Chapter Two

2804 Words
NAPAKO ang paningin ni Janna sa mukha ng lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Parang magnet na nakasunod ang paningin niya sa mukha nito nang makaupo na ito. Hindi niya maikakaila na guwapo ito. But there’s something on his face that she couldn’t compare to other guys. He looks serious, neat, dominating, and had a sharp pair of mahogany brown eyes. Para itong banyaga, matangos ang ilong, makinis ang kutis na katamtaman ang puti, maninipis ang mga labi na natural ang pamumula. Maaliwalas ang mukha nito dahil sa clean cut na buhok. Obvious na bagong ligo, fresh na fresh. Nakasuot ito ng puting polo na nakasiksik sa abuhing pantalon ang laylayan. Nakabukas ang dalawang botones sa itaas ng hapit nitong polo, kaya bakat ang matipunong dibdib. Ito ba ang bagong boss ng papa niya? Ang bata naman ata. Hindi naman nito kamukha si Mr. Romualdo, kung ito na nga ang anak niyon. “How are you, Janna?” seryosong tanong nito habang diretso ang tingin sa mga mata niya. Pakiramdam niya’y pinapaso siya ng titig nito. Nasorpresa siya nang alam nito ang kanyang pangalan. Marahil ay sinabi rito ng papa niya ang tungkol sa kanya. Bumuga siya ng hangin. “Uh… o-okay lang naman po,” naiilang niyang turan. “I’m Jin Liam Monreal, the only son of your father’s late boss,” pakilala nito Napanganga siya. Ito na nga ang anak ni Mr. Romualdo Bautista! “Nice to meet you po,” pilit ang ngiting bati niya. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may nagsisiga ng apoy sa kanyang paligid. Gusto na kaagad niyang matapos ang almusal. “Uhm, bakit n’yo po pala ako pinapunta rito?” hindi natimping tanong niya sa lalaki. “Let’s have breakfast first,” sabi lang nito. Hindi na siya nagsalita. Kumuha na siya ng pagkain. Namayani ang ilang minutong katahimikan. Naiilang siyang kumain. Kahit hindi niya tingnan ay ramdam niya na may nakamasid sa kanya. Gusto pa naman niya ang ulam, beef rolls at tuna fillet. Hindi tuloy siya makabuwelo ng kain. Bumagal ang pagsubo ni Janna nang maalala si Reyven. Isang seaman si Reyven, isang beses sa loob ng tatlong buwan ang uwi nito. Naiinis pa rin siya habang iniisip ang senaryo sa bar. Alam niya na nawawalan talaga ng kontrol sa sarili si Reyven kapag nalalasing, kaya ikinunsidera niya ang sinabi niyon na kaibigan lang si Alicia. Pero hindi niya maiwasang isipin na tama si Aster, na niloloko lang siya ni Reyven. Dahil sa sinabi ni Aster tungkol kay Reyven ay hindi na siya mapakali. Kailangan niya itong makausap nang masinsinan. Kung talagang hindi na siya nito mahal, sana walang lokohan. Hindi naman siya maghahabol kung talagang ayaw na nito. Pero hindi pa siya handang masaktan. “Uh… saglit lang po ba tayo mag-uusap, sir?” mamaya ay tanong niya kay Jin. Hindi ito sumagot. Patuloy lang ito sa pagsubo. Hinintay na lamang niya matapos ang almusal. Panay ang sipat niya sa kanyang relong pambisig. Nag-text na siya kay Reyven pero wala pang reply. Balak niya na puntahan ito sa bahay ng mga ito. “Are you alright?” tanong ni Jin habang nakatitig sa kanya. Matabang siyang ngumiti. Nakapapaso ang titig nito kaya hindi niya magawang tingnan ito sa mga mata. “Ahm, puwede bang lumabas sandali? May tatawagan lang ako,” paalam niya. Tapos naman na siyang kumain. “Go ahead.” Tumayo siya at lumabas. Nag-dial siya sa cellphone. Hindi sumasagot si Reyven sa tawag niya. Inulit niya pero wala pa ring sagot. Maya-maya ay lumabas na ng dining room si Jin. “Follow me,” sabi nito. Napasunod naman siya rito. Ang tangkad nito, may six foot na ata ang taas. Ang lapad ng likod, matikas at lalaking-lalaki maglakad-ang bilis. Pumasok sila sa glass door. Inikot niya ng tingin sa malawak na pasilidad na iyon. May sala set sa gitna at nakapaligid ang bookshelves na puno ng iba-ibang libro. Umupo sila sa couch na magkatapat. “Ano po ba ang sasabihin n’yo, sir?” magalang niyang tanong. Seryoso ang binata, wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito. Pero pansin niya na tila may malalim na lungkot sa mga mata nito. She believes that eyes can’t hide the emotions that people were trying to ignore. She could feel a bit mysterious in Jin’s appearance. Hindi niya masaway ang sarili na kilatisin ito. Ibinaba ni Jin ang tingin sa nakasupling niyang mga kamay. “Your father entrusts you to me, and I promise to do my best to protect you,” wika nito, walang paliguy-ligoy. “Ano’ng ibig mong sabihin? Nasaan ba ang papa mo?” Naging uneasy siya. Natigil siya sa pagkilatis dito. “He’s still in Florida. Hindi pa siya makauuwi.” “Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?” nababahalang tanong niya. “I don’t want to hide you the truth, Janna. Your father was trapped on his previous boss in Florida. Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at naakusahan siya. Nakulong siya roon.” “Ano?!” Napabalikwas siya. Ginupo siya ng takot. Kasunod niyon ay ang pagpuyos ng kanyang damdamin. Uminit ang bawat sulok ng kanyang mga mata at lumaya ang maninipis niyang luha. “K-kailan siya makalalaya? Bakit wala kang ginagawa, huh?” humihikbing tanong niya rito. “Mapanganib ang mga taong may hawak sa kanya. We still find ways to help him but it may takes time. Nanganganib din ang buhay mo, Janna. The enemy wants to take you.” Napaupo siyang muli nang tila nalusaw ang mga buto niya sa tuhod. Nanginginig siya dahil sa labis na emosyon. Tumindi pa ang takot na umaalipin sa kanya nang pati siya ay gusto ring kunin ng kalaban ng papa niya. Napatingin siya sa puting folder na nakalatag sa mesita. Kinuha ito ni Jin at inabot sa kanya. “Here, read this agreement,” anito. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang folder at marahang binuklat. Taimtim niyang binasa ang nilalaman nito. Nawindang siya nang mabasa ang statement ng papa niya. “Whatever happened to me during my mission, please take care of my daughter Janna. Sa inyo ko lang siya ipagkakatiwala, sir. Alanganin na rin ang buhay ko dahil sa dami ng nakaharap kong sindikato. Ayaw ko’ng makilala nila ang anak ko baka mapagbalingan siya. I want an agreement before accepting the position in the organization.” Kalakip ng sulat ng papa niya ay ang kasunduan sa pagitan nito at ni Mr. Romualdo. Nawindang siya nang mapagkasunduan ng dalawang panig na sakaling mapahamak ang papa niya o mamatay, kukunin siya ni Mr. Romualdo. But there’s a big deal that shocked her. Mr. Romualdo offers a marriage arrangement between her and his son, but it was optional. The agreement about adopting her was notarized and signed by both parties. Dumalas pa ang kanyang pagluha sa kabila ng pagkawindang. “You can’t go anywhere, Janna. The enemy will find you and planning to kill you,” sabi ni Jin. “Bakit pati ako? Ano ba ang kasalanan ni Papa?” puno ng hinagpis niyang tanong. “You know what your father's job is, Janna. He was a secret agent, a bodyguard, and a spy. Marami na ang nakakikilala sa kanya. Ang problema, pati ikaw ay nakilala na rin ng mga targets niya.” Nag-panic siya. “P-paano ko sila matatakasan? Wala na akong pamilya na maaring tanggapin ako lalo sa sitwasyong ito. Inaayawan ng kaanak niya si Papa dahil sa nature ng trabaho niya.” May mga kaanak siya sa mother side pero hindi niya nakilala nang personal at hindi rin siya kinilala. Namatay ang mama niya noong ipinanganak siya dahil sa komplikasyon sa puso. “You can stay in my custody. Your father asked me a favor and I have to do this. Matagal na niyang sinabi sa akin ito, sakali man na may mangyari sa bawat misyon niya.” “A-anong pabor?” Hindi na niya malaman kung paano tantyain ang kanyang emosyon. “You have to hide your identity or change it before the enemy finds you. Your father and I had a deal before, aside from the agreement between him and my father.” “Deal?” “Yes. I need to marry you as soon as possible.” Napatayo siya. Ano naman ang kinalaman ng kasal sa pagtatago niya sa mga kaaway? The marriage was optional based on the agreement. Wala rin siyang pakialam sa kasunduang iyon. “Nababaliw ka ba? Ano naman ang kinalaman ng kasal?” protesta niya. “Please calm down. It’s for your safety,” giit nito. “Safety? How could you assure that marrying you was safe?” “Magbabago ang status mo, everything about you especially your life. Kailangan mong magpalit ng pangalan. Dadalhin mo ang apelyido ko. Titiyakin ko na ligtas ka sa puder ko.” “Pero hindi mababago ang hitsura ko.” “That’s not a problem. The enemy just had your picture as a reference, but those are not enough. We will try to change your identity in PSA if they would allow it. May nakausap na akong tao na mag-aasikaso tungkol doon. Though the enemy would still trace you, they unable to take you, especially if you’re married to me.” Naguguluhan siya. Napaupo siyang muli. “I agree to change my identity but marrying you? That’s a crazy idea. Ano’ng purpose niyon?” angal niya. “Marrying me was the safest way to survive, Janna. No one can hurt you. I will protect you in my territorial ways. I promised your father, and I will do my best to give all your needs.” Kumurap-kurap siya, nawiwindang pa rin. “At sa palagay mo ba matatakasan ko ang mga taong gustong kumuha sa akin kung magpapakasal ako sa ‘yo?” “All things under my name are safe,” he said with determination. Bigla siyang kinilabutan. Nangarap siyang maikasal sa simpleng lalaki na mahal niya. Hindi niya kilala si Jin, lalong wala siyang pagtingin dito. At hindi puwede dahil may boyfriend siya. Ano na lang ang sasabihin ni Reyven? “No, hindi ako magpapakasal sa iyo!” mariing tutol niya. “And why?” Matiim ang titig sa kanya ng binata. Magkasupling ang mga kamay nito na nakapatong sa mga hita. “May boyfriend ako,” diretso niyang sagot. “You can break up with him,” walang abog nitong turan. “Ano? Nababaliw ka na!” Hindi na siya mapakali sa kanyang puwesto. “Your boyfriend is nothing compared to me. I can give you a lavish life.” “Hindi ko kailangan ng yaman! Mahal ko ang boyfriend ko!” Wala man lang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Para itong robot na tuwid lang ang upo at nakatitig sa kanya. “Do you ever ask your boyfriend if he still loves you, Janna?” Natigagal siya. Kailan ba sinabi ni Reyven na mahal siya nito? Noong nanliligaw pa lang ito sa kanya. Ang sweet niyon, galante. Pero bigla iyong naglaho simula noong napadalas ang sampa sa barko ng binata. “Mahal niya ako,” aniya sa malamig na tinig. Hindi na siya sigurado roon nang maisip ang mga sinabi ni Aster tungkol kay Reyven. “That’s not true. If he still loves you, why he was dating another woman?” Nawindang siya. Paano nito nalaman? “How did you know that?” manghang tanong niya. May inilabas na litrato mula sa brown envelop si Jin at ibinigay sa kanya. Napakahawak siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y nagkapira-piraso ang kanyang puso nang makita sa litrato si Reyven na may kahalikang babae sa tapat ng bar counter. Tama nga si Aster! “My agent took that picture yesterday. I had a private investigator who investigates all people involves in your life, even in school. He said you have a boyfriend named Reyven Salazar, a seaman. Inalam ko lahat tungkol sa kanya, to know if I would trust him, but my investigator found him in a bar with a woman.” Lalong nagpuyos ang damdamin niya. “Ang sama mo, ang sama-sama mo,” gumagagulgol niyang sabi. Wala man lang pahinga, binuhusan siya ni Jin ng bad news na sa isang iglap ay dumurog sa marupok niyang puso. Naiinis siya sa lalaking ito. Wala itong pakialam kung ano ang maari niyang maramdaman. He’s heartless. But it’s her fault, she opened the topic about Reyven. May bala pala itong hawak para sa hangal niyang boyfriend. “I’m sorry. I don’t have enough time to talk to you, so I need to say it all right now.” “But you can’t force me to marry you!” asik niya. “I didn’t force you, Janna. Pero kailangan mo itong pag-isipan. Hindi ka na ligtas sa labas at sa dati mong buhay. You have to change everything in your life and entrust it to the man who can give you a secure life.” Parang roller coaster na ang emosyon niya. Hindi siya makapag-isip nang matino. Tumayo si Jin. “I’ll give you enough time to decide, but I won’t allow you to go back to your house,” maawtoridad nitong sabi. Marahas siyang tumayo. “Paano ang bahay namin? Ang mga gamit?” natatarantang tanong niya. “Walang gagalaw sa bahay ninyo. Ipakukuha ko ang mga importante mong gamit. Ilista mo lahat ng kailangan mo.” Hindi niya malaman ang gagawin. Nabuburyong na siya. “Payagan mo akong umuwi,” humihikbing samo niya. “The enemy was starting searching you. Alam na nila ang bahay ninyo. May nakita ang tauhan ko na grupo ng kalalakihan na nakakotse at pabalik-balik sa bahay ninyo. Maaring alam nila na umuuwi ka roon. Anytime, they will return to take you.” Hinahapo siya dahil sa takot. “Take a rest,” sabi nito saka siya iniwan. Nanlulumong lumuklok siya sa couch at humagulgol. Ang daming dahilan ng pagluluksa ng kanyang puso. Hindi pa niya masyadong naiisip ang tungkol kay Reyven. Higit siyang nag-aalala sa kanyang ama. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Natatanaw mula roon ang magandang hardin. Namataan niya si Jin na nakatayo sa gilid ng pool at may kausap na lalaking nakasuot ng black suit. Naalala niya ang kanyang ama. Madalas din ay black suit ang suot niyon sa tuwing papasok sa trabaho. Nakatalikod ang lalaki pero si Jin ay nakaharap sa kanya. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha habang iniisip ang kanyang ama. “Mag-aral kang mabuti, anak. Kapag stable na ang trabaho mo at may sariling income, magreretiro na ako sa trabaho. Hindi ka na mag-aalala. Promise, mabubuhay na tayo nang tahimik.” Naalala niya ang pangako ng papa niya noon. “Graduate na ako, Pa. Magtatrabaho na ako. Bakit hindi mo ako nahintay? Please, umuwi ka na buo,” humihikbing wika niya. Napalakas ata ang hagulgol niya. Napatingin sa kanya si Jin. Bahagyang nakabukas ang glass door at may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya ng dalawang lalaki. Nang umalis ang kausap ni Jin ay humakbang ito patungo sa kanya. Binuksan nito nang tuluyan ang glass door at inabutan siya ng puting panyo. Nag-alangan pa siyang tanggapin ito. Matamang nakatitig lamang siya sa seryosong mukha nito. “Take it and wipe your tears. Your tears won’t save your father,” supladong sabi nito. Lalo siyang nainis dito. Marahas niyang kinuha ang panyo sa kamay nito at pinahid ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. “Kung hindi bukal sa loob mo ang pagtulong, huwag na lang!” padaskol niyang sabi. “I’m not just helping you, Janna. I’m doing this because it’s my promise to your father. You’re my responsibility. Your father saved my life many times since I was a kid, so I have to pay it back.” Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya ito maintindihan. Ito ang boss ng papa niya, bakit kailangan akuin nito ang responsibilidad sa kanya? Dahil lang ba sa pabor na hiningi ng papa niya at pagtatanaw nito ng utang na loob? “Sana ay wala itong kapalit na habang buhay kong pagbabayaran,” sabi niya. “Just trust me and stop thinking nonsense, it didn’t help.” Tinalikuran siya nito. Bumalik ito sa poolside open cottage at doon umupo. Sinundan niya ito ng tingin at pilit pinag-aaralan ang kilos nito. Mahirap itong kilatisin, bukod sa sobrang seryoso, hindi rin naglalabas ng emosyon na naaayon sa pangyayari. Ang inis niya’y nahulog sa curiosity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD