Kabanata 29

2040 Words

BELLA’S POV “Mama ang ganda n’yo po lalo,” nakangiting saad ni Ben habang nakatingin sa akin. Nakasuot na ako ngayon ng gown na binili sa akin ni Kuya Samuel. Nakaharap ako sa salamin para makita ang hitsura ko habang nasa magkabilang gilid ko naman ang mga anak ko. “Pletty!” saad naman ni Gray. “Talaga?” “YES!” sabay na sagot nila. “Pupunta si Mama sa party, pero babalik din agada ko kaya si Lola muna magbabantay sa inyo, okay?” pagkausap ko sa kanila. “Hindi po ba kami pwedeng sumama?” tanong ni Ben. “Ben, hindi kasi pwede. Walang kids doon, wala ka ring kalaro,” paliwanag ko kahit na hindi ako sigurado. Pero kahit anong mangyari, hindi ko talaga sila pwedeng isama. Hindi sila pwedeng makita ng kahit sino mang Haxell. “Bella, and’yan na si Sam,” bungad ni Nanay mula sa pinto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD