Kabanata 28

2106 Words

BELLA’S POV “Mama!” papasok pa lang ng bahay ay sumisigaw na si Ben. Patakbo siyang lumapit sa akin habang pinapakita ang malaking paper bag na dala niya. Kasunod niya si Kuya Samuel na siyang may dala ng bag niya. Hindi na rin naka-uniform ang anak ko. Hindi ko alam kung saan galing ang damit na pinamalit niya pero mukhang bago iyon, siguro ay binilihan siya ni Kuya Samuel. “Mama, binilihan po kami ni Gray ng maraming toys ni Daddy,” pagmamalaki ng anak ko. Tumingin ako kay Kuya Sam na may dala pa ring isang paper bag na sa tingin ko ay laruan din ang laman. Ini-spoil naman niya ang mga anak ko. “Talaga? Anong sinabi mo Kay Daddy Sam?” tanong ko sa anak ko. “Nag-thank you po ako sa kaniya,” bibong sagot ni Ben. “Very good, pero madami ka pang toys. Bakit nagpabili ka ulit ng bago?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD