---2---
“Hindi nga, Kuya? Bakit? Bakit mo hinayaan na gawin iyon sa iyo ni Tiyo?” Tanong ko rito.
“Kailangan ko ng pera nun, saka magaling naman si Tiyo Erning sumubo ng b***t. Mabaho nga lang ang hininga at hindi maisagad ang b***t ko sa lalamunan niya. Hahahaha.” Natatawa pang sagot nito sa akin na para bang normal lang iyon dito.
“Saan mo naman ginamit ang pera?. Sana ay umutang ka na lamang sa akin kaysa sa nag pagamit ka pa kay Tiyong. Hindi ka ba nandiri, Kuya?” Dagdag na tanong ko pa rito. Umiling iling ito sa akin.
“Isang libo ang kailangan ko nun, Bro. Mayroon ka ba nun? Hahaha. Di ba wala. Yun na lang ang naisip ko na paraan. Saka pare parehas na butas at bunganga lang naman iyon. Malilibugan ka pa rin, silahista, bakla o babae man yan. Nag kakatalo na lang sa galing yan na magpaligaya ng b***t. Ikaw ba hindi ka pa ba nakaranas na machupa ng babae?” Saad at tanong na rin ni Kuya Uriel sa akin.
“Nachupa na. Isang beses pero sa lalaki ay hindi ko pa nasubukan at wala akong balak na subukan.” Siguradong tugon ko rito na ikinatawa lang nito. Ginulo gulo lang nito ang buhok ko sa ulo.
“Bata ka pa nga. Wag ka magsalita ng tapos, Bro. Iba chumupa ng b***t ang lalaki. Mas masarap. Haha. Ako na ang nagsasabi sa iyo. Hihiwalay talaga ang kaluluwa mo sa katawan mo lalo na kapag hinigop nila ng matindi ang b***t mo. Hahaha.” Paliwanag pa nito sa akin.
“Hindi rin, Kuya Uriel. Mas masarap pa rin ang babae. Saka ang dami daming babae dyan na nagkakandarapa sa atin. Bakit magtitiis ako sa bunganga ng bakla.” Matatag na tugon ko rito na ikinatawa nito.
“Sabagay, pagkat hindi mo pa kasi nararanasan. Kapag gustong mong maranasan ay sabihin mo lang sa akin. Ibenta natin ang t***d mo kay Mirasol. Naranasan mo ng machupa ng bakla, may pera ka pa. Hahaha.” Natatawang suhestiyon nito sa akin. Nagsipag tayuan ang balahibo ko sa katawan.
Si Mirasol kasi ay ang matandang bakla na nagtitinda ng suman sa isla namin. Medyo nahahawig ito sa artistang dating lalaki na si Rustan Radilla na ngayon ay si CC Gandang Reyna na.
“Gago. Puro ka talaga kalokohan Kuya. Siguro nag pa chupa ka na rin dun.” Akusa ko rito na hindi naman nito itinanggi. Ngumisi lang ito sa akin. Ang gago talaga nitong kapatid ko. Sa amin talaga ito ang pinaka pasaway.
Palagi itong nasasangkot sa gulo. Ngayon ngayon na nga lang tumino ito. Dati palagi itong laman ng barangay hall namin. Madalas sunduin ng Tatay at Nanay roon dahil may naka kaaway. Mabait naman itong si Kuya Uriel. Lapitin lang talaga ng gulo.
Akala kasi nila ay mayabang ito kung tumingin. Hindi nila alam malabo lang ang mata nito kaya mukhang nag hahamon lagi ang itsura ng mukha nito kapag tinignan ka.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw na namin ang pangpang kung saan naroon nag hihintay ang asawa ni Kuya Raph na si Ate Dina, ang anak na lalaki ni Kuya Michael na si Mikko. Kasama rin nila si Kambal at si Nanay. Sila kasi ang nag aayos ng mga huli namin. Kaya nakaabang na talaga sila sa amin.
Dahil ako ang nasa pinaka unahan ako ang unang nakababa ng bangka. Sinundan ako ni Kuya Uriel na agad naman inabot ang isang banyera ng huli naming isda. Nagsipag labasan ang ugat sa katawan ko dahil sa bigat ng dala ko.
Dala na rin talaga ng araw araw naming pagtatrabaho simula ng maliit pa kami ay nahulma na talaga ang katawan namin ng malala.
Kaya hindi na talaga kataka taka na naging ganito kaganda ang katawan ko at ng mga kapatid ko.
Sinalubong ako ni Kambal at kinuha sa akin ang banyerang hawak ko. Bumalik ako sa bangka para tulungan pa si Kuya Uriel. Muli nitong inabot ang isang banyera na agad ko naman kinuha rito.
Nang makarating sa pampang ay nakita ko si Susan. May dala rin itong bayong. Marahil ay bibili ito ng isda sa amin. Madalas naman nito iyong gawin. Araw araw.
“Ayieee… Ayan na ang mahal niya. Lapitan mo na at bumili ka na ng hotdog este ng isda.” Panunukso ni Brittany kay Susan. Tinulak pa nga nito si Susan na natumba dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Brittany rito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong ko rito ng mkalapit rito at tulungan itong tumayo. Napatulala na naman ito sa mukha ko at sa katawan ko.
“A-Ah, eh.. O-Oo ayos lang ako, G-Gabriel.” Wika nito sa akin at dahan dahan na itinayo. Namula ang mukha nito ng tulungan kong pagpagan ang bestida nitong nagkaroon ng mga buhangin.
“OMG! Nakakainggit ka. Dyan ka na nga at doon muna ako sa ibang Kuya niya.” Sabi ni Brit.
“Ahmmm.. Salamat nga pala dun sa ibinigay mo kagabing ulam. Hindi ka na sana nag abala pa.” Simula kong sambit rito at lumapit na sa may lamesa. Sinimulan ko ng pag hiwahiwalay ang isda base sa pagkaka pare pareho nito.
“Wala iyon, Gabriel. May sobra lang kasi kaya naman dinala ko na sa inyo. Nagustuhan mo ba?” Tanong nito sa akin. Gabi gabi may sobra?
Maganda si Susan sa totoo lang. Mayaman ang pamilya nila. Sila ang supplier ng krudo sa lahat ng mangingisda rito sa isla. Sa kanila bumibili si Tiyo Erning. Nag papautang rin sila ng pera sa mga taga kaisla naming nagigipit.
Nakapag abroad kasi ang mga magulang nito. Ang mga kapatid nga nito ay nakapag aral sa Maynila katulad nitong si Susan. Kaya lang hindi gaya ng mga kapatid nito. Mas pinili nitong manirahan at mag trabaho dito sa isla. Isa itong nurse sa maliit na clinic dito sa isla.
“Oo, masarap. Salamat muli.” Tipid na sagot ko rito. Hindi ko naman kasi natikman iyon. Si Kuya Uriel at kambal ang kumain.
Ewan ko ba. Wala talaga akong maramdaman na pag tatangi rito kay Susan. Ayoko naman na kantutin lang ito at kalimutan. Hindi kasi nito deserve iyon. Kaya pina pakisamahan ko na lamang. Ilang beses ko na rin naman sinabi rito na hindi ko ito gusto.
Kaya lang matigas ang ulo nito. Hanggat hindi raw nito nakikita na ikinakasal ako ay hindi ito susuko na makuha ang mailap kong puso. Ganun ito kasigasig talaga.
“Ahmm.. Gabriel, may kasama ka na ba sa bayle na magaganap sa plaza mamayang gabi?” Tanong nito sa akin.
Puta. Nakalimutan ko na nga pala na may pa bayle o sayawan nga pala sa plaza mamayang gabi. Paevent iyon nila kapitan na tiyuhin nito sa isla namin, dahil sa masaganang biyaya ng langit sa amin. Madalas kasi na marami kaming huli na isda nitong mga nakaraang buwan, hanggang ngayon nga.
Kaya naisipan ni Kapitan Lucio na ipagdiwang ang kasaganahang iyon. Hindi sana ako pupunta pero pinilit kami ni Nanay dahil nakiusap si Kapitan rito. Lahat nga kaming magkakapatid ay dapat naroon.
Tiyak na gagamitin lang kami ng mga ito para panghakot ng mga dadalo na taga kabilang isla at bayan. Wala naman kaming magawa lalo na’t pag si Nanay na ang nakiusap sa amin.
“Oo, kasama ko ang mga kapatid ko na mag tutungo roon.” Sagot ko rito.
Alam ko naman na hindi iyon ang tinutukoy nito. Nais lang nitong malaman kung may dadalhin ba akong babae roon.
“Ganun ba. Pupunta rin ako roon mamaya, pwede bang sumabay na ako sa inyong magkakapatid. Kami ni Brittany.” Pakiusap nito sa akin. Tumingala ako at nakita ko na nakatitig ito sa nakabakat kong kargada. Namula pa nga ang pisngi nito ng mahuli ko.
“Okay lang. Para mas marami rin tayo na mag tungo roon.” Tipid na sagot ko rito. Maya maya ay inabot na sa akin nito ang dala nitong bayong.
“T-Tatlong kilo ang b-bibilhin ko, Gabriel.” Wika nito sa akin matapos kong kunin ang bayong nito. Sinimulan ko ng ilagay sa supot ang mga isda na bibilhin nito. Habang pine prepara ko iyon ay biglang sumulpot si Kuya Uriel sa tabi ko.
“Uy, si Susan pala ito. Ano, sinagot ka na ba nitong utol ko?” Pag bibiro nito sa babae. Siniko ko na lamang ito bigla na ikinatawa lang nito sa akin. Akala ko nga ay mahihiya si Susan, kaya naman nagulat ako ng sakyan nito ang pag bibiro ni Kuya Uriel rito.
“Hindi pa nga, Kuya Ur eh. Nagpapakipot pa. Charot.” Pakikisakay ni Susan rito.
“Nakuuu.. Pikutin mo na kasi Susan. Ikaw din baka may makauna pa sa iyo. Ang dami pa naman na umaaligid dito sa utol ko. Lasingin mo ito mamaya, mahina itong uminom. Hahaha.” Pang gagatong pa ng ungas na kuya ko rito.
“Talaga.? Sige sige. Tutulungan mo ba ako, Kuya Ur?” Natutuwang tugon ni Susan. Hindi ko na lang sila pinansin at inasikaso na lang ang pagtitimbang ng binibili nito.
“Oo naman. Boto ako sa iyo, eh. Basta ako ang best man sa kasal niyo. Hahaha.” Hindi pa rin tumitigil na pag bibiro ni Kuya Uriel kaya mas lalo lang ginanahan si Susan.
Bago pa kung saan mapunta ang kalokohan nitong kapatid ko ay pinigilan ko na iyon. Inabot ko na rito ang tatlong kilong isda na binibili nito. Kinuha naman nito iyon at inabutan ako ng limang daan.
“Ah, sorry wala pa akong panukli riyan sa pera mo Susan. Ikaw pa lang kasi ang unang customer ko.” Wika ko rito na hindi kinuha ang inaabot sa akin. Subalit pilit nitong inabot sa akin ang pera.
“Wag mo na akong suklian, Gabriel.” Sambit nito at kinuha ang kamay ko at inilagay roon ang limang daan.
“Tatlong daan lang yan, Susan. Ibabalik ko na lang mamaya ang sukli kapag may barya na.” Sambit ko na lang dito. Umiling iling lang ito.
“I insist, Gabriel. Saka sa Maynila kapag bumili ka ng ganitong uri ng isda ay kulang na kulang pa ang limang daan ko. Sige na tanggapin mo na iyan, kundi mag tatampo ako sayo.” Pag pupumilit pa rin nito sa akin.
“Palagi ka na lang kasing may pasobra na bayad. Nakakahiya na. Baka kasi isipin ng mga taga isla ay sinasamantala kita porket na may gusto ka sa akin.” Tugon ko rito. Nakakaunawa namang tumango tango ito.
Ayoko lang talaga na mapag usapan kami at ayoko rin na isipin talaga nito na sinasamantala ko ang pagkakagusto niya sa akin. Nagaalala rin ako na baka mas lalo lang itong umasa.
“Wag mo ng isipin ang sasabihin ng mga tao. Ang importante lang naman dito ay alam ko na hindi ka ganun. Oh siya. Mauna na ako, Gabriel. Kuya Ur, asahan ko yung tulong mo ah. Punta na lang ako sa bahay niyo mamaya. Bayiiieee…” Pamamaalam nito at nag lakad na patungo papunta sa bahay nila.
“Marami ngang nagkakagusto sa akin, Bro. Pero hindi kasing ganda, kasing sexy at kasing yaman na gaya ni Susan. Ano ba kasi ang ayaw mo kay Susan, Bro. Total package na iyan oh.” Umpisang tanong sa akin ni Kuya Uriel na inakbayan pa ako.
“Hindi ko siya mahal.” Simple ngunit totoong sagot ko kay Kuya Uriel. Tinignan pa ako nito na para bang tinubuan ako ng ikatlong mata sa noo.
“Napag aaralan naman ang pagmamahal, Bro. Lalo na kapag mahal na mahal ka ng tao. Matututunan mo rin mahalin yang si Susan. Kung sa akin lang yan nagkagusto. Bukas na bukas rin ay pinakasalan ko na iyan. Wasak lagi sa akin yan. Hahahaha” Natatawang saad nito kaya nag tamo ito ng batok kay Kuya Michael na narinig pala ang usapan namin.
“Puro ka talaga kamanyakan, Uriel. Wag na wag mong tinuturuan ng kagaguhan itong si Gabriel. Wag mong itulad sa kalibugan mo. Tulungan mo nga roon si Nanay.” Saway ni Kuya Michael rito. Kakamot kamot na lamang ito sa ulo niya na nagtungo sa pwesto ni Nanay.
“Tapos na ba kayo roon, Kuya Michael?” Tanong ko rito habang hinihiwalay pa rin ang mga isda. Hindi ako matapos tapos dahil mag isa lang ako rito. Bumili pa si Susan.
“Oo, tapos na. Ikaw ba ang sasama sa talipapa?” Tanong nito sa akin. Tumango lang ako rito. Dalawa naman kami ni Kambal ang laging tumatao roon. Kailangan makadami kami ng benta para maaga kami makauwi dahil may pupuntahan pa kaming baylehan.
“Oo Kuya. Para mas maaga kami makaubos ni Kambal.” Sambit ko rito pagkatapos kong maibuhos ang natitirang isda sa banyera.
“Mabuti naman kung ganun. Si Uriel sana ang sasama kaya lang pinigilan ko at baka mapaaway na naman yung mokong na iyon. Hindi na ako sasama. Kaya niyo na ni Bunso iyon. Mas magaling kayong mag benta talaga sa amin, eh. Ano bang sikreto niyo?” Tanong nito sa akin pagkaraan.
“Magtopless ka kasi Kuya Michael. Akitin mo ng abs at ngiti mo. Hahaha.” Sagot ko rito na natatawa.
Iyon naman kasi ang ginagawa namin ni Kambal. So far, epektibo naman siya at madami ang nabili sa amin.
“Pucha yun lang pala ang sikreto. Hahaha. Sige sa susunod gagawin namin ni Raph yun. Kung papayag si Dina. Mukha pa namang selosa yung hipag mo na iyon.” Nakangiting sambit nito sa akin.
“Si Ate Jenny ba, hindi? Saka hipag ko lang. Hipag mo rin yun.” Tugon ko rito na ikinatawa nito. Si Kuya Michael talaga ang pinaka mabait sa aming magkakapatid. Hindi ko man lang nabalitaan na nambabae ito kahit dalawang taon na si Ate Jenny sa Qatar.
Sa anak lang talaga nitong si Mikko nakatuon ang atensyon nito. Kaya nga idol ko itong si Kuya. Nais ko rin na kapag nag asawa ako ay matulad ako sa ugali nito. Isang responsableng ama kay Mikko at mapagmahal na asawa kay Ate Jenny.
“Selosa rin. Pero wala naman siya rito kaya ayos lang. Si Raph talaga ang hirap. Hahaha. Parang aso tuloy na laging kabuntot si Dina. Sasama nga daw si Hipag sa baylehan mamaya.”
Natatawang kwento nito sa akin. Lagot. Mukhang ibibida pa naman kami ni Kapitan sa baylehan. Tiyak na mag aaway na naman ang dalawa. Kaya nga hindi ako makapaniwala talaga sa sinabi ni Kuya Uriel.
Sa tindi ng pag babantay ni Ate Dina kay Kuya Raph. Imposible na malusutan ito ni Tiyo Erning. Gago talaga yun si Kuya Uriel, napaniwala na naman ako ng kalokohan nun.
“Si Mikko ay isasama mo ba?” Tanong ko rito. Tapos ko ng mahiwalay ang mga isda at pusit. handa dalhin ang mga iyon sa talipapa.
“Hindi, iwan siya kay Nanay. Sige na at mag sasaing pa ako sa bahay. Mag ingat kayo ni Bunso.” Paalam nito sa akin at tinawag na ang anak nito. Katabi lang nito ang bahay namin na ipinagawa nila.
Bumukod na ito simula ng nagka asawa. Si Kuya Raph naman ay nasa kabilang dulo lang ang tirahan. Regalo ng magulang ni Ate Dina ang pinag tayuan ng bahay nito. Binuhat ko na ang dalawang balde na pinag lalagyan ng pusit at iba't ibang klase ng isda. Nilapitan ko si Kambal.
“Bal, tapos na kayo dyan?” Tanong ko ng makalapit rito. Xerox copy ko talaga itong kambal ko. Para lang akong nananalamin sa tuwing makikita ko ang istura nito. Madalas nga ay nakakaloko kami ng mga tao dahil hindi talaga nila nagagawang malaman kung sino sa amin si Gabriel at Hariel. Tanging si Nanay at mga kapatid lang namin ang nakakatukoy sa amin.
“Konti na lang, Bal.” Sagot nito sa akin. Tinulungan ko na ang mga ito para mas mabilis matapos at ng makaalis na kami. Isasakay pa namin iyon sa tricycle ni Ka Rod. Nang matapos ay nag tungo muna ako sa tindahan nila Helen upang bumili ng yelo.
“Pabili nga ng benteng yelo, Isko.” Sambit ko sa anak ni Ate Helen na si Isko. Natulala pa ito ng ilang minuto sa katawan ko bago ito kumilos ng mapansin kong hindi na ito kumilos.
“S-Sorry, Hariel or Gabriel.” Wika nito at mabilis ng kumilos para kunin ang yelo na binibili ko.
Kababata namin itong si Isko. Kasing edad lang namin halos ito. Close kami nito dati kaya lang ng makapag aral ito sa bayan ay hindi na kami masyadong pinapansin nito kaya hindi na rin namin ni Kambal kinausap ito.
Vocational course lang kasi ang nakaya ni Nanay para sa amin ni Kambal eh. Hindi gaya nito na nakapag tapos. Kaya nga feeling nito angat na ito sa amin. Ilang saglit lang ay nakabalik na ito at nakalagay na sa ecobag na maggie ang yelong binili ko.
“E-Eh, Eto na yung y-yelo. Bale, 80 pesos lahat lahat.” Sambit nito na nabulol pa sa akin.
Dumukot ako ng pera sa bulsa at inabot rito ang isang daan. Parang nakuryente pa nga ito ng kunin sa akin ang pera. Nawi weirduhan na ako sa inaakto nitong si Isko. Naangasan pa ako dahil sa paraan ng pag abot nito ng bente pesos na sukli sa akin. Animo’y diring diri ito na ayaw mapadikit sa akin.
“Grabe. Nakapag aral lang sa kolehiyo. Diring diri na makahawak ng mangingisda. Wow ha.! Ang lupit mo boy.” Inis na turan ko rito at mabilis na inagaw ang bente pesos na inaabot nito sa akin.
“T-Teka sandali..! Hindi naman sa ganun, Gab or Har.” Sigaw nito sa akin pero hindi ko na nilingon pa ito. Naasar ako sa pagmumukha nito. Akala mo kung sino na kung umasta porket nakapagtapos lang ng pag aaral. Gago may araw ka rin sa akin.
Isinalansan na namin ang mga ibebenta namin sa talipapa. Habang si Nanay naman ay kinuha na ang mga malilit na isda na pwedeng idaing nito.
“Oh, mag ingat kayo sa talipapa ah. Umuwi agad kapag naubos na ang mga paninda niyo.” Paalala sa amin ni Nanay bago namin isinakay ni Kambal ang lahat ng iyon sa tricycle. Naka walong timba rin kami. Dalawa doon ay may laman na pusit.
“Opo, Nay. Mag ingat din po kayo rito. Alis na po kami.” Wika namin na sabay ni Kambal. Si Kuya Uriel ang nagmamaneho nun para mas makatipid pa kaming lalo. Mas mura kasi ang pag arkila kung kami mismo ang mag mamaneho.
“Gabayan nawa kayo ng maykapal sa byahe niyo. Mag dahan dahan sa pagmamaneho Uriel ha. Wag kang kaskasero..!” Sigaw pa ni Nanay sa amin ng umandar na ang tricycle.
“Opo, Nay…!” Sigaw pa ni Kuya Uriel na natatawa. Subalit mabilis pa rin nitong pinatakbo ang motor. Magaling naman itong mag maneho at alam kong hindi naman kami nito ipapahamak.
“Kuya, dahan dahan lang at natatapon ang laman ng mga timba.” Narinig namin na saway ni kambal sa loob. Nakaangkas kasi ako sa likuran ni Kuya Uriel. Binagalan naman nito kahit konti ang pag mamaneho nito.
Ilang sandali nga lang ay nakarating na kami sa pwesto namin sa talipapa. Saktong sakto lang iyon dahil mayamaya lang konti ay mag sisimula ng dumagsa ang mga tao para sa uulamin nila sa gabi.
Tinulungan ko muna si Kambal na ibaba isa isa ang timba na naglalaman ng paninda namin. Nilinis din muna ni Hariel ang pag lalagyan ng paninda namin bago namin isa isang inilatag iyon. Pasado alas kwatro na ng hapon ng matapos kami ni kambal. Handa na kaming mag benta.
Iniwan na kami ni Kuya Uriel at umuwi na ng bahay. Ito naman ang sasama kay Nanay habang nag titinda kami ni Kambal. Hinubad ko na ang damit kong pantaas at nag suot ng apron. Ganun din ang ginawa ni kambal. Terno pa rin kami kaya alam namin na matutuwa na naman ang customer nito sa amin.
Ilang minuto nga lang ang nag daan ay dumagsa na ang mamimili. Naging abala na rin kami ni Kambal sa kakalinis ng isda. Hindi na nga namin namalayan na naubos na ang paninda namin. Ala sais pa lang ng hapon ay agad ng naubos ang walong timba namin.
Nakaraos na naman kami ng isang araw. Effective talaga ang pag huhubad at pag papakita namin ng katawan ni kambal. Mabilis na namin muling nilinis ang pwesto namin at itinapon ang mga hasang at dumi na nakolekta namin at umuwi na rin kami sa bahay. May sayawan pa kaming pupuntahan.