BELLA Pinagmamasdan ko si Nanay habang nakatingin siya sa mga anak ko. Nakikita kong ngumingiti siya habang pinapanood sina Gray at Ben na naglalaro. Nakaupo si Ben sa Sofa habang si Gray naman ay nasa likod ng kuya niya at sinusuklay ang buhok niya. Nasa may pintuan ako patungo sa kusina. Naghugas ako ng grapes na dala ko. Lumapit ako sa kanila at ibinaba ang ubas sa mababang mesa. Agad na bumaba si Gray sa sofa, tinulungan pa siya ni Ben para makababa ng maayos. Naupo ako sa tabi ni Nanay. “Ang cute ng mga apo ko. Alam mo, habang lumalaki, mapapansin mo na magkamukha sila. Hindi maipagkakailang magkapatid silang dalawa. Lalo na iyong mga mata nila, parehong-pareho,” saad ni Nanay. Tumagilid ako ng upo paharap sa kaniya at pinakatitigan siya. “Talaga? Magkamukha sila?” “Oo, hindi m

