CHAPTER 8
LALLAINE
"Sinasabi ko sa 'yo, Lallaine. 'Wag na 'wag kang makikipag-ugnayan uli dyan sa walang silbi mong ama. He's not a part of your life anymore! Sinabi ko na kasi sa iyo na ayusin mo na ang papeles mo nang makuha na kita. Ang daming mga taga cruise ship dito na handa kang pakasalanan, pati mga local dito sa Saipan gusto kang ligawan, tinatanong nila kung kailan ka pupunta rito para maligawan ka. They are ready to give you a green card, ikaw na lang ang kulang!"
Kung hindi lang pagiging bastos ang p*****n ng call si Mama ay ginawa ko na. Ito ang dahilan kung bakit kahit isang linggo na ang nakalilipas mula nang kasal ay hindi ko pa rin iyon nabanggit kay Mama. Alam kong ito ang magiging reaksyon nya, magagalit at pipilitin na naman akong sumunod sa kaniya sa Saipan. Unfortunately, may mga mutual friends pa rin pala sila ni Mama sa social media, at nakita nila ang pangalan ng page ko sa post ng anak ni Papa na naka-tagged sa kaniya. Kaya naman nakarating kay Mama na nandoon ako sa kasal. Pinaliwanag ko naman na sa kanya kung anong nangyari, na hindi ko intensyon iyon. Ngunit hindi iyon naging sapat para pakalmahin sya at maging kampante. It was like as if I'm still a kid na kayang agawin ang custody laban sa kaniya.
"Ma, masaya ako rito sa Pilipinas. Isa pa, kahit naman pumunta ako dyan ay wala naman akong balak magpakasal. Bata pa ako."
"Umpisa lang 'yan, sinabi ko rin iyan noon."
Hindi ako sumagot. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko habang kausap ko si Mama. Yes, sinabi nga niya iyan sa akin noon, na hindi siya mag-aasawa at babalik din siya pagtapos ng kontrata niya, kapag nakaipon na siya, pero hindi naman iyon ang nangyari. Wala pa siyang isang taon doon ay nakilala niya na si Uncle Joe. Niligawan siya at pinangakuan na pakakasalan siya. Tinanggap siya nito kahit sinabi niyang may anak siyang naiwan sa Pilipinas. He promised na susutentuhan niya ako, siya na raw ang bahalang maging ama sa akin. Plinano rin nilang kukunin nila ako at ipapangalan ako sa kaniya.
Noong mga panahon na iyon ay sanay na akong wala na si papa sa buhay ko. Kaya naman nang sinabi nila sa akin iyon ay tinanggap ko na lang. Lalo na't kung iyan lang din naman ang paraan para magkasama uli kami ng mama ko. Pero hindi naman kasi naging mabilis ang proseso. It took them 5 years before my mother got her green card. Sa limang taon ay maraming nangyari, nagkaroon sila ng dalawang mga anak, nakuntento nang sila lang. Hanggang sa isang araw ay tinanong nila ako kung willing ba akong sumunod sa kanila o masaya na ako sa Pilipinas? Nang tanungin nila ako ay naramdaman kong baka hindi na buo ang desisyon nilang kunin ako, na kaya binibigyan din nila ako ng option ay para maging buo ang desisyon nila.
That time ay ang unang pagkakataon na inamin ko sa aking sarili na wala na akong lugar sa pamilya nila. Oo mabait sa akin si Uncle Joe. Tinupad niya rin ang pangako niyang ituturing niya akong anak, sinustentuhan niya ako, pinag-aral at ibinigay ang lahat ng luho ko. Dinadalaw nila ako every year, every 3 years ay ako naman ang dumadalaw roon, depende kung maaprubahan ang tourist visa ko. Mabait si Uncle Joe, ganoon din ang mga kapatid ko. Pero iba pa rin kapag kasama ko na sila. I can feel how distance they are from me.
Kaya naman nang pinagdesisyon ako ni Mama kung willing ako roon na magkolehiyo o dito na lang sa Pilipinas, mas pinili ko na rito. Ngunit si Lola ko ang dinahilan ko kung bakit ayoko, hindi ko sinabing dahil pakiramdam ko ay hindi ako parte ng pamilya nila. I was 20 when my lola died because of the kidney problem. Ever since ay inaaya na nila akong sumunod sa kanila, but I refused. Sabi ko gusto kong tapusin muna ang pag-aaral ko. Pero nakatapos na ako ng HRM ay hindi pa rin ako nag-aayos ng papeles ko. And now here they are again, convincing me to fly there as if my future is only to marry a rich foreign man to give me a green card.
"Ikaw nga umamin ka sa akin, may boyfriend ka na ba dyan na hindi mo maiwanan, ha?" Tumigil pa sya sa ginagawa niyang pags-skincare para tingnan ako sa screen. Kung gabi na rito, mas late na doon dahil advance ang oras nila. "Sinasabi ko sa 'yo, 'wag mong sayangin ang buhay mo sa Pinoy, hindi gaganda ang buhay mo dyan, unless kung pamilya ng politician 'yan. Gaganda ang buhay mo pero may kasamang karma iyan."
Napailing ako. "Ma, malaki ang Pilipinas. Hindi dahil iyon lang ang nakikita mo sa balita ay doon lang din umiikot ang buhay namin dito."
"Sige nga, saan pa umiikot ang mundo mo dyan bukod sa simula ng July hanggang November ay kailangan mong matakot sa bagyo kasi bahain ang bansa at-"
"Ma, masaya ako sa Pilipinas."
"So may boyfriend ka nga?"
Tumayo na ako at tuluyan nang iniwan ang pagkain ko sa mesa. Nawalan na talaga ako ng gana. Pero kahit ayoko na ng pinag-uusapan namin ay dinala ko pa rin ang cellphone ko upang hindi magmukhang nag-walkout sa kaniya. Kung puwede lang maging bastos, ginawa ko na. Naupo ako sa couch at itinayo ang cellphone ko sa center table.
"Wala, okay? Bata pa ako, I'm just 23 for god sake, Ma! Ano bang sa tingin mong dapat ginagawa ko sa ganitong edad? Hindi ba dapat magtrabaho nang maayos para sa sarili kong luho at i-enjoy ang buhay ko?"
"Na puwede mo rin ditong gawin. Lala naman, 'yong isang buwan na kinikita mo dyan sa negosyo mo ay isang linggo mo lang kikitain dito."
"Yes, pero hindi ko iyon mararamdaman kung maaga mo akong ipakakasal para lang sa green card. Darating din naman ako sa araw na gugustuhin kong magkapamilya, pero hindi pa ngayon." I'm trying to explain myself with manners.
"Puwede namang-"
"Ma, I'm young with a healthy and disciplined body. Tingin mo ba talaga hindi ako mabubuntis ng kung sino mang pakakasalan ko? Wala pa sa plano ko iyan so please, at kung nag-aalala ka, don't worry, mas wala sa plano kong kitain uli si Papa. So calm down."
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at malalim na paghinga, na para bang iyon lang ang kailangan niyang marinig upang kumalma sya. Hindi nagtagal ay nakapagpaalam na rin ako sa kaniya since tapos na siyang mag-overacting. Nakapagpaalam pa ako sa mga kapatid ko, tatlo na sila ngayon, at kay Uncle Joe. Pag-exit ko ng tawag ay nakita ko ang chat sa akin ni Alex, pati ang kaniyang missed call.
"Kakauwi ko lang, kaso in another call ka. Kumusta? Nagalit ba mama mo?"
Napangiti ako. Tila nawala ang inis ko nang mabasa ko iyon. Kanina kasi nang mag-chat sa akin si Mama tungkol kay Papa at nag-chat ako kaagad sa kaniya tungkol doon. Pero bawal sa trabaho niya ang cellphone, kaya naman usually ay nakikita niya lang ang message namin kapag labas niya sa building. Naiiwan lang sa locker ng guard house ang cellphone niya. Meron naman silang ginagamit na cellphone sa loob pero for emergency lang, at hindi lang siya ang may hawak. Binigay niya sa akin ang number niyon pero hindi ko naman siya kino-contact doon at naghihintay lang na makalabas siya ng building. Nagcha-chat naman siya agad, either pagkalabas niya ng building bago mag-drive, o pag-uwi niya na sa bahay niya.
This is us for the few days already. It started him sending me a thank you for the cake for his birthday. Pinatikim niya raw sa mga katrabaho niya nang dalawin siya noong Sabado pagkauwi niya roon at nagustuhan daw ng mga ito. Nagulat nga ako dahil hindi ko alam na naiuwi niya pa pala iyon sa Bataan. Nabawasan na namin iyon noong birthday niya pero siguro hindi rin nila naubos ni Katherine sa bahay. Iyong ngang figurine niyang gawa ko sa fondant ay ayaw niya pang kainin noong una, kaso inunahan na raw siya ni Katherine dahil hindi naman daw sya kumakain ng matamis. After that night ay tila naging routine na namin ang mag-usap kapag uwi niya. Minsan tinatawagan niya ako kapag tinatamad na raw siya mag-type. We've been like this for a week now. And it seems strange to me that it didn't weird me out. I mean, why are we like this anyway?
I curled myself into the couch and tapped the call. It's getting normal for me to call him without me thinking what should I say. Now I wonder, kung uuwi sya bukas, Sabado, mag-uusap pa rin kaya kami kahit sa harap ni Katherine?
Muling nabalik ang atensyon ko sa cellphone nang sagutin niya iyon. Nagtatakang tumaas ang kilay ko nang mapansin ko kaagad ang ingay ng paligid niya. Base sa background niya ay mukha naman siyang nasa bahay, nakikita ko na kasi ang ilang parte ng bahay niya kapag magka-video call kami. Ngayon ay nasa living room siya at mukhang may mga kasama.
"Wait lang, Lallaine. Maingay." Mukhang lumabas siya sa garage dahil nakita ko ang kotse niyang sinandalan niya.
"Sorry, naistorbo yata kita," sabi ko nang mawala na ang mga ingay.
Umiling siya. "Hindi, dumating lang kasi 'yong barkada ko noong college." Tumango lang ako. "Kumain ka na ba? Kumusta kayo ng Mama mo? Nagkausap na ba kayo?"
Pinilit kong ngumiti at hinigpitan ang yakap sa throw pillow ko. "Oo, napakalma ko na, okay na." Kumirot ang puso ko. Ang totoo ay gusto kong sabihin sa kaniya ang mga sinabi ni Mama at kung gaano kasakit iyon para sa akin, na sa ganitong pakiramdam ko ay may nag-uudyok sa akin na magalit, kailangan kong ipaalala niya sa akin na hindi ko kailangan magalit habambuhay. Ewan ko ba, but is it wrong that I feel like I need him whenever I'm feeling this ache, kahit hindi pa ganoon kalalim ang pinagsamahan namin? Ganunpaman ay hindi ko na iyon sinabi pa, dahil pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang oras.
"Alex, beer?" Napaangat ako ng ulo nang may marinig akong boses ng babae. Hindi sya pamilyar sa akin kaya alam kong hindi iyon si Jessica. Hindi ko makita kung tinanggap ni Alex ang alok na beer, pero kita ko ang sukli niyang ngiti rito. "Sinong kausap mo? Akala ko ba single ka?" Sumilip ang babae. Mestiza, maganda, bagay sa kaniya ang pulang lipstick kahit walang kahit anong kolorete sa mukha. Gumuhit lang ang labi ko nang kawayan niya ako.
Tumingin si Alex sa screen at hinarap sa kanilang dalawa ang camera. "Lallaine, siya nga pala si Lane, batch mate ko noong college."
"Nice meeting you tukayo, Lallaine din ang pangalan ko, pero tawagin mo na lang akong Lane." Kumindat pa siya sa akin. She sounds boyish, but I can see on her sexy tank top, with her fixed hair and red lipstick, hindi siya mukhang boyish. Lallaine din ang pangalan niya? Ito na ba 'yong sinasabi ni Alex na 'maraming Lallaine sa Bataan? Sa totoo lang ay gusto ko nang ibaba ang tawag. Hindi na para panoorin ko pa silang maglandian.
"Nice meeting you," nasabi ko na lang sa may tipid pa rin na ngiti. Bubwelo na sana ako para magpaalam nang muli siyang magsalita.
"Teka, kilala kita. Ikaw 'yong best friend ni Katherine, 'di ba? Ikaw 'yong gumawa ng cake ni Alex?"
"Ah oo, ako nga."
Pinalo niya sa balikat si Alex. "Shux, Alex. Sa kaniya na lang tayo magpagawa ng cake!" Tumingin siya sa screen. "Uy gawa mo kami ng cake para sa Professor namin, dito sa Bataan. Nakita namin 'yong gawa mong figurine gamit 'yong fondant. Gawan mo rin kami niyon!" Tuloy-tuloy ang pagsasalita niya, hindi na rin nakuhang sumingit ni Alex.
Napangiwi ako. Ngayon pa nga lang ay gusto ko na silang babaan ng tawag, pupunta pa ako roon para makita sila? No! Hindi ko alam kung tama ba ako, pero her being aware that he's single, I don't think it's not impossible for them to flirt, right? Kaya naman nag-isip ako ng alibi.
"Malayo ang Bataan. Wala bang mas malapit na bakeshop dyan? Baka hindi kayanin ng cake kung manggagaling pa rito sa Bulacan." Please kumagat ka!
"Marami ngang bakeshop dito, pero para saan pang binibida ni Alex 'yong cake mo, 'di ba?" Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. He mentioned my cakes? "Dito mo gawin, may oven naman dito si Jessica. Hindi naman siguro biglang uuwi iyon at mag-aalburoto pagpinagamit namin sa iyo, hindi ba?" Napangiwi lang ako. Mag-iisip pa sana ako ng ibang dahilan pero tinawag niya na ang mga kaibigan nila para ibalita na may gagawa na raw ng cake nila.
I guessed, that's a yes... From her... For me?