dinaanan nito. She was going crazy! Ngiti pa lang iyon ay gusto na niyang magwala sa kilig na tila teenager. Oh God! Ipinilig niya ang ulo at lumakad tungong cupboard at kumuha ng dalawang tasa. Mula sa kabilang cupboard ay naroon ang two-in-one na kape, asukal, at isang garapon ng Nutella. Kinuha niya rin iyon at inilapag sa gitna ng mesa. Tahimik siyang umokupa ng silya at tiningnan ang oras sa orasan sa dingding. It was almost three in the afternoon. Hindi pa oras ng hapunan. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang fried ham at bacon. Pumasok si Marcelo at sinalinan ng mainit na tubig ang dalawang tasa pagkatapos ay inilagay sa tiled counter ang takuri. Kumuha rin ito ng plato sa cupboard at bumalik sa dirty kitchen. Pagbalik sa dining area ay inilapag nito sa gitna ng mesa ang ham at bacon, hinila ang silya sa tapat niya at umupo, at nagsimulang magtimpla ng kape. “Let’s call this is our lunch. Maya-maya ay darating din ang caretaker nitong bahay na ito. She can cook for us.” She nodded. Walang kibong nagtimpla rin siya ng kape at gumawa ng sandwich. Subalit sa pagkakataong iyon ay nandoon pa rin ang nararamdaman niyang pangamba sa pagtakas. Naisip rin na baka may mangyaring masama sa pamilya niya sa kamay ni Efrain. Napansin ni Marcelo ang tila walang ganang pagkain ng babae. Nais niya sanang pag-usapan ang tungkol sa pag-atras nito sa kasal kaso hinayaan niya na lamang muna ito. Maya-maya ay tumayo si Marcelo at hinubad ang suot na coat. “Magbihis ka na pagkatapos mong kumain,” he commanded. “I know, hindi ka komportable sa gown na iyan.” Nagulat si Jane sa sinabi nito. Was he worried about her condition? “Maraming salamat, pero hindi na rin siguro ako magtatagal dito. May usapan kami ng kaibigan ko. At saka ayokong madamay ka pa,” sagot niya. Bahagyang nanliit ang mga mata ni Marcelo. Lumapit ito sa lamesang kinaroroonan niya at ipinatong ang mga kamay sa ibabaw niyon. Tumunghay ito palapit sa kanya at halos gadangkal lamang ang layo ng mga mukha nila. His face was expressionless. Tumatama ang mainit nitong hininga sa mukha niya. Pumikit siya nang mariin, inihilig ang mukha patagilid para umiwas na huwag magdikit ang mga mukha nila. She couldn’t explain what she was feeling right now. May kung anong init itong binubuhay sa katawan niya. Malayo sa naramdaman niya sa piling ni Efrain. What happened to her? Siguro’y baliw na siya. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. She heard him chuckle. “Do you think I will kiss you?” lokong wika nito. Idinilat ni Jane ang mga mata, itinulak ang lalaki palayo sa kanya. “You brute!” wika niya sa pagkailang. Namumula siya sa pagkapahiya at inis. “Hey, look. Simula nang humingi ka ng tulong sa akin ay nailagay mo na ako sa alanganin. Kaya wala kang gagawin kundi ang manatili rito,” seryosong wika nito nang ibalik ang naunang topic. Ring ng cellphone ang umagaw sa kanilang atensiyon. Mula sa bulsa ay kinuha iyon ng lalaki, tiningnan nito ang caller bago siya hinarap. “Maiwan na muna kita. Kailangan ko lang ’tong sagutin. Kumain ka lang diyan.” Pagkatapos ay tumalikod at humakbang ito tungo sa hagdanan at pumanhik. Kasunod niyon ang pagsagot ng lalaki sa tumawag. “Hello . . . alam mo na ang gagawin mo diyan. And there’s no way to change it. We should stick to the plan.” Iyon ang narinig ni Jane mula sa lalaki. Tuluyang umahon sa dibdib niya ang takot. Hindi niya alam kung ano’ng plano ang sinasabi nito. May plano ba itong ibalik siya kay Efrain? Sa pagkakaalam niya, ang lalaki ang best man sa kasal nila. Obvious na mayroong kaugnayan ito kay Efrain. Pero napakamisteryoso nito sa paningin niya. Well then, hindi siya nagkakamali. Una pa lang ay hindi na niya dapat pinagkatiwalaan ang lalaki at umalis na dapat siya nang malamang may kaugnayan ito kay Efrain. Ilang sandali ang dumaan ay naulinigan niya ang mga yabag sa hagdanan. Nakita niya ang lalaki. Nagpalit ito ng white long-sleeved shirt na humahakab sa matipuno nitong katawan, at slacks. Bagaman ay hindi iyon nakasasagabal upang maging kaakit-akit ang dating nito. Para itong isang modelo ng isang men’s magazine na punong-puno ng nagsisiguwapuhang Adan. Tahimik na napadaing si Jane sa itinatakbo ng isipan niya. Oh God! Paano niya masasabing isa itong masamang tao kung nag-uumapaw ang init na ipinararamdam nito sa kanya na tila naging resulta gaya sa binabasang niyang mga romance novel? “What are you looking at?” Napapitlag siya nang marinig ang malamig na tinig ng lalaki. Hindi niya namalayang nakatulala na pala siya rito. “Ahm . . . w-wala. Magbibihis na ako,” she stammered, blushing like a teenager. Nakita niyang tumaas ang gilid ng labi nito kasabay ng pag-abot nito sa kanya ng damit. “May sariling banyo sa itaas, take a shower.” He was right. Kanina pa nga siya hindi komportable sa suot na gown. Mas makapag-iisip siya nang maayos kung komportable siya. Humakbang si Jane tungo sa hagdanan at pumanhik sa itaas. Seryosong sinusundan ni Marcelo ng tingin ang dalaga sa pag-akyat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD