“Wake up, sleepyhead.”
Naalimpungatan siya sa mahinang pagyugyog sa kanyang balikat. Mabigat ang pakiramdam niya ganoon din ang talukap ng kanyang mga mata. Halos hindi niya magawang magmulat dahil sa sobrang antok.
“Hmm… five more minutes.” Itinaas niya ang nakabukang kamay saka umikot at humiga padapa. Mas inilubog pa niya ang ulo sa malambot niyang unan. She sighed. Walang makakapantay sa malambot ng kama at unan niya ng mga sandaling iyon.
Narinig niya ang mahinang pagtawa. Malapit lang iyon sa tainga niya.
“I don’t think so, you need to get up now.”
Inalis nito ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Bigla ang pagdampi ng lamig sa kanyang balat.
She groaned. “Inaantok pa ako, please, five more minutes, that’s all I’m asking. I don’t even have the will to open my eyes right now.” Hinila niya ang makapal na kumot at muling nagtago sa ilalim niyon.
“But we are going to be late.”
“Please, my body is so tired, I need more sleep.” Pakiusap niya.
Hindi siya sigurado kung malinaw bang naintindihan ng kausap niya ang sinabi niya, paano kasi ay nakasubsob na naman siya sa unan at natatakluban pa ng kumot.
“But, honey, we are going to Siargao.”
“I don’t want to—” nabitin sa kanyang lalamunan ang ano mang reklamo na balak niyang sabihin. Mabilis pa sa alas kwatro na naimulat niya ang mga mata at nakabangon mula sa pagkakahiga. Ano mang bakas ng pagkaantok ay agad na nawala sa kanyang katawan na tila nilipad ng malakas na hangin. “W-what? What did you say?”
Naroon at prenteng nakaupo sa tabi ng kama niya ang kanyang ina, malawak ang ngiti sa labi na halos umabot sa dalawang tainga nito. Nangingislap ang mga mata nito habang aliw na aliw na nakatingin sa kanya.
“Great! Iyon pala ang magic word para gumising ka na. I should have thought of saying that the first time I tried to wake you up.” Pang-aasar pa nito.
Dinamba niya ang ina at mahigpit na niyakap, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Mom! Did I just hear you correctly? Are we really going to Siargao? As in really?” aniya sa bahagyang matinis na tinig, hindi maipagkakailang sabik na sabik siya sa pupuntahan nilang lugar.
“Really! Malinaw mo naman palang narinig, eh. I don’t think there is a need for me to repeat myself anymore.” Her mother beamed at her.
“Oh my gosh!” sa lakas ng tili niya sigurado siyang abot hanggang sa ibabang parte ng bahay ang boses niya. Niyakap niya ng mas mahigpit ang ina at mariing hinalikan sa pisngi.
Siargao is one of the places in her bucket list that she wanted to go because of the beautiful beach there. It was her dream place, actually.
Her mom chuckled, then, hugged her back even tighter. Pagkatapos ay dahan-dahan itong kumalas sa kanya ngunit hindi tuluyang bumitiw sa kanya. Marahan nitong pinisil ang punong braso niya habang buong pagmamahal siya nitong tinitigan.
Sa malamlam na tinig ay sinabi nito, “Since, you didn’t want to have a big party, your dad and I decided to celebrate your graduation in Siargao. That is our gift to you. You studied hard, so, you deserve it.” Sinadya nitong ibitin ang sinasabi, tapos ay ngumiti ito ng matamis. “Besides, I happen to know how much you want to go in that place. It’s your dream, right?”
Tiningala niya ito. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, tapos ay nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang sinabi nito.
“H-how did you know about that?”
“I have my ways.” Misteryoso itong ngumiti.
Kinabahan siya.
She wondered if her mother checked her things and her—diary!
Napamaang siya sa ina. That was the only reason—the only plausible reason that she could think of how her mother came to learn about her ‘dream’.
But she knew, by heart, that her mother was not that kind of person. Hindi nito ugali ang mangialam na lang basta ng gamit ng iba kahit pa nga siya na anak nito. Her mother valued and respected her need to have her own privacy. Ayon dito, kailangan rin niyang magkaroon ng personal space lalo na ngayon na dalaga na siya.
Kung nararamdaman man nito na may dinadamdam siya na hindi niya magawang sabihin kanino man sa mga magulang niya ay hindi siya nito pinapangunahan. Bagkus, hinihintay siya nitong kusang magbukas ng kanyang saloobin.
Maybe she asked my close friends about it?
Well, she was not sure but that could be the only reason why her mother knew about Siargao.
Nang walang mahagilap na sagot sa kanyang isipan, she, then, decided to let go of the thought. She turned to her mother, then, gave her sweetest smile.
“Thank you, mommy!”
Pagkatapos ay tumayo siya at agad na tinungo ang walk-in closet niya.
“What are you doing?” nakataas ang isang kilay na tanong nito habang nakasunod sa kanya.
“I’m going to pack my clothes.” She chirped. “Gosh! I’m so excited! What am I going to wear?”
Hinalughog niya ang salansan ng mga damit niya.
Nagliwanag ang mukha niya nang maalala ang isang bagong summer dress na regalo pa ng kanyang ina noong nakapasa siya sa kanyang thesis defense.
She would definitely wear that today!
Ngunit nagulo na lang niya lahat ang hanay ng damit niya ay hindi pa rin niya iyon makita.
Nasaan na ang mga damit niya?
Kunot ang noo, hinayon niya ng tingin ang kabuuan ng kanyang walk-in closet. Saka niya lang din napansin na marami sa mga damit niya ang nawawala, mostly swimwear and summer dresses.
Hinila niya ang mga drawer sa cabinet. Nakita niya na maging ang lagayan niya ng undergarments ay marami rin ang kulang.
Ngunit kagabi lang ng kumuha siya ng damit pantulog ay kumpleto pa ang mga damit niya.
Her brows furrowed even more.
Where were her other clothes? Saan napunta ang mga damit niya?
“Are you looking for this?”
Napalingon siya sa ina nang magsalita ito. Hindi niya namalayan na nasa likod niya ito. Nawala na sa isip niya na kasama niya lang ito sa kwarto.
But, then, her eyes dropped to her mother’s hands, specifically, the dress that she held in her hands.
Nanlaki ang mga mata niya. It was her dress—the summer dress that she was looking for!
Patakbo niya itong nilapitan.
“Mom! Where did you get this?” sabik na kinuha niya ang bestida.
“Are you looking for your clothes?” her mother asked, acting nonchalant, ni hindi nito pinansin ang tanong niya.
Tumango siya. “Yes. Did yaya wash my clothes this morning?”
“No, she didn’t.”
“Then, where are my clothes? Most of it are missing from my closet. Wala akong maalala na inalis ko sila dito kagabi.”
Natawa ang kanyang ina. Pinisil nito ang kanyang pisngi. “Don’t bother to look for your clothes anymore. I already packed them last night.”
“What?! Really? How?” gulat na tanong niya rito. Literal na nalaglag ang panga niya sa natuklasan.
The small party they had last night ended very late, almost midnight. Naghanda rin pala ng videoke sina Yaya Minerva kaya nagkatuwaan pa ang mga ito at nagkantahan. Nakipag-inuman din ang kanyang ama sa mga ito kaya naman puyat silang lahat. Kaya paano nangyaring ipinaggayak pa siya ng ina? Saan ito nakahanap ng oras para gawin iyon?
Nagkibit balikat ito. “Simple lang. Nang makatulog ka, pumasok ako sa kwarto mo. Then, I chose the clothes that I know you were saving for this kind of trip. And since we are going to an island, pinili ko lang ang magagaang na tela. Isa pa alam mo namang ayaw na ayaw ko na minamadali ang mga ganitong bagay. Baka kasi may makalimutan ako kung ngayong umaga ko pa gagawin. You know I hate that.” Her mother rolled her eyes.
She chuckled and kiss her mother’s cheek. She was still amazed at her mother’s prowess. Pagkatapos ay humilig siya sa balikat nito. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang ina, sa kanyang mata ay masasalamin ang labis na pagmamahal para rito.
“Thank you, mom. You are like Superwoman and you are the best mother in the whole wide universe. I love you.”
“Oh, I love you, too.” Hinaplos nito ang buhok niya. Ngunit kumalas ito sa kanya nang tila bigla itong may maalala. “Wait, muntik ko nang makalimutan! I have something for you. This is my own special gift for you.” Mula sa bulsa ng suot nitong bestida ay inilabas nito ang isang maliit na puting kahon. Marahan itong binuksan ng kanyang ina at iniabot sa kanya.
Her eyes widened when she saw what is inside. “Wow, this is beautiful!”
It was a white gold necklace with a heart pendant. But what amazed her so much was the intricate and customize design of the pendant—half heart.
Half of the heart has a solid white gold design with her mother’s name carved in it while the other half looked as if it was missing.
Nagtatanong ang mga mata na napatingin siya sa kanyang ina.
Her mother smiled. Itinaas nito ang kamay at dinukot ang kwintas na suot na hindi niya napansin na suot dito dahil nakatago at nakapaloob sa suot nitong bestida. There, nestled between her mother’s chest was the other half of the heart pendant of her necklace with her name engraved in it.
“This is the other half of the pendant. It means you must always remember that you occupy the whole space of the half of my heart, no more, no less. That’s what you are to me. Perfect. You are perfect to me.”
“M-mommy…” nanubig ang mga mata niya. She didn’t know what to say. She was rendered speechless by her mother’s speech.
“Oh… hush, don’t cry.” Nakangiting pinahid nito ang luha na pumatak sa pisngi niya. “I love you so much, anak. You are the heart of my heart. Kayo ng daddy mo ang tanging laman nitong puso ko. Both of you shared my love, but I would like to say that I love you more. And I know that your dad would definitely answer the same. Walang yaman at karangyaan na makakapantay sa halaga mo sa amin ng Daddy mo.”
“Oh, mom!” Sa huling tinuran nito ay hindi na niya napigilan ang sariling damdamin.
Tila dam na bumuhos ang mga luha niya.
Her mother always told her how much she loved her but her the words that she uttered today was particularly deep. It made her emotions welled up. She clung to her like it was the last time that she would feel the warmth of her mother’s body.
“Always remember this, Raya. Be strong, okay? No matter what happens, always know that I love you very much. Even when we are apart, you will always be in my mind and in my heart.” Kumalas ito sa kanya. Kinuha nito ang kwintas sa kahon na nasa kamay niya. Pumunta ito sa likod niya at marahang inipon ang buhok niya sa isang kamay at hinawi papunta sa harap. Pagkatapos ay isinuot nito sa kanya ang kwintas na regalo nito sa kanya. “This necklace will be our secret jewelry. If you have this, I will always know that you are my Raya. After all, nag-iisa lang ang design na ito. I personally drew this for us.” Masiglang sabi nito.
Pero kahit gaano pa kasigla ang boses ng ina ay tila may kakaibang hatid ang mga sinabi nito sa kanya.
Hinarap niya ang ina.
“Mom, why are you saying that? Para kang…” hindi niya magawang ituloy ang salitang nais niyang sabihin.
Tumaas ang kilay nito. Amusement lit her eyes. “What?”
Matagal muna niyang tinitigan ang kanyang ina. “P-para kang n-nagpapaalam.”
Hindi niya alam kung bakit pero parang kinabahan siya nang marinig ang sinabi nito. May kakaibang kilabot na hatid
Her mother didn’t answer, she just smiled. Sa halip ay iba ang sinabi nito, “You better take a bath. Baka ma-late pa tayo niyan. I’ll just check with your dad. Don’t think too much, okay? Just get ready and relax.”
Nakalabas na lang ang kanyang ina sa kwarto niya ay hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.
She felt strange.
The sudden feeling of nervousness rushed in her chest. Like something bad was about to happen.
Napahawak siya dibdib upang kalmahin ang sarili. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso niya.
“Weird,” ipinilig niya ang ulo saka nagtungo sa banyo sa loob ng kwarto niya.
Maybe its best if she focused on their trip. And that proved to be effective because by, then, images of the beautiful island of Siargao flashed on her mind.
“Siargao, here I come!” tili niya sa loob ng banyo. Nawala na agad ang alalahanin na kanina lang ay nagpapakaba sa kanya.