bc

Miss Pretender

book_age16+
107
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
arrogant
goodgirl
brave
drama
sweet
bxg
city
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

Nasawi sa isang malagim na aksidente ang mga magulang ni Raya—iyon ang akala niya, dahil nakita pa niya kung paano palibutan ng mga armadong lalaki ang kotse ng mga magulang niya para tiyakin na patay na ang mga ito. Sa takot ng Yaya Minerva niya ay isinama siya nito sa probinsiya upang magtago. There, they started to build their new life with her disguising as Rayan Sinfuego, ang teenager na lalaking apo ni Mila Sinfuego.

Upang makatulong sa pinansiyal nilang pangangailangan, sumama siya sa yaya niya na mamasukan sa mayamang negosyante sa bayan nila. At unang beses na masilayan niya ang gwapong mukha ng amo nila, sumikdo agad ang dibdib niya. Pero gano’n na lang ang gulat niya ng malaman na ang amo niya pala ang nakatakdang ipakasal sa kanya ng kanyang mga magulang, and worse, may ibang babae na nagpapanggap bilang siya at nakatira pa sa mismong bahay nila. Nabuhayan siya ng loob ng makitang buhay pa ang kanyang ina–imbalido at wala sa tamang katinuan.

What would Raya do to save her mother? Would she be able to catch the culprit behind all her family’s misfortunes? And what if dumagdag pa ang love confession ng amo niya kahit na alam nitong isa siyang lalaki?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“And now, to give us her valedictory speech, let us all welcome the Summa c*m Laude of the graduating class of 2017, Ms. Rayaella Alonzo Gracias!” Nakangiting tawag ng emcee sa pangalan niya na sinundan naman ng masigabong palakpakan mula sa iba pang nagsisipagtapos, mga panauhin at lahat ng mga magulang na naroon rin sa bulwagan upang saksihan ang seremonya ng kanilang pinakahihintay na araw—ang araw ng kanilang pagtatapos. Para siyang hindi makahinga sa labis na kasiyahan na kanyang nadarama. It felt so surreal. She felt like her physical body was floating in cloud nine. Her heart was swelling with all the pride and joy that she was feeling right at that moment. Nanlalamig ang mga kamay niya at sa pakiramdam niya ay para bang nangangapal ang kanyang ulo ngunit hindi nabubura ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi na umabot na yata hanggang sa kanyang tainga habang naglalakad siya patungo sa enteblado. “Congrats, Raya!” “You deserve it!” “You’re the best Raya!” Halos hindi magkamayaw ang mga kaklase niya sa pagbati at pagbuhos ng papuri sa kanya. They were all chanting her name. Tila isang tinig ang mga ito na sabay-sabay na inihihiyaw ng malakas ang kanyang pangalan habang walang patid ang pagpalakpak ng mga ito. She was beyond estatic to see the sheer of pure joy from all her fellow graduates. Lahat ng mga kaklase niya ay bukal sa loob ang pagbati sa kanya sapagkat kitang-kita niya sa mata ng mga ito ang kislap ng totoong pagmamahal na ukol para sa kanya. Labis-labis din ang suportang ipinaramdam ng mga ito sa kanya mula pa noong unang araw nila sa eskwela hanggang ngayong araw ng kanilang pagtatapos. At gustuhin man niyang sagutin isa-isa ang mga ito ay hindi niya magawa. She couldn’t utter a single word. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng bara ang kanyang lalamunan. Kasabay niyon ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. All she could do was to give them her warmest smile, so that, they would know that she acknowledged every single one of them. She was so happy, but at the same time, so nervous, as if she wanted to cry and laugh at the same time, too. Iniangat niya ang isang kamay na animo kumakaway ngunit ang totoong pakay niya ay pasimple niyang pinunasan ang sulok ng kanyang kaliwang mata. Sa ngayon ay pipigilin muna niya ang luha na nagbabadyang malaglag mula sa kanyang mga mata. She was more than excited to be emotional on this precious day because this moment was so important to her that she dreamed of delivering her speech many nights in a row. Muli niyang itinuon ang kanyang paningin sa unahan. Napangiti siya nang matanawan na limang hakbang na lamang ang layo niya mula sa podium kung saan niya ibabahagi ang pinakamalalim na salitang iiwanan niya sa bawat isang taong naroroon—ang kanyang talumpati. This is it, Raya! This is it! She grinned. All her hard work and late nights didn’t go to waste. She remembered the words that her dad always told her and this was her father’s favorite motto in life as well. Always seize the moment because every moment counts. And she believed that because this was definitely her moment. The moment that she’d all been waiting for. Tumuwid ang kanyang likod nang tuluyan na niyang marating ang entablado. Inayos muna niya ang mikropono ayon sa kanyang lebel at mahinang pinukpok upang tingnan kung nakabukas na iyon. Sandali niyang kinalma ang sarili mula sa pagkakatayo sa harap ng podium sa pamamagitan ng paghayon niya ng kanyang paningin sa kabuuan ng dyimnasyum. Walang tao roon ang hindi niya nakitang hindi nakangiti. Lahat, higit lalo ang mga magulang na naroroon, ay kababakasan ng matinding kasiyahan. “Hello, everyone! Good afternoon to all of you!” Dumako ang paningin niya sa hanay ng upuan kung saan nakaupo ang mga kaklase niya na nakasama niya sa buong apat na taon na pagbuno niya sa piniling kurso. Nagpalakpakan ulit ang mga ito at ang iba naman ay sinamahan pa ng hiyawan. Itinaas ng emcee ang isang kamay nito at ikinumpas ng taas baba upang payapain ang mga kaklase niya. Pagkatapos ay nagbigay pa ito ng pahabol na senyas na huminahon lamang ang lahat kaya nagkaroon pa ng kaunting tawanan bago siya magsimula. Nakangiting binalingan naman siya ng emcee at marahan siyang tinanguan biglang hudyat. She smiled. Right now, there was nothing in the whole world that would top what she felt on this very moment. “You see, there are a lot of things that I want to say. But first, let me just express my happiness in today’s event. Today has been the greatest day for all of us. I’m sure of that. Especially to our parents who supported us through all of this, be it financial and moral, they got our backs.” Sandali siyang huminto sa pagsasalita upang habulin ang hininga. Bahagya pa lamang siyang nagsisimula at hindi pa man lang umiinit ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa folder na naglalaman ng kanyang talumpati, ngunit hindi na niya mapigilan ang pagiging emosyonal. She tried to maintain her composure as she blinked several times to prevent her tears from falling. Lihim siyang nagbuga ng hininga bago muling nagsalita. Ngunit ang kayang itago ng kanyang mata ay hindi kayang ikubli ng kanyang tinig. Nang muli niyang ibuka ang bibig ay hindi niya naiwasan ang pagkawala ng bahagyang garalgal sa kanyang tinig. “So, to my mom and dad, thank you so much for everything that you have given me, for supporting me in everything that I want to do, since I was a little kid. I love you so much.” Tiningnan niya kung saan nakaupo ang mga ito. All of the other parents were sitting at the back, behind the graduates. But since she graduated top of the class, her parents got the privilege to sit in front of everybody, in line with the other guests of honor. Her mom raised her hand to her chest and looked at her with love in her eyes. Nakabalatay sa mukha nito ang labis na pagmamalaki sa kanya. Sumaludo naman ang daddy niya sa kanya. A gesture that she knew very well because that was their secret sign. Nangisngislap ang mata nito. Pagkatapos ay bumuka ang bibig nito at nagsalita habang nakatingin sa kanya. Bagaman malayo at hindi niya narinig ang tinig ng kanyang ama ay hindi iyon naging hadlang upang maintindihan niya ang sinabi nito. Sa pamamagitan ng kanyang mata ay nabasa niya ang buka ng bibig nito. Her father’s lips read I love you. Mas lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumikhim siya upang maalis ang munting bara sa kanyang lalamunan. “Well, words are not enough to say what I feel, but I hope that those words would suffice to what I really want you to know.” Pagpapatuloy niya na nakatitig pa rin sa mga magulang, ipinararating sa mga ito ang pagmamahal na nagu-umapaw sa kanyang puso. Ilang saglit pa at pinilit niyang puknatin ang mata sa mga ito. Muli niyang itinuon ang tingin sa nasa harapan niya. “Second, I would also like to thank our professors who taught us everything that they knew, not only in our course and subjects, but also in life. That helped us a lot in getting through our studies and in completing our internship.” Tumingin siya sa hilera ng mga guro niya na nagsilbing pangalawang magulang nila, in every sense, sa paaralan na iyon. “And third, please let me say this, honor student or not, we were all given the same chances in life that we must utilize and maximize so we can achieve our goals and dreams in life. And the best part of that is we also get to prove to ourselves that we can and we must.” May diin ang bawat katagang binibitawan niya. “We may be walking towards a different path but what makes us all the same is that we are all in a road that leads us all to the one and only road—which is towards success. Life may be hard at times. It can also give us different situation or circumstances. But always remember this one thing and one thing alone, we are the masters of our fate, the captains of our soul. Do you agree with me?” Inalis niya ang mikropono sa mic stand at itinapat sa mga kaklase niya upang hingin ang sagot ng mga ito. Hindi naman siya nabigo dahil sabay-sabay na sumagot ang mga ito ng isang malakas na yes. She nodded her head in approval as she put the mic back on its stand. “All right. That’s all what I want to hear.” Biro niya. Malakas na tawanan naman ang iginanti ng lahat ng tao na naroon sa bulwagan. She giggled with them not minding that she was on the microphone. “And the last thing that I want to say is that, of course, this is it! This is our time! So, let’s not waste this chance to be great in our chosen career and become the person that we want to be. Congratulations to all of us!” Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Who knew what tomorrow could bring? But who cares anyway? She would still grab it with both hands. Muli siyang kumaway bago tuluyang bumaba ng entablado at bumalik sa kanyang upuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook