Chapter6:Forehead

1039 Words
CHAPTER 6 LALLAINE Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo sa sulok at nanonood sa mga guest sa reception. Nang makita ko si Papa ay gustong-gusto ko nang tumakbo paalis, pero hindi ko magawa. Dahil may parte rin sa puso ko ang gusto siyang makausap. For years I've been asking why he left, at kahit isa ay walang sumagot sa akin. Ang alam ko lang ay wala siyang kuwenta, hindi ko na dapat siya hinahanap pa. Kasi iyon lang ang sinasabi sa akin ng mama ko. Hindi ko na rin alam kung ilan beses akong nakiusap na tama na, na ayoko na iyon marinig dahil nasasaktan na ako. Pero wala ring nakikinig sa akin. "Hindi mo ba siya lalapitan? O gusto mo iuwi na kita?" Malumanay lang ang boses ni Alex habang nasa tabi ko. Kanina pa ako tahimik at halos tulala, pero hindi niya ako iniwanan kahit saglit lang. He's just beside me all the time. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm waiting for him to recognize me, pero paano nga naman niya ako makikilala kung bata pa lang ako nang iwan niya?" Hinawakan niya lang ang kamay ko. Marahil hindi niya rin alam ang dapat sabihin kaya mas minabuti niyang doon iparamdam ang suporta niya. Madilim na ang kalangitan. Dapat ngayon ay nasa byahe na kami pauwi, at marahil ay kailangan niya na ring umuwi dahil may trabaho pa siya, but he didn't made me feel like we need to rush. He just let me take my time. He didn't asked me anything about him. Ni hindi niya nga ako tinanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. He just know how to read the room, at mukhang nahulaan niya na lang kung sino si Papa. "Ang tagal kong nasanay na wala siya, ni hindi ko na nga alam kung kailangan ko pa ba siyang tawaging papa. Sa sobrang pagkasanay ko ay hindi na ako naiinggit sa mga kaibigan kong may buong pamilya. Alam ko naman kasing hindi lang ako ang may ganitong situwasyon. Kaya ang tanging kinaiinggit ko lang ay at least alam nila kung bakit, ako kasi walang idea kung o kung anong nangyari." "And he's now right in front of you, you can ask him now." Natigilan kami sa pag-uusap nang lumapit sa amin si Anna kasama ang bride. Magkahawak pa sila ng mga kamay. Nagkatinginan kami ni Alex. Tumayo siya at inalalayan akong tumayo. Base sa mga narinig ko kanina tungkol sa bride ay 22 years old na siya, si Anna naman ay 20. The bride's name is Janice. Masyadong naging okupado ang utak ko tungkol kay Papa, ngayon ko lang na-realized na ang dalawang babae sa harap ko ay mga kapatid ko pala. Malumanay na ang mga tingin na hinawakan ni Janice ang kamay ko. Gusto ko iyon bawiin nang mailang ako ngunit hindi ko magawa. "Thank you for coming, Ate." Naguguluhan na tiningnan ko siya. "Ate?" I never introduced myself to her, kahit si Anna magmula nang magsimula ang kasal ay hindi ko na nakausap. I'm 23, and she's 22, it's normal for her to call me ate, pero ang hindi normal ay mukhang kilala niya ako, alam niyang kapatid niya ako. Does Anna know as well? "Alam namin ang tungkol sa 'yo, kaya hinanap ka namin sa internet para sana kitain, gusto ko kasing bigyan ng regalo si Papa bago ako ikasal, pero nang makita namin na nagbe-bake ka ay nagpasya kaming ikaw na lang ang kunin para sa wedding cake ko, for the extra special. Kaya nga kahit na malayo ay sa 'yo pa rin kami um-order. We just want to surprise both of you." Nagtinginan pa sila ni Anna na tila proud sila sa ginawa nila. "Kaya napakasaya ko nang nagpasya kayong tumulong, luckily you also stayed. Iniisip ko talaga kung paano kayo makukumbinsi na hintayin ang bride at tapusin ang kasal," ani Anna. Mapait akong napangiti. Nang makabawi sa pagkabigla ay binawi ko na ang kamay ko. Nakita ko ang gulat at panic sa mga mata nila. "I'm sorry, aalis na kami." I picked up my bag and turned, but Anna stopped me on my wrist. "Lallaine, sorry kung nabigla ka namin. Gusto lang naman namin kayong surpresahin." Marahas kong binawi ang kamay ko. "Surpresahin? What made you think na matutuwa si Papa na makita ako?" "You're her daughter-" "Anak na iniwan niya, oo. Kung gusto akong makita ng ama ninyo, ginawa niya na iyon matagal na. I'm still at the place where he left me, but did he ever come back? No. If he did, he should have recognized me the moment he saw me. Did he?" Nanikip ang dibdib ko nang magkatinginan sila at sabay na tumungo. Pumatak nang tuluyan ang mga luha ko pero kaagad ko rin iyon pinunasan. Part of me is waiting for them to say that I was wrong. Minsan umaasa ako na hindi ko lang alam pero pinupuntahan pala ako ni Papa kahit patago, kagaya ng mga nakikita ko sa mga palabas. Pero siguro nga talagang hindi ako kasingswerte nila. Tumakbo ako palabas ng venue. Hindi ko sila pinansin nang pigilan nila ako. I really need to get out of here. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit nga ba kasi ako nag-stay? Hindi na dapat ako nagdalawang isip, kung alam ko naman talaga sa sarili kong hindi niya ako ni minsan hinanap. Natanaw ko na ang van ko sa parking lot nang nagulat ako may biglang humila sa wrist ko. It was Alex. Hinila niya ako palapit sa kaniya at mahigpit akong niyakap. Kaagad kong isinuko ang sarili ko sa kaniya. Sumubsob ako sa dibdib niya at umiyak roon. Nang maramdaman ko ang init ng yakap niya ay tila binigyan niya ako ng susi upang buksan ang parte ng puso ko kung saan ko itinago ang mga nararamdaman kong sakit sa mahabang panahon. Na tila naging malaya akong umiyak at aminin na nasasaktan ako. He didn't say anything. He just hugged me, one hand on my shoulder and one on my head. Iniangat ko ang mukha ko sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin ko sa may nangungusap na mga mata. "Take me home please." My voice shakes. He gently nod at me and kissed my forehead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD