BELLA’S POV “Pa-pangit? Ako?” Tinuro ko pa ang sarili ko habang asar na nakatingin kay London. Ngumisi naman siya sa akin kaya mas nainis ako. Wala man lang kumusta kahit plastic na pagbati. Panglalait na agad ang binungad niya. “Excuse me, hindi ako pangit,” naniningkit ang mga matang saad ko. “Hindi bagay sa iyo ang buhok mo. Ang pangit,” ulit pa niya. Sobrang casual ng pagkakasabi niya noon na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko at para bang sobrang close naming dalawa para sabihin niya iyon sa akin. Napahawak ako sa buhok na tuwid na tuwid na ngayon dahil pina-rebond ko na iyon. Dati inaasar niya ako dahil kulot ang buhok ko pero ngayong straight na ang buhok, mas lumala pa ang sinasabi niya. “Mas pangit ka!” ganti ko. “Kapre.” Matangkad kasi siya, siguro nasa si

