Kabanata 12

1665 Words

BELLA “Sige na, tawagin mo na iyong mga bata nang makapananghalian na tayo,” utos niya sa akin kaya bumalik ako sa sala at naabutan ko silang naglalaro. Si Jared na nahihiya pa kanina nang maabutan namin ay tumatawa na ngayon habang nakikinig sa kwento ni Ben habang si Gray naman ay nakatayo sa likuran ng kuya niya at dumadamba sa likod nito. “Ben, let’s change your clothes na muna para makakain na tayo,” utos ko sa anak ko na hindi pa nakakapagpalit ng uniform niya. Mabilis naman siyang tumayo at sumunod sa sinabi ko. Maging ang bag niya ay kinuha niya para dalahin sa kwarto. “Mama ako na lang po. Kaya ko na magbihis mag-isa,” saad ng anak ko para pigilan ako nang akmang susundan ko pa sana siya kaya napahinto ako. Sobrang independent na talaga ng panganay ko. Lumapit ako kay Gray a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD