CHAPTER 3
LALLAINE
Naiinis ako sa sarili ko. Dapat ngayon ay nasa bahay ako at nag-aayos ng orders na naka-pending sa akin na kailangan kong i-deliver bukas, pero sa halip ay nandito ako ngayon sa Kathee shop at pasimpleng pinapanood ang lahat ng galaw ni Alex. Buo na ang listahan ng mga plano ko ngayong araw, pero isang tingin, please at banggit lang nya ng pangalan ko, wala, nawala na lahat ng plano ko. Puwede ko bang pagalitan ang sarili ko?
Napaayos ako ng upo nang napansin kong palapit sa akin si Alex. Hindi siya nakasuot ng salamin niya ngayon, nakasabit lang iyon sa bulsa niya. Kaya naman madaling makita para sa akin na diretso sa akin ang tingin niya. Pasimple kong inayos ang buhok kong hindi kahabaan, it was dark and wavy. Madalas ay nakatali iyon, braided, naka-clam or man bun, nasanay akong hindi iyon nilaladlad dahil madalas akong abala sa kusina. Pero for some reason ay hinayaan ko iyon ngayon nakabagsak upang magmukhang maayos sa paningin niya. Unfortunately, naka loose shirt lang ako at maigsing short. Ang kaninang clam ko sa buhok ay nakakabit na lang sa dulo ng shirt ko. Hindi ko naman kasi talaga planong magtagal, kung hindi lang sa akin malakas si Alex ay iiwanan ko talaga siya.
Nang makarating sa kinapupuwestuhan kong bar section ay dumantay rin siya patabi sa akin at pinag-ekis ang kaniyang mga braso. Nakaharap kami sa view kung saan kitang-kita ang mga customers na mukhang mga abala sa kaniya-kaniyang kuwentuhan at pagkain. Sa anggulo niyang ito ay kitang-kita ko ang tangos ng ilong nya at ang magandang kurba ng kaniyang panga. Minsan talaga ay iniisip ko na kung hindi lang ito kapatid ng kaibigan ko ay pipikutin ko na ito.
"Matagal na bang may sama ng loob sa akin si Katherine dahil sa hindi ko pagtulong sa kaniya rito sa cafe niya?"
Nagulat ako sa tanong niya. Ibinaling niya ang ulo sa akin kaya mas nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya. Napakurap ako at napahawak sa may batok ko.
"Cafe nyo, hindi lang kaniya ito," pagtatama ko sa kaniya na ikinabagsak ng mga mata niya. Niyakap ko ang sarili ko at tumingin sa mga customers. "Alex, mahal na mahal ka ng kapatid mo, sa mga panahon na may sarili ka nang mundo, hindi siya pumasok sa ibang mundo para maibsan ang paglayo mo, naghihintay lang siya sa 'yo rito. Ikaw na lang ang meron siya, e, ikaw lang ang gusto niyang meron siya." I breathed softly and turn my head to him. Halos pagsisihan ko iyon nang makita kong nakatitig siya sa akin, kaya naman muli kong ibinaling ang tingin ko sa mga customers at tumikhim. Parang may nakabara sa lalamunan ko't muntik ko nang hindi mahanap ang boses ko. s**t! Bakit kasi ganoon siya tumitig?
Nagkibit-balikat ako at mas umayos ng tayo, bahagyang nilukot ang mukha ko upang alisin ang seryosong tensyon na namamagitan sa amin.
"Ikaw naman kasi, gusto ninyo pala ni Jessica na mag-celebrate ng solo sana sinabi mo na lang para hindi ka hinintay ni Katherine, tapos mag-set ka ng ibang date para sa inyong dalawa ng kapatid mo. Puwede rin naman na para sa inyong tatlo-"
"I wasn't with Jessica yesterday, Lallaine." Natigilan ako at muling napatingin sa kaniya. Siya naman ang nag-iwas ng tingin at tumingin lang sa sahig. "We broke up 2 months ago."
"I-I'm sorry, hindi ko alam." Nagulat ako. Walang nabanggit si Katherine, kasama pa nga sya sa bilang namin ng bisita kahapon.
Ngumiti siya nang walang laman at muli akong tiningnan. "Hindi mo rin naman talaga malalaman kasi hindi ko rin sinabi kay Katherine. Akala ko kasi magkakabalikan pa kami kaya ayokong sabihin, but her not reaching out to me even on my birthday, I think we're really over."
Hinarap ko na siya. Naalala ko ang hitsura niya kagabi. There's something in him last night, he seems sad and empty. Ang akala ko ay pagod lang siya sa byahe.
Humarap na rin sya sa akin habang nakatukod ang isang siko sa counter. "Don't worry, I'm fine," anya na tila nabasa niya ang pag-aalala sa mukha ko. "I was just used to be with her in every occasions in my life for more than 5 years, especially when we lost our parents, she's my new family. Kaya ayoko sanang mag-celebrate ng birthday ko, kaya nag-overtime ako sa trabaho. I already told Katherine, so I didn't expect her to prepare something for me."
"You should've told her, then. Maiintindihan ka naman niya."
Nagkibit-balikat siya. "But FYI, hindi ako nagkaroon ng sarili kong mundo. Katherine will always be part of my world, ikasal man ako at magkapamilya. Kung puwede lang ay isasama ko siya sa Bataan, pero ayaw niya namang iwan ang bahay namin dito."
"Dahil sa parents ninyo 'yon."
"I know, kaya nga hindi ko siya masisi. But you cannot expect me to be stuck here. Ever since that accident happened, all I want is to grief, but I know that I can't, because I have to move forward for the both of us, because if I don't, paano na lang ang kapatid kong naiwan sa akin? Siguro iyon ang kaibahan namin ni Katherine, kasi all this time she can embrace the grief without somebody depending on her. I couldn't."
"And Jessica was the first person who made you feel you can depend on?"
I taste bitterness on my tongue. Ngayong mas nauunawaan ko na kung gaano kahalaga sa kaniya si Jessica at mas naiintindihan ko na rin kung bakit parang pakiramdam ni Katherine ay mas mahalaga ito kaysa sa kaniya para kay Alex, and him not denying it hitting my chest hard. Nagseselos ako kahit hindi naman dapat.
"Pantay lang naman sila sa akin. At sigurado rin naman akong pantay tayong dalawa sa puso ni Katherine."
"Ha?"
Ngumiti siya. Sa pagkakataong ito ay hindi na iyon mukhang pilit at may pagpapanggap. "She was never close to anyone but me ever since we lost our parents, until she met you. I'm sure you're her Jessica."
Napangiti ako. He's right. Nakilala ko si Katherine na iilan lang ang kaibigan na meron siya, at ang iilan na iyon ay hindi niya naman madalas nakakasama. Ang sabi niya sa akin noon ay may mga kaibigan din siya noong nag-aaral siya, pero wala siyang barkada o best friend. Kaya nga yata gumaan ang loob ko ng sobra kay Alex, kasi si Alex lang ang naikukwento niyang core niya, sumbungan at nagpapasaya sa kaniya. I already know him before I met him.
"Jessica is very lucky to have a special place in your heart, Alex. Kaya kung ako nga ang Jessica ni Katherine, then I'll promise that I won't leave her like your Jessica did."
"Ang swerte naman ni Katherine, sana pala ikaw na lang din ang Jessica ko."
"Bakit nga kasi hindi na lang ako?"
Naitikom ko ang bibig ko nang ma-realised kong naisaboses ko ang nasa isipan ko. Naiilang na tiningnan ko siya. Nakaharap pa rin siya sa akin habang nakataas ang isa sa makakapal niyang kilay at tila nagpipigil ng ngiti.
"I mean, ang sarap kayang maging kapatid ninyo. Gusto ko ngang magpaampon, e, gusto kong maging De Vera." Nagpilit akong ngumiti pero alam kong naging ngiwi lang iyon, dahil sa loob ko ay gusto ko nang magpakain sa lupa, o sana ay kagatin niya ang palusot ko. Ayoko namang isipin niyang pinagnanasaan ko siya... Kahit totoo.
"You can't even call me 'kuya tapos magpapaampon ka pa?"
Sumimangot ako at mas ngumuso nang makita ko ang kapilyuhan sa ngisi niya. Minsan iniisip ko kung aware ba siyang napipikon ako kapag pinipilit niyang tawagin ko siyang kuya, o kung aware ba siya kung bakit.
"Ayoko nga."
"Akala ko ba gusto mong maging De Vera, bakit ayaw mong maging kuya ako?"
"Edi pakasalan mo."
Pareho kaming napatingin sa likod ng counter nang biglang magsalita ang isa naming staff na si Ally. Napangiwi siya nang mapansin niyang nakatingin kami sa kaniya at yumuko, na tila doon niya lang na-realised na napalakas ang sinabi niya at narinig namin iyon. Dahan-dahan siyang nagbigay ng 'peace sign saka kami iniwan. Naiilang na napaiwas lang ako ng tingin ko. Kanina pa ba siya naroon at nakikinig sa amin?
"Ang daming tao. Tulungan ko na sila." Bago pa siya makasagot ay iniwanan ko na siya sa bar section. Hindi ko rin alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkailang. Siguro dahil ayokong may makahalata ng pagtingin ko para kay Alex. At lalong ayokong makarating iyon kay Katherine.
***
It's already 6PM. Lumipas ang oras na halos iniiwasan ko lang si Alex. Sinusubukan ko namang huwag iyon ipahalata sa kaniya kaya kahit papaano ay kinakausap ko siya, pero isang tanong isang sagot lang. Pagnakikita ko namang nakatingin sa akin ang ibang staff ay minamatahan ko lang sila. Nakasisiguro akong kumalat na sa kanila ang kung anong narinig o nasaksihan ni Ally kanina.
"Nasaan na kaya si Katherine?" tanong ni Alex sa sarili habang tumitingin sa kaniyang wristwatch.
Nilapitan ko siya nang makita kong nakatanaw na siya sa glass wall ng cafe. Kitang-kita sa kaniya ang pag-aalala. Kanina ay binanggit niya sa akin na nag-message siya kay Katherine at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagre-reply kaya nag-aalala na siya.
"'Wag kang mag-alala, wala namang bisyo 'yong kapatid mo. Ikaw na rin ang nagsabi na wala naman siyang ibang kaibigan, malamang nasa bahay lang iyon."
"Hindi lang ako sanay na natitiis niya ako ng buong araw."
"Papasok ka na ba bukas? Kasi kung oo ay dapat magkausap na kayo tonight."
"Kapag nakausap ko na siya ay papasok na ko, kapag hindi pa rin edi magsi-sick leave na ako."
Natawa ako. "LQ nyo lang palang magkapatid ang sisira sa pagiging workaholic mo." Naiiling ako at pinigilan ko ang sarili na balingan siya, ramdam ko kasi ang panonood niya sa akin. Natigilan ako nang makita ko ang sasakyan ni Katherine na paparating. "'Yong kapatid mo!" Excited na pinagtulukan ko si Alex patungo sa may pinto para salubungin si Katherine. Nagpatianod lang siya sa akin. Saktong dating namin doon ay ang pasok ni Katherine sa pinto.
Nanlalaki ang mga mata na tiningnan niya ako. "Lallaine, hindi mo iniwan si Kuya?"
Kunwaring inirapan ko siya. "Paano e iniwanan mo siya rito, wala naman 'tong alam sa café mo."
Actually dahil may mga kailangan akong gawin ay tiningnan ko kung kaya ba ni Alex kahit umalis ako, pero ang daming nangyari kanina at mabuti na lang ay may kasama siyang alam ang gagawin. Isa roon ay ang dalawang mag-asawang pinag-aawayan ang anak nila. Kung tuluyang nauwi sa gulo ang lahat at nagkatawagan ng police o barangay, siguradong maghahanap ng manager at hindi ko alam kung kayang harapin ni Alex ang mga iyon kapag may mga itinanong na tungkol sa cafe. Kaya bandang huli ay whole day akong nandito at sinamahan siya. Good thing kasi dahil sa tanong ni Katherine ay naalala kong hihilahin ko ang buhok niya dahil sa kagagahan niya.
"Paano iyong mga pending orders mo? Hindi mo ginawa? Bukas na iyon!"
Bumaling sa akin si Alex, nagtatanong ang mga mata. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"I can do it tonight. Don't worry."
Humarap sa akin si Alex. "I'm sorry, I shouldn't asked you to stay."
Tinapik ko siya sa balikat, naibuka ko na ang bibig ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
"Malakas ka sa akin, e."