BELLA Nang dumating ako sa bahay ay patay na abutan ko si Nanay na naghihintay sa akin sa sala habang nanonood ng TV. Agad siyang lumingon sa akin nang maramdaman niyang dumating na ako. Pinatay niya ang TV at ngumiti sa akin. Mukhang hinihintay talaga niya akong dumating. Wala na ang mga bata kaya maaring tulog na sila. Maagap talaga silang matulog dahil sinanay ko silang hindi nagpupuyat. “Kumusta? Parang ang bilis mo naman yatang bumalik?” Lumapit ako sa isahang upuan at naupo. “Sabi ko naman po sa inyo mabilis lang ako. May pinagawa lang sa akin si Ate Cindy dahil busy siya,” sagot ko at kinuha ang maliit na square na unan at pinatong sa kandungan ko. “Hindi ko alam na nagkita na pala kayo ni Cindy. Nakaka-miss din ang batang iyon. Naaalala ko pa dati noong mga bata pa kayo. Sobr

