BELLA’S POV Nagpatuloy ang party, matapos ang 18 roses ay may mga pa-games din. May mga tanong tungkol kay Lily para malaman kung gaano ba namin siya kakilala, pero dahil mahigit anim na taon akong wala sa bansa at matagal kaming hindi nagkitang dalawa, ay marami na akong hindi alam tungkol sa kaniya kaya nanahimik na lang ako. Then dumating ang dinner. Buffet kaya kanya-kaniyang kuha ng pagkain, hindi mo naman kailangang pumila dahil magkabilang side ay may catering. Maraming pagkain, parang titingnan ko pa lang ang mga iyon ay nabubusog na ako. Tumingin pa ako kay Louise na kinakausap ang halos lahat ng makasalubong niya. “Get more,” bulong pa niya sa akin habang kumukuha ako ng pagkain kaya napalingon ako sa kaniya pero may iba na siyang kausap. Bumalik ako sa table namin. “Ate Be

