BELLA’S POV Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang mukha ni London. Salubong ang mga kilay niya pero mas kumunot ang kilay niya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Napalunok ako at mabilis na tumawid ng kalsada. Kulang na lang ay tumakbo ako para mabilis akong makalayo mula sa kaniya. Mabilis akong lumiko at talagang hindi talaga ako lumingon pang muli. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Nang masigurado kong malayo na ako ay saka lamang ako huminto. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang daming taong pwedeng driver ng sasakyan pero bakit si London pa? Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Tuwid na tuwid na ang buhok ko na hanggang balikat. Hindi naman siguro niya ako nakilala, hindi ba? Almost three years na kaming hindi nagkikita, hindi na kulot ang buhok ko.

