bc

His Territorial Ways

book_age18+
33.3K
FOLLOW
304.3K
READ
possessive
contract marriage
submissive
goodgirl
CEO
boss
tragedy
bxg
realistic earth
husband
like
intro-logo
Blurb

Rated SPG

A Romance/Crime/Psychological Thriller/Action novel.

"Marrying me was the safest way to survive, Janna."

~Jin Monreal~

Hindi sineryoso ni Janna ang kasal kay Jin Monreal na boss ng kaniyang ama. Alam kasi niya na temporary lang iyon upang mailayo siya sa panganib. Jin was cold, dominant, which she hated the most, but she didn't have a choice.

She was working for Jin's company as an ordinary employee, and no one knew that she was the boss's wife. Mukhang wala rin namang pakialam si Jin sa kasal nila, at ginagawa lang ang pangako sa kaniyang ama.

Pero bakit kailangan niyang masaktan sa tuwing balewalain siya nito? At bakit kailangan ding pagbawalan siya ni Jin na mapalapit sa ibang lalaki?

Panghabang buhay na ba ang kasal o mananatiling collateral na lamang?

chap-preview
Free preview
Chapter One (Season 1)
NAKAUPO sa harap ng office table niya si Jin habang tulalang nakatitig sa kanyang laptop. Naroon siya sa opisina ng JBM Corporation, isang kilalang liquor manufacturing doon sa Florida na namana niya mula sa yumaong mga magulang. Tila kinukuyumos ang puso niya habang umuukilkil sa kanyang kukoti ang nangyaring engkuwentro noon sa lumang headquarter ng ahensiya ng kanyang ama. Tila isa iyong bangungot… “Hindi ka dapat nagpunta rito, Jin! Mapapahamak ka lang!” sabi ng bodyguard niya’ng si Vic. Pilit siya nitong pinipigilan sa pagsugod sa kalaban. Naroon na sila sa entrada ng gusali nang sirain ng tauhan ni Lereo ang tarangkahan. Pinatatakas na siya ni Vic pero nagmatigas siya. “Pabayaan mo ako, Vic! Ang lakas ng loob nila na lumusob sa teritoryo ko!” asik niya. Itinulak niya si Vic. “Hindi mo kilala si Lereo, Jin! Kapag nalaman niya na ikaw ang nagpadala ng ispiya, papatayin ka niya!” Nagpupuyos ang damdamin niya habang iniisip ang ginawa ni Lereo sa kanyang mga magulang. Hindi siya nakahuma nang gapusin siya ng isa sa kanilang agents-saktong nakapasok na ang mga kalaban. Hinatak siya ni Mellan patungong exit. Nagpumiglas siya ngunit natigilan siya nang makita si Vic na nahuli ng tauhan ni Lereo. Dumating ang leader ng grupo-si Marcial, ang half-brother niya na anak ng kanyang ina kay Lereo. Isang beses niya itong nakita sa Pilipinas dahil may negosyo ito roon pero hindi sila personal na nagkakilala. Naikuwento lang ito ng kanyang ina. Samantalang litrato lang ni Lereo ang nakita niya. Mula sa rehas ng pinto ng exit ay nasisilip niya ang mga kalaban. Dumating din si Lereo dala ang kumikinang nitong samurai. Nakadapa na sa sahig si Vic habang inaapakan ni Marcial sa likod. “Where’s your boss, Vic?” gigil na tanong ni Lereo kay Vic. Nakatutok ang dulo ng samurai nito sa leeg ni Vic. Duguan na ang mukha ni Vic matapos bugbugin ng tauhan ni Lereo. “Nothing, I just came here to stop the group who wants to kill you,” palusot ni Vic. “How did you know that there’s someone who wants to kill me?” Hindi sumagot si Vic. Umapela naman si Marcial. “Umamin ka na!” singhal nito, nakadiin pa rin ang paa sa likod ni Vic. Mas matanda ng dalawang taon sa kanya si Marcial ayon sa kanyang ina. Naipanganak ito bago iniwan ng kanyang ina si Lereo sa unang pagkakataon bago sumama sa kanyang ama. Ito ang dahilan bakit gusto pa ring balikan ng mommy niya noon si Lereo. “He’s traitor, Dad. Tauhan ni Romualdo si Vic sa Pilipinas. Nahuli ko silang nag-uusap noong nagmanman ako sa kumpanya ni Romualdo,” ani ni Marcial. “But Romualdo is dead!” asik ni Lereo. “But I think someone is helping Romualdo’s family to claim justice. We need to stop them. At itong headquarter ni Romualdo, training ground lang ng agents nila. Malamang mayroon silang opisina at doon nagmula ang ispiya. Naisahan tayo.” Tumawa si Lereo. “Hindi ata niya ako kilala. Walang kahit sino na magpapabagsak sa akin!” pagyayabang nito. Dinuro nito si Vic. “Pinagkatiwalaan kita, Vic. Nagsilbi ka sa akin bilang ispiya ko sa Pilipinas pero ano ito? Now, tell me who the hell sent the spy in my territory?” may gigil nitong kastigo kay Vic. Idiniin ni Lereo ang dulo ng samurai sa noo ni Vic. Hinatak naman ni Marcial si Vic paluhod at kinapa ang katawan nito. Inilabas nito ang wallet mula sa bulsa ng pantalon ni Vic. May litrato itong nakuha. “Is she your daughter, Vic?” tanong ni Marcial kay Vic. “No!” mariing tanggi ni Vic. “Stupid!” singhal ni Marcial. Sinampal nito si Vic. “Nakasulat sa likod ng litrato ang pangalan niya at walang duda dahil kamukha mo siya. Heto pa.” May isa pang litrato na inilabas si Marcial. “Magkasama kayo rito. Anak mo nga siya.” Ngumisi ito habang nakatitig sa litrato. “Please, huwag ang anak ko,” samo ni Vic, nanginig na sa takot. “Now, tell me who your boss is!” nanggagalaiting sabi ni Lereo. Nanginginig ang kamay ni Jin, nakukonsensiya siya. Tama si Vic, walang pakialam sa buhay ng tao si Lereo. Gusto pa atang idamay ang anak ni Vic na babae. Hindi kakayanin ng konsensiya niya na mapahamak ang dalaga dahil sa palpak niyang plano. “I want this girl. I’ll call my men from the Philippines to get her,” ani ni Marcial. “Please no! My daughter is innocent. Patayin n’yo na lang ako!” pagmamakaawa ni Vic. “I’m not interested in your life, Vic. I want the man who planned to kill me! I won’t kill you until you tell me the truth! Your daughter will sacrifice her life. Mamili ka, ang magsabi ng totoo o ang buhay ng iyong anak?” Balisang-balisa na si Jin. Gustong-gusto na niyang lumabas sa kanyang lungga upang harapin ang mga kalaban ngunit ayaw siyang pakawalan ni Mellan. “s**t! Just tell them the truth, Vic! Wala bang halaga sa ‘yo ang anak mo? Huwag mo akong alalahanin! Mapuprotektahan ko ang sarili ko!” ipit ang tinig niyang sabi. May dalawang dipa ang layo niya sa mga ito. Nanlumo siya nang hindi pa rin sinabi ni Vic ang totoo. Tinadyakan ito ni Marcial sa sikmura. Tumalsik si Vic malapit sa kinaroroonan niya. Nagawa pa nitong magsalita-husto lamang na marinig niya. Bahagya niyang nahila ang pinto kaya nakita siya nito. “T-tumakas ka na. Pakiusap… k-kunin mo ang anak ko. Protektahan mo siya para sa akin,” mahinang sabi nito. Nilapitan pa ni Marcial si Vic at inakay patayo. “Igapos ito at isakay sa kotse! Dalhin siya sa headquarter!” utos nito sa tauhan. Inuusig ng kanyang konsensiya si Jin, hanggang tuluyang lumandas ang maninipis niyang luha sa kanyang pisngi. Sa kabila ng panginginig, nanatili siyang matapang. Akmang lalabas siya ngunit hinatak na siya ni Mellan. “We need to go, sir! The rescue team didn’t receive our call!” sabi nito habang kinakaladkad siya. Nang kumalat na ang tauhan ni Lereo sa gusali ay sumunod na lamang siya kay Mellan. Sa pader sila dumaan palabas. Ang walanghiyang Lereo, pinasabog nito ang lumang headquarter ng kanilang ahensiya… NAPAHIGPIT ang hawak ni Jin sa lapis matapos muling maalala ang masaklap na pangyayari sa buhay niya. Isang linggo na ang nakalipas natapos ang pag-atake ni Lereo sa kanilang headquarter. It’s also his mistake, and he was desperate to claim justice for his parents’ death. It’s been three months since his parents died, and he doesn’t believe that it was an accident. An anonymous guy once called him and revealed the truth about the incident. Suddenly, the guy died in the hospital, the day they were planned to meet and to get some pieces of evidence. Nabalitaan na lang niya na naaksidente umano ito lulan ng motorsiklo. Habang nakaratay sa ospital ang lalaki, may nagtaggal ng life support nito. Wala siyang naisalbang ebidensiya. Noong isang beses silang nag-usap, sinabi nito kung sino ang utak sa pagpatay sa kanyang mga magulang-na walang iba kundi si Lereo Mitsuzuki. Ayon sa resulta ng imbestigasyon noon, ang dahilan umano ng pagsabog ng kotse na sinasakyan ng kanyang mga magulang ay ang tumagas na gasolina. Pero ang sabi ng informant niya, may nagsindi ng lighter at itinapon sa ilalim ng kotse matapos sinadyang butasin ang tangke ng gasolina. Kasama ng informant ang suspect pero nakonsensiya ito kaya nagsumikap na maiparating sa kanya ang totoong nangyari. Inamin ng isa sa agents niya na matagal ng kaalitan ng kanyang ama si Lereo. Nag-hire siya ng ispiya upang manmanan ang kilos ni Lereo. Ang problema, nahuli ng tauhan ni Lereo ang ispiya niya at naituro ang headquarter ng kanyang ama sa Florida, na inatake ng mga ito. Mabuti hindi binanggit ng ispiya ang kanyang pangalan kay Lereo. Naalala niya bigla ang kasunduan nila noon ni Vic, na sakaling mapahamak ito sa bawat misyon ay kukunin niya ang anak nito. Ganoon din ang kasunduan nito at ng kanyang ama. Pero maliban sa proteksyon ng anak nito, may iba pang kasunduan-na nasa kanya kung gagawin niya. “Promise, I’ll take care of your daughter,” sabi niya nang maalala ang habilin sa kanya ni Vic bago sila naghiwalay. MASMA ang loob ni Janna dahil hindi dumating sa college graduation niya ang kanyang ama. Tatlong linggo na ang nakalipas magmula noong huli silang nagkita ng papa niya. Nagpaalam ito na pupunta sa Florida dahil sa mahalagang trabaho na inutos umano ng boss nito. Simula noong umalis ang kanyang ama ay sa bahay ng best friend niya siya nanatili. Kasabay rin niyang nagtapos sa unibersidad sa Mandaluyong si Aster. Nagtapos na siya sa kursong BS Psychology sa edad na biyente-singko. Kinagabihan pagkatapos ng graduation ay tinawagan niya ang kanyang nobyo na si Reyven. Gusto niyang makipagkita rito dahil hindi man lang dumalo sa graduation niya kahit naroon na ito sa bansa. Nagtataka siya bakit pinipilit siya ni Aster na puntahan nila si Reyven sa bar na pag-aari ng pinsan nito. “Bakit friend?” ‘takang tanong niya. “I told you to break up with him! Niloloko ka lang ni Reyven!” gigil na sabi nito. Naiinis siya sa iginigiit nito na hindi na siya mahal ni Reyven. Nahuli raw nito na may kahalikang babae sa bar ang boyfriend niya. May pinakita itong litrato pero malabo dahil sa ilaw. Hindi siya maniniwala hanggat hindi siya ang nakasaksi. “Bakit ba ganyan ka sa akin? Sinusuportahan mo pa ba ako?” maktol niya. “Susuportahan kita sa mga bagay na pinapasaya ka. Pero kay Reyven? Not anymore! He’s a playboy, a womanizer. Stop insisting that he’s an ideal man because you’re wrong! You’re not an idiot, right?” Pumalatak na ito. Naninikip ang dibdib niya dahil sa pinagsasabi ni Aster. Pero mahal na mahal niya si Reyven. Ito ang lalaking unang tinanggap niya kahit ayaw ng kanyang ama. Napilitan siyang sumama kay Aster sa bar ng pinsan nito. Naabutan nila si Reyven na kainuman ang mga barkada nito. May katabi itong magandang babae. Nanilim ang paningin niya nang mapansing inaakbayan nito ang babae. Nang makita siya ay kaagad itong tumayo. “Babe, nariyan ka pala! Bakit hindi mo ako tinawagan?” sabi nito. Halatang lasing na dahil namumula ang mukha at namumungay ang mga mata. “May sampung tawag na ako sa ‘yo pero hindi mo sinasagot!” asik niya. “Alam mo namang maingay rito,” katwiran nito. “Hey! Maupo ka muna rito, let’s talk!” Halos hindi na ito makatayo nang maayos dahil sa kalasingan. “Huwag ka munang mag-isip ng kung ano, Alicia was my friend,” defensive nitong sabi, tinutukoy ang babaeng katabi. “Mag-usap tayo kapag nahimasmasan ka na! Enjoy your night,” aniya saka lumisan. Naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya kayang maglabas ng emosyon sa harap ng maraming tao. She just kept it even her heart was about to explode. Her tears stuck in her eyes. Pagdating sa bahay nila Aster ay hinakot niya ang kanyang gamit saka umuwi sa kanilang bahay. Nagbabakasali siya na naroon na ang kanyang ama ngunit wala pa rin ito. Nakatulugan na lamang niya ang pag-iyak. Kinabukasan ng umaga ay nagtataka si Janna bakit may itim na kotse na huminto sa tapat ng bahay nila. Nakasilip siya sa bintana ng kanyang kuwarto sa second floor. Bumaba mula sa kotse ang dalawang lalaki na parehong naka-suit. Kinabahan siya. Nagsuot siya ng tsinelas at bumaba. Naisip niya baka katrabaho ng papa niya ang mga ito. Ang sabi ng kapitbahay nila, noong nakaraang linggo pa raw may pabalik-balik na kotse roon. Baka nga kakilala ng papa niya ang mga ito. Panay ang dasal niya habang palapit sa gate. Mukhang matitino naman ang mga ito. Namukhaan niya ang isa na matangkad. Minsan na niya itong nakita na kasama ng kanyang ama. “Sino ho sila?” aniya. Hindi pa niya binuksan ang gate. “Katrabaho kami ni Vic. Narito kami para sunduin ka,” sabi ng matangkad na lalaki sa gawing kaliwa. “Ha? Bakit?” balisang tanong niya. “Hindi pa makauuwi ang papa mo kaya nakiusap siya na kami na ang magsasabi sa iyo. Nais ka ring makausap ng boss namin.” “Sinong boss? Si Mr. Romualdo ba?” Napangiwi siya nang maalala na patay na pala ang dating boss ng papa niya. Bago na ang boss niyon. “Sumunod na lang po kayo sa amin, ma’am,” wika ng isang lalaki sa kanan. Para maniwala siya ay nagpakita ang mga ito ng ID na pareho sa papa niya. Hindi naman siya nagduda dahil namukhaan niya ang isa. “Ah, puwede bang maligo muna ako?” aniya pagkuwan. “Doon na ho kayo maligo sa pupuntahan natin. Magdala ka na lang ng damit,” sabi ng matangkad. “Sige na nga. Sandali lang, ah.” Tumakbo siya papasok ng bahay. Nagdala siya ng ilang damit na pamalit. Tiniyak muna niya na nai-lock lahat ng bintana at pinto. Naikandado rin niya ang gate paglabas. “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya nang lulan na siya ng kotse. Sa backseat siya nakaupo habang nasa harapan ang dalawang lalaki. Hindi siya sinagot ng mga ito. Papasok na sila sa subdivision sa lungsod ng Makati. Namangha siya nang pumasok sila sa malaking gate. Ang lawak ng lupaing nasasakupan ng dalawang palapag na bahay na halos salamin ang palibot. Gusto niya ang ambiance ng paligid, malamig sa mata dahil sa mga berdeng halamang nakapalibot. Naiilang pa siyang pumasok sa eleganteng salas ng bahay. Sinalubong siya ng dalawang kawaksi at iginiya sa guestroom sa may ground floor. Mabuti na lang may sariling banyo ang kuwarto. Parang pumasok siya sa hotel suite, naka-ayos ang kama na may puting sapin. It was an air-conditioned room, spacious and painted with white from the ceiling and walls. “Mag-almusal ka muna, hija,” sabi ng ginang na gumabay sa kanya. Puti na ang buhok nito pero tantiya niya hindi pa naman katandaan. “Ahm, maliligo ho muna ako. Amoy laway pa ako, eh,” nakangiwing sabi niya. “Ah sige. Pagkatapos mong maligo ay punta ka sa dining room. Sasabihin ko na lang kay Sir Jin na naliligo ka.” “Sige po.” “Tawagin mo akong Nanay Lowela.” Tumango siya. Lumabas na rin ang ginang. Curious tuloy siya sa boss ng kanyang ama. Ang sabi ng papa niya, anak daw ng namatay nitong boss ang pumalit dito. Pero hindi alam ng karamihan na may anak si Mr. Romualdo. For security purposes daw kasi kaya ibang apelyido ang ginamit ng anak ni Mr. Romualdo. Hindi niya maintindihan. Pagkatapos maligo ay hinanap niya ang dining room. Nakasuot lang siya ng puting slack pants at pink blouse. Kamamadali niya ay tsinelas lang ang kanyang naisuot. Kung sa bagay, hindi naman business related ang pakay niya roon. Baka may importante lang na habilin ang papa niya sa boss nito. Iginiya naman siya sa dining room ng mas batang kawaksi na nagpakilala’ng si Lomeng, anak ni Nanay Lowela. Namangha siya sa dami ng pagkaing nakahain sa mahabang oval na lamesa. May katorse itong silya. “Maupo ka na at hintayin si Sir,” sabi ni Lomeng. “Sige po, salamat,” aniya. Nang umalis si Lomeng ay umupo siya sa silya sa bandang kaliwa. Nasa dulo lang may pagkain kaya doon siya pumuwesto. Gutom na gutom na siya. Sasandok na sana siya ng kanin nang bumukas ang pinto. Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya magawang lumingon sa likuran. Pinakinggan lamang niya ang yabag na papalapit sa kanya. Sumiksik sa ilong niya ang matapang na pabago ng lalaki. May sinusitis pa naman siya at allergic sa matatapang na pabango o floral scent. Hindi niya napigil ang pagbahin. Huli na nang takpan niya ang kanyang ilong. “Sneezing in front of the food was not a good behavior, lady,” sabi ng baritonong boses ng lalaki. Naisip pa lang niyang lumingon sa likuran ay nasa harapan na niya ang matangkad na lalaki. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga habang sinusuyod ito ng tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook