BELLA Mabuti na lang at nang dumating ako sa school ay saktong naglalabasan pa lang sina Ben kaya hindi na siya naghintay sa akin. Muntik na akong ma-late magsundo sa kaniya dahil kay London na bigla na lang sumulpot sa harapan ko para lang sirain ang araw ko. “Mama,” agad na bati sa akin ng anak ko. “Let’s go,” saad ko at nilahad ko ang kamay ko sa kaniya bago kami sabay na naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Agad rin naman kaming nakasakay. “Mama, daan po tayo sa bakery. Bibilihan ko ng cookies si Gray kasi promise ko kanina, papasalubungan ko siya,” wika ni Ben habang nakasakay kami sa tricycle. Napangiti ako at hinaplos ang buhok ng anak ko. Hindi talaga niya nakalimutan ang pangako niya sa kapatid niya bago siya pumasok kanina. “Pero marami pa namang pagkain sa bahay.” “I

