CHAPTER 12 Third Person POV Habang nakatingin si Syd kay Liv, ramdam niya ang matinding saya sa kanyang puso. Kitang-kita sa mukha ni Liv ang tuwa at excitement habang papalapit na sila sa Korea. Ito ang unang beses ni Liv na makapunta sa ibang bansa, at bawat sandali ng biyahe nila ay puno ng mga bagong karanasan para sa kanya. Nasa loob sila ng eroplano, business class, at tahimik na nag-uusap. Tahimik din ang paligid maliban sa mga pabulong na pag-uusap ng ibang pasahero at ang paglipad ng eroplano sa kalangitan. Panay ang tanaw ni Liv sa labas ng bintana, minamasdan ang mga ulap na para bang ngayon lang niya nakita ang mga ito nang ganito kalapit. "Masaya ka ba?" tanong ni Syd habang iniangat ang kanyang ulo mula sa mga dokumentong binabasa. Ngumiti si Liv, isang ngiti na puno ng

