CHAPTER 7
LALLAINE
"Buti na lang pala't pinasamahan kita kay Kuya Alex, at least hindi ka naging mag-isa roon. Pero much better kung ako ang nandoon para sa 'yo."
Bahagya akong natawa kay Katherine nang sa tono niya ay para bang sure na sure siyang mas kailangan ko siya sa mga ganoong pagkakataon. Well, parang totoo naman dahil siya ang best friend ko. Pero kapag iniisip ko kung paano ako ni-comfort ni Alex kahapon, I don't think I'll ask for more, his embrace and presence are enough.
Sabado ngayon kaya maraming tao sa cafe, hindi rin ako nakapag-supply ng cake kahapon kaya naman bandang tanghali ay nag-text sa akin si Katherine at sinabing kailangan niya uli ng cake dahil naubusan na sila. Sinabihan niya ako para sana bukas, pero dahil kinailangan ko ng distraction kaninang umaga para mawala sa isipan ko ang mga nangyari kahapon ay nag-bake ako kahit walang orders. Good thing ay kinailangan dito sa Kathee shop kaya naman hindi ko na ito kakailanganing ubusin mag-isa.
Nang dumating ako ay wala pang idea si Katherine sa mga nangyari. Siguro hindi rin nagkuwento si Alex sa kaniya. Nang nalaman niya nga ay bigla pa siyang nahiya dahil may pinagdaraanan na nga raw pala ako, pinagawa niya pa ako ng cake.
"Pakisabi nga pala kay Alex salamat ha, hindi na ko nakapagpasalamat nang maayos kagabi."
"Dapat lang ano, kahit buong taon niya pa akong tulungan dito sa cafe ay hindi ko siya mapapapatawad kung pinabayaan ka niya." Umakto pa siyang nanggigigil. "Anyway, ikaw na ang magsabi sa kaniya," sabi niya sabay nguso sa may likuran ko.
Kaagad na nilingon ko iyon at nagulat akong nakita ko roon si Alex. May mga dala siyang plastic bag habang papasok sa cafe. Sinalubong kaagad siya ni Jk para tulungan. Iniwan na rin ako ni Katherine para salubungin si Alex. Bumeso siya sa kapatid, may mga sinabi sila sa isa't isa bago siya iwan ni Katherine at dumiretso sa kitchen kasama si Jk. Hindi ko sila naririnig dahil bukod sa music na tumutugtog galing sa speaker ay nasa bar counter ako kaya medyo malayo ako sa entrance.
Nakita kong pasunod na sana siya kina Katherine nang mapatingin siya sa akin. Tipid ko lang siyang nginitian. Nagpamulsa sya at dumiretso sa akin. I inhaled gently when I felt the uncomfortably heartbeat in my chest. Akala ko noon ay kaya ganito na lang ang t***k ng puso ko sa tuwing makikita ko siya ay dahil minsan ko lang siya nakikita kaya naman parang hindi normal. Pero sa ilang araw na magkakasunod ko siyang nakakasama ay bakit parang sa halip na masanay at mabawasan ay bakit parang lalo lang lumalakas?
Umayos ako ng tayo habang yakap ang sarili ko nang nasa harapan ko na siya.
"Kumusta ka na?" bati niya, na tila ang huling imahe ko sa kaniyang isipan ay noong hindi ako ok.
"I'm fine. Thank you for being there."
"Not because you're Katherine's Jessica, doesn't mean you don't need your own Jessica, I guess?"
Mula sa harap ko ay lumipat siya sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Naaalala niya pa pala ang pinag-usapan namin noong isang araw.
"So, from Jessica's boyfriend now you're Jessica yourself?"
Natawa siya. "That's weird," anya. "So, how are you coping up?"
Nagkibit-balikat ako. "Baking? Maaga akong nagising para lang mag-bake."
"Hindi ba naging mapait ang cake mo?"
Sinimangutan ko siya. "Excuse me, kahit bigyan mo pa ako ng isang dosenang problema, hinding-hindi papalpak ang cake ko 'no. Isa pa, nakaka-relax kaya ang baking. Pampatanggal talaga siya ng stress kahit sa mga hindi expert." Tumango-tango lang siya. "Ikaw, bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?"
"Saturday ngayon, tutal 2 days na akong absent ay tinuloy-tuloy ko na. Sa Lunes na ako papasok."
"Buti nandito ka. Usually, kahit umuwi ka ay dumadaan ka lang. Ngayon mukhang ikaw pa ang namili ng supplies." Sinangga ko ang braso niya gamit ang siko ko para asarin siya. Actually, tingin ko alam ko kung bakit. Maybe realization hit him hard after our convo the other day.
"Para sa susunod na magkaroon kami ng tampuhan ay wala na siyang masusumbat sa akin."
Halos humalakhak ako. "Ikaw na 'yong may maisusumbat niyan kasi tumulong ka."
"It's good to see you laughing." Natigilan ako at napabaling sa kanya. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan niya pala ako. Muli siyang nagsalita kasunod ang malalim na paghinga. "Whenever I'm seeing you with Katherine, you are always wearing your cheerful smile, na para bang kahit ang resting face mo ay nakangiti pa rin. Kaya nag-alala talaga ako sa 'yo kahapon, that was the first time I saw you so down."
Bahagya akong ngumiti at muling bumaling sa views kung nasaan ang mga customers. Same position, same views noong unang beses kamimg nagkausap nang masinsinan. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko pa ring nakabaling pa rin siya sa akin.
I pushed my hair behind my ear. "Kahit naman ako nanibago sa sarili ko. That was the first time I let anyone to see me crying. Trust me, kung taguan lang ng feelings ang labanan, puwede na akong magkaroon ng award."
"I hope by now you already know that you don't need to keep it to yourself anymore, you can talk to me anytime."
Ngumuso ako. "Ang layo mo kaya."
"Puwede namang umuwi."
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. "Nag-a-audition ka pa rin bang maging kuya ko?"
Bahagya niya lang akong tinawanan at iginala ang mga mata niya habang nakapamulsa. Iniiwasan niya ang tingin ko. Hinarap ko siya habang nakasandal pa rin ako sa counter. Mukhang napansin niya iyon kaya bumaling uli siya sa akin.
"Pero seryoso, sobrang gets ko na si Katherine kung bakit lagi niyang sinasabing swerte siya sa kapatid niya. Ampunin mo na nga ako."
Tinagiliran niya ako ng ulo. "Gusto mo nang maging kuya ako?"
Pinagmasdan ko lang siya. Tama ba ang pagkakaunawa ko? Hinahamon niya ba ako? Na para bang alam niya kung bakit ayoko siyang maging kapatid.
"Wow! Ilang oras na kayong magkachismisan? May kaltas 'yan ah!" Napatingin kami pareho kay Katherine nang bigla siyang sumulpot sa likod ng counter katabi ni Grace na abala sa ibang customer na nakapila. Nasa gilid lang naman kami kaya hindi kami nakakaistorbo, pero napangiwi ako dahil usually kapag ganito ay dapat tumutulong ako, pero sa halip ay tumunganga lang ako.
"I'm not wearing uniform," alibi ni Alex. Natatawang tumango rin ako para makisali sa alibi niya.
Sinimangutan niya lang kami. Kinausap niya na muna si Grace at iniwanan nang isa na lang ang nasa pila, kaya na rin naman ni Grace iyon kaya iniwanan na sila ni Katherine at lumabas ng counter para samahan kami.
"Kuya Alex ha, hindi mo sa akin sinabi 'yong nangyari kahapon, inutusan ko pa tuloy itong si Lallaine."
"It's not my story to tell, Kath."
Umiling ako. "Okay nga lang, ano ka ba," sabi ko at hinawakan pa sa braso si Katherine. Lumingkis ako sa kaniya na kaagad niya namang tinugunan. "Mas gusto ko ngang pinatawag mo ako rito e, kaysa nagmumukmok ako sa bahay."
She leaned her head on my shoulder. "Alam mo mas maigi ngang magpaka-busy ka na lang kaysa isipan 'yang father mo. Wala naman siyang kuwenta, e."
"Huy, Katherine!" sita sa kanya ni Alex pero hindi niya naman iyon pinansin.
"'Wag mo na siyang isipin. Ang mahalaga alam na nila na kahit wala syang ambag ay naging maganda naman ang buhay mo nang walang tulong niya."
Napailing na lang si Alex. Alam kong hindi siya komportable na nagsasalita ng ganito ang kapatid niya tungkol sa ama ko, base sa naging pag-uusap namin kahapon ay alam kong iba ang morals niya. Kahit ako ay hindi ako magsasalita ng masama tungkol sa magulang ng kaibigan ko. Pero kilala ako ni Katherine, alam niyang hindi ko iyon masasamain dahil ako mismo ay iyon ang tingin ko sa ama ko. Pero bakit nasasaktan pa rin akong marinig iyon? Dahil ba matapos nang nangyari kahapon at nakumpirma kong hindi hindi niya manlang ako nakilala, masakit kasi alam kong totoo.
Tumikhim si Alex at hinila si Katherine palayo sa akin. Inakbayan niya si Katherine. "Alam mo kaysa andami mong sinasabi, igawa mo na lang ako ng kape mo. Para naman hindi ako antukin sa byahe mamaya."
Kunwaring nag-make face si Katherine pero bandang huli ay sinunod din niya si Alex. Umalis siya at nagtungo sa preparation area matapos tanungin kami kung anong gusto namin. Strawberry matcha ang akin at cold brew lang ang kay Alex. Pagkaalis ni Katherine ay muli kong binalingan ng atensyon si Alex.
"Aalis ka na? Akala ko sa Lunes ka na papasok?"
Tumango siya sa akin. "Ang tagal na kasing walang tao sa bahay ko, hindi ko na naasikaso." Tumango lang ako at hindi umimik. Ilang araw pa lang kaming magkasama pero parang nasanay kaagad ako, parang ayoko na siyang paalisin. Tiningnan ko lang siya nang may dinukot siya sa bulsa niya sa likod. Nagtaka ako nang makita kong cellphone iyon at iniabot niya sa akin. Otomatikong kinuha ko iyon, clueless. "Save mo number mo."
"Ha? Bakit?" tanong ko ngunit kaagad ko namang sinunod iyon kahit hindi pa siya nakakasagot. Nang ibinalik ko sa kaniya ay pinindot niya kaagad ang call kaya tumunog ang cellphone ko sa loob ng bodybag na suot. Hindi ko na tiningnan dahil alam kong siya lang naman iyon.
"Kasi 'di ba sabi ko sa 'yo puwede mo akong kausapin kung kailangan mo, hindi mo kailangang magtago ng nararamdaman mo. So, call me whenever you need. Uuwi ako kung hihilingin mo." Hinarap niya pa sa akin ang cellphone niya para ipakita ang pangalan na ni-save niya sa contacts niya.
"Our Lallaine?" nangingiting binasa ko iyon.
Para bang tinanggalan ng napakabigat na bagahe ang puso ko. Gumaan iyon nang sobra dahil sa sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na madinig mula sa taong mahalaga sa iyo na nandyan siya kapag kailangan mo. I don't need I love yous kung ito naman ang kaya niyang ipangako.
"Para alam kong hindi kung sinong Lallaine lang 'to. Maraming Lallaine sa Bataan. Once you called,. I know that this is our Lallaine."
Natawa na lang ako. Kinuha ko na ang cellphone ko sa bag ko at tiningnan ang missed call niya sa akin. Ni-save ko na rin ang number niya at ipinakita iyon sa kaniya na ikinangiti niya lang at nagbigay ng thumbs up.'Our Alex' naman ang nilagay ko sa contact ko.