BELLA’S POV Nasa store ako ngayon. Malapit nang matapos ang buong lugar, finishing na lang ang ginagawa nila, naayos ko na rin ang mga papeles na kailangan ko gaya ng business permit kaya palagi talaga kong busy. Medyo maraming gastos, parang bago pa ako makapag-opening ay malaki na ang nailabas ko pero wala naman akong choice. Hindi naman ako pwedeng mag-open ng negosyo na hindi maayos ang mga papeles ko dahil baka maipasara din sa huli kaya sumusunod na lang ako sa mga requirements. Nagpipintura na lang ang mga taong kinuha ko, pagkatapos nito ay maglilinis na at pwede ko nang lagyan ng laman ang store. Anytime naman ay magpapadala ang mga supplier na nakausap ko sa Thailand, balak ko rin kumuha mula sa local suppliers, lalo na ng mga bag na handmade talaga ang pagkakagawa. Lumabas ak

