Nang matapos ang seremonya ng kanilang pagtatapos ay isa sa mga naunang tumayo ang mga magulang niya. Nasa kilos ng mga ito ang pagmamadali at sa bawat hakbang ng mga ito, habang naglalakad papalapit sa kanya ay mababakas sa mga mukha ang matinding pagkasabik.
“Congratulations, anak! We are so proud of you!” Hinalikan agad siya sa pisngi ng kanyang ina.
“Thank you, mommy.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Pagkatapos ay binalingan naman niya ang kanyang ama na nakatayo at tahimik na nagmamasid sa tabi nila. “Dad?” Inilahad niya ang kanyang kamay.
Ngumiti naman ito at inabot ang kanyang kamay.
“I’m the proudest father, mi bella flor.” Anito sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin ay “my beautiful flower.” A moniker that her dad fondly called her since the day she was born into this world. Her father was a pure Spanish that’s why.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap ng ina.
“So, uuwi na po ba tayo? I’m a bit tired, but, happy, mind you.” She said while giggling.
“Let’s celebrate—”
Gulat na napatingin siya sa ina. “Mom! You know that I don’t want to have a party. I want to donate the money to the kids on the foundation. They need it more than I do.” Tukoy niya sa charity foundation na inorganisa niya para sa mga batang lansangan na sinusuportahan niya ang pag-aaral.
Ngumiti ang kanyang ina. Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “I know, I know. We are not going to have a party. What I wanted to say is, let’s celebrate at our home. Nagluto ang Yaya Minerva mo, all your favorites.”
“Really?” Nanlaki ang mga mata niya.
Naglaro sa isip niya ang mga masasarap na pagkain na iniluluto ng Yaya Minerva niya. Her mouth started to salivate. Ngayon pa lang ay natatakam na siyang matikman ang iniluto ng Yaya niya. No offense meant to her mother, but her mother was not much of a cook. She was a baker, a great one if she might add.
“Really! So, let’s go. Kanina pa sila naghihintay. I’m sure na magugustuhan mo ang inihanda nila.”
Hindi niya napansin ang makahulugang ngiti na pumaskil sa labi ng kanyang ina. She was too absorbed in imagining her favorite foods all in one table.
“Vamos,” anang kanyang ama na sinusugan ang pagyayakag ng kanyang ina na makauwi na sila. Inalalayan pa sila nito pasakay sa likod na upuan ng kotse.
“Congratulations po Señorita!” Bati sa kanya ni Mang Tonyo pagkapasok niya ng sasakyan, malinawag ang bukas ng mukha nito at may malawak rin na ngiti sa labi.
Matagal na itong nagtatrabaho bilang driver ng pamilya nila. Sa katunayan ay maliit pa lang siya ay naroroon na ito sa kanila at inihahatid siya papasok sa kanyang eskwelahan. Kaya naman hindi na rin iba ang turing nila rito kasama na rin pati ang iba pa nilang katulong sa bahay na kagaya nito ay taon na rin ang itinagal ng paninilbihan sa kanila.
“Thank you, Mang Tony.” Napabungisngis siya.
She was the only one who called him that because she was the one who gave him that nickname when she was younger. Katwiran niya ay hindi magandang pakinggan ang totoong pangalan nito. Hindi naman nagreklamo si Mang Tonyo at magiliw pa nga nitong tinanggap ang palayaw niya rito.
Napatda siya nang makarating sila sa mansyon na kanilang tahanan. Napatigil ang paghakbang ng isa niyang paa papasok sa main door. Pagkatapos ay sabay na namilog ang kanyang mata at bibig sa gulat, hanggang sa unti-unting napalitan ng pagkamangha ang nakabadha sa kanyang mukha.
“Surprise!”
“Congratulations, Señorita Raya!”
Pagpasok pa lang niya ay ang malakas na tunog ng party popper ang sumalubong sa kanya kasabay ng masayang pagbati sa kanya ng mga kasambahay nila. Halos hindi magkamayaw ang mga ito na pare-parehas na malawak ang pagkakangiti habang nakatingin sa kanya. Siyempre ay nangunguna sa mga ito ang Yaya Minerva niya na may hawak pang malaki at parihabang cake para sa kanya. Napakaganda ng disenyo ng cake na nababalot ng matamis na kulay karamelo at may maliliit na puting icing na nakadisenyo ng parang mga bulaklak sa gilid nito. May apat na kandila rin na nakatusok sa ibabaw ng cake na may sindi na rin na natitiyak niyang sumisimbulo sa apat na taon na binuno niya sa kolehiyo.
Kulang ang sabihing nagulat siya para tukuyin ang kanyang nararadaman. Hindi niya inaasahan na hindi lang pala simpleng salu-salo para sa hapunan nila ang inihanda ng mga kasama nila sa bahay para sa kanya.
If she was happy earlier, she was happier now.
She realized how lucky and bless she was to have these good people around her who genuinely loved her and care for her. And she was amazed, thinking how they managed to organized this little surprise party without her knowing it. Although, judging by the looks of the decorations in the house, she could say it was not ‘little’. Ngunit kung siya ang tatanungin ay kahit pa simple lang ang gayak na ginawa ng mga ito, tiyak na magdudulot pa rin iyon ng ibayong kaligayahan sa kanya. Whatever setup of decorations will always be special because she knew that all of it was done personally by them with their own hands.
May mga nakasabit din na litrato niya kasama ang mga katulong nila at ang iba naman ay mga magulang niya ang kanyang kasama. Mayroon ding kuha noong maliit pa lamang siya. Lahat ng mga larawan ay sumasalamin sa masasayang alaala sa yugto ng buhay niya sa loob ng kanilang tahanan sa maraming taon na magkakasama sila.
Hayon na naman ang pakiramdam na parang nalulunod ang kanyang puso. Nasusukat ba ang kasiyahan? Sapagkat hindi niya alam kung gaano pa karami ang ganoong emosyon na mapagkakasya niya sa kanyang puso. Ngayon pa lang ay parang puputok na ang organ na iyon sa kanyang katawan sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. Hindi niya rin magawang ibuka ang kanyang bibig ng mga sandaling iyon. Nahihirapahan siyang magsalita sa tila matigas na bara na humaharang sa kanyang lalamunan. Nagsimulang manubig ang mga mata niya.
“This… This is beautiful.” Napahikbi siya. She couldn’t contain herself anymore. Since this morning, her emotions were already high.
Ang emosyon na pinipigilan niya kanina pa lamang sa seremonya ng kanyang pagtatapos ay ngayon sumambulat sa kanya. Parang dam iyon ng tubig na hindi niya mapigilan. And their secret surprise for her was the last straw. Her tears suddenly streamed down her face.
Niayakap siya ng kanyang ama at marahang pinunasan ang kanyang luha gamit ang kamay nito.
“Felicidades, mi hermosa hija. You deserve all of this,” anito na ang ibig sabihin ay ‘Congratulations, my beautiful daughter’. Muli siyang binati nito sa karangalan na kanyang nakamit. Iminuwestra pa nito ang kamay sa harapan nila.
Napangiti siya sa kabila ng patuloy pa rin ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Those were tears of joy.
Muli siyang bumaling sa ama. Saka niya lang napansin na pati pala ito ay nangingislap din sa namumuong luha ang mga mata, mga mata na parehong-pareho ng sa kanya ang hugis at kulay—azul verde.
“Your Dad is right.” Lumapit sa kanila ang mommy niya at humawak sa balikat ng kanyang ama. “We could not ask for more. You are the perfect daughter, Raya. The perfect child that was given to us from above. Kaya siguro hindi na kami muling nagkaanak pa ay dahil kinumpleto mo na kami. Ikaw ang bumuo sa pamilya natin. At kung mabubuhay man akong muli, siguradong-sigurado ako na kami ulit ng Daddy mo ang magkakatuluyan,” ngumiti ito sa kanyang ama. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi nito. “To make sure na ikaw pa rin ang magiging anak namin kasi ikaw pa rin ang pipiliin ko na maging anak namin ng Daddy mo. Why? You have a big heart, anak. Sobra-sobra ang ligayang hatid mo sa amin ng Daddy mo, pati na rin sa lahat ng taong nakapaligid sa iyo.” Sinulyapan nito ang mga katulong nila na naluluha na rin sa kanilang mag-anak.
“Oh, Mom!” napahagulgol na siya ng tuluyan.
“Don’t cry. Papangit ka sa pictures mamaya.” Biro ng kanyang ama, maririnig pa rin ang hirap nito sa pagsasalita ng wikang tagalog. Ganoon pa man ay malinaw naman nitong nauunawan kapag tagalog na wika ang ginagamit ng kausap nito.
“But you made me cry, all of you.” Nakalabing wika niya, humihikbi pa rin bagaman humihina na ang kanyang pag-iyak.
Kumalas siya sa pagkakayap ng kanyang ama at naglakad palapit sa kinaroroonan nina Yaya Minerva at ng iba pa nilang katulong. “Salamat po sa inyo, nag-abala kayo ng ganito para sa akin.”
“Wala ‘yon. Napakabait mo kasing bata at natutuwa ako na ngayon magagawa mo nang simulan ang pagtupad sa mga pangarap mo. Hindi ba’t pangarap mong makatulong sa kompanya ninyo dahil gusto mo nang makapagretiro ng maaga ang Daddy mo? Gusto mong magkaroon na sila ng maraming oras ng Mommy mo.” Dire-diretsong sabi ng kanyang Yaya Minerva na nagpalaki sa kanyang mga mata.
“Oh, Yaya. Bakit mo sinabi? That’s our secret!” nanlulumong itinakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha upang takpan ang pamumula niyon.
Nagtawanan ang mga ito kasama na ang kanyang mga magulang.
“I didn’t know that you wanted that for us. Thank you, anak.” Madamdaming wika ng kanyang ina, naramdaman niya ang paglapat ng dalawang kamay nito sa kanyang balikat at marahang pinisil iyon saka siya nito hinalikan sa buhok.
Ngumiti si Yaya Minerva. “Nagbunga ang lahat ng pagsisikap mo sa pag-aaral. Proud na proud kaming lahat sa’yo. Blow mo na itong cake mo,” iniumang nito sa kanya ang cake.
Pati siya ay napangiti na rin. “Okay, Yaya.” She closed her eyes and utter her wish in her mind.