Nagising ako ng maaga dahil parang ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit dahil ba sa kakaiyak ko kagabi. Napatakbo na lang ako sa CR at bigla akong naduwal. I-p**e so hard halos mawalan na ako ng hininga. Napahawak na lang ako bigla sa tiyan ko.
"Oh my God. This can't be," bulalas ko sa sarili ko. Dali-dali akong tumakbo at i-check yung calendar ng phone ko. Nanigas ako at hindi makagalaw habang tinitingnan ko yung calendar. I was 3 weeks delayed. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung buntis talaga ako, namura ko yung sarili ko. Hindi ko na lang din namalayan na umiiyak na ako.
"This can't be. You're f****d up now, Arrietty. Bakit ka ba kasi nagpaloko? Ang tanga mo, ang tanga-tanga mo," paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Gusto ko nang huminto sa pag-iyak pero hindi ko magawa. Paano na ako ngayon? Paano na sila, mommy? Ang daming tanong sa isip ko ngayon at iyak lang nang iyak ang nagagawa ko. Ano ba ang nagawa ko sa sarili ko?
"Cheer up, Arrietty. Delayed ka lang at hindi ka buntis," I said to myself. Yeah right, hindi ako buntis, I'm just delayed. Tumayo ako at tumingin sa salamin. I looked messed up, dapat ayusin ko yung sarili ko dahil hindi ako buntis.
Hindi talaga ito ang nasa isip ko na mangyayari sa akin in the future. Nangyari na 'to at hindi na para sisihin yung sarili ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko para pumasok na pero kailangan ko pa rin dumaan sa drugstore para bumili ng PT para makasigurado ako.
I bought 5 PT para masigurado ko. Tinititigan nga ako ng ibang customer doon sa binibilhan kong drugstore dahil siguro sobrang bata ko pa para bumili nun.
Nagmamadali akong pumasok sa kabilang gate ng school, suot-suot ang eyeglasses ko para hindi halata ang pamamaga ng mata ko sa kakaiyak. Nagmamadali akong tumakbo dahil late na ako. Sobrang traffic na pagdating ko dito. Marami naman kasi drugstore malapit sa school pero naisipan ko na bumili sa malayo para hindi ako makita ng mga studyante. Panigurado, chismis na naman ako sa dark web ng school.
"Ouch," sigaw ko habang hawak ang ulo ko dahilan upang mahulog lahat ng dala ko. Kung minamalas ka nga naman, oh. Kung kailan ako nagmamadali, tsaka pa ako nauntog.
"I'm sorry," sabi ko na lang sa lalaki na nabangga ko. Hindi ko na tiningnan kung sino siya, wala na akong oras para doon. Dali-dali kong pinulot lahat ng gamit ko dahil malalate na ako.
"Are you looking for this?" sabi niya sa akin habang pinapakita ang pregnancy test na binili ko sa drugstore kanina.
Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na pansin na si Thunder pala ang nabangga ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Bigla na lang umurong yung dila ko at hindi makasagot sa mga tanong niya.
"Are you looking for this?" ulit na tanong niya. Hindi ako makasagot. Natatakot ako kung ano ang sasabihin ko. I just stared at him at hindi ko siya sinagot. Ayaw kong malaman niya na buntis ako. Ayaw kong kaawaan niya ako.
"Is this yours?" tanong niya ulit sa akin na may seryosong tinig. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung paano mag-react. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-iyak.
"No, that's not mine. Why would I have that? I have to go," sabi ko sa kanya at tumakbo na papasok. Dahil din sa kinakabahan ako, hindi ko na kinuha yung PT na nasa kamay niya. Dadaan na lang ulit ako mamaya sa drugstore para bumili ulit.
Wala naman masyadong ganap sa klase, himala nga at walang pa quiz si Prof. Enriquez ngayon. Dali-dali akong naglakad palabas ng school upang pumara ng taxi. Kailangan ko talagang makabili ng PT ngayon para malaman kung ano ba talaga.
Nandito na ako sa condo at hawak-hawak ang PT na nabili ko. I read the instructions and then put two drops of my ihi sa PT. As I expected, kita ko ang dalawang pulang guhit. Pinipilit kong pigilan ang pagluha pero parang may sarili itong buhay na kusang lumalabas.
"It's okay, Arrietty, you can figure it out," sabi ko sa sarili ko, pinipilit magpakalma. Naawa ako sa sarili ko na kahit isa man lang na karamay ay wala ako.
I started questioning myself, may nagawa ba akong masama? Masama ba akong kaibigan? Kaya siguro iniwan na nila ako ng lahat.
Natapos na ang linggo at wala rin akong masyadong ginawa bukod sa pumasok sa school. Katatapos ko lang maligo para pumasok sa school, it's Monday today kaya maaga akong nagbihis. Today is a new day, iniyak ko na lahat ng sakit sa buong linggo. I accepted also na wala na kami ni Thunder at ng mga kaibigan ko. Ako na lang mag-isa at yung magiging baby ko.
I was sitting here inside the classroom, wala pa masyadong tao kasi nga maaga pa. Kaya nag-review na lang muna ako. Unti-unti na rin dumating yung mga kaklase ko.
Tinaas ko yung ulo nang makita ko na may sapatos na nakaharap sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"We need to talk," sabi ni Abigail sa akin. I just raised my brows again. "Just give me a minute let's talk," ulit pa niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi ko siya pinansin. Magsasalita pa sana siya ulit pero sinalampak ko yung airpods ko sa tenga. Isn't it obvious na ayaw ko siyang makausap?
Kung kailan ayaw ko na sa inyo, ngayon naman gusto niyo naman akong kausapin? Kanina si Thunder, ngayon naman si Abigail. WTH?
Naglalakad na ako pauwi ng condo ko ngayon, mga alas-7:00 na ng gabi at umuulan pa. Kinausap pa kasi ako ni Prof. Enriquez dahil daw ako yung magre-represent sa Union College internationally. Aayaw sana ako, pero sayang din naman may cash prize at dagdag din yun para sa panganganak ko. Pero dahil nagutom ako, pupunta muna ako sa paborito kong restaurant. I'm going to invite McKenzie na rin dahil sa tulong niya sa akin.
"McKay, let's eat. Treat ko pa, thank you na rin sayo," sabi ko sa kabilang linya.
"Tamang-tama Attorney, gutom na ako. Sige, papunta na ako diyan," sagot naman niya. Basta talaga usapang pagkain hinding-hindi talaga 'to aayaw si Mckay.
"Sige see you....Ahhhhhhhhhhhhhh."
Dahan-dahan kong dinilat yung mga mata ko. WTH? Nasaan ako? Sobrang dilim ng paligid. Nakaupo ako sa sahig habang nakatali yung mga kamay.
"Help," I shouted. Sinubukan kong makawala sa tali.
"Heeeeeeellllllppppp. Somebody help meeeee," sigaw ko ng malakas.
It was so dark, kaunting liwanag lang yung nakikita ko, may naaninag ako ng isang anino na nakatayo sa may pintuan. Hindi ko makita yung mukha dahil sa dilim.
"Who are you? Why are you doing this to me?" tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at pumalakpak.
"Wow, such a drama queen, as if you don't know me," sabi ni Athena.
"Let go of me," sigaw ko habang pinipilit kong makawala sa pagkakagapos.
"Not so easy, my dear," sabi niya habang umuupo sa upuan na naka-cross ang mga binti.
"What did I do wrong to you? This is kidnapping," sabi ko sa kanya.
"I know this is kidnapping. What do you think of me dumb?" baliw na talaga 'tong babae na 'to.
"You're crazy," sigaw ko sa kanya.
"You b***h, gusto mo ba malaman kung anong ginawa mo sa amin?" she slapped so hard. Anong ibig niyang sinabi sa amin? Marami ba sila?
"What do you mean?" sagot ko sa kanya habang pinipilit pa rin kumakalas sa tali.
"Okay girls, you can get out now," pumalakpak siya at nagsilabasan lahat ng mga kasama niya.
I was shocked sa lahat ng mga nakita ko. Unti-unti na naman tumutulo yung luha ko pagkakita ko sa kanila. How can they do this to me? Wala naman akong ginawang masama sa kanila. It was them. It's Anthonette, Jasmine, even Abigail and Daniel are here.