BELLA Hinayaan ko munang maglaro sina Ben at Jared. Habang si Gray ay nasa tabi ko at pinaglalaruan naman ang buhok ko. Pinapanood ko ang anak ko habang pinapahiram niya si Jared ng mga laruan niya. Bata pa si Ben pero makikita na agad na hindi siya madamot. Kahit si Gray, hinahayaan niyang guluhin siya, iyon ang napapansin ko sa kaniya. Habang si Nanay naman ay nanonood na naman ng paborito niyang drama sa hapon. Siya iyong lagging galit sa inaaping bida. Tipong tumataas ang blood pressure niya dahil sa pinapanood pero palagi pa rin naman niyang pinapanood ang palabas na iyon. “Gray, sleep ka muna. Para mabilis kang lumaki,” pagkausap ko sa anak ko na tumatalon-talon naman ngayon sa tabi ko. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto namin. Dalawa lang ang kwarto rito sa bahay dahil hindi na

