CHAPTER 2
LALLAINE
"Kanina ka pa nakasimangot, malas 'yan sa negosyo," sabi ko kay Katherine nang pumasok siya sa kitchen.
Nasa cafe kami, at kanina ko pa napapansin na wala siya sa mood. Tahimik at nakasimangot. The name of her café is Kathee Shop. Ang nag-isip daw niyon ay si Alex, sounds like coffee and her name. Ang gusto pa nga sana niya ay pangalan nila ni Alex ang nandoon but Alex insisted na dapat kay Kath lang tutal ay kaniyang negosyo iyon. Gets niya naman iyon, she just love her brother so much kaya gusto niyang pangalan nila ang nandoon. Pero tila hindi effective ang pagmamahal na iyon ngayon dahil nang tanungin ko siya kanina tungkol sa kapatid niya at tungkol sa birthday nito kahapon ay ayaw niya daw pag-usapan, na para bang dahil kay Alex kaya mainit ang ulo niya. Hindi ko na sana papansinin kaso ang ilang staff niya ay kanina pa ako sinesenyasan na may topak daw ang boss nila. May times din na may gusto silang itanong pero sa akin pinapatanong dahil wala siya sa mood kaya natatakot sila. We've known each other since last year, nang maghanap siya ng supplier ng pastries para sa itatayo niyang Cafe. Nakita niya ang page ko kung saan ako tumatanggap ng orders ng cakes, at doon siya nag-offer sa akin kung puwede niya raw akong kuhanan ng supplies. We met in person and we clicked. Mula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan. From being suppliers ng pastries ay naging mag-business partners na kami, madalas akong nandito para tulungan siya sa pagma-manage at makipag-hangout na rin sa kaniya. I can talk to her about everything, including problems and issues, ganoon din siya sa akin. Kaya naman kapag ganito ay nakikiusap sa akin ang mga staff na kausapin ko siya para maging komportable sila.
"May problema ba?"
Bumuntong-hininga siya at umupo sa pinakamalapit na stool. Iniwanan ko ang mga cakes na inaayos ko at nilapitan siya. I can sense that she don't want to talk about it but at the same time she knew that she needs it.
"Inaway ko kasi si Kuya Alex, nakakatampo kasi siya."
Tumaas ang kilay ko. "Birthday nong tao, inaway mo pa?" halos matawa kong sinabi. I'm just trying to lighten the mood, ayokong dagdagan ang init ng ulo niya.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Ayoko sa lahat ay 'yong nagiging makasalanan ang utak o puso ko, kaya naman kahit gusto ko pa siyang makasama ay iniwanan ko na rin siya nang ma-realised kong mali na ang nararamdaman ko. Kumain lang kami ng cake, and then I left. Umalis akong tulog pa si Kath kaya wala akong idea sa kung anong pinag-awayan nila.
"Iyon na nga, birthday niya pero hindi siya umuwi para makasama ako. For what? For him to be his girlfriend alone?" Ramdam ko ang tampo sa pananalita niya.
Personally, I don't like the idea of him wanting to spend his special day with his girlfriend for the more deeper possible reasons, but I get it.
"Kath, 5 years na sila ni Jessica. Normal lang na magkaroon na sila ng mga plano na para sa kanila lang. Who knows, sooner or later magkaroon na sila ng mga anak?" I tasted bitterness on my mouth as I think about it, them spending the night together is not impossible, tho.
Bumagsak ang balikat niya. "7 years nang wala ang mga magulang namin, 7 years nang kami lang ang pamilya, 7 years nang siya lang ang meron ako. You mean, that has to change just because he's with her for five years, and they can have a new set of family?" Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Ang kaninang tampo ay tila napalitan ng pangungulila at lungkot.
Minsan nang naikuwento sa akin ni Kath na namatay sa aksidente ang mga magulang nila, pitong taon nang nakararaan. Aksidente sa EDSA gawa ng lasing na driver ng truck. Nadamay lang sila sa aksidente at ang tanging survivor lang ay si Alex. Pumunta raw sila sa birthday ng lola nila sa father's side na nasa Maynila at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente. Hindi raw nila kasama si Katherine noon dahil may exam siya at naiwan siya sa lola nila sa mother's side. Mula noon ay naiwan na silang dalawa, si Alex ang naging guardian niya at nagpaaral sa kaniya. May naiwang bahay sa kanila ang mga magulang at nasa wastong edad na rin noon si Alex, kaya hindi nila kinailangan na maghanap ng kamag-anak na kukupkop sa kanila, 21 na si Alex noon habang si Kath ay teenager pa lang. Kaya nauunawaan ko siya kung ganito na lang ang takot niya na magkaroon ng sariling pamilya ang kuya niya. She lost her parents on her most vulnerable age, nagdadalaga, namumulat sa buhay, she's learning what's the real meaning of falling in love, struggle, hardships, dreams. She might not need someone to babysit her, to read her a book or to ready her stuff before going to school, but she needs someone to hold her hand and make her feel better when she's not, help her to get through it. And all that time all she has was his brother, Alex. She's depending on him.
Nauunawaan ko iyon dahil halos ganoon din ang situwasyon ko. Bata pa lang ako nang maghiwalay ang mga magulang ko. Hindi ko pa maintindihan noon, alam ko masaya naman kami, hanggang sa hindi na umuwi si Papa, minsan dumadalaw siya pero kapag wala lang si Mama sa bahay. Hanggang sa padalang nang padalang ang pagdalaw niya hanggang sa hindi na. Nasanay na akong kami na lang ni Mama ang magkasama, nasa lola ko ako kapag nasa trabaho siya. Hanggang sa nag-high school ako at lumaki ang mga gastusin namin. Ilan beses kong narinig si Lola na sinabihan si Mama na manghingi na ng sustento kay Papa, pero ayaw niya. Hanggang sa nagpasya siyang mag-abroad. Ang sabi niya ay malaki na raw ako kaya puwede niya na akong iwan, kukunin niya rin daw ako kung sakali, o 'di kaya ay mag-iipon lang siya at uuwi na rin. Matagal niya na raw balak mag-abroad pero dahil masyado pa akong bata at kailangan ng mag-aalaga ay hindi niya pa ako kayang iwan. I was 13 that time, kaya ko nang kumilos sa sarili kong mga paa, they're expecting me to do so. Akala ko rin kaya ko na.
But that age isn't easy. Dati noong bata ako mas iniiyakan ko pa ang sugat ko sa tuhod kapag nadadapa ako, kaysa sa mga problema sa bahay. Dati hindi ako natatakot kapag hindi ko naiintindihan ang mga turo ng teachers ko, kasi alam ko kapag uwi ko ay pwede akong magpatulong kay Mama. Dati nagdadasal lang ako bago matulog kasi ayokong magkaroon ng bangungot, pero ngayon nagdadasal na ako dahil gusto kong umiyak, dahil pagod at malungkot ako. Doon ko pa lang no'n nakikilala ang mga emosyong iyon, mga kalungkutan na hindi nabubura ng isang laro sa kalye o panonood lang ng TV. I still don't know how to handle all those kind of emotions, grief, pain, fears, emotions that were overlooked when you were just kids. And I was alone all that time.
Kaya alam ko na masuwerte si Katherine na nang mga panahon na iyon ay meron siyang Alex, at kahit kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko rin ito gugustuhing mawala. Pero hindi na yata iyon maiiwasan.
Hindi ko alam ang sasabihin o dapat kong sabihin sa kaniya, pero gusto kong tulungan na gumaan ang loob niya. Kaya naman hinawakan ko lang siya sa balikat para iparamdam at ipaalalang hindi siya mag-isa.
Napatingin ako sa pintuan nang dahan-dahang bumukas iyon. Si JK, ang nakatoka sa couner. Hindi siya pumasok, sumilip lang siya at mukhang nagsisi nang na-realized niyang seryoso ang pinag-uusapan namin ni Katherine. Mabilis naman naibaling ni Kath ang mukha niya upang hindi nito makitang umiiyak siya. Kaya naman ako na ang humarap kay JK.
"Yes?"
"Nandito po si Sir Alex."
Napaharap si Kath at nagkatinginan kami. Bago pa kami maka-respond ay lumaki na ang pagkakabukas ng pinto at iniluwa niyon si Alex. Kung sa ibang pagkakataon ay siguro nagtatalon na ang puso ko at abot tainga na ang ngiti makita ko lang siya, pero hindi ngayon dahil mas nag-aalala ako sa situwasyon nilang magkapatid. Sinenyasan ko si JK na iwan na kami nang mukhang gusto pang makiososyo kaya nanatili siya roon. Marahil nais din niyang malaman kung tungkol ba ito sa topak ng amo nila ngayon. Weekdays, kaya siguro nagtataka rin sila kung bakit nandito ngayon si Alex.
Nang tingnan ko si Kath ay nakaiwas lang siya ng tingin kay Alex. Mukhang wala siyang balak kausapin ang kapatid nya. Si Alex naman ay nakatingin lang din kay Katherine at mukhang hindi alam ang sasabihin. Kaya naman ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Alex, bakit ka nandito? 'Di ba may pasok ka?"
Binalingan nya ako. "I took a leave, para sana bumawi." Sumulyap siya kay Kath na hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin siya ng tingin. Nanunuksong siniko ko siya, umaasang matutuwa siya sa sinabi ni Alex. Pero sa halip ay nagulat ako sa naging reaksyon niya.
"Kaya mo naman palang mag-leave, hindi mo pa ginawa kahapon," sabi niya at tumayo na.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Alex. Tinikom niya lang ang kaniyang bibig, na para bang pinigilan niya iyon bumukas dahil sa maari niyang masabi. Binalingan ko si Kath.
"Uy nandito raw siya para bumawi," panunukso ko kahit na may bahagi sa akin na alam kong papairalin niya ang pride niya.
Tiningnan lang ako ni Katherine at binalingan si Alex. Malumanay lang ang tingin sa kaniya ng kapatid.
"Gusto mong bumawi? Ikaw ang tumao rito sa cafe."
Nanlaki ang mga mata ko habang napataas naman ng kilay si Alex. Bago pa ako makapag-react ay naglakad na si Kath patungo sa pinto. Bago makalabas ay nadaanan niya pa si Alex at kaagad siyang pinigilan sa braso.
"Kath, seryoso ka? Wala naman akong alam dito sa negosyo mo."
"Paano ka magkakaroon ng alam, e, hindi ka naman nag-effort na tulungan ako rito?"
"Kath..."
"Kung gusto mong bumawi, mags-stay ka. Kung ayaw mo edi umalis ka na, bumalik ka kay Jessica, extend your birthday celebration." Binawi ni Katherine ang braso niya at hindi naman iyon nilabanan ni Alex. Kaagad na itong lumabas ng silid at iniwan kami.
Napaiiling na sinundan ko lang ng tingin si Kath. Hindi niya sinara ang pinto kaya natanaw ko pa ang pagdidire-diretso niya palabas. So, seseryosohin niya talaga? Napabalik ang tingin ko kay Alex nang marinig ko ang buntong-hininga niya. Kagaya ko ay nakasunod din pala ang tingin niya kay Kath.
"Minsan talaga ang hirap kalaban ng pride ng kapatid ko."
"She's just sad, Alex." Binalingan niya lang ako at hindi nagsalita. "So, are you gonna stay? Para alam ko kung may maiiwan ako kapag umalis na ako. Naghatid lang naman ako ng supply ng cakes."
Bahagya siyang ngumuso at nagpamulsa. "I actually don't know anything about it." I just crossed my arm and shook my shoulder. Totoo naman kasi, this Cafe was dedicated for the both of them, kaya nga dapat combination ng pangalan nila ang pangalan ng Cafe, pero hindi naman siya pumupunta rito para tumulong o alamin kung paano pinapatakbo ni Kath ang Kathee shop. "Can you stay with me, please, Lallaine?"