CHAPTER 4
LALLAINE
Napaangat ang ulo ko nang tumunog ang oven ko hudyat na luto na ang mga cupcakes na nakasalang. Tinatamad man tumayo ay ginawa ko pa rin upang mailabas na sa oven ang mga iyon at hindi ma-overcook. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas cinco na ng umaga. Ito na ang last batch ng cupcakes na kailangan kong isalang. Ide-decorate ko na lang at isa isang ilalagay sa box. Panay ang hikab ko, mabuti na lang at nakasuot ako ng face mask ko na usually ko nang routine basta nagbe-bake ako. Kasi, paanong hindi ako aantukin. I had to make 100 cupcakes and 100 cookies, also a 4 layers wedding cake. Dapat ay kahapon ko pa ginawa ito at ngayong araw ko ihahatid, pero dahil nga buong maghapon ako sa Kathee shop kahapon ay magdamag ko na lang tinapos ang lahat ng orders. Mamayang 11AM ay dapat nahatid ko na ito sa Makati.
Kahit masyadong malayo ang Makati ay tinanggap ko pa rin ang orders dahil may van naman ako, kumpyansa akong kaya ko iyon ihatid. Pero hindi ko naman alam na matatalo ako ng kahinaan kong si Alexander Clay De Vera. Kaya bandang huli ay heto ako naghahabol ng oras.
Inaayos ko na ang icing sa piping bag para mai-decorate ang mga cupcakes, nang tumunog ang doorbell. Pagod na iniwan ko na muna ang ginagawa ko para tugunan ang kung sino mang kumakatok. Masyado pang maaga para sa bisita kaya naman palagay ko ay importante iyon. Ngunit nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Katherine at Alex.
"Good morning, Sissy!"
Hindi makapaniwalang pinagsalinan ko sila ng tingin. Gulat man at nagtataka ay nilakihan ko pa rin kaagad ang pagkakabukas ng pinto para papasukin sila. Humalik sa pisngi ko si Katherine na medyo ikinaasiwa ko dahil pakiramdam ko ay ang dungis ko. Parang gusto ko tuloy magtago na lang sa face mask kong inalis ko bago buksan ang pinto upang hindi iyon makita ni Alex, but it's too late. I found him looking at me and mouthing good morning with a smile, kaya wala na akong nagawa kundi ang tugunan iyon.
"Bakit kayo nandito? Busy ako ha, saka aalis ako mamaya."
Feel at home na pumasok si Katherine hila-hila si Alex papasok, kaya walang nagagawa na gumilid na lang ako para makadaan sila. Nakita ko pang sinita ni Alex ang kapatid pero hindi naman siya nito pinansin. Natawa na lang ako dahil normal na naman sa amin ni Katherine ang umastang may-ari ng bahay ng isa't isa. Hindi lang sanay si Alex dahil hindi niya naman iyon nakikita.
"Alam namin, kaya nga kami nandito para tulungan ka, 'no. Nasaan na ba 'yong mga cupcakes mo. Natapos mo ba?" Dumiretso na siya sa kitchen ko at naiwan kami ni Alex sa living room habang patuloy ang pagsasalita niya, ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil napatingin na ako kay Alex. Nakita ko ang paglibot nya ng paningin sa buong sala. Good thing ay palagi akong malinis sa bahay, libangan ko na ang paglilinis o pagliligpit. Mag-isa lang din naman ako sa bahay kaya walang makalat. So, bukod sa hitsura ko ay wala na siguro akong dapat ikahiya.
"Lallaine..." Nagtaas lang ako ng kilay bilang pagtatanong. "Sorry nga pala uli dahil naistorbo kita kahapon."
Umiling ako with a hand gesture. "Ano ka ba, ayos lang iyon. Nagkalkula rin naman ako sa utak ko. I won't say yes to you if I know that I can't make it."
"I still want to help."
"Do you know anything about baking?"
"Nope!" Napatingin kami pareho kay Katherine nang siya na ang sumagot sa tanong ko at lumabas siya sa kitchen dala ang isang cupcake na may icing sa ibabaw, ang isang kamay niya ay may hawak na piping bag. "Ako nang tutulong sa 'yo sa cake, siya naman ang magiging driver mo para naman sa ganoon ay makapagpahinga ka sa byahe."
Parang gusto kong maiyak nang makita kong nagaya niya ang decorate ko sa cupcakes na mga una ko nang nagawa, kaya naman tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya at hinalikan sa pisngi.
"Thank you Kat, you're my life savior." Pagod na talaga ako kaya naman pakiramdam ko ay nakakita ako ng pag-asa dahil sa kaniya.
Natatawang hinalikan niya ako sa pisngi saka kunwaring seryoso akong tiningnan. "Kaya halika na't tapusin na natin 'to para umabot. Pambawi na lang sa pang-iistorbo sa iyo ng kuya ko at pagiging gaga ko dahil hindi ko naisip na mali ang ginawa ko kahapon."
"Hindi ba kayo maaabala?"
"Mamaya pa naman ang bukas ng Cafe, malamang nakaalis na kayo no'n."
Tumango lang ako sa kaniya at bumaling kay Alex. "Hindi ka papasok?"
Umiling siya at ngumisi, nagpilit siya ng ubo na ikinatawa ko kaagad. "Nag-file ako ng sick leave. I'm sick." Natawa ako dahil kahapon pa niya naiisip ang alibi na 'yan. Lumapit na sa amin si Alex at itinulak na kami papasok ng kitchen. "Tapusin na natin 'to."
At kagaya ng ipinangako nila ay tinulungan nga nila ako. Si Katherine ang tumulong sa akin sa pag-decorate ng cupcakes. Natutunan niya iyon dahil minsan ay nagiging bonding na namin ang baking. Mas mabilis lang akong gumawa dahil mas sanay ako, pero maganda rin siyang mag-decorate. Si Alex naman ang tagabalot namin. Pinaayos ko pa sa kaniya ang boxes ng cookies na sabi ay for wedding giveaways daw. Good thing ay magaling naman sa pag-organize ng mga ganoon si Alex. Naglolokohan pa sila ni Katherine na i-imagine niya na lang daw na isa iyon sa mga product nila.
Naaaliw na pinapanood ko sila. I think hindi ko na kailangan pang magtanong, dahil obvious na nagkausap na sila at nagkaayos. Masaya akong makita silang maayos. Alam ko rin kasi kung gaano kaapektado si Katherine sa dinadala niyang sama ng loob sa kuya niya, pati ang epekto niyon kahapon kay Alex ay hindi niya rin naman itinago. I'm really happy to see them okay. Kaya naman tila nawala ang pagod ko at ginanahan ako sa ginagawa ko. Nakangiti lang ako sa buong oras na tinatrabaho namin ang orders na may kasamang chikahan.
Binilang ni Katherine ang natitira pang cupcakes at nang makitang sampu na lang iyon ay inako niya na iyon para makaligo na ako at makapag-ayos. May tiwala naman ako kay Katherine kaya alam kong kaya niya na iyon kahit wala ako, kaya naman tinanggap ko na ang offer niya. Isa pa ay kanina pa rin ako nanlalagkit. I need a cold shower to refresh at para na rin mawala ang antok ko. Hindi na sapat ang kape lang. Binilisan ko lang ang paliligo ko. Gusto ko sanang magbabad pero dahil baka ma-late kami ay naisip kong babawi na lang ako pag-uwi ko.
Nag-a-apply na ako ng lipstick ko nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko at bumukas din kaagad. It was Katherine. Hinayaan ko lang siyang pumasok. Dumiretso siya sa kama ko.
"Tapos na kayo?" Tumango lang siya sa akin. Tinitingnan ko lang siya mula sa salamin dahil abala ako sa pag-aayos ko ng aking sarili. Nagtaka ako nang makita ko siyang matamlay na naupo sa kama ko. Kinuha pa niya ang unicorn stuffy ko at niyakap, as if she needs a comfort. "Okay ka lang?"
She breathed softly. "Alam mo na raw ang nangyari kina Kuya Alex at Jessica?"
Nilingon ko na siya saka ako tumango. Hindi na ako nagulat na alam niya na rin iyon dahil obvious naman sa kilos nilang bati na sila, ibig sabihin ay nagkausap na sila at imposibleng hindi pa iyon mabanggit ni Alex.
"I know he's sad but I don't know how to comfort him."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya sa kama. Nasa magkabilang side kami ng bed ko, medyo malaki iyon kaya halos magkalayo rin kami.
"Hindi mo naman kailangan magsabi ng kahit ano, I'm sure presensya mo lang ay sapat na."
Hinarap niya ako. "Ikaw muna bahala kay Kuya Alex ngayong araw, ha. Kausapin mo siya. I know how good you are when it comes to comforting friends, kasi ganoon ka sa akin, e. Baka may matulong ka para pagaanin ang loob niya."
"Kaibigan kita, normal lang na may epekto ang comfort ko sa 'yo, ano ka ba."
Inabot niya ang kamay ko kahit na halos mahiga na siya sa kama ko. "Just try, please?"
Sa katunayan ay hindi ko rin naman talaga alam ang dapat kong sabihin kay Alex. Kahit kahapon naman nang nag-open up siya sa akin ay parang wala rin naman akong nasabing maganda para matulungan siya. Pero tumango na lang ako kay Katherine para lang makampante siya. Hindi nagtagal ay sabay na kaming lumabas ni Katherine sa kuwarto ko. Inabutan namin si Alex na nilalagay na sa van ang mga orders. Nakasisiguro akong si Katherine na ang nag-utos sa kaniya at malamang nagbigay rin ng car keys ko dahil kabisado naman na ni Katherine ang buong bahay ko, alam niya kung nasaan lahat ng mga kailangan niya.
"Ready?" tanong niya sa akin.
Pinagtulakan na ako ni Katherine na tila hindi ko na kailangan sumagot dahil inaalay niya na ako sa kapatid niya.
"Kuya Alex, bilang ko ang hibla ng buhok nitong kaibigan ko. Kaya ibalik mo 'yan sa akin nang buo."
Natawa si Alex at napailing. "Ewan ko sa 'yo." Binuksan na niya ang pinto ng passengers at inilahad ang kamay sa akin. "Tara?"
I breathed softly when I felt my heartbeat. Natatakot ako. Ayoko ng nararamdaman ko, bakit parang pakiramdam ko ay wala na akong kawala?