She always wished for a lot of things, for a better world for those who were not born as privilege as her. But for some reason, she thought of a different wish. One thing crossed her mind—her parents. Mas lumawak ang ngiti niya habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Just the thought of them was enough to make her smile. Nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay nararapat lamang na iukol niya ang kanyang kahilingan para sa mga ito. She wished for her parents’ good health and safety and that they will always be by her side every step of her way. Pagkatapos ay nagmulat siya nang mga mata at hinipan niyang isa-isa ang mga kandila sa cake.
“Thank you, Yaya! Thank you, Rosie, Polly, Ate Dina, Kuya Gardo and Mang Tony!” isa-isa niyang pinasalamatan ang mga ito.
“Congrats po sa inyo Señorita! Pagpasensyahan po ninyo ang nakayanan namin.” Isa-isang iniabot ng mga ito ang mga nakabalot na regalo para sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Wow! May gift pa! Hindi na sana kayo nag-abala. Sobra-sobra na ang paghahanda ninyo ng party. But thank you so much anyway. I love it!”
Kahit hindi pa niya nabubuksan ay totoo sa loob niya ang sinabi niya na magugustuhan niya iyon. Hindi siya mahirap regaluhan. Para sa kanya maliit man o malaki, mahal man o mura, ang mahalaga ay naalala siyang bigyan ng mga ito. Sa katunayan, kahit walang ibigay ang mga ito ay hindi siya magdadamdam. Sapat na sa kanya ang pag-aabala ng mga ito na ipaghanda siya ng munting salu-salo. Ganoon siya pinalaki ng kanyang mga magulang.
“Don’t even think that I will not be able to attend this secret party!” dumagundong sa kabahayan ang boses na iyon, malalim at buo ang malagom na tinig.
Mas dumoble ang bilog ng mga mata niya. She knew that voice very well. Agad siyang napalingon sa dumating na bisita.
“Ninong!” patakbo niyang sinalubong ang lalaking nakatayo sa main door nila, na kahit may edad na, tulad ng Daddy niya ay matikas pa rin ang tindigan at hatalang alaga ang katawan sa ehersisyo. Nakabukas ang mga braso nito at may malawak na ngiti sa labi.
“Surprise!” niyakap siya nito ng mahigpit. “Congratulations to you. I’m sorry kung hindi na ako nakarating sa graduation ceremony kanina. My plane just got landed. Dumiretso na ako rito.”
“It’s all right, Ninong! You are the best! Hindi pa naman tapos ang araw ng graduation ko, ang importante ay nakarating ka pa rin.” hinalikan niya ito sa pisngi.
“Of course!” nakangising tugon nito. Pagkatapos ay biglang lumamlam ang mga mata nito. “I would not miss this party for the world. Congratulations, Raya. Your parents are very proud of you. They are lucky to have you as their daughter.”
Her Ninong Arthur was the second man that she loved the most in this whole world. Syempre, first ang Daddy niya. Isa sa mga matalik na kaibigan ito ng Daddy niya at halos ito na rin ang tumatayong kanang kamay ng kanyang ama sa negosyo ng pamilya nila. Sa katunayan ay kagagaling lang nito mula sa New York. Mayroon kasing branch doon ang kanilang kompanya na nagkaroon ng kaunting aberya. Bilang Vice-President of Operations, ito ang ipinadala ng kanyang ama upang pamahaalan ang pagsasaayos niyon.
“Ninong naman, eh. Pinapaiyak mo na naman ako,” Hindi likas sa kanya ang pagiging iyakin ngunit dala na rin ng mga pangyayari ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. Naging mababaw ang luha niya.
Natawa ito. “Okay, that’s enough drama for now. Wait here,” nagpaalam ito saglit at lumabas ng pinto. Pagbalik nito ay nasa likod ang parehas na kamay nito. He was grinning in delight.
“What is it?” unti-unting umangat ang magkabilang sulok ng labi niya. Tila nahuhulaan na niya kung ano ang itinatago ng mga kamay nito sa likod nito.
“This is for you!” masiglang inabot nito sa kanya ang isang itim na velvet box. “Open it,” nakangiting utos nito.
And open it, she did.
Her eyes widened. She was dazzled by an exquisite set of jewelries that left her in awe. It was a pair of pear-shaped sapphire earrings and a necklace with the same pear-shape stone as its pendant. Kumikinang iyon nang mapatapat sa liwanag ng ilaw. Ngunit ang lubhang nagpaIigaya sa kanya ay ang klase ng bato na nakalagay sa alahas. It was her birthstone.
“Ninong, you remember my birthstone! This is gorgeous! Thank you so much!” She hugged him once more.
He smiled. “Only the best for you, Raya.”
Pagkatapos ay ang mga magulang naman niya ang binalingan nito. He greeted both of her parents. Her mother gave him a small smile but her father just nodded at him. It was unusual to see because her father was always enthusiastic to see her godfather—his best buddy.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo.
“Dad…” akmang lalapitan niya ang ama subalit bago pa siya tuluyang makalapit dito ay hinawakan na siya sa braso ng kanyang ina.
Nakangiting sinalubong nito ang tingin niya. “Come, let’s eat, lalamig na ang pagkain. Yaya Minerva, pakiasikaso naman si Arthur.” Utos nito sa katiwala.
“Sige po,” agad namang tumalima ang matandang katiwala.
“Go ahead, Arthur and I are just going to talking about something in the study.” Biglang sabi ng daddy niya.
Napatigil sa paghakbang ang ninong niya na akmang susunod na sa kanila saka napatingin sa kanyang ama. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng ninong niya. His face remained impassive. Ganoon din ang kanyang ama na nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha. Tahimik na sumunod ang kanyang Ninong sa kanyang ama.
Hindi siya sigurado ngunit natitiyak niyang hindi gawa-gawa lamang ng kanyang imahinasyon ang tensyon na bumabalot sa dalawang lalaki na mahalaga sa buhay niya.
Nakalarawan sa kanyang mga mata ang pagtatanong sapagkat nalilito siya sa ikinilos ng mga ito. Natitiyak niyang may hindi sa kanya sinasabi ang kanyang mga magulang. Nang balingan niya ang kanyang ina, nakita niyang nakatingin din ito sa papalayong pigura ng kanyang ama at ng ninong niya. Ngunit nang magkatitigan sila ay tipid na ngumiti lang ito sa kanya. She wanted to ask what was the problem between her father and her godfather because it was obvious that they were not okay. She felt uneasy. Her Ninong was like a family to them.
Ngunit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na isatinig ang katanungan na nasa isipan niya dahil hinawakan na siya ng kanyang ina sa kamay at dagling hinila papunta sa dining table. Sumenyas ito kay Yaya Minerva na mamaya na lang ipaghanda ang Ninong niya.
“Niluto ko ang paborito mo Raya,” sabi ni Yaya Minerva na halatang-halata ang kasiyahan sa mukha at kilos. Inabot nito ang isang bandehado.
Agad siyang natakam nang makita ang paborito niyang paella pati na rin ang seafoods na lahok nito. Hindi nagbibiro ang mommy niya nang sabihin nito kanina na niluto ng Yaya niya ang mga paborito niya. She was sidetracked because of that. Nawala sa isip niya ang alalahanin na umuusbong sa kanyang dibdib tungkol sa daddy at ninong niya.
“Hmm… this looks yummy, Yaya. I can’t wait to dig in.” She said, grinning from ear to ear. Nagkusa na siyang dumulog sa hapag-kainan. May mga nakaayos na rin na plato at kubyertos sa mesa. Sumandok siya ng inalok na pagkain ng Yaya niya. “Hmm…” ungol niya ng matapos isubo ang kutsarang punung-puno ng pagkain. Napakasarap talaga ng luto ng Yaya niya. Walang makakapalit dito sa panlasa niya.
Natawa ang kanyang ina sa kanyang reaksyon. “First bite pa lang. Wait until you have the dessert.”
Namilog ang mga mata niya. “What do you mean? You made my favorite carrot cake?”
“You already blew on it.” Misteryosong sagot nito kasabay ng pagsilay ng kaparehong ngiti sa labi nito.
“Oh, my God! I love you, Mommy!” Masigla siyang bumalik sa pagkain.
“And I love you, too, anak.” Hinaplos ng kanyang ina ang buhok niya.
Nginitian niya ito at muling itinuon ang atensyon sa pagkain. She couldn’t wait to finish her meal. Excited na siyang matikman ang paborito niyang cake.
Noon niya narinig ang papalapit na yabag sa kanila. Sabay pa silang napalingon ng mommy niya sa likuran nila.
“Oh, are you two finished talking? Come, let’s eat.” Alok ng kanyang ina na tumayo at sinenyasan si Polly na siyang malapit sa kanila para asistehan ang ninong niya.
“No, don’t bother anymore.” Mabilis na tanggi nito pagkatapos ay bumaling sa kanya. “I’m sorry, Raya, but I can’t celebrate with you now. I need to go home, work emergency.” Nakangiwing sabi nito.
Bigla siyang napatigil sa pagsubo. Dahan-dahan niyang ibinaba sa plato ang hawak na pares ng kubyertos.
Malungkot ang mga mata na napatitig siya sa kanyang Ninong. “Sayang naman po, Ninong. You are one of the few people that’s important to me. Please? Can’t you stay a little longer?” Pakiusap niya.
Her godfather glanced at her father, then, let out a sigh. “I’m sorry, Raya. But I really need to go home. How about this? Babawi ako next time, my treat to you.” Nakangiting sabi nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nagpapaawang tumingin siya sa kanyang ama. Sinadya pa niyang lamlaman ang kanyang mga mata para madala ito.
“Dad? Can Ninong stay for my small party? Please?” she hoped that her father would give in to her. Minsan lang siyang makiusap dito.
Umiling ang kanyang ama at sa matigas na tinig ay sinabi nito, “I’m sorry, flor. But like what your Ninong said, it is an emergency so he needs to go home to sort it out this instance.” Her father’s voice was quite firm. Kapag ganito ang tono ng kanyang ama, alam niyang hindi na mababali ang desisyon nito.
Malungkot na tumango siya. “Okay, ninong. I understand. Take care,” Tipid na nginitian niya ito.
“Babawi ako, okay? I promise. Congratulations again.” Ginulo nito ang buhok niya. Pagkatapos ay tumango ito sa direksyon ng mga magulang niya. “I’ll go ahead.”
Diretso na itong naglakad palabas ng tahanan nila. Narinig pa niya ang ugong ng papaalis na sasakyan nito.
Bagsak ang balikat na niyuko niya ang pagkain. Napakabango niyon, amoy pa lang ay talagang ginaganahan na siya sa pagkain. Ngunit parang nawalan siya bigla ng gana nang umalis ang Ninong niya. Bahagya pa siyang napapitlag sa gulat nang biglang magsalita ang kanyang ama na nasa likuran pa pala niya.
“Why are you sad, mi bella flor?” tanong nito.
“H-hindi naman po, Dad.” Sagot niya sa mahina na tinig.
Lumapit ito sa kanya. Ilang segundo muna siya nitong tinitigan saka muling nagsalita. “Would you be happier if your Ninong was here? Hindi pa ba kami sapat ng Mommy mo?”
Napatda siya sa tinuran ng kanyang ama. Walang makakahigit sa mga ito sa kanya. Even her Ninong Arthur was only second best when it comes to her parents.
Tumayo siya at niyakap ito. “No! You two are more than enough for me. I’m sorry, Daddy.”
Nagliwanag ang mukha ng kanyang ama sa sinabi niya. “That’s what I thought. So, let’s eat and be happy tonight? Bago pa lumamig ang mga pagkain. Okay?” pinisil nito ang kanyang kamay.
Her Dad was right. She has everything she needed in front of her, higit sa mga iyon ang presensiya ng kanyang mga magulang.
“Yes! I love you mommy, daddy. So, so, much.” Nakangiting sagot niya.
“We love you, too, anak. More than you’ll ever know.”