Chapter1:Blow
CHAPTER 1
LALLAINE
"Kath, late na ah, hindi ka pa ba matutulog?"
Inaantok na nag-angat ng tingin sa akin ang kaibigan kong si Katherine. It's already 11PM at hanggang ngayon ay wala pa ang kapatid niyang pinaghanda namin ng birthday surprise. Si Katherine ay ang may-ari ng Cafe na pinagtatrabahuhan ko. Ako ang gumagawa ng cakes at sa akin din nanggaling ang ilang recipe ng mga nasa menu nila. Wednesday ngayon pero nagpasya siyang isara ang Cafe niya para paghandaan ang kapatid niyang nagtatrabaho sa Bataan. Birthday kasi nito at isang buwan nang hindi umuuwi sa Bulacan. Dahil hindi masyadong magaling sa kusina ay nagpatulong siya sa akin sa pagluluto at pati na rin sa pag-decorate ng pader nila, simple lang naman iyon dahil hindi rin naman siya nag-imbita ng iba. Ako, siya, ang kapatid niya at ang girlfriend lang naman nito ang inaasahan niyang darating. Naglagay lang kami ng letter balloons para sa pangalan nito, 'Alex' at stickers ng 'happy birthday' sa wall. Ako rin ang nag-bake ng cake.
I've met Alexander before, una ko siyang nakilala sa opening ng Cafe, pero hindi ko siya masyadong nakausap. May nakalingkis kasi sa kaniyang babae na parang takot na takot maagawan o 'di kaya ay maging mag-isa. Kahit sa ibang okasyon sa buhay ni Katherine na umuuwi siya rito o pumupunta sa Cafe ay kasama niya ang babaeng iyon which is girlfriend niya. Pero mukha naman siyang mabait at approachable, hindi lang talaga ako nasanay na nakakausap siya nang matagal. Tamang hi at hello lang kami sa isa't isa.
"Inaantok na nga ako, e, pero Lallaine, wala pa ang kuya ko." May kasama nang hikab ang salita niya at panay na rin ang punas niya sa mga mata niya dahil nagluluha na ito sa antok.
I tapped Katherine on her shoulder. "Matulog ka na, gigisingin na lang kita kapag nandito na siya." Sinilip ko wristwatch ko. Isang oras na lang ay matatapos na ang birthday ni Alex. Gusto ko siyang tanungin kung sure ba siyang darating ang kapatid niya, pero kanina ko pa nakikitang napipikon na siya sa kapatid niya at ayoko nang dagdagan pa iyon.
Noong una ay tumanggi pa siya dahil nakakahiya raw sa akin, pero siguro dala ng antok ay bandang huli sumuko rin siya. Humiga siya sa long sofa sa sala, may maliit siyang kumot at throw pillow lang ang ginamit niyang unan dahil wala naman siyang planong matulog nang mahimbing doon. Pero base sa lalim ng bawat paghinga niya ay mukhang hindi tumalab ang pagmamatigas niya kaya nakatulog na siya nang mahimbing.
Sinimulan ko na lang nang ligpitin ang mga pagkain na hinanda namin sa mesa. Good thing ay hindi namin siya hinintay bago mag-dinner since nag-text din naman si Alex na male-late siya ng uwi, hindi lang namin in-expect na mukhang uumagahin siya. Habang abala ako sa pagliligpit ay hindi ko namalayan na bumukas na pala ang pinto, nagulat na lang ako nang mapatingin ako sa sala ay nakita ko si Alex na nasa gilid na ni Katherine at inaayos ang kumot nito.
He's wearing a white polo shirt na may tatak pa ng kompaniyang pinapasukan niya. Ang alam ko ay foreman siya sa isang product company, nakatapos at topnotch siya sa board exam bilang Chemical Engineering, kaya naman maganda ang trabaho niya sa Bataan. Bago pa ako makapag-react ay napatingin na siya sa gawi ko. Nakita kong tumingin muna siya sa wall kung nasaan ang decoration namin bago naglakad patungo sa dining kitchen na kinaroroonan ko.
"Hi, Lallaine. You're here?!" Tila hindi niya inaasahan iyon. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya at ang isa ay hawak ang eye glasses na siguro ay suot niya kanina. Tuwing nakikita ko siya ay may suot siya niyon, ngayon ko lang siya nakitang wala iyon. Ngayon ko lang nakita nang maayos ang mga mata niyang kapareho rin pala ng kay Katherine na may pagkachinito.
Tumango ako at iniwas ang tingin sa kaniya, bumaling ako kay Katherine na mahimbing pa rin ang tulog sa sofa.
"Oo, nagpatulong sa akin si Kath sa paghahanda. Gigisingin ko na, ah, kanina ka pa niya hinihintay." Naglakad ako palabas ng kitchen dining pero hinarangan niya ako at pinigilan sa may pulsuhan ko. Natigilan ako at napatingin doon saka nagtaas ng tingin sa kaniya.
Napalunok ako nang ma-realised ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Ito ang unang pagkakataon na nagkalapit kami nang ganito, ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na bumilis nang ganito ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.
Last year was the first time I met him at the opening of the Cafe. Hindi ko pa rin gaanong ka-close si Katherine noon, nag-apply lang ako bilang baker nila at natanggap ako. Nang una ko siyang makita ay tahimik lang siya at tumutulong sa amin. Hindi ko pa alam na kapatid siya ng amo ko, all I know is I got attracted to his charm. Mukha siyang masungit dahil sa may kakapalan niyang mga kilay, pero natatabunan iyon ng ngiti niya, lalo na't umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi talaga ako madaling ma-attract sa mga lalaki, pero sa kaniya ay iba. Siguro dahil bukod sa pogi siya ay nakita ko rin ang gentleness niya sa pagtulong sa amin sa pag-o-organize ng opening ng cafe. Noong una ay nahihiya pa ako sa kaniya, hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya. It was just a simple convo like 'I asked him if he's gonna work at the café so he told me about his job in Bataan, then he asked me if I'm gonna work here then I told him about me supplying the sweets. Our conversation went well until Katherine came and introduced Alex as her brother, and to my surprise, she's with Jessica, his girlfriend. They literally give each other a quick kiss right in front of me.
Mula noon ay hindi ko na sila nakitang naghiwalay. It was a short fantasy yet disappointing. Kahit na attracted sa kaniya ay iniwasan ko na rin siya, because I'm not that kind of girl who would entertain whatever I'm feeling towards someone who's already taken, no matter how serious or simple admiration it is. Pero inaamin ko, sa tuwing napag-uusapan namin siya ni Katherine ay hindi ko mapigilan ang sarili kong maging interesado, at sa tuwing makikita ko siya sa tuwing may okasyon at kasama ko si Katherine ay hindi ko pa rin maiwasan ang matuwa na makita siya o kiligin.
Minsan sinisisi ko si Kath kung bakit. Bakit kasi wala siyang naikukuwento tungkol sa kuya niya na panget para hindi ko naman na siya magustuhan?
Lallaine Marasigan, lumayo ka dyan! May jowa 'yan!
Tumikhim ako nang tila may matilis na boses ang sumigaw sa utak ko. Itong mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing makikita siya o magkakalapit kami ang siyang pinakamatindi kong kalaban. Ang hirap kasing pigilan kahit bawal.
The scream in my head was too loud but it's not enough to cover the beat of my heart.
Bumitiw siya sa akin bago pa ako makalayo, na tila nakita niyang hindi ako komportable sa hawak niya kaya siya bumitiw. How can I say that if I could, I would want his hand to stay on mine? But of course I couldn't.
"Sorry...'Wag mo na siyang gisingin, hayaan na natin siyang matulog."
Napakurap ako at humakbang ng isang hakbang paatras. "Late ka na kasi, sayang 'yong efforts ng kapatid mo." Sinulyapan ko ang mesa. Wala na ang mga pagkain doon pero naroon pa rin ang bakas ng organized na table.
Tiningnan nya rin iyon saglit at muli akong tiningnan. "I know, nagkaproblema lang sa trabaho. Salamat din sa 'yo, mukhang hindi lang si Kath ang nag-effort."
Pinagmasdan ko lang siya. Hindi ko alam kung tama ako, pero parang may iba sa awra niya. Bigla ko tuloy naalala na hindi kagaya ng dati na palagi niya kong nginingitian, ngayon ay halos blanko ang hitsura niya. Walang buhay ang mga mata niya. Pagod lang ba siya o malungkod? Nagsalubong ang kilay ko nang bigla kong maalala ang girlfriend niya. Sumilip ako pabalik sa sala kung nasaan ang front door saka siya muling tiningnan.
"Wala kang kasama? Dinamihan pa naman namin ni Kath ang pagkain kasi sure daw siya na kasama mo ang girlfriend mo."
Gumuhit ang labi niya, trying to form a smile but he failed. "Mag-isa lang ako."
Sa maigsing sinabi niya ay tila malalim at malungkot ang kahulugan niyon. Bahagya pa niyang ibinaling ang mukha niya at hindi ako diretsong tiningnan na tila iniiwasan niyang mabasa ko iyon. Ayokong magtanong o manghimasok, but suddenly I want to help him. Fine! Despite of him being in a relationship, I still care about him. Hindi iyon nawala at hindi ko rin alam kung bakit. Nag-isip ako ng sasabihin ko pero isang bagay lang ang naisip ko. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. It's already 11:38PM.
Excited akong ngumiti at hinila siya sa may pulsuhan niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman siya pumalag at nagpahila lang sa akin nang hilahin ko siya palapit sa dining.
"May 15 minutes pa tayo para mag-celebrate, it's still your birthday, Alex." Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at tinungo ang refrigerator para kunin ang cake na ni-bake ko. It's a combination of mocha and dark chocolate cake, may nakatayo pa roon na lalaking nakasalamin na ginawa ko pa gamit ang fondant. May nakasulat na pangalan niya sa gilid nito paikot, sadya ko iyon doon nilagay para kitang-kita ang pangalan kapag nag-picture siya na hawak iyon. May design pa iyon ng Happy birthday na may mini balloons.
"Ikaw ang gumawa?" tanong niya nang makita iyon, pinapanood niya akong sinisindihan ang candle gamit ang lighter na nakapatong lang sa mesa. Kanina pa iyon doon nakahanda para pagdumating siya. Napangiti ako nang tingnan ko siya at nakita kong mukhang naaaliw siya roon.
Tumango ako. "Ang cute 'di ba, kamukha mo."
"Edible? Paano ko itatago?"
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Sa susunod sabihan mo ang kapatid mong artist ang kaibigan para gawan ka ng figurines, cake lang kasi ang kaya kong gawin." Ang kunwaring pagsusungit ko ay nawala nang nagsimula siyang tumawa. Pakiramdam ko tuloy ay na-achieve ko na kaagad ang goal ko. "Happy birthday, Alex."
Tinagiliran niya ako ng ulo. "Hindi mo talaga ako ikukuya, ano?"
Sinimangutan ko siya. Sa tuwing kasi magkikita kami at maririnig niya akong tinawag siya sa pangalan niya ay ipinapaalala niya sa akin lagi ang 'kuya, minsan nga ay pati ang po at opo. Wala raw akong respeto. Hindi ko naman masabing ayokong magkuya sa crush ko.
"Anyway, thank you."
Mas lumapit ako sa kaniya para ilapit ang cake sa kaniya at mahipan niya iyon. Nagulat ako nang hawakan niya ang tray ng cake para tulungan ako, dahil doon ay nahawakan niya rin ang kamay ko. Mukhang wala lang sa kaniya iyon pero naghuhurimentado na ang puso ko. Para bang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko at yumakap sa kaniya. Hindi pa nakatutulong na medyo madilim sa dining kitchen kaya naman halos ang ilaw lang mula sa candle ang ilaw naming dalawa. It reminded me of the first day I met him. Maaga kami noon sa Cafe, sa itaas ng Cafe ay may rooftop at doon ko siya naabutan. For unknown reasons ay pasikat pa lang ang araw pero kahel na ang langit na usually ay sa sunset nakikita. That was the first time he got my attention, na para bang bumagal ang ikot ng mundo ko.
Napakurap ako nang mula sa cake ay tumingin muna siya sa akin bago ihipin ang candle.
"It means a lot, Lallaine."
Banayad na napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ko. There's something about it that made my heart calm.
This is wrong. Am I falling in love with him... again?