BELLA Nilakihan ko ang mga ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni London. Mukhang confused pa siya ng makita ako. Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap kaya mabilis akong lumapit sa pwesto nila. Naupo ako sa tabi niya, bahagya ko pa siyang tinulak nang tagilirang pang-upo ko para umisod. Saka ako humawak sa braso niya. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin. Hindi siya nagsasalita pero kita ko ang gulat sa mga mata niya. Habang ako naman ay matamis na nakatingin sa kaniya pero sa likod ng mga ngiti ko, parang gusto ko siyang batukan sa hindi ko alam na dahilan. “Honeybunch, why are you here? Akala ko pa naman busy ka sa work kaya hindi mo sinasagot ang tawag,” kunwari ay nagtatampong saad ko bago ako tumingin sa babaeng kasama niya. Mas yumakap ako sa braso ni London

