“Ang Paglitaw ni Azrael.”

3509 Words
KABANATA 7 April 4 Gabriel “Salamat, Mang Digong at kahit madaling araw na ay naistorbo ka pa rin namin para maihatid kami pauwe.” Wika ni Kuya Uriel matapos namin makasakay na sa yate. “Walang anuman po, Sir Uriel. Ibinilin talaga sa amin ni Gov na uuwi kayo kaya naman hinintay ko na lamang kayo rito sa yate para diretso alis na rin tayo.” Sagot nito kay Kuya Uriel. Kinailangan namin umuwi dahil baka mag alala si Nanay sa amin. Lalo na’t hindi ito sanay na wala ako ng ganun oras. Masesermunan talaga ako nito ng malala ngayon. Hindi rin talaga kami pwedeng hindi makauwi dahil mangingisda pa kami mamayang madaling araw. Babawi na lang siguro kami ng pahinga sa linggo. Tutal malaki laki rin naman ang perang ibinigay sa amin ng mga baklang iyon. Pwede na nga kaming hindi mag tinda ng isang buwan. Madadagdagan na ang perang naipon ko para makapunta sa Maynila. Gusto ko kasing mag trabaho sa Maynila. Feeling ko kasi ay hindi ako aasenso kung narito lang ako sa Isla Ikako. Ramdam kong hindi ako para sa lugar na iyon. “Uy, mukhang malalim ang iniisip mo ah. Hindi ka pa rin ba naka move on sa mga nangyari sa atin sa bahay ni Gov?” Tanong sa akin ni Kuya Uriel. “Gago, hindi. Tapos na ang pagkagulat ko. Nakapag pa chupa na nga ako sa kanila. Pero Kuya Uriel. Yun na ang una at huling pag sama ko sa iyo. Hindi ko talaga trip ang ganun. Pinagbigyan lang talaga kita ngayon. Hindi kita hinuhusgahan sa trip mo. Hindi ko lang nakikita ang sarili ko sa ganun. Pasensya ka na.” Tapat na sagot ko rito. “Alam ko naman iyon at nauunawaan ko, Bro. Atleast naranasan mo. Sinama lang din kita talaga doon para madagdagan ang ipon mo.” Sagot nito na ikinagulat ko. “Paano mong nalaman na nag iipon ako, Kuya?” Tanong ko rito. Natawa lang ito sa akin. “Nakita kita isang beses na naghuhulog ng pera sa malaking lata. Hindi ko man alam ang dahilan ng pag iipon mo o kung saan mo iyon dadalhin ay suportado kita dyan, Bro. Ramdam ko kasing hindi ka para sa Isla Ikako. Saka ito, idagdag mo na sa ipon mo.” Tugon nito sa akin sabay abot ng pera na ibinigay rin rito ng mga baklang iyon. “Luh. Parang gago si Kuya Uriel. Okay na ako rito. Malaki laki na rin itong naibigay sa akin. Saka sa iyo yan, di ba kailangan mo rin ng pera. Kaya ka nga nag tungo sa Beh mo.” Sagot ko rito sabay balik ng pera na inabot nito pero hindi na nito iyon tinanggap. “Gago. Joke joke lang yun. Para sa ipon mo talaga iyon kaya kita dinala sa Isla Tamarrah. Wag ka ng matigas ang ulo. Sumunod ka na lang. Dami mo pang Ebas eh.” Natatawang sambit nito sa akin. Kinalma ko saglit ang sarili ko para hindi ako mapaiyak. Tang ina. Na touch ako sa ginawa nito. Hindi ko inaasahan iyon. Kaya naman isang simpleng at taos pusong paghingi ng salamat na lang ang tanging naitugon ko rito. “Salamat, Kuya Uriel.” Wika ko rito na ikinatango lang nito. Sabay labas higa sa may kama roon na nasa loob. Alam ko naman na ayaw rin nito ng drama kaya naman umiwas agad ito. Lagpas alas dose na ng makarating kami sa may pampang. Nag pasalamat lang kami kay Mang Digong at pagkatapos ay mabilis na kaming tumakbo ni Kuya Uriel. Nag laro pa nga kami ng paunahan na makarating sa bahay. Naunahan ako ni Kuya Uriel. Malapit na sana ito sa bahay pero bigla itong napatigil sa pagtakbo. Paano kasi ay nakita nito si Nanay na nasa pintuan kasama si Yael at si Kuya Raph. Halatang inaantabayanan ang aming pagdating. “Sige ikaw na ang mauna, Bro. Mukhang masasapok tayo ng matindi ni Nanay at Kuya Raph.” Wika ni Kuya Uriel na nagtatago sa likuran ako. Maging ako ay bumundol ang kaba sa dibdib lalo na ng makita ko ang nakasimangot na itsura ni Nanay habang papalapit kami sa pwesto nito. “URIEL LUIS at GABRIEL CARLOS….! Ano sa tingin nyo ang oras na, ha? Uwi pa ba iyan ng matinong lalaki ha..! Grabe kayo, pinag alala niyo ako. Mga hinayupak kayo..!” Sikmat sa amin ni Nanay. Sa lakas nun ay tila nabingi na yata ako ng makalapit kami rito. Halata sa mukha nito na naiinis talaga ito sa amin. Kung may hawak nga lang itong patpat ay baka naihampas na nito iyon sa amin. “Sorry, Nay. Napasarap ang inuman sa kabilang bayan. Nawala sa isip namin. Sorry rin kung hindi na ako nakapag paalam at si Kambal na lang ang nasabihan ko. Wala po kasi kayo rito sa bahay ng umuwi na ako.” Sagot ko rito. Nag inuman naman talaga kami. Yun nga lang hindi sa kabilang bayan. Sa ibang isla. “Kasalanan ko pa pala. Naku ka, Gabriel. At ikaw naman na damuho ka..! Kung saan saan mo na naman dinadala itong kapatid mo. Napaka pasaway mo rin talaga, Uriel ah. Kayo ang papatay sa akin sa pag aalala. Hindi ko naman kayo pipigilan na mag lakwatsa. Alam nyo yan. Basta mag sabi lang kayo ng maaga at kung anong oras kayo uuwi ng hindi ako nag aalala. Paano yan gigising pa kayo ng umaga. Eh, mag aala una na. Makakatulog pa kaya kayo niyan. Wag na kayo mangisda bukas. Mag pahinga na lang kayong dalawa.” Naiinis na wika sa amin ni Nanay pero bakas pa rin sa boses nito ang pag aalala. “Sorry, Nay. Hindi na po mauulit. Ako rin talaga ang may kasalanan kung bakit hindi kami nakuwi agad ni Kuya Uriel. Saka kaya naman namin mangisda ni Kuya Uriel. Kahit konti lang ang tulog.” Tugon ko kay Nanay. “Kayong bahala. Hala pumasok na kayo sa loob. Nang makatulog pa kayo kahit konti. Mamayang umaga ko na lang kayo papagalitan pa. May part 2 pa ito.” Sambit nito sa amin. Papasok na sana kami ng tanungin ni Kuya Uriel si Kuya Raph kung bakit naroon ito sa bahay. “Lumayas si Dina. Ayoko naman mag stay mag isa sa bahay. Nakakalungkot. Kaya dito muna ako matutulog. Ayaw niyo ba?” Tanong ni Kuya Raph sa amin na nakangiti. “Oo. De joke lang, Kuya. Sa kwarto ba natin muli ikaw matutulog?” Tanong ni Kuya Uriel. Naging silid na kasi niya iyon eh. “Hindi. Dito na lang ako sa sala.” Sambit nito. Eh, doon natutulog si Yael eh. “Luh. Malaki naman ang silid natin. Doon ka naman natutulog dati, Kuya Raph.” Tugon ni Kuya Uriel. “Hindi na. Silid mo na iyon. Ayos lang ako. Sanay naman ako matulog sa katre lang. Hahaha.” Mariing pagtanggi nito sa amin. “Eh, di ba doon natutulog si Yael. Saan siya matutulog?” Tanong ko rito. “Masyado na silang close ni Nanay kaya tabi na lang sila sa silid nito. Ayos na rin iyon para may katabi si Nanay. Nurse pala ang bata na yan sa Maynila.” Wika ni Kuya Raph sa amin. Hindi pa nga pala kami nakakapag usap ng lalaking iyon. Laging may nagiging hadlang talaga. Kinakabahan ako na hindi mawari dahil sa pagiging malapit rin nito kay Nanay. Nag hilamos lang kami ni Kuya Uriel at pagkatapos ay nag punta na kami sa kanya kanya naming mga silid. Naabutan kong tulog na tulog si Kambal sa kama. Tila ba pagod na pagod ang itsura nito ngayon. Napagod siguro dahil iniwan ko sa tindahan. Di bale bukas babawi ako rito. Bibilhan ko na lamang ito ng paborito nitong milk tea na winter melon ang flavor. Humiga na ako sa tabi nito at ipinikit ko na ang mga mata ko. Dala marahil ng pagka pagod at pagkaubos na rin ng t***d ay nakatulog na rin ako bigla. Kahit paano ay naging malalim ang naging tulog ko kaya ng gisingin na kami ni Kuya Raph ay hindi naman naging masakit ang ulo ko. Late na nga kami ginising nito. Siguro dahil alam na puyat kami. “Hindi pa rin ba kayo nag kakaayos ni Ate Dina, Kuya Raph.” Tanong ko rito habang naglalayag na kami papunta sa gitna ng karagatan. “Selos. Pinagtitripan ako ng ate niyo. Porket alam niyang mahal na mahal ko siya. Mabuti na lang at nakinig ako kay Yael.” Sagot nito sa amin. “Huh? Nakinig kay Yael?” Tanong ko rito. “Kagabi kasi nung gulong gulo ang isip ko ay gusto ko sana na makausap kita. Kaya lang wala ka. Si Nanay naman ay abala pa. Si Kuya Michael naman ay kausap sa video call ang asawa niyang si Ate Jenny. Si Hariel naman ay wala rin. Nag paalam daw kay Nanay na may kikitain na kaibigan. Kaya si Yael ang nag tyaga na makinig sa kadramahan ko. hahaha” Saad nito sa akin. Saan naman kaya nagtungo si Kambal? Hindi naman nito ugali na umalis ng bahay dahil taong bahay lang ito. Mas gusto nito na nasa loob lang ng bahay at nag e ML. “Ano naman ang ipinayo niya sa iyo?” Tanong ko rito pagkaraan. Ibang iba talaga ang kursyunidad ko kapag si Yael na ang nasasama sa topic. “Na ipakita ko rin kay Dina na lalaki ako. Ipinakita ko na kaya ko rin siyang mawala sa buhay ko. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Yael na tine take for granted ako ni Dina ng malala ay hindi pa ako malilinawan. Kahit na sinasabi ninyo rin sa akin iyon. Kagabi lang talaga ako natauhan ng ipamukha na sa akin ni Yael ang kamalditahan ni Dina.” Sagot nito sa akin. “Anong balak mo ngayon, Kuya Raph?” Tanong ko rito. Gusto ko sanang sabihin rito na kaya ba ito nakakagawa ng kataksilan kay Ate Dina ay dahil doon. Hindi ko na lang isinatinig iyon. “Bahala na siya sa buhay niya. Dapat pala hindi ko muna siya pinakasalan. Nagsisisi tuloy ako. Kita mo ngayon, lumayas sa bahay. Ni hindi man lang sa akin pinapaalam kung saan mag pupunta. Tapos uuwi lang iyan kapag gusto niya. Palagi niya iyon ginagawa sa akin. Ako naman si tanga kapag umuuwi na siya ay napapatawad ko na agad. Lalambingin ko pa na parang ako ang may kasalanan sa tuwing mag kakaaway kami. Pagod na ako, Gab. Napuno na ako. Kaya bago ko pa siya masaktan ng pisikal ay ako na lang din muna ang lalayo.” Mahabang salaysay nito sa akin. Hindi ko akalain na malaki na pala ang problema ng dalawa. Grabe na pala ang pag titiis nito ng hindi namin nalalaman. Madalas kasi ay kinikimkim na lang nito ang lahat. Kung hindi pa namin ito pilitin ni Kuya Michael na mag sabi ay hindi pa ito magsasabi talaga. Mabuti na lang at nandun si Yael. Kahit paano ay may nakausap ito. Minsan talaga masarap mag sabi ng problema sa taong hindi mo kilala. Kasi panigurado makikinig lang iyon at hindi magiging bias kapag nag payo na ito. Nakabuti rin pala ang pag sstay nito sa amin. Bukod sa nagkaroon na ng personal na Nurse si Nanay ay may nakakausap rin ito. Kita ko ang pag sigla lalo ni Nanay simula ng tumira sa amin si Yael. “Welcome ka naman sa bahay, Kuya Raph. Mas masaya nga eh. Kasi kumpleto ulit tayo. Kaya sa silid ka na lang ni Kuya Michael mag stay. Ginawa ng bodega yun dahil walang natutulog. Mamaya tulungan kitang mag ayos roon.” Tugon ko rito na ikinangiti ni Kuya. “Salamat, Gab. Actually yun ang balak ko. Medyo masakit din talaga humiga sa katre. Malamok. Hahaha.” Wika nito sa akin. “Raph, halika nga rito. Ano bang ginagawa mo dyan?” Tawag kay Kuya ni Tiyo Erning. “May ginagawa ako rito. Si Kuya Michael na lang muna ang utusan mo.” Sigaw ni Kuya Raph kay Tiyo Erning. Bakas sa mukha nito ang pag kaasar. Ngayon ko lang nakita na hindi ito sumunod kay Tiyo Erning ngayon. “Hindi niya alam ito. Halika na rito.” Pagpupumilit pa rin ni Tiyo Erning pero hindi talaga ito pinansin ni Kuya Raph at sinimulan nalang ayusin ang lambat na hawak nito. “Alam niya yan. Dyan nga ako natuto.” Sagot nito kaya naman napabuntong hininga na lamang si Tiyo Erning at nilapitan si Kuya Michael. Gusto ko sana tanungin ito kung may di pagkakaunawaan sila ni Tiyo Erning. Kaya lang baka isipin pa nito na chismoso ako. “Sige, Kuya Raph. Doon muna ako at sabihan mo lang ako kung may problema. Alam mo naman na makikinig lang ako lagi sa iyo. At kakampihan na rin. Hahaha.” Sambit ko rito na ikinangiti nito. Nag pasalamat ito sa akin bago ko inayos ang iba pang gagamitin namin sa pangingisda. ----------------------------------------------------------- TALIPAPA sa ISLA IKAKO “Kambal, saan ka galing kagabi. Sabi ni Kuya Raph ay umalis ka raw ng bahay. Naks naman. Gumagala na?” Pag bibiro ko rito habang naglilinis ako ng isda. Nasa pwesto na kami sa talipapa. Natigilan ito at hindi nakapag salita agad. Kanina ko pa napapansin na parang walang sigla ito at ang bagal nito mag lakad. NAng tanungin ko ito ay masakit lang daw ang katawan nito. “Wag ka na kasi kumilos at umupo ka na lamang diyan. Ikaw na lang ang mag sukli sa kanila. Pina pauwi na kasi kita, ayaw mo naman. Ano ba kasing nangyari sa iyon at bigla bigla na lang sumakit katawan mo.?” Tanong ko ulit rito. “May pigsa kasi ako sa may bandang pwet, Bal. Kaya medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Saka nakipag laro lang ako ng ML sa mga kaibigan ko. Saglit lang din naman iyon. Sa may Isla Verde lang naman iyon.” Sagot nito sa akin. “Hahaha. Hinog na ba? Pisain natin mamaya. Ako na pipisa.” Sabik pang sambit ko rito na ginago lang ako. Saka sa Isla Verde pa talaga ito dumayo para makipag laro. Puntahan iyon ng mga turista. Sino naman kayang mga kaibigan ang pinuntahan nito roon. “Ikaw, kumusta ang lakad niyo ni Kuya Uriel. Pasado ala una na raw kayo nakauwi. Mukhang naka diga ka na naman, ah. Mamaya malaman yan ni Susan. Ate Dina in the making pa naman iyon. Hahaha.” Natatawang pambawi nito sa akin. “Hindi naman kami mag syota. Saka wala akong balak na maging syota siya. Ikaw, baka gusto mo. Promise, hindi talaga ako magagalit.” Ganting pangangasar ko rito. “Uulitin ko lang ang sinabi ko kahapon, Bal. Salamat na lang pero hindi ko rin siya type. Si Kuya Uriel mukhang type niya., kaya sa kanya mo na lang ibigay. Kaya lang hindi yata siya bet ni Susan.” Sagot nito sa akin. Sasang ayunan ko na sana ito ng bigla muling sumulpot ang mga lalaking bumili rito ng boneless bangus. Agad na nagmadaling lumapit si Hariel sa pwesto ko. “Magandang gabi, HarHar. Ayos ka na ba?” Tanong nung Brandon sa kapatid ko. Ayos? Bakit may nangyari ba na hindi maganda sa kapatid ko. Saka talagang alam nito kung sino sa amin si Hariel. Teka? HarHar? “Ayos lang ako, Brandon. Kayang kaya naman. Kayo kumusta?” Tanong ng kapatid ko sa dalawang kupal. Hindi talaga maganda ang tingin ko sa dalawang ito. “Mabuti naman. Ito oh, binilhan ka namin ng pain reliever. Pasensya ka na sa amin. Hindi kasi namin napigilan. Ang hot mo kasi kagabi, eh.” Wika naman ng kasama noong Brandon. Ano bang mga pinag sasabi ng mga kupal na ito sa kapatid ko. Inagrabyado ba ng mga ito ang kapatid ko? Tang ina.! “Para saan yang pain reliever na iyan, Bal?” Tanong ko sa kakambal ko na nakataas na ang kilay. Kinukutuban talaga ako ng hindi maganda. “A-Ah, e-eh. Wala to Bal. Nabanggit ko kasi sa kanila na may pigsa ako at hindi ako makakasama sa game nila mamaya. Oo tama yun nga. Hindi ba, Brandon at Thomas.” Sagot nito sa akin na halata naman na gawa gawa lang. Nagsisinungaling ito sa akin at ramdam ko iyon. Kambal kami. Kaya kilalang kilala ko na ito. Lalo na ng hindi pa sinang ayunan nila ang sinabi ni Kambal. Putang ina. Doon na ako nag init ang ulo. Agad kong tinigil ang nililinis kong isda. Mamaya pa naman iyon babalikan ng customer kaya iniwan ko muna. “Tang ina, anong ginawa niyo sa kapatid ko..!” Inis na turan ko sa dalawa at inumang ang kutsilyo sa dalawa. Napaatras ang dalawang gago. Itinaas pa ang mga kamay nila. “Bal, ano bang ginagawa mo?! Wala silang ginawang masama. Para kang gago.” Asar na sambit sa akin ni Kambal. Hindi ako naniniwala na walang ginawa itong mga tarantadong ito sa kapatid ko. Mas lalo pa akong naasar ng hindi ako pansinin ng dalawa. “Iniinis niyo talaga akong mga putang ina niyo ah. Ano hindi ba kayo sasagot, ha?! Anong ginawa niyo sa kapatid ko..!” Sigaw ko sa dalawa. Inalis ko ang apron sa katawan ko at inilapag ang kutsilyo sa tabi. Mag mano manong suntukan na lamang kami para mas patas. Kaya ko naman sila sigurong patumbahin na dalawa. Nakabuntot sa likod ko si Kambal at akmang susuntukin ko na ang mukha nung Brandon kasi pakiramdam ko ay ito talaga ang may pinaka may kasalanan. Halata kasi sa pagmumukha nito na hindi ito gagawa ng maganda kaya naman dito ako unang bibigwas. Lalapat na sana ang kamao ko sa mukha nito ng harangan iyon ng isang kamay. Doon tuloy tumama ang suntok ko. NApigilan ang pwersa na tatama sana sa mukha ng gago. “Kalma, Mr Century tuna bod.” Wika ng binatang maganda sa akin, habang hawak nito ang kamao ko. Ramdam ko ang pagiging malakas nito dahil nagawa nitong ibaba ang kamao ko. “Tito Andrei…!” Gulat na wika ng dalawang tukmol sa lalaking pumigil sa suntok ko. Tinignan lang nito ang dalawang ungas. At agad ng tumahimik. “Ano bang problema rito, Mister. Bakit mo naman gustong sapakin ang mga kumag at pasaway kong pamangkin.” Tanong nito sa akin. Simple lang ang pag kakatanong nito pero nakaka intimidate na ang dating nito. Ngumingiti ito pero alam mong hindi ito basta basta na madaling mapapatumba. Hindi bat naharang nga nito ng ganun kadali ang suntok kong malakas. Napigilan niya iyon ng walang kahirap hirap. “Inagrabyado nila ang kakambal ko. Tang ina. Lalo na yang Brandon na yan.” Sagot ko habang dinuduro ang lalaking iyon. “Gabriel, hindi nga. Kakabanas naman ito, oh. Kanina ko pa sinasabi na hindi. Hindi nila ako inagrabyado. AWIT. naman” Singit sa usapan ni Kambal dahilan para mapatingin ang tinawag na Tito Andrei rito. Tinignan nito ang kakambal ko mula ulo hanggang paa. Sinuri at pagkatapos ay napangiti ito. “Hindi mo pa sinasabi sa kakambal mo? Mabuti pa siguro ay sabihin mo na lang. Kasi mapapahamak ang mga pamangkin ko kapag hindi mo inamin. Syempre, hindi ko naman papayagan na saktan niya ang mga pamangkin ko. Kahit gaano pa kasusutil ang mga ito. Kapag nakausap mo na ang kakambal mo, at kapag nalaman niya na naagrabyado ka nga, ay wag kang mag alala. Ako pa mismo ang susuntok sa dalawang ito. For now, kausapin mo muna ang kakambal mo. At kayong dalawa halika nga kayo. Napaka pasaway niyo talaga.” Mahabang sambit nito kay Hariel. Sabay pingot sa tag isang tenga ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. “Aray, Tito Andrei ang sakit.. Titoooo” Wika nun Brandon habang pilit inaaalis ang kamay ng Tito nito sa tenga nito. “Mabuti na lang at dumaan kami muna ni Tristan rito. Kung hindi mababangasan na iyang mukha mo. Hindi talaga kayo nag iisip na dalawa.” Narinig ko pang sabi nito sa dalawa bago nawala ang papalayo nilang katawan. “Nakakainis ka naman, Kambal nakakahiya ang ginawa mo. Asar…!” Inis na turan nito sa akin. “Tang ina. Mali ba na ipag tanggol kita sa kanila, ha? Sorry ah. Concern lang ako sa iyo. Halata kasi na inagrabyado ka nila. Magsisinungaling ka pa sa akin. Alam mo naman na ramdam natin kapag hindi nag sasabi ng totoo ang isa sa atin. Nakalimutan mo na ba iyon, Hariel?” Inis na sagot ko rin rito. “Ieexplain ko rin naman sa iyo. Hindi mo kailangan na bastusin sila. Hindi naman nila ako inagrabyado. Ginusto ko rin iyon. Concern pa nga sila sa akin dahil binigyan nila ako ng gamot. Nakikita mo ba ito. Yun ba ang masasamang tao.” Namumulang sambit nito sa akin. “Eh, ano nga kasing nangyari sa iyo. Binugbog ka ba nila kaya ka may masama pakiramdam mo? Natatakot ka lang ba na sabihin sa akin. Tang ina, Bal. Kayang kaya namin sila ni Kuya. Sabihin mo lang sa akin. Ora mismo susugudin ko sila.” Saad ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD