Chapter5:TheBride's...

2725 Words
CHAPTER 5 LALLAINE Napaayos ako ng upo nang maalimpungatan ako at mapatingin sa bintana ng sasakyan. I found myself in the middle of traffic. Napatingin ako sa wristwatch ko. It's already 9AM. s**t! Aabot ba kami? "Don't worry, aabot tayo." Napatingin ako kay Alex nang bigla siyang nagsalita na tila nabasa niya ang nasa isipan ko. Halos makalimutan kong kasama ko nga pala siya. Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay ay sinabihan niya na akong matulog. Noong una ay tinanggihan ko pa dahil nakakahiya naman sa kaniya kung tutulugan ko siya, pero natalo na ako ng antok at pagod ko kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Inayos ko ang sarili ko. All I need is a power nap, kaya naman sapat na ang dalawang oras kong tulog. Nagmamadali kasi kaming umalis ng bahay dahil ayokong ma-late. Especially first customer ko iyon sa malayo, at umaasa akong after nito ay may kukuha na rin sa akin kapag nakapagbigay ng review ang client ko kahit sa malayo. Masaya naman ako sa pagiging supplier ng Kathee shop at iilang orders na natatanggap ko, kumikita ako ng sapat. But I still want to expand. One day ay magtatayo ako ng sarili kong bakeshop, pero kailangan ko munang mag-focus sa pagpo-promote ng mga gawa ko. "Are you not going to sleep again?" tanong niya nang mapansin na nag-aayos na ako. Umiling ako. "Ayokong mukha akong bagong gising kapag dumating tayo roon." Tumango siya. "May pizza wrapped sa likod. Kumain ka muna. Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya dalawang flavor na ang binili ko." Kinuha ko iyon. Isang pepperoni at spinach. Nilagay ko sa harap niya ang pepperoni at binuksan ang spinach. "Buti na lang kumakain ako ng pizza wrapped." "Nakita ko nga kayo once ni Katherine na iyan ang kinakain kaya sigurado akong kumakain ka niyan." Tiningnan ko lang siya habang kumakagat sa wrapped ko. Hindi ko alam na napapansin niya rin pala ang mga ganoong kaliit na detalye tungkol sa akin... Ipinilig ko ang ulo ko. Of course, kasama ko si Katherine noon kaya mapapansin niya talaga. Stop assuming Lallaine Sapphire Marasigan! Inabutan niya ako ng water bottle habang abala ang mga mata sa daan, ang isang kamay ay nanatili sa manibela. Tinanggap ko iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Mas gusto ko 'yong ganitong abala siya, hindi niya napapansin na nakatingin na ako sa kaniya. "Okay na kayo ni Katherine?" Sumulyap lang siya sa akin at tumango. "Nag-explain na ako sa kaniya, good thing ay naintindihan niya naman. Sinabi ko na rin sa kaniya na kaya isang buwan na akong hindi umuuwi ay para iwasan siyang magtanong tungkol kay Jessica." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko, ngayon ko lang din naalala na kape lang ang inalmusal ko. "Napag-usapan pa nga namin 'yong nangyaring gulo sa ex couple kahapon, kaya thankful siya na nandoon ka. Kilala niya pala iyon at madalas sa Cafe?" Tumango ako. Hindi na namin iyon napag-usapan kahapon dahil nga iniwasan ko na siya para makaiwas sa panunukso ng mga staff namin. "Yes, working mom siya, at dahil hiwalay na sila ng daddy ng anak niya ay palagi niyang sinasama sa Cafe habang abala siya sa online job niyang ginagawa niya roon. Ang alam ko ay hindi na nagbibigay ng sustento ang lalaki, pero gusto pa rin magpakita sa bata. Ito namang bata ay mahal na mahal ang ama niya, kaya nagagalit 'yong mommy niya kasi hinahanap pa niya 'yong taong wala naman ambag sa buhay niya." Kinuha ko ang pepperoni wrapped. Pumutol ako doon para subuan siya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko pero ngumanga rin at tinanggap iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko at maya-maya ang pagsubo sa kaniya kapag nakikita kong wala na siyang nginunguya. It's my intrusive thoughts to feed him. "Sinasabi niya iyon sa bata?" Tumango ako. Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago sumagot. Kahit na nakatagilid siya at nakasalamin ay kita ko pa rin ang bahagyang pagkunot ng noo niya. He doesn't like the idea. "Oo raw, para daw hindi na hanapin. Minsan daw na narinig ni Katherine na sinabihan ng mommy niya 'yong bata kung gaano kawalang kuwenta 'yong tatay niya para manahimik na." Napailing lang siya at hindi umimik kaya nagtaka ako. "Bakit, mali ba? Hindi ba't tama lang na alam ng bata kung sino ang nagmamahal sa kaniya at hindi?" "I don't know, but I'm sure that us adults, hindi dapat tayo ang magtuturo sa mga bata na magalit kahit na kanino. She's just 7 years old, one day mare-realized niya rin iyon, pero sa ngayon dapat ang natututunan lang mula sa atin ng mga bata ay magmahal at magpatawad. It seems little but it'll have a huge impact for the kids' life, kasi paglaki niya ay hindi lang siya sa ama niya matututong magtanim ng sama ng loob, matatakot na rin siyang magmahal at maiwanan, dahil iyon ang nagiging epekto sa atin kapag hindi tayo natutong magpatawad sa mga nakasakit sa atin, puro na lang tayo galit, 'di ba?" Ibinagsak ko lang ang kinakain ko sa lap ko at tumingin doon. "Hindi ko alam, wala rin naman kasing nagturo sa akin na patawarin ko 'yong taong nang-ambandona sa akin." Muling bumalik sa akin ang mga panahon na nagsimulang hindi na umuwi si Papa sa bahay. Palagi kong tinatanong noon si Mama kung kailan siya babalik, at palagi niya lang sa akin sinasabi ay busy sa work si Papa. Hanggang sa hindi na siya bumalik o nagparamdam. Isang araw ay umiyak ako dahil nami-miss ko na ang papa ko, nagalit sa akin si Mama at pinagdiinan na hindi na siya babalik. Wala na siyang pakialam sa akin, iniwanan niya na ako kaya 'wag ko na siyang hanapin pa. Wala na akong ama. It's painful to hear all those words. Araw-araw ay umaasa akong isang araw ay darating si Papa at papatunayang mali si Mama. Pero habang nagtatagal ay nawalan na ako nang pag-asa, at kasabay ng pagkawalan ko ng pag-asa ay ang pagkamatay ng natitirang pagmamahal ko sa kaniya. Ang naiwan na lang sa akin ay ang sakit at hinanakit buhat ng pag-iwan niya sa amin. Nag-iinit ang mga mata ko. Ayokong gumalaw o tingnan manlang si Alex sa takot na makita niya ang luhang nagbabadyang kumawala sa akin. Ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Masuyo niyang pinisil iyon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya, at doon ko naabutan ang malumanay niyang mga tingin sa akin. Nasa gitna kami ng traffic kaya naman naibigay niya sa akin ang buong atensyon niya. "Sorry," anya na para bang alam niya ang nararamdaman ko kahit na hindi ko sabihin. Marahan akong umiling. "Ayos lang, 'wag kang mag-sorry." Gumuhit lang ang labi niya para ngitian ako, pinagmamasdan niya pa rin ako na para bang iniisip niya kung anong gusto niyang sabihin. Inialok ko na lang sa kaniya ang wrapped na kaagad niyang inilingan. "Patikim ng iyo." Hawak niya pa rin ang kamay ko kaya hindi ko na naputol iyon at basta na lang tinapat sa bibig niya na kaagad niya namang kinagatan. Natawa ako nang tumungo siya nang nasarapan doon. Muli nang umusad ang trapiko, pero hindi niya pa rin pinakawalan ang kamay ko. Habang nakatingin ako sa mga kamay namin ay unti-unting nawawala ang kirot sa puso kong bumalik nang maalala ko ang papa ko. Na para bang dahil doon ay isang malalim na sugat sa puso ko ang naghilom. *** "I'm so happy that you made it!" bati sa akin ni Anna, ang wedding coordinator. Ang alam ko ay kapatid siya ng bride, pero bilang regalo ay nagpresinta siyang maging wedding coordinator nila. "Sobrang daming naging problema, kulang kami sa tao. Ang daming technicalities, kaya sobra ang kaba ko nang mag-11am na pero wala ka pa rin. Napangiwi ako. Hindi pa siya nakaayos, pati makeup at buhok niya ay wala pang ayos. Nakasimangot din siya nang dumating kami ni Alex. Halata ngang stress na stress siya. "Sorry, medyo na-traffic din kasi talaga kami." Sa likod ko ay humawak sa balikat ko si Alex. "Saan ko ilalagay 'yong mga orders?" Nagpa-panic na naghanap ng puwesto si Anna. Nagkatinginan lang kami ni Alex. Mukhang pati siya ay pansin na hindi pa prepare ang lahat. Mukhang marami pang kulang. Ang alam ko ay 1PM ang wedding, garden wedding. Same place ang reception. Sa isang banda ay naroon ang mini stage na pinalilibutan ng pastel orange na mga bulaklak, white and yellow na mga petals sa floor. Ang mga table sa kabilang banda kung nasaan ang mga manonood sa kasal na siyang reception na rin ay hindi pa ayos. May mahabang table sa isang banda kung nasaan tingin ko dapat nakalagay ang mga pagkain pati na rin ang round table na katapat niyon na mukhang lalagyan ng mga giveaway or cakes ay wala pang clothing. I don't wanna judge it but honestly, this wedding looks disaster. "Do you need any help, Miss?" I looked at Alex over my shoulder. He looks concerned and sincere. Mukhang naiiyak naman na tumango si Anna. "Hulog kayo ng langit. Promise kahit kainin ninyo lahat ng handa mamaya ay okay lang, makabawi lang sa inyo. Please I really need your help." Walang pagdadalawang isip na sumama si Alex nang hilahin siya ni Anna para ituro kung anong kailangan niyang gawin. Nilingon niya pa ako na tila nagpapaalam, and he mouthed, "Wait for me." Napailing na lang ako sa kaniya. Bandang huli ay sumunod na rin ako para tumulong. Inayos namin ang clothing ng mga tables, pati na rin ang mga bulaklak na decoration sa paligid. Maganda naman ang vision ni Anna, kaso ang sabi niya ay wala pa raw 'yong mga volunteer na tumulong. Iyon lang daw ang pagkakamali niya, they didn't hire anyone, lahat ng tao ay volunteer lang kaya naman kapag mga nagbago ang isip o backed out ay wala siyang mga taong sasalo ng trabaho. Sa isang tent na muna namin inilagay ang mga sweets kasama kung nasaan ang mga pagkain para sa reception na mamaya pa ilalabas after ng kasal. Natapos kaming mag-ayos bago mag-1pm. Dumating na rin ang mga bisita, ang pari at groom. Ipinakilala pa kami ni Anna sa groom at ipinagmalaki ang pagtulong namin kahit na nandito lang naman talaga kami dapat para i-deliver ang cakes. Nasa isang sulok lang kami ni Alex nanonood. Pinapaupo kami ni Anna kanina kasama ng mga bisita, pero dahil naka-blue plain shirt at jeans lang si Alex, habang ako ay naka pink croptop at palda-short lang ay nahiya na kaming makihalubilo sa mga bisita. Idagdag pa na kumupas na ang manipis na makeup ko kanina, hindi ko nga sigurado kung nawala na ang lipstick ko. Well, cream at lipstick lang naman ang in-apply ko kanina sa mukha ko. Binalingan ko si Alex. Seryoso siyang nakatingin sa mga bisitang abala at mukhang nagkakatuwaan habang hindi pa nag-uumpisa ang ceremony. Bigla ko tuloy naisip na limang taon na sila ni Jessica. Ni minsan kaya ay hindi niya pinangarap na magpakasal? Hindi kaya sila nagplano? Bigla ko tuloy naalala si Katherine. Ito na ba ang sinasabi ni Katherine na alam niyang malungkot at apektado pa rin si Alex sa hiwalayan nila? How can I comfort him like what Katherine asked me to do? "Alex, okay ka lang?" Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Inalis niya pa ang salamin niya upang matingnan ako nang direkta. "Ha? Bakit hindi?" Hindi ako nakasagot at napatungo lang. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na nag-aalala ako sa maaring nararamdaman niya ngayon. "Kung iniisip mo si Jessica, I'm fine." Napaangat uli ako ng tingin sa kaniya. He smiled. "Wala ba kayong kasal na naudlot? I mean, ang tagal ninyo na." Umiling siya at nagpamulsa saka bumaling sa stage kung nasaan sinisimulan na ng pari ang seremonya sa isang dasal. "She doesn't believe in marriage, kaya nga nag-lived in kami kahit hindi kami kasal, ayaw niya rin magkaroon ng anak. Hassle raw, masaya raw siya na kami lang, or at least not now. Marami siyang pangarap, e, she wants to travel, have a freedom. Hindi raw namin iyon magagawa kung may mga anak na kami. She wants a life where we could be just us. That's why she never stop using pills, para hindi ko siya mautakan." Nagkunwari pa siyang natawa kahit na ang totoo ay dinig naman ang bitterness doon. He wants to have a child. "Bakit kayo naghiwalay?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong, pero kaagad ko rin pinagsisihan. It's too personal. "You don't have to answer-" "She cheated on me, while traveling." Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "She travel to France once, I wasn't able to go with her because of my job, and it happened a lot of times to different countries or places kaya okay lang, and she hooked up with a French. Nagkita sila sa Manila, I was with her. Walang idea ang French na iyon na boyfriend niya ako kaya binanggit niya ang tungkol sa hook up nila. Doon siya umamin sa akin na hindi lang isang beses at sa isang lalaki nangyari iyon. She met someone in Hong Kong, Korea, Cebu. Iyon pala ang sinasabi niyang freedom, na gusto niyang maging malaya dahil sa tagal ng relationship namin, nagsasawa na raw siya." Hindi makapaniwalang napailing ako. "At gusto mo pang makipagbalikan?" Natawa siya sa naging reaksyon ko habang ako ay hindi ko manlang makuhang ngumiti. E, kaya naman pala ayaw niyang sabihin kay Katherine ang nangyari sa kanila ni Jessica, dahil siguradong kahit magkabalikan pa sila ngayon ay hinding-hindi na siya matatanggap ng kapatid niya. "Minsan naman kasi talaga nangyayari iyon, Lallaine. Bata pa kami noong naging kami, I was her first boyfriend, she never had life a before we got together, that's why she wants to experience what it feels like to be on her own. Hindi naman ako umaasa na magkakabalikan pa kami, I'm already moving on. Ang akala ko lang ay kapag nakuha niya na ang gusto niya, babalik siya sa akin at mare-realized niya kung anong pinagpalit niya para sa freedom na gusto niya." "But she didn't." Naalala ko ang sinabi niya kahapon. Na nang hindi na maalala ni Jessica ang birthday niya ay naging sign nang wala na talaga sila. Nagkibit-balikat siya. "I guessed excuse niya lang iyon. Baka hindi niya lang sa akin masabi na ayaw niya na, na hindi niya na ako mahal." Tinitigan ko siyang maigi. Hindi ko alam kung magaling ba siyang magpanggap o magtago ng nararamdaman, kasi kahit saang anggulo ko siya tingnan ay wala talaga akong makitang galit sa kaniya. Ang sakit ng ginawa sa kaniya ni Jessica, pero kalmado lang siya na para bang mas nangingibabaw ang pagmamahal o pinagsamahan nilang dalawa. "Ganyan ba kagaling magpalaki ang magulang mo? Na noong 7 years old ka ay puro pagmamahal at pagpapatawad lang ang tinuro sa 'yo, kaya ginago ka na pero mahal mo pa rin?" Natawa siya at nilagay ang daliri sa labi niya habang ngumunguso sa pari. Natikom ko naman ang bibig ko dahil sa pagmumura ko. "Ikaw ba, sino ba 'yong nang-iwan sa 'yo at nagturong magalit?" Bago pa ako makasagot ay naagaw na ng isang kantang pangkasal ang atensyon ko. Isa-isa nang naglalakad ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga ikakasal. Hindi ko alam kung anong mga papel nila dahil hindi ko naman sila kilala, ang sigurado ko lang ay ang bridesmaid at groomsmen dahil pare-pareho sila ng tuxedo at orange dress naman ang mga babae. Ngunit natigilan ako nang may ilang mga mukha ang pamilyar sa akin. Hindi ako puwedeng magkamali, kilala ko ang mga iyon... Mas lumapit ako upang mas makita ang mga naglalakad sa red carpet na inilatag namin sa gitna kanina. Narinig ko ang nagtataka at nag-aalalang tawag ni Alex sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin. Napahawak ako sa may dibdib ko nang turn na ng bride para sa paglalakad. Maganda siya sa kaniyang white wedding gown, nakasuot ng vale na halos tumakip sa mukha nito. Mabuti na lang ay hawak siya ng isang lalaki na nakasisiguro akong ama niya para ihatid sya sa altar. Masaya ang ngiti ng ama niya na para bang isang pangarap para sa anak ang kaniyang natupad. Naramdaman ko ang paglandas ng luha ko sa aking mga pisngi. "Papa..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD