Samuel
Anika is being strange. Wala siyang imik simula pa kahapon nang bumalik kami mula sa vineyard ng mga magulang ng babae ni Sebastian. It isn't my plan to bring her here in Italy at mas lalong hindi sa vineyard kahapon.
Pero just like in normal schools may mga starter lessons din. And I thought na maipapakita ko iyon sa kanya kapag dinala ko siya rito.
Ang hindi ko lang maintindihan ay parang blangko ang isip ko. I don't know where to start.
"Anika, come here," tawag ko sa kanya.
Lumapit naman siya pero gaya kahapon hindi na naman siya nagsasalita. Pauwi na kami sa Pilipinas mamaya at kahit isang dapat niyang matutuhan wala pa akong naibibigay.
I want to get everything done quickly pero mukhang tatagal ng hindi ko inaasahan.
"May sasabihin ako and you need to listen carefully and take notes."
Tumango lang siya. Matamlay ang mukha niya, gusto ko na ngang tanongin kung masama ba ang pakiramdam niya.
"Nakita mo naman kahapon kung paano magpapansin ang may-ari ng vineyard sa 'kin hindi ba?"
Tumango na naman siya. Nagsisimula na akong mainis.
"Answer me hindi 'yang patango tango ka lang. Gusto mo bang baguhin ang sarili mo o hindi?" Irita kong tanong.
"O..oo naman."
"Then ipakita mo na willing ka hindi 'yang parang napipilitan ka pang kasama ako."
Huminga ako ng malalim. I need to concentrate, clear my mind and teach her things she needs to know.
"There are steps para makuha mo ang interes ng isang lalaki. Not because you are beautiful ay makukuha mo na lahat ng gusto mo. You need to work for it, earn it."
"Paano ko naman gagawin 'yon?" Pinalagpas ko nalang na parang tinatamad siyang magsalita mas okay na 'to kesa hindi talaga siya umiimik.
"Step one, make him notice you."
"That's easy."
She will not accept it pero minsan mataas din ang tingin niya sa sarili niya. Alam naman pala niyang maganda siya pero ang problema hindi niya alam paano gamitin.
"Step two, ask for it without asking for it."
I raised my finger counting the steps. Nakatingin siya sa mukha ko at mukha naman pinapasok niya talaga sa isip niya ang sinasabi ko.
I raised an eyebrow when she sigh. Kanina ang yabang pero ngayon mukhang wala siyang idea kung paano niya gagawin.
"What? Ang gulo. Explain further, please."
"Iparamdam mo sa kanya na type mo siya but confuse him a little."
"Ha? And how will I do that?"
Now I get his full attention. Naupo siya sa arm rest ng sofa. Kinuha niya ang cellphone niya at mukhang isusulat niya ang susunod kong sasabihin.
Napalayo ako ng kaonti. Her smell is addicting, ayaw ko ng ilagay sa sitwasyon na papahirapan ko ang sarili na magtiis.
"Ask for help without the need of it. You know, make it obvious for him that you want his attention."
Tama nga ako, she types what I just said.
"And how will I confuse him?" Tanong niya na sa cellphone pa rin ang tingin.
"Don't give him your name and number. Be anonymous, be mysterious. If he's into you he will make a way."
Tumango tango siya. "Pagkatapos anong gagawin ko kung kunyari mahanap niya ako?"
Nag-isip din ako. Ano ba ang dapat niyang gawin?
"Magpakipot ka ng kaonti. Let him crave for your attention. Reject his calls, 'wag kang sumipot sa dates. Always act busy."
I am a guy kung may magugustohan man ako sa babae iyon ang babaeng hindi ko makuha kuha. Kagaya ni Anika 'di ba? Hindi mo makuha kasi hindi ka makadiskarte. Parang demonyong bulong na naman ng isip ko.
"Parang sobra naman yata 'yon? Papahirapan ko siya then paano kung magsawa na?"
"It means he isn't the right guy. Madaling sumuko, madaling makuha ng tukso."
Natahimik siya. Maybe absorbing things, or maybe iniisip na naman niya ang nangyari sa kanila ni Sebastian.
"Sige na, 'yan nalang muna. Mag-ayos ka na and uuwi na tayo sa Pilipinas maya-maya."
Patayo na siya nang hinawakan ko ang pulsuhan niya. May naalala lang ako bigla. "And one thing, be natural in flirting. Don't overdo it. Use your eyes, it's every mans weakness."
Her eyes is really interesting, minsan lang nagtama ang paningin namin at sobrang sandali lang pero marami akong nakita na alam ko na kahit sinong lalaki ay mapapasunod niyon. Well not me or my good friend Sebastian but still.
I'm not usually anxious pero sa hindi ko maintindihan na naman sa sarili ko mula Italy hanggang sa makauwi ng Pilipinas nag-aalala ako sa bagay na dapat hindi naman inaalala. Ilang araw na ang lumipas, I didn't bother to talk to Anika or text or even call her.
I did a self check at ngayon nag-uumpisa na akong aminin sa sarili ko na hinahanap ko ang presensya niya.
Nahuhuli ko ang mga tingin paminsan minsan nina Emmette at Leo sa 'kin, siguro ay iniisip nila kung bakit ilang beses na akong tumatanggi sa grasya.
"Leo, halika nga." I signaled him to come near me. Nagkatinginan na naman sila ni Emmette bago siya lumapit sa 'kin.
Inakbayan ko siya paakyat sa taas.
"May nagawa ba akong kasalan, bossing?" Halatang takot na tanong niya.
Sinara ko ang pinto at tinulak siya paupo. Naupo rin ako sa higaan. Bumuntong hinga ako bago magsimulang lunukin ang lahat ng pride sa katawan ko.
"Nagkakausap ba kayo ni Anika?"
Ang pagtataka sa mukha niya ay napalitan ng ngisi. "Bossing, namimiss mo siya no? Naku bossing, may trabaho 'yon ngayon. Dalawin ba natin?"
So, nakabalik na nga talaga siya sa trababo. Minsan noong nasa Italy pa kami narinig ko mula sa kausap niya sa telepono na wala pa rin siyang nakabook na trabaho kaya maayos lang kahit matagal ang bakasyon niya. I smiled to myself. I invested a lot sa agency para lang kunin at bigyan siya ng projects.
It means nothing to me actually. Tulong ko lang 'yon. Kailangan ka pa natutong tumulong?, sigaw na naman ng isip ko.
"Ano na bossing? Dalawin ba natin?" pangungulit ni Leo.
"Why would I do that? Ikaw nalang dumalaw kung gusto mo."
"Ang sungit niyo naman bossing," ani niya at lumabas na.
Paglabas niya ng pinto ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Aaron. Hindi naman sa uhaw ako kay Anika, I just want to know kung nasaan ang trabaho niya at kung ginagawa niya ba ng tama. May investment ako sa kanya kaya dapat lang na hindi niya ako ipapahiya.
Anika
Tirik ang araw but I don't mind it. Kahit na parang mahihimatay ako sa uhaw hindi ako nagrereklamo. I'm doing my best sa every post na gusto ng photographer.
Kahit na sama ng loob lang naman ang nakuha ko nang pumunta kami sa Italy ay maganda naman ang nangyari pagkatapos. Good news after good news happens this past few days.
Hindi pa nga nakakalapag ng tuluyan ang eroplano ay tumawag sa 'kin si Mommy Tash. A local lifestyle magazine wants me to be on their cover. An epitome of an independent woman, that's the caption of the magazine.
Akala ko ay matatagalan na naman bago ako magkakaroon ng trabaho, but a car brand book me at ilan pang nakalinyang international gig.
"Let's take a break!" sigaw ng production director.
Mabilis na lumapit si Mommy Tash at Ate Marie sa 'kin. Binigyan ako ng robe ni Mommy Tash para masuot sa itaas ng basang mahabang damit na suot ko.
"Ang ganda ng mga kuha mo. I'll send some photos sa Valkyrie, malay natin magbago ang isip nila at kunin ka ulit," bulong ni Mommy sa 'kin.
Ngumiti lang ako at mas binilisan ang lakad. Pakiramdam ko kasi napapaltos na ang paa ko sa init ng buhangin.
Pagpasok sa tent ay nagpalit muna ako ng tuyong damit. I can't be sick, at ayaw ko nga ring magkasakit. Kakabalik ko lang sa trabaho and I don't want another bad image for me.
"Miss Anika, may bisita po kayo," sabi ng personal assistant na binigay sa 'kin ng bagong agency na kumuha sa 'kin.
"Sino Jackie? Kung press palayasin mo," si Ate Marie ang nagsalita. Dati hindi siya sumasama sa mga shoot ko pero dahil na rin siguro sa mga nangyari gusto niyang protektahan din ako.
"Hindi po. Si Mister Church daw."
Napatayo ako sa gulat. Anong ginagawa niya rito?
Napalingon ako kay Ate Marie na gulat na gulat dahil nalaglag ang kinakain ko sa bigla kong pagtayo.
"Nika, saan ka pupunta?"
Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa 'kin. Hinatak ko si Jackie palabas ng tent.
"Nasaan siya?"
Tinuro niya si Samuel na prenteng nakasandal sa kotse niya hindi kalayuan sa shooting area. Kulang nalang madapa ako sa pagmamadaling makalapit sa kanya.
"What are you doing here? Nilalagay mo ba ako sa kapahamakan?"
Tinanggal niya ang suot na shades. Napanganga pa siya at napabuga ng hangin na tila hindi makapaniwala sa 'kin.
"I'm just checking on you. Akala ko kasi patay ka na, eh hindi pa nga kita natuturoan how to play around properly."
Pakiramdam ko uminit ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ang sarap niya talagang sakalin kung minsan.
"Sam..Mister Church, ano ba talaga ang kailangan mo?"
Naglakad siya papunta sa backseat, pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa 'kin ang ilang box ng pizza.
"Leo is worried baka raw nagugutom ka dito. Gusto ka niyang puntahan but may trabaho akong binigay sa kanya kaya ako nalang."
I look at his face calculating kung nagsasabi ba siya ng totoo. No expression as usual.
Kinuha niya ang boxes ng pizza, nilahad ko ang kamay ko para sana kunin mula sa kanya but he didn't give it to me. Sa halip ay nauna siyang bumalik sa pinanggalingan kong tent.
Puno ng pagtataka si Mommy at ate Marie nang pumasok kaming dalawa. Si Jackie naman ay hindi makapagsalita pero mukhang humanga sa mukha ni Samuel.
"Manliligaw ka ba ni Nika?" Tapon kaagad ng tanong ni Mommy nang maupo si Samuel.
He crossed his legs and look at me from head to toe. "No."
Tinignan ako ni Mommy na parang sinasabi na may tinatago ako sa kanya.
"My, he is just a friend. Nasa area kasi siya kaya dumaan lang," salba ko na naman sa sitwasyon.
Ngumisi si Samuel. He really likes to put me into trouble.
Tumabi ako kay Samuel at pasimple siyang sinamaan ng tingin. He didn't seem to care, kumuha siya ng slice ng pizza at kumain na parang welcome na welcome siya sa set.
"Anong trabaho mo, Mister Church?" patuloy na interrogate sa kanya ni Mommy.
Lahat ng atensyon sa kanya pero mabagal lang siyang ngumuya. Pagkatapos niyang maubos ang pizza ay uminom muna siya ng tubig.
Kinuha niya ang wallet sa loob ng kanyang suit. He take out three identification card.
"My drivers license, my professional license and may romanian identity card. I am not a bad guy. I'm on vacation at matagal kaming hindi nagkita ni Anika kaya dinalaw ko naman siya," nakangiting sabi niya pagkatapos ilapag ang identification cards niya sa harap nila Mommy. He even wink at me. Ang galing na actor.
"10 years ko ng alaga si Anika hindi ka pa niya nakwento kahit minsan," ani Mommy nang ibalik niya kay Samuel ang nga cards.
Sumimangot siya nang tumingin sa 'kin. He's really sticking in character. Inakbayan pa niya ako at hinigit palapit sa kanya. He pressed my shoulder kaya hinampas ko ang binti niya.
"Ikaw na nga itong hindi ako nakwento tapos ikaw pa nananakit," nakangusong sabi niya.
Is he showing his other side? Or parte na naman ito ng mga palabas niya. After Italy I am having a trust issue towards Samuel, pakiramdam ko kasi pinaglalaruan niya lang din ako.
That he is enjoying what is happening to me. That he is also part of the betrayal Sebastian did. Afterall matalik silang magkaibigan, impossible naman yata na wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari.
"Alam mo ik..."
"Ate Anik..bossing?"
Napalingon kami lahat nang marinig ang boses ni Leo sa pinto. Pabalik balik sa amin ni Samuel ang tingin niya.
"Bossing bakit..."
Napigil ang sasabihin ni Leo nang lumipad papunta sa kanya ang sapatos ni Samuel. Sapol siya sa mukha kaya para siyang maiiyak.
"Are you done with your work? 'Di ba may iniutos ako sa 'yo?" Nagsasalita habang naglalakad si Samuel patungo kay Leo.
"Ha?" takang taka si Leo.
Samuel lock Leo again under his arm. Hinila niya ito palabas ng tent. Napabuga ako ng hangin. Nakakaawa talaga si Leo sa mga pinanggagawa niya.
"Sino ang mga 'yon Anika? Make sure na hindi ka magsisinungaling."
Pinagitnaan na ako ni Ate Marie at Mommy Tash. Kahit si Jackie na kunyari ay tumitingin sa cellphone niya alam na alam ko na naghihintay sa sasabihin ko.
"Siya ba ang kasama mo sa ilang araw na nangibang bansa ka?" Pag-iba ni Mommy sa tanong.
Napalunok ako. I am not a good liar.
"O..opo."
"May relasyon ba kayo?"
Mabilis akong umiling.
"Eh mag-ano kayong dalawa?" Si ate Marie naman ang nagtanong.
"Magkaibigan lang talaga kami."
Kahit nga magkaibigan ay hindi pero alam ko na mas mag-iisip sila ng masama kapag iyon ang sinabi ko.
"Friends with benefits ba kayong dalawa?" Sobrang hinang tanong ni Mommy na halos pati ako ay hindi na masyadong marinig.
"Hindi po. Walang ganoon sa 'min."
Namamawis ang kamay ko. Nanalangin na sana naman bumalik si Samuel para tulongan ako pero lumipas lang ang mga minuto hindi ko na nakita ang kahit anong anino nilang dalawa.
"Excuse me po. Magstart na po ulit ang shoot."
Mabilis akong umalis sa hawla ng dalawang taong gustong pigain mula sa 'kin ang katotohanan.
Mabilis akong nagbihis ng bagong damit na gagamitin. Habang naglalakad ako ay inaayos muli ang make-up at buhok ko.
Palinga linga ako pero wala na talaga si Leo at Samuel, mukhang tumakbo na paalis. Napabuntong hinga ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako naiinis na hindi siya nagpaalam?