bc

College Life Series: I love you, Ulysses

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
student
drama
bxb
campus
realistic earth
self discover
school
slice of life
mxm
passionate
like
intro-logo
Blurb

Soon to be publish!

Kapag natapos ko na ang Riverhills at makagawa na ako ng synopsis nito.

Maghintay lang po kayo.

Thank you!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Welcome to College
“WHO am I?”            Hindi nagpaawat ang first year professor na simulan ang kaniyang klase sa unang araw ng pasukan. Ang mga estudyante ay nakaupo ng maayos habang direktang nakatuon ang kanilang atensyon sa harap, sa isang lalaking nakasuot ng eyeglasses, puting plain shirt, at itim na slacks na siyang nagbigay dahilan upang mangingibabaw ang kulay puting monster shoes nito. First day of class . . . ganito agad ang eksena! Hindi maitatanggi ng propesor ang mga mukhang naiinip ng kaniyang mga estudyante at tila nakasara ang mga utak nito habang ang kanilang mga tainga ay nakabukas, ngunit pinapalabas lang nila ito na parang walang silbing hangin. “It is obvious for all of us, na ngayong araw ay unang pasukan ninyo sa college. That is why, I want all of you to take out a piece of yellow paper . . .” Pero hindi agad kumilos ang mga estudyante. “Right now!” Tinaasan niya ito ng boses at agad naman silang kumilos. Habang kumukuha ng papel ang mga estudyante, may biglang kumatok sa entrance door ng silid-aralan. Nabaling ang atensyon ng lahat sa lalaking nakatayo sa may pintuan. Nakasuot ito ng grey na sapatos, itim na pants, puting shirt, may gupit na mohawk, at parang aabot ng one hundred sixty-three-centimeter ang taas. Naghahabol ito ng kaniyang hininga habang nakahawak ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang dibdib. “Yes?” Humakbang ng dalawang beses ang propesor patungo sa lalaki. Sa itsura nito ay nahihirapan pa siyang magsalita, kaya napatanong ulit ang propesor. “Can I help you, mister?” Nang magkaroon ng sapat na hangin at lakas ang lalaki, “G-Good morning, sir. I’m sorry for being late.” sagot nito. “You are ten minutes late. Para sa lahat,” Humarap ang propesor sa kaniyang mga estudyante. “I won’t tolerate this kind of behavior. Since, first day ninyo today, papalampasin ko ito.” At ibinalik niya ang tingin sa lalaki. “Okay, go inside.” “Thank you po, sir. Hindi na po mauulit.” wika ng lalaki bago nagpatuloy sa kaniyang upuan. Sa harapan siya umupo marahil ay ito lang ang bakanteng upuan. “Ready na ba ang lahat? May yellow paper na?” “Wait lang po, sir!” “Pahingi ako ng isa, please.” Tila naging isang typical high school room ang silid dahil sa yellow paper, na naging dahilan upang magtaas na naman ng boses ang propesor. “Stop. I said stop!” Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa sabay sara ng kanilang mga bibig. “Tingnan n’yo nga ang inyong mga sarili, ganiyan ba ang behavior ng isang college student? Hindi na kayo mga bata, but all of you are acting like one of them. Bago kayo pumunta sa school at pumasok sa silid na ito, anong ginawa n’yo? Hindi ba kayo nag-set ng goals and resolution to be a responsible college student?” “Sorry po, sir.” “No. I don’t need your sorry. Ayaw ko ng maulit ang tagpong ito sa susunod. Now, ask yourselves. Who am I? I am expecting your essays tomorrow in my office. Wala tayong klase bukas pero pass it tomorrow. Goodbye, class.” Halos sabay na nagsitayuan ang mga estudyante na may kasamang ingay ng mga upuan. “Goodbye and thank you, sir!” paalam ng lahat. PUMUNTA sa gymnasium ang lahat ng magkaklase at doon na muna maghihintay para sa susunod nilang klase. Walang pansinan ang halos sa kanila ngunit may iilan din naman na nag-uusap.            Umupo sa may katamtamang haba ng upuan na gawa sa magandang kahoy ang lalaking nahuli sa klase kanina, saka hinubad ang kaniyang bag at ipinatong sa mesa. Hinugot niya ang kaniyang telepono sa bulsa ng kaniyang bag at binuksan ang video app.            Habang hinahanap ang isang movie, may isang lalaki ang umupo sa tabi niya. Hindi niya ito napansin agad dahil abala siya sa paghahanap. Nag-download siya ng movie kagabi dahil iniisip niyang wala siyang magiging kaibigan sa unang araw ng pasukan. Kaya, para malibang ang sarili at hindi siya magmukhang tanga, ginawa niya iyon.            “First day of school, first terrorist na professor agad ang nadatnan natin sa classroom –”            Nagsitawanan ang mga kaklase nila na magkakasama sa iisang mahabang upuan sa bench.            “At may essay agad.” “Hello, college!” “Sana hindi na terror ang susunod nating klase. Sabi pa naman ng mga kuya at papa ko na, hindi na raw tatayo hahabulin ng mga teachers kapag bumagsak ang grades natin.” “Hindi naman siguro tayo babagsak, ‘di ba?” “Good luck na lang talaga sa atin.” Hindi napigilan ng mga kaklase niya na maglabas ng saloobin dahil sa nangyari kanina sa loob ng kanilang silid-aralan. “Excited pa naman akong pumasok dahil hindi naging maganda ang summer vacation ko, tapos ganito lang pala madadatnan ko sa pagpasok ng maaga.” “Ayos lang ‘yan, ano ka ba?! Ang importante magkasama ulit tayo at magkaklase pa.” “Sa bagay, na miss din kita, eh.”            Nang mahanap na niya ito, ipinuwesto niya ang telepono sa mesa at ginawang tagasuporta ang sariling bag upang maging komportable siya sa panunuod. Doon pa lang niya napansin ang lalaking katabi.            Nagtatalo ang kaniyang isipan, kung makikipag-usap ba siya rito o dedmahin na lang, magkunwaring hindi niya ito napansin. Pero kahit anong pigil niya sa kaniyang sarili ay mas pinipilit siya tuloy ng kaniyang isipan na anyayahan ito.            Pawisan man ay tumagilid siya upang harapin ang lalaki. “Gusto mong manuod?” Halos puputok na ang kaniyang puso sa bilis nitong tumibok, at mas lalo itong bumilis nang makita ang singkit nitong mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at maikling kulot na buhok.            “Sure! Anong movie ba ‘yan?” nakangiting sagot ng lalaki. Sa tono ng kaniyang boses ay game na game ito.            “A-Ah, ahm,” napalunok siya ng laway. “A-Avengers, Avengers.”            “Woah, talaga ba?” Mas lalo pa tuloy itong na excite at tumabi ng malapit. “Paano ka naka-download niyan? Bagong labas pa iyan, eh.”            “I have my own ways,” tugon niya na may kasamang nahihiyang ngiti.            “By the way, Ulysses nga pala.”            “Bakit ba ako nagkakaganito? First day of school, ang landi na ng puso ko.” Bulong niya sa kaniyang isipan. “Ah, I’m Ambrose. Let’s watch?”            “Sige. Play mo na.”            Nakatuon lang ang atensyon ni Ulysses sa pelikula habang hindi pa rin mapakali ang isipan at puso ni Ambrose. Naglalaro sa kaniyang isipan ang mga bagay-bagay na dapat hindi niya iniisip dapat.            Single ba ‘to?            Matalino rin kaya siya?            Ilang minuto ang nakalipas at biglang nagsitayuan ang mga kaklase nila na nakaupo mula sa likuran. Napatingin si Ambrose sa ginagawa nilang pag-aayos ng kanilang mga bag sa kanilang likuran, habang si Ulysses naman ay walang paki na nanunuod ng pelikula.            “Aalis kayong lahat? Saan kayo pupunta?” tanong ni Ambrose sa mga kaklase niyang handa nang umalis.            “Oras na para sa susunod nating klase. Tara na,” tugon ng chubby na babae.            “Sige. Susunod kami.”            Nginitian lang siya ng babae at saka umalis silang lahat.            “U-Ulysses,” nahihiyang tawag ni Ambrose. Pero tila nabingi si Ulysses dahil sa sobrang concentrate nitong manuod ng pelikula. Kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang hawakan ito sa kaliwang braso at niyugyug ng marahan.            “Oh, bakit?” Walang ideyang sabi ni Ulysses.            “Time na para sa susunod na klase. Tara na at baka mahuli na naman ako.”            “Hala! Tayo na lang pala ang natira rito. Sana sinabihan mo agad ako.” Tumayo si Ulysses at inayos ang kaniyang bag.            “Sasabihin ko sana sa ‘yo kaso . . .” Kinuha ni Ambrose ang kaniyang telepono at ipinasok sa bulsa ng kaniyang bag. “Sobrang concentrate mo kasi manuod.” At isinuot niya ang bag sa kaniyang likuran.            “Ah, gano’n ba? Pasensya na.” paumanhin ni Ulysses sabay kamot ng kaniyang batok.            “Ayos lang. Tara na?”            “Tara.” NATAPOS ang unang araw ng pasukan, para kay Ambrose, fifty percent ay nasayang ang kaniyang araw at fifty percent na sulit naman.            Maagang nakalabas ng campus si Ambrose dahil walang mga guro ang sumipot sa buong klase nila hanggang sa maghapon, maliban na lang sa tinawag nilang ‘terrorist professor’. Dumiretso siya sa kainan sa harap lang ng paaralan at namili ng pagkain na bibilhin. Hindi naman sana siya nagugutom, pero nang manghimasok ang amoy ng mga pagkain sa kaniyang ilong ay wala na siyang pag-asa na tanggihan ang sigaw ng kaniyang tiyan.            “Bili na kayo! Bagong luto pa at masarap! Kasing sarap ko. Charot!” “Hi po, ate.” bati niya sa babaeng nagbabantay.            Ngumiti ang babae, “Anong sa ‘yo, Sir Guwapo?”            “Magkano po isang Xtra Big na Pancit Canton?”            “Ano ‘yon, sir?” tanong ulit ng babae. Hindi niya narinig ng malinaw dahil sa dami at ingay ng mga estudyante sa paligid.            Kaya, kinuha ni Ambrose ang Pancit Canton na Xtra Big at ibinigay sa babaeng tindera.            “Maghintay lang po kayo ng ilang minuto at maluluto agad ito, sir.”            Ngumiti si Ambrose, “Ayos lang po, ate.”            Habang naghihintay na maluto ang order niya, nagtingin-tingin muna siya sa kaniyang kinatatayuan mula sa paligid at baka may makita siyang kakilala o kaklase niya noong senior high school.            “Ang dami namang guwapo rito. Parang sisipagin akong mag-aral sa college.” Natawa si Ambrose sa sinasabi ng kaniyang sariling isipan. “Sana may guwapo akong classamate bukas.” Kalahati pa kasi ng kaklase niya ay hindi pa pumasok ngayong araw, kaya nagbabasakali siya na sana may guwapong ibigay si Lord sa kaniya.            “Ambrose?” May biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.            Pamilyar sa kaniya ang boses. Iniisip niya kung sino ito, kaya gano’n na lang ang biglaang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Humarap siya.            “Ulysses, ikaw pala. Bibili ka rin ba?”            “Hindi. Gusto ko lang sana isauli itong ballpen mo. Muntik ko na kasing makalimutan isauli sa ‘yo. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito,” tugon nito. “Ito nga pala.” At saka inabot niya ang ballpen.            “Sa iyo na muna ‘yan. Baka kailanganin mo pa,” sabi ni Ambrose sabay abot pabalik kay Ulysses.            “Hindi na. Bibili na lang ako bukas.” Hinarang ni Ulysses ang kamay ni Ambrose gamit ang kamay niya.            “‘Di ba, may assignment essay tayo kay Professor Terrorist?”            “Ay, oo nga pala, ‘no!?”            “Kaya, sa ‘yo na muna itong ballpen ko . . .” Kinuha ni Ambrose ang kanang kamay ni Ulysses at ibinigay ang ballpen. “Gamitin mo muna ito mamayang gabi at isauli mo na lang bukas. Okay?”            “Nakakahiya naman sa ‘yo. First day of school, nagiging pabigat na yata ako.”            “Shh, okay nga lang. Sige na.”            “Sir, luto na ‘yong Pancit Canton mo!” tawag ng babaeng tindera.            “Sige, alis na ako. Salamat, huh.”            “Saka ka na magpasalamat kapag naisauli mo na iyan bukas ng ligtas.”            Natawa sila pareho at nagpaalam na si Ulysses. Nang makaalis na siya ay kinuha na ni Ambrose ang kaniyang order.            “Magkano po?” sabi ni Ambrose habang kinukuha niya ang kaniyang pitaka.            “Twenty-five lang, sir.” tugon ng babaeng tindera.            Nang makakita na ng pera sa pitaka si Ambrose ay agad niyang inabot sa tindera ang bayad sabay sabing, “Thank you po, ate.”            “Thank you rin po, sir.” tugon ng tinderang babae sabay tinanggap ang bayad.            Pagkatapos, umalis na agad si Ambrose upang sumakay ng tricycle papunta sa pangalawang sakayan. Mula roon ay sasakay ulit siya ng ibang tricycle na babyahe pauwi sa kanila.            “Magkano po?” tanong ni Ambrose sa tricycle driver.            “Labindalawang piso.” tugon ni manong driver.            “Okay po,” nagbilang muna si Ambrose ng barya sa kaniyang mga kamay. “Ito po.” Inabot niya ang bayad sabay sabing, “Salamat po.”            Bumaba si Ambrose at nilisan ang dilaw na tricycle. Direkta niyang tinungo ang sakayan ng mga tricycle pauwi sa kanila. NANG makauwi si Ambrose, nadatnan niya ang kaniyang ina na nagtatanim ng mga bulaklak sa harap ng kanilang bahay. Nilapitan niya ito upang magmano.            “Ma’, mano po.”            Inabot ng kaniyang ina ang kanang kamay nito, “Bakit maaga ka ngayon nakauwi?” sabay nitong tanong.            “First day of class kasi ngayon, ma’, walang guro na pumasok sa klase namin, kaya maaga kaming nakauwi.”            “Ah, gano’n ba?”            “Opo, ma’. Sige po, magpapahinga lang po ako sa kuwarto ko.”            “Sige, ‘ya. Kumain ka muna pagkatapos mong magbihis. May niluto akong meryenda at nilagay ko sa drawer nang lagayan ng pinggan.”            “Sige po, ma’. Thank you po.”            Umalis si Ambrose at diretsong tinungo ang kaniyang kuwarto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook