BELLA “Siya nga pala, pinabibigay ni Ma’am Lia,” saad ni Jingjing at inabot sa akin ang isang maliit na sobre. “Isa talaga iyan sa dahilan kaya sumadya ako rito.” Binuksan ko iyon at nakita kong umbitasyon iyon para sa debut ng kapatid ni London na si Lily. “Sige, mauna na ako. Salamat dito sa mga chocolates,” malaki ang ngiting saad niya habang hawak ang paper bag na may lamang chocolates. “Salamat din sa pagbisita.” “Wala iyon. Kitakits na lang tayo kapag pumunta ka kina Ma’am Lia.” “Sige.” Hinatid ko pa siya sa may pintuan. Pero habang palabas siya ng maliit na gate namin ay dumating naman si Nanay kaya nag-kwentuhan pa silang dalawa. Habang ako naman ay nagtungo na sa mga anak ko. Nasa sala sila ngayon at nagkukulay sa coloring book si Ben habang si Gray naman ay pagulong-gulo

