CHAPTER 13 Sa wakas, dumating na ang araw ng meeting ni Syd kasama ang mga potential investors para sa kanyang kumpanya. Maaga siyang umalis ng hotel, iniwan si Liv na nakahiga pa, pagod mula sa mahaba nilang byahe mula sa Pilipinas patungong Korea. Hindi na siya nagising ni Syd, dahil gusto niyang hayaan itong magpahinga. Alam niyang napagod si Liv at ngayon lang ito nakarating sa ibang bansa, kaya deserve nito ang tamang oras ng pahinga. Habang nasa sasakyan patungo sa meeting place, pinagmamasdan ni Syd ang malamig na tanawin ng Seoul. Malinis at moderno ang paligid—ibang-iba sa kabisera ng Pilipinas. Ngunit, kahit gaano kaganda ang mga tanawin, hindi maiwasang gumala ang isip niya pabalik kay Liv. Naiisip niya kung paano kaya ito ngayon, kung nagising na ba o nagpapahinga pa rin sa h

