Chapter 3

2574 Words
HINDI nakaalis sa bahay ni Jin si Janna. Inabot na siya ng gabi roon. Tinawagan niya si Reyven pero hindi pa rin ito sumasagot. Tinadtad niya ito ng text messages. Kinuhaan niya ng litrato ang picture na binigay ni Jin at pinadala kay Reyven sa inbox nito sa social media. Ang walanghiya, nag-seen lang. Maya-maya ay tinawagan siya nito. Lumabas siya ng bahay at sinagot ang tawag ni Reyven. Naunahan na siya ng kanyang emosyon. “Kailan mo pa ako niloloko, ha? Kaya pala hindi mo ako mapuntahan dahil busy ka sa ibang babae!” umiiyak na palatak niya. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Busy nga ako sa opisina dahil may bagong schedule ang biyahe namin,” alibi pa nito. “What about the picture I sent to you?” “Saan mo naman nakuha ‘yon? Baka hindi ako ‘yon, edited lang.” Lalong uminit ang ulo niya. “Huwag ka nang magpalusot! Obvious na nga, Reyven! Bakit hindi mo na lang ako diretsahin?” “Fine! Ano, gusto mong makipaghiwalay?” Nanikip ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Si Reyven na ang nagbukas ng paksang hiwalayan. “Iyan ba ang gusto mo?” Gumaralgal ang kanyang tinig. “Hindi, Janna. Ayaw mo kasi akong intindihin, eh. Alam mo naman ang nature ng trabaho ko.” “Anong hindi? Ikaw itong nagbago, Reyven. Hindi ka na open sa akin, it means, marami kang sikreto. Sabihin mo na lang ang totoo, huwag mo na akong pahirapan.” Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. “L-let’s meet tonight. Personal tayong mag-usap, huwag ganito, Janna,” hiling nito. “Sige.” Nang sinabi ni Reyven ang location ay pinutol na niya ang tawag. PINAGBIGYAN ni Jin ang hiling ni Janna na makipagkita sa boyfriend nito pero kasama siya sa escort nito. Malapit lang naman ang restaurant na napagkasunduan ng dalawa. Nakamasid ang mga tauhan niya sa paligid ng restaurant habang nag-uusap ang magkasintahan sa loob. Naiwan siya sa loob ng kotse katabi ang pinoy escort niya’ng si Gino. “Nakuha na ng mga tauhan ko ang gamit ni Ms. Janna, sir,” sabi ni Gino. “Good. Make sure na naisara maigi ang bahay bago nila iwan,” aniya. “Yes, sir, sinabi ko na.” “Naikabit ba nang maayos ang CCTV footage sa bahay ni Vic?” “Yes, sir.” “Okay. Thank you.” Makalipas ang trenta minuto ay lumabas na ng restaurant si Janna. Mabilis ang hakbang nito at luhaan. Mugto na ang mga mata nito. He made a mistake. Hindi dapat niya sinabi kaagad ang tungkol sa boyfriend nito. Mukhang nadurog ang puso ng dalaga. Pero ito naman ang nagbanggit tungkol doon kaya inilabas na niya ang litrato. Hindi pa dapat niya iyon ipakikita. Padabog itong sumakay ng kotse, sa likuran nila. Bumaba naman siya at lumipat sa tabi nito. Umusad naman ang sasakyan nang utusan niya ang driver. Nakasunod sa kanila ang van ng mga bodyguard. “Mga lalaki talaga. Ganoon ba ang taste ninyo, mga babaeng easy to get, mabilis bumigay?” palatak nito habang panay ang punas ng panyo sa basang pisngi. Sinipat lang niya ito. He’s not interested in love-related issues. Hindi niya maintindihan bakit may mga tao na handang magpakatanga para sa minamahal nila. He admits that he was heartless when it comes to love. He never tries to have a commitment with a woman, nor dating and flirting with them. He was a workaholic, business-minded, and an aspiring lawyer. He doesn’t have time to entertain people who were talking nonsense. Tumigil siya sa pag-aaral sa law school. Second-year na sana siya. Nagtapos naman siya sa kursong Political Science. Nag-home-study rin siya about business para pag-aralan ang business na iniwan ng parents niya. His mother owned the elite liquor manufacturing in Spain, Italy, and Florida. Also had a local brand in the Philippines. While his father owned the twenty hectares grapes farm in Laguna. Isa iyon sa nagsu-supply sa mga kumpanya ng alak, na naging tulay kaya nakilala nito ang kanyang ina na isang business tycoon. Also, his father was a lawyer, a prosecutor and owned the intelligence agency and organization in Florida. Nagtrabaho rin sa international investigation agency ang kanyang ama noon, na hina-hunting ang mafia leaders kasama si Lereo Mitsuzuki. Iyon din daw ang isa sa dahilan bakit ito napag-initan ni Lereo. Pagdating sa bahay ay dumiretso sa kuwarto si Janna. Sa guest room pa rin ito pumasok kahit pinahanda na niya ang kuwarto nito sa second floor. Hindi na ito lumabas para maghapunan. Nagpapahangin siya sa tapat ng Olympic pool nang dumating si Monroe, isang American-Filipino. Isa itong secret agent, assistant niya at nagma-manage ng organisasyon ng kanyang ama sa Florida. Mabuti hindi nakita ni Lereo ang opisina ng ahensya na nakatago sa loob ng kumpanya ng alak. Sa kanya na ito nakapangalan kaya malabong mahanap ito ni Lereo. Pinalabas nila na siya ay isa lamang investor ng kanyang mga magulang na bumili ng rights ng kumpanya. “Here’s the latest update about Mitsuzuki investigation, sir” sabi nito sabay abot sa kanya ng envelope na dala nito. Binuksan kaagad niya ito at tiningnan ang nilalaman. May mga litrato ring kasama na may kinalaman sa mga transaksyon ni Lereo. Malinis ang daloy ng negosyo ng mga ito maging ang connections nito sa underground market kaya nahihirapan ang awtoridad na masampahan ito ng kaso. Ipapadala niya ang mga litrato sa Monreal Intelligence Agency. Hindi muna siya kakapit sa batas dahil duda siya na may kapit din si Lereo sa ibang tiwaling opisyales ng gobyerno sa iba’t ibang bansa. Kailangan maprotektahan ang identity niya. Okay lang malaman ng kalaban ang pangalan niya, safe iyon, huwag lang malaman ni Lereo na anak siya ng karebal nito at dating asawa. Kilala ni Lereo ang Monreal clan, pero hindi pa nito kabisado ang galaw ng mga Monreal kaya nag-iingat din ito na huwag makabangga ang pamilya. Hindi rin alam ni Lereo na Monreal ang nanay ng kanyang ina. Mabagsik na kalaban ng mga mafia saan mang dako ng mundo ang pamilya ng kanyang ina. Kaya palagay siya na ligtas siya habang dala ang apelyido ng kanyang ninuno. Alam din ni Vic ang tungkol sa Monreal clan, pero hindi ito umasa lang doon. Kung ituturo siya nito kay Lereo, uungkatin din nito ang family background niya. Kakapit ito sa malalaking mafia group sa iba’t bang sulok ng mundo. Ganoon katuso ang nilalang na iyon. Kaya ang ginawa nitong pag-atake sa headquarter nila sa Florida ay naiparating niya sa Monreal clan upang maisama sa notorious mafia leader si Lereo. Hinihingan sila ng karagdagang ebidensiya kaya si Monroe na ang kumikilos katuwang ang agents nito. “How’s Vic?” tanong niya kay Monroe. “He’s still detained inside Lereo’s territory. My spy does not have access inside the territory. Hindi pakakawalan ni Lereo si Vic hanggat hindi sinasabi ang tungkol sa iyo. Dinidepensahan ka pa rin ni Vic.” He took a deep breath. “I need to talk to Vic. Gumawa ka ng paraan para mabigyan siya ng device.” “Malabo na po iyong mangyari. Lalong naghigpit ng security si Mitsuzuki.” “They sent their men here to find Vic’s daughter. They were desperate to catch me.” “Vic won’t allow that. We need to protect his daughter.” “Nakuha ko na ang anak niya.” “Paano kung papatayin nila si Vic?” “Hindi iyon gagawin ni Lereo. Kung papatayin niya si Vic, hindi niya mahuhuli ang kalaban. Kaya gusto niyang makuha si Janna dahil iyon ang matinding kahinaan ni Vic.” He gritted his teeth. Inuusig pa rin siya ng kanyang konsensiya. Naging agresibo siya at padalus-dalos dahil sa matinding galit. Hindi siya nakinig kay Vic. “It’s my fault,” he said with full of frustration. “May magagawa ka pa para makabawi, sir. Maiintindihan ka ni Vic. I will do anything to let him know that his daughter was safe,” ani ni Monroe. “Thank you. You may leave now.” Yumukod lang si Monroe saka umalis. Pagpasok niya ng bahay ay hagulgol ang kanyang narinig. Napasugod siya sa lobby nang mahimigan na doon nagmumula ang ingay. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan niya si Janna na nakaluklok sa gilid ng couch-sa mismong sahig. May hawak itong bote ng whiskey. Nilaklak nito iyon. Patakbong nilapitan niya ito at inagaw sa kamay nito ang bote. Kalahati na ang laman ng alak. Dala pa niya ang alak na iyon mula Florida at isa sa produkto ng kanyang kumpanya roon. “Hey! Akin na nga ‘yan!” angal nito. Nagpumilit itong tumayo pero kaagad ding nawalan ng balanse. Maagap niyang sinalo ng kanang braso ang likod nito. Inalalayan niya ito paupo sa couch. “You should sleep, Janna,” aniya. She stared at him sharply. “Paano? Sige nga. Sabihin mo kung paano ako matutulog?” Dinuro siya nito. “Binomba mo ako ng bad news, ano sa palagay mo ang mararamdaman ko, huh? You didn’t even care about my feelings. Hindi mo alam kung gaano kasakit! Kung bala lang lahat ng mga sinabi mo, siguro malamig na bangkay na ako ngayon!” She’s in a hysterical stage; he doesn’t know how to make her calm. He just let her shout even it felt irritating. “Mas masakit kung pinatagal ko pa. I’m just helping you to hide from those people who want to take you,” he explained. “Yeah, I understand. But about the marriage you said, I can’t accept that now. It’s no use.” “It’s my way to change everything in your life, Janna. If you are going to use my sure name, no one can hurt you. I assure you that.” Tumawa ito. “Ano ba meron sa apelyido mo? May super power ba ‘yan para protektahan ako?” sarkastikong tanong nito. He didn’t mind her nonsense question. “Monreal clan was famous in intelligence industry in the world. Kinakatakutan sila ng mga kriminal dahil sa husay magtrabaho. My great grandfather in mother side built the intelligence agency in some countries and coordinating with the government task force agencies.” “Kung gano’n bakit hindi mo ipahuli ang mga taong dumakip sa papa ko?” Natigilan siya. Kung tutuusin, kayang-kaya ng Monreal clan pabagsakin si Lereo. Pero dahil sa desisyon ng mommy niya na sumama kay Lereo, itinakwil na ito ng pamilya nito. Inalis ng mga magulang nito ang suporta rito at itinigil ang imbestigasyon kay Lereo. Dapat ay matagal nang natugis ng tauhan ng lolo niya si Lereo pero ipinaglaban pa ito ng mommy niya. Ang traidor na si Lereo ay ginamit lang ang mommy niya upang malinis ang pangalan nito sa batas. Nanatili itong inosente dahil sa sinabutaheng ebidensiya na sana ay magkukulong dito. Kaya itinago siya ng mommy niya upang protektahan mula kay Lereo. Papatayin siya ni Lereo sakaling malaman nito na anak siya ng kanyang ina sa ibang lalaki. Lereo was a psychopath, he’s obsessed with his mother. Lately, he decided to reveal himself to the Monreal clan. He wanted to be part of the family legally. Hindi alam ng parents ng mommy niya na nag-e-exist siya. Sa pamamagitan ng kanyang apelyido, balang araw ay makikilala rin siya ng mga ito at tatanggapin bilang parte ng pamilya. “Matulog ka na. Bukas na ulit tayo mag-usap,” sabi niya sa dalaga. “Ayaw ko! Pabayaan mo ako rito!” asik nito. Ayaw niya ng walang saysay na argumento. Walang abog na binuhat niya ito at dinala sa kuwarto na pinahanda niya. Naroon na rin ang mga gamit nito. Nagwawala ito kaya hinigpitan niya ang yapos sa baywang nito. Halos sumayad na ang ulo nito sa sahig. “Ano ba! Bitiwan mo ‘ko!” Pagpasok sa kuwarto ay ibinaba niya ito sa kama. Iiwan na sana niya ito nang bigla itong tumayo, sumampa sa likod niya at kinagat siya sa tainga. “Ugh! s**t!” daing niya. Iniwaksi niya ito sa kama. Napasugod doon si Nanay Lowela. Dumugo ang kaliwang tainga niya. “Diyos ko! Ano’ng nangyari?” bulalas ng ginang. Gigil siyang lumabas. Sinundan naman siya ng ginang at ginamot ang kanyang sugat. Inis na inis siya sa ginawa ng babaeng iyon. PARANG sirang plaka na paulit-ulit na umuukilkil sa kukoti ni Janna ang napag-usapan nila ni Reyven noon sa restaurant. Inamin ng lalaki na marami itong dini-date na babae pero ayaw nitong makipaghiwalay sa kanya. Humingi ito ng isa pang pagkakataon. Lalo siyang nagalit nang may babae na lumapit sa kanila at sinabing girlfriend din daw ni Reyven. Siya na ang nakipaghiwalay kahit halos ikamatay iyon ng kanyang puso. Wala na siyang pakialam kahit hindi tinanggap ni Reyven ang desisyon niya. Idinahilan pa na hindi naman daw ito seryoso sa ibang babae. Napakawalanghiya talaga! First love niya si Reyven. Bago naging sila ay matagal niya itong naging kaibigan since high school. Kaya kahit nasaktan, hindi niya basta maitapon ang pagmamahal na iginugol niya rito. Pero hindi siya magpapakatanga dahil sa pagmamahal na iyon. She still has the pride to fix her broken heart. She must be practical at this time. Sa pagkakataong iyon, mas mahalaga ang kanyang kaligtasan. Alang-alang sa kanyang ama, susundin niya ang habilin nito. Nakaupo siya sa harapan ng malaking salamin habang kinukulot ng babaeng beautician ang kanyang buhok. Kukulayan daw iyon ng kayumanggi. Naroon sila sa guestroom ng bahay ni Jin. Nasipat niya si Jin buhat sa salamin. Kapapasok lang nito. May hawak itong folder. Pinagmamasdan lamang niya ito habang palapit sa kanya. “I got your school credentials,” sabi nito. Inutusan nito ang beautician na iwan muna sila. “What about changing my name?” tanong niya. “Hindi successful ang pagpalit ng identity. Pero nagawan namin ng paraan para maitago ang records mo. Para mas safe, magpalit ka na rin ng status.” Talagang igigiit nito ang kasal. Pero sa loob ng isang linggong paglamay niya sa masasakit na emosyon, naisip niya na wala nang dahilan para tumanggi siya sa alok ni Jin. Sa pagkakataong iyon, si Jin lang ang taong maari niyang pagkatiwalaan dahil ito ang inaasahan ng papa niya. “What will happen after marriage?” walang emosyong tanong niya. “You’re still free to do whatever you want except having a relationship with other guys.” “Kapag ba bumalik na si Papa at safe na ako, puwede na akong makipaghiwalay sa ‘yo?” Hindi sumagot si Jin. Seryosong nakatitig lang ito sa kanya buhat sa salamin. “I’m asking you, Jin. Kailangan kong makasisiguro kung ano ang kahihinatnan ng kasal na inaalok mo sa akin,” aniya. “Yes, you can file a divorce if the problem has been fixed. Sa US tayo magpapakasal,” sabi nito sa wakas. “Thanks,” sabi niya lang. Inilapag nito sa mesita ang folder saka tumalikod. Sinundan niya ito ng tingin habang papalayo. Humarap siya ulit sa salamin at buhat doon ay nakikita niya ang binata. Napansin niya na huminto si Jin sa harap ng pintuan. Nilingon siya nito. Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila at ilang segundong magkatitig. She can’t help but felt something strange emotion. Her heart raced. Hindi naman ito dahil sa kaba. Ang lalim ng titig ni Jin, tila hinuhukay ang kaniyang puso. Nauna itong umiwas at tuluyang lumabas. Bumuga siya ng hangin. Bumalik naman ang beautician at itinuloy ang ginagawa sa kanyang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD