“Ang Paglitaw ni Azrael. ( 2 )”

3431 Words
“Hindi nga nila ako naagrabyado. Ang kulit mo. Ikaw nga dyan. Sasabihin ko rin naman sa iyo, Gabriel. Alam mo naman iyon, antayin mo lang ako. Wala naman akong inililihim sa iyo di ba. Ikaw nga itong may inililihim sa akin, pero kinulit ba kita? Diba hindi. Kasi hinihintay kita na sabihin sa akin. Respeto, Bal. Nakalimutan mo na ba yun. At ilang beses ko bang sasabihin. Hindi nila ako inagrabyado.” Banas na tugon nito sa akin. Napipilan tuloy ako sandali sa sinabi nito. Masyado lang ako protected sa kanya dahil sa pinag tapat nito sa akin noon. Hindi kasi ito straight. Ang sabi nito sa akin ay fluid daw siya. Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin nun. Kung hindi pa ako nag research ay hindi ko pa malalaman. Kaya nga ng malaman ko at maintindihan ko ang sinabi nito sa akin noon ay naging mas protektado pa ako rito. Aminado naman ako na nag over react ako kanina pero hindi ko mapigilan kasi baka nga naapi ito. Masama bang mag alala. “Sorry. Syempre importante ka sa akin. Ayoko lang na naaagrabyado ka.” Pag hingi ko ng paumanhin rito. “Nag talik kaming tatlo. Ginusto ko iyon. At hindi nila ako pinilit. Kung tutuusin ay ako pa nga ang pumilit sa kanila dahil idol ko sila. Kaya walang naagrabyado. Naiinis ako kasi nakakahiya sa kanila. Ano na lang ang iisipin nila sa akin. Sasabihin ko naman sana sa iyo yun ngayon kaya lang naunahan ako ng pagpunta nila dito ngayon. At ng OVERREACTION mo..!” Inis pa rin na turan nito sa akin. Tila pinompyang naman ang ulo ko sa bombang rebelasyon na sinambit nito sa akin. Nakipagtalik. Nakipagtalik ito doon sa dalawang kumag na iyon. What the f**k…! “Marami naman ang pwede dyan, bakit doon pa sa dalawang mayabang na iyon.” Wika ko. “Marami namang iba dyan, bakit kay Isko pa?!” Ganting tanong nito sa akin na ikinatigalgal ko. Putang ina. Paano nitong nalaman iyon? “T-Teka lab, Bal. Ano yang pinagsasabi mo?” Deny to death kong pag tanggi. Umakto na walang alam sa sinasabi nito. Kaya lang kambal nga pala kami. Bago ang iba ay kami munang dalawa ang nakaka alam kung nag sisinungaling ang isa o hindi. “Really? Hindi mo alam. Gusto mong tawagan ko si Isko? Tatanggi ka pa.” Kastigo nito sa akin dahilan para umurong na lang ang dila ko at manahimik. “Bunga lang naman iyon ng kalibugan. Ito naman.” Defensive na sagot ko rito pagkaraan. Tang ina. Hinding hindi ka nga makakapag lihim sa kakambal mo. f**k. “Bal, hindi naman ako nagagalit kahit kanino ka pa makipag s*x. Buhay mo yan, eh. Susuportahan kita. Pwera na lang kapag hindi mo ginusto at pinilit ka. Pinilit ka ba ni Isko? Di ba hindi. Ako pinilit ba ako nila Brandon at Thomas? Hindi rin. Sana lang yung pag suporta ko sa iyo ay ganoon rin sana ang pag suporta mo sa akin. Kung totoong importante nga ako sa iyo. Igalang mo ang gusto ko. Gusto ko silang makatalik. Nag enjoy ako, sobra. Pipigilan mo ba ang kasiyahan ko?” Mahabang salaysay nito sa akin. Wala na. Talo na ako. May punto naman kasi ito. Napasobra nga ako sa reaction ko kanina. Tang ina. “Sorry. Kung nag enjoy ka naman, eh di walang problema. So, ibig bang sabihin nito ay wala kang pigsa? Kaya ka ba nahihirapan na umupo ay dahill…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito. Napangiti ito sa akin. “Natira ako yun ba ang gusto mong sabihin. Oo, Bal. Hindi pigsa ang dahilan kung bakit masakit ang katawan ko at nahihirapan akong umupo. Wala talaga akong pigsa. Nakantot ako ng malala kagabi.” Matapang na pag amin nito sa akin. Tinignan ako nito ng mariin sa mata. Ramdam ko ang pagkatakot sa sinambit nito pero naroon din ang tapang ng pag amin nito. Kaya naman ano pa bang magagawa ko. Napangiti na lang din ako. “Ano, nag enjoy ka ba? Hahaha. Mukhang nasarapan ka at nawarak ka ng malala. Base na rin sa kalagayan mo ngayon.” Sambit ko rito na ikinatawa nito. Ganito lang naman kami mag away o mag talo ni Kambal. Mabilis lang nawawala. Hindi naman namin kayang tiisin ang isa’t isa. Palagi talaga kami nag uunawaan. Gaya ngayon. “Sobra. Sa palagay mo ba magkakaganito ako kung hindi ko na enjoy. Hahaha. Nga pala, nag enjoy ka ba kay Isko. Hahahaha.” Natatawa ng tanong nito sa akin. Nawala na rin ang kaninang inis namin sa isa’t isa. Kaya naman binalikan ko na ang nililinis kong isda. “Hindi eh. Nabitin ako. Binitin ako ni gago. Nga pala, paano mo nalaman na may nangyari sa amin.?” Tanong ko rito. Ang galing talaga nito manghuli. Nilapitan niya ako kagabi. Doon ko kasi hinintay sila Brandon at Thomas sa may tambayan natin. Sa may kubo. Hindi ko naman kasi alam na doon pala kayo gumawa ng kababalaghan. Punyeta ka. Hahaha.” Natatawang sabi nito sa akin na ikinatawa ko rin ng malala. “Oo doon nga. Hahaha. Anong sabi niya sa iyo at ano ang naging reaksyon mo?” Tanong ko. “Nagulat. Sabi niya kasi ay palagi na daw siya may baon na condom na marami at may lubricant na rin. Pwedeng pwede ko na raw siyang kantutin. Na shock ako at sasapakin ko sana siya kaya lang nag panggap na lang ako na ikaw at sinabing sa ibang araw na lang dahil may lakad pa ako. Natipuhan pa nga niya sila Brandon at Thomas, kaya naasar ako dun. Uunahan pa ako ng gaga.” Sagot ni kambal sa akin na ikinatawa ko. “Hahaha. Hindi ko talaga akalain na matindi ang pagnanasa sa atin ni Isko. Wala talaga akong balak na kantutin siya nun kaya lang, inabutan tayo ng libog at nasaktuhan na nandun siya kaya wala na akong nagawa. Gustong gusto rin naman niya.” Sambit ko rito. “Hindi ko nga pala nasabi sa iyo yun pero hindi ko rin naman kasi sigurado. Napansin ko na iyon simula ng umiwas siya sa atin. Sinawalang bahala ko na lang kasi baka nga rin dahil may bago na siyang set of friends sa bayan kaya pinabayaan ko na lang din. Pero malansa nga si Isko.” Tugon ni Kambal sa akin na ikinatawa ko. “Hindi ka galit na kinantot ko ang kababata natin, Bal?” Tanong ko rito. Hinugasan ko na ang kamay ko sa palanggana at inilagay sa supot ang isda. Pagkatapos ay humarap ako rito. “Bakit naman ako magagalit. Kung gusto mo naman ang nangyari ay wala naman akong nakikitang masama roon. Ang mahalaga naman dun kung ginusto mo at wala kang pinilit. Masikip pa ba si Isko? Hahaha.” Tanong nito sa akin na ikinatawa ko. “Masikip pa. Hahaha. Nabitin nga ako dun. Alam mo bang may boyfriend din pala siya?”Chismis ko rito sa kambal ko. Ganun naman ako kapag kausap ko ito walang tinatago. “Wow. Hindi ko alam iyon. Good for him. Teka, may boyfriend na pero nakipag tikiman pa sa iyo. Tsk. tsk tsk. Very wrong.” Sagot ni Kambal sa akin. Medyo old school kasi ito. Inis na inis sa mga cheaters. “Sabi niya open relationship naman daw sila ng boyfriend niya. Malayang tumikim ng iba.” Sagot ko rito. Ito’y ayon lang din naman sa sinabi sa akin ni Isko. “Kahit na. Ikaw sinasabi ko sa iyo, mag ingat ka diyan. Baka mamaya nag sinungaling lang sa iyo yun. Iba pa rin ang walang sabit para tuloy lang ang ligaya at walang balakid. Hahaha.” Natatawang paalala nito sa akin. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Yael. “Si Yael, nakausap mo na ba?” Tanong ko rito pagkaraan. Natahimik ito bigla sa tinanong ko. “Hmhmmm.. Mabait siya at mukhang gusto siya ni Nanay pero... “ Putol nito sa sasabihin nito. Kaya mas lalo akong naging atentibo sa sasabihin nito. “Pero? May ginawa bang hindi maganda?” Tanong ko ngh di ko na matiis. Umiling iling lang ito sa akin at napaisip ng malalim. “Misteryoso. Mabait siya pero nahihiwagaan ako sa personalidad niya. Minsan kasi parang napapansin ko ang ugali niya ay paiba iba. Ewan ko kung ako lang nakaka pansin nito. Eh, di ba kami yung naiiwan sa bahay. O baka guni guni ko lang din iyon. Basta ang hirap iexplain, Bal. Bukod pa iyon sa nakita natin doon sa ano niya, ah.” Sagot nito sa akin. So, hindi lang pala ako ang naka pansin ng tila pabago bagong ugali ni Yael. Maging ito rin pala. Kailangan ko na talaga siguro siyang kausapin. Hindi ko pa rin kasi alam kung sino ito. “Buti hindi tinatanong ng mga taga isla natin kung sino siya?” Tanong ko muli kay kambal. Sumimangot ito. Doon palang ay alam ko na napag chismisan na si Yael. “Marami kaya ang nagtatanong. Mabuti na lang at matalino si Nanay. Mabilis niyang sinabi na anak ng malayong pinsan niya na nag babakasyon lang sa atin. Tinanong na rin kasi namin si Yael kung ano ang nangyari sa kanya. Ang isinagot lang sa amin ay taga Maynila. Ulila ng lubos. Inamin din niya sa amin ni Nanay na nag layas siya sa stepmother niya na nang aapi sa kanya. Hindi nga lang niya maexplain sa amin kung paano siya napadpad sa pampang na malapit sa atin. Kung saan nga natagpuan mo siya." Salaysay sa akin ni Kambal. "Ano sa tingin mo, kumbinsido ka ba sa sinabi niya sa inyo?" Karagdagan na tanong ko rito. "Hmhmm… 50/50 ako, Bal. Pakiramdam ko na may inililihim pa siya. Aside dun sa hindi natin dapat makita pero sigurado ako na alam niya na nakita na natin iyon. Siguro nahihiya lang siya na iopen up sa atin. Kasi tinanong niya kung sino ang nag bihis sa kanya at sinabi ko na ikaw. Nanood lang ako." Sagot nito sa akin na natatawa. "Pucha. Sa akin lang talaga. Eh, ako nga ang nag babala sa iyo. Gago ka. Hahaha." Sagot ko rito. "I think he likes you, Bal. Palagi ka kasi niya tinatanong sa akin. Katulad na lang ng mga gusto at ayaw mo. Naasar nga iyon kay Susan. Nakwento kasi ni Nanay sa akin na yung ulam na dinala ni Susan kagabi, ay ipinakain daw nito iyon sa aso nila Aling Bale. Hahaha." Natatawang kwento nito sa akin. Napangiti naman ako ng lihim ng malaman ko na hinahanap ako nito. "Gago. Hindi naman siguro. Ni hindi nga kami nag uusap, eh. Sila Kuya Raph at Kuya Michael nga ang nag uusap palagi." Sagot ko rito. "Talagang hindi yung ulam ni Susan ang concern mo ah. Hahaha. Sabihin mo nga sa akin, gusto mo rin siya Bal, noh." Tanong nito sa akin. Hindi ko kaagad naka sagot sa tanong nito dahil hindi ko naman sigurado. Ang alam ko lang nalilibugan ako sa kanya. Naiisip ko rin siya. Mabuti na lamang ay nagsidatingan na ang mga customer kaya naudlot ang pag uusap namin ni Kambal. Kahit paano ay nakaligtas sa tanong nito. Mag aala siete na ng gabi ng maubos ang paninda namin. Kami rin talaga ang nauunang maubos ang paninda di gaya ng iba naming mga katabi. Nadadaan sa pag papa cute kaya kahit paano ay dinadagsa kami ni kambal. Nang matapos makapaglinis ng pwesto namin ay naglakad na kami palabas ng talipapa ng makita namin na nag hihintay sa isang gilid si Brandon. Kung hindi ko lang ramdam na type ito ni Kambal ay baka nasapak ko na ulit ito o hinamon ng away. Pasalamat talaga ito at nakapag paliwanag na si kambal sa akin. Hindi ko pa rin siya gusto kay kambal pero pipilitin ko. Para sa kasiyahan nito. “Sige na, kausapin mo na. Mukhang ikaw talaga ang sadya. Wag kang mag pagabi ah. Saka hindi ka pa magaling. Wag mo ng subukan na mag pa anong muli. Ako ng bahalang mag hintay kay Kuya Uriel.” Sambit ko rito na ikinatawa lang nito. “Salamat, Bal. Bawi ako sa’yo soon.” Sagot nito sa akin at nag madali ng lumapit kay Brandon, na tinanguan naman ako. Pota, easy to get pala itong si Kambal. Habang hinihintay ko ang pag dating ni Kuya Uriel ay naisipan kong dumaan muna sa isang bakeshop. Ewan ko ba bakit naisipan kong bumili ng cake rito. Wala namang okasyon. Nag pabalik balik pa nga ako kasi iniisip ko kung bakit nga ba ako bibili. In the end ay bumili rin talaga ako ng chocolate cake. Na ngayon ay bitbit ko na. Naabutan ako ni Kuya Uriel na hawak hawak ko iyon. Katabi ng mga balde na walang laman. “Naks. Kaninong cake naman yan? Ikaw, Bro ah. Hindi mo sinabi sa akin na may nililigawan ka na. Ano, napagtanto mo na ba na mahal mo na si Susan?” Tanong sa akin ng unggoy. “Baliw, hindi. Kay Nanay to. Sale kasi kaya napabili ako. Tara na nga, ang dami mo pang tanong eh.” Sambit ko rito na ikinatawa lang nito. “Teka, nasaan si Hariel?” Takang tanong nito ng isa isa ng mapasok ang balde sa tricycle. Sa wakas napansin rin nito na wala ang kapatid namin. Makikipag laro ng ML sa kaibigan niya. Pinayagan ko na dahil pambawi sa pag iwan ko sa kanya kahapon. Kaya tara na.” Sagot ko rito na ikinatango lang nito. Ilang sandali pa ay na biyahe na kami pauwi sa bahay. ------------------------------------------------------- “Wow..! Gabriel para kay Susan ba iyan? Naks naman ang sweet mo naman. Sana all.” Sigaw ni Brittany ng makita ko ito na nasa bungad ng bahay namin kasama si Susan na as usual ay may pahatid na naman na ulam. “Hi Gabriel, Magandang gabi sa’yo. Tamang tama mainit init pa itong ulam na dala ko.” Sambit nito at kahit hindi pa sila iniimbita sa loob ng bahay ay silang dalawa na agad ni Brittany ang pumasok. Napakamot na lamang ako sa ulo sa ginawa ng dalawa. “Magandang Gabi sa inyo Nanay Ising.” Magiliw na bati ni Susan kay Nanay. Pagpasok ko ay nakita ko si Yael na nakatingin sa akin at sa dala kong cake. “Magandang gabi rin naman, Susan. Salamat sa palagi mong pagdala ng ulam rito kay Gabriel. Oh, kanino cake yan? May nag birthday pa na hindi ko alam?” Sambit ni Nanay ng mapalingon sa akin. Nilapitan ko ito at nagmano. Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Brittany. “Kay Susan po yata. Ayiieeeeeeee… Nag abala ka pa talaga Gabriel. Ang sweet nyo naman. Siguro nasarapan ka talaga sa halikan niyo nung nakaraan.” Taklesang sabi ni Brittany. Napatingin tuloy ako sa mukha ni Yael nun at kita ko ang pag bakas ng inis roon. “Ano ka ba, Brittany. Siraulo ka talaga. Pasensya na kayo, Nay at Gabriel. Hindi na naman kasi nakainom ng gamot itong si Brittany. Salamat din Gabriel at nag abala ka pa sa cake. Sa akin ba yan? Baka hindi sa akin yan ah.” Wika nito na nahihiya pero nag assume na sa kanya nga iyon cake na hawak ko. “Uy, sabi na eh. Kay Susan talaga ang cake na iyan eh. Ikaw Bro ah, dumidiga ka na ah.” Singit ni Kuya Uriel sa usapan ng makapasok na ito sa bahay. Lahat sila nakatingin sa akin kaya wala na akong nagawa kundi iabot na lang sa kanya ang cake. Ayoko din naman kasi na maging isyu pa kung sasabihin ko na kay Yael ko talaga balak ibigay iyon. f**k. “Ang haba ng hair mo girl. Natatapakan ko na talaga..! Kainggit. Sana all.” Wika ni Brittany na parang kitikiti sa pagkaka kilig. “Salamat, Gabriel. Nag abala ka pa.” Pagpapasalamat ni Susan sa akin. Nang kukunin na nito ang cake na inaabot ko ay bigla na lang kami nakarinig ng pagbagsak ng plato. Nagulat tuloy si Susan kaya naman nahulog ang cake at tumaob sa sahig. Sabay sabay tuloy kaming napatingin sa gawi nito. Hawak hawak nito ang ulo nito at tila pinupukpok ang ulo nito sa nakikita kong reaksyon nito. Akmang lalapitan ko na sana ito pero naunahan na ako ni Kuya Raph. “Anong nangyayari sayo Yael? Yael.. Yael.. Uy..” Wika ni Kuya Raph rito. Mabuti na lang ay nahawakan agad ito ni Kuya at nasalo bago bumagsak sa sahig. Parang naulit lang ang nangyari rito gaya ng una siyang inatake ng sakit ng ulo niya. Sabi rin sa akin ni Kambal ay madalas raw na sumasakit ang ulo ni Yael. Pero ito na ang ikatlong beses na nakita ko na nahimatay siya. Una yung pag gising nito noong dinala ko ito sa bahay. Ikalawa ay yung pagkatapos ng mainit na pag tatalik nila ni Kuya Michael. At ito na nga ang ikatlo. “Yael… Yael... !” Tarantang sabi ni Kuya Raph rito. Chineck pa nito ang pulso ni Yael. “Puta yung cake kooo…!” Hiyaw ni Susan ng mahulog ang cake nito at tumaob sa sahig. Akmang kukunin nito iyo sa sahig ng pigilan ko ito. “Ako na Susan, paki tingnan na lamang si Yael. Please.” Wika ko rito agad naman itong sumunod sa sinabi ko. Lumapit ito sa pwesto ni Yael at Kuya Raph at ang nag check kay Yuel. Bakas sa mukha nito ang asar kay Yael pero dahil isa nga itong nurse gaya ni Yael ay ito talaga ang may karapatan sumuri sa binata. “Okay naman siya. Wag na kayong mag alala. Nahimatay lang, more on nag inarte” Wika ni Susan na nakasimangot. Mahina lang ang sinabi nito bandang dulo pero narinig ko pa rin iyon. Bakit kaya magaspang ang pinapakita nitong ugali kay Yael. Sinabihan na ako ni Kambal na naaasar nga itong si Susan kay Yael. Kahit wala naman daw itong ginagawa sa babae. Kaya tuloy ginantihan ni Yael ng minsan magbigay ng ulam. Pagbukas ko ng kahon ng cake ay nasira na ang disenyo niyon. Sakto naman na paglapit ni Susan kaya nakita rin nito ang kalagayan ng cake na napilitan kong ibigay rito. “Kakaasar naman. Balak ko pa naman itong idisplay lang pero nasira na. Paano na yan.” Nagmamaktol na parang bata na saad nito. Iyon pa naman ang pinaka ayoko. Yung pabebe. “Papalitan ko na lamang, Susan. Pasensya ka na.” Tugon ko rito at inilapag na lamang iyon sa lamesa. Ngunit agad rin nito iyong kinuha. “Ayos lang, Gabriel. Salamat pa rin rito. Saka yung promise mo na papalitan mo, ah. Tuparin mo iyon, dahil aasa talaga ako. Mag tatampo ako sayo kapag hindi mo tinupad.” Nakangiting ng wika nito sa akin. Tinanguan ko na lamang ito para matapos na. Nakita kong binuhat ni Kuya Raph si Yael patungo sa silid ni Nanay. Doon kasi natutulog ito katabi ang Nanay namin. Dinaig pa talaga kaming mga anak. Susundan ko sana ito para tingnan rin ang lagay ni Yael pero pinigilan ako ni Susan. Kaya tinanaw ko na lamang ang papalayong katawan ni Kuya Raph na buhat si Yael. “Kumain ka na, Gabriel. Masarap kasi ito habang mainit pa. Nay Ising ako na po ang mag hain kay Gabriel. Practice na rin po ito. Hahaha.” Wika ni Susan kay Nanay na siya sanang mag sasandok sa akin. Wala na lang din nagawa si Nanay sa pag pipilit ni Susan. Kaya pinaupo ko na lang din ito sa tabi ko. Ayoko kasi makatabi ang babaeng iyon. Nasasakal ako kahit wala naman kaming relasyon. Walang wala talaga akong balak na mag karoon kami. Nang maihain na nito ang pagkain ay umupo na rin ito sa pwesto na katapat sa akin. Hindi naman ako nagugutom. Kumain na lang ako dahil akala ko naman ay aalis na itong si Susan kapag nahain na nito ang pagkain. Kaya nag stay pa ito at pinagmasdan akong kumain. “Masarap ba, Gabriel?” Tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako rito. Yun lang ang naging pag uusap naming dalawa. Magtatanong ito at sasagot ako ng patapos na sagot. Pero nakalimutan ko nga palang si Susan itong kausap ko. Si Susan Masigasig. Hindi sumusuko kahit sinasabi ko ng ayoko sa kanya. Nahihiya lang talaga ako kung minsan dahil kay Nanay. Nang matapos akong makakain ay gusto pa sana nitong tumambay roon at makipag usap sa akin pero sinabi ko na lang na pagod pa ako at maaga akong magpapahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD