1: Transferee
I'm
Takira Cerys Ashben's POV
Everyone is looking at me as if I'm an alien or a mutant walking under the sun. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga tingin nila, tsaka tinuloy ang paglalakad. Wala akong ibang dalang gamit bukod kay Sedi, na isang teddy bear. Lahat kasi ng gamit ko eh pinadala na ni Saturna sa Academy. Tumakas naman ako sa driver namin kaya eto, naglalakad ako papunta sa Academy. Sino ba naman kasi ang gustong pumasok sa Academy sakay ng sasakyang ’yon, Porsche Panamera, masyadong takaw sa pansin.
"Hello, Miss, sa AAA ka ba pupunta?" bati ng isang lalaking humaharang sa daraanan ko. Naka-school uniform na ako, kaya napaka-nonsense ng tanong niya para sa akin. Hindi ba halata? Naka-uniform ako ng AAA.
"Hindi po ba halata?" tanong ko, kaya natawa siya.
"Hahaha... Palabiro ka pala. Naliligaw ka ba? Tara, ihahatid na kita," alok niya, kaya napailing ako. Kabisado ko na yung dadaanan ko kahit na hindi pa ako nakakapunta doon. Bago naman kasi ako pumunta dito, kinabisado ko na yung buong mapa ng siyudad na ito. Tsaka hindi naman ako nagpapatawa.
"Maraming salamat, pero hindi na kailangan," sabi ko, tsaka nagtuloy sa paglakad. Hindi pa ako nakakalayo ay humabol na siya sa akin.
"Ah. Wag ka namang masungit miss. Ihahatid na nga kita eh." Hindi katiwa-tiwala ang taong ito.
"Ano ang value ng Pi?" tanong ko sa kanya. Mukha namang nagtaka siya sa tanong ko.
"Pi? As in Pizza? Naku depende sa flavor. Gusto mo ba? Ililibre kita," sabi niya, kaya pumikit ako saglit at nagsalita.
"No. I'm talking about the mathematical term Pi, which is also the 16th letter of the Greek alphabet. Aside from that, the symbol of Pi is used to denote the ratio of the circumference of a circle to its diameter. To answer my question, the value of Pi is 3.14159265 in eight decimal places," sabi ko, tsaka siya napakamot.
"How about the chemical compound potassium chloride?" tanong ko, tsaka siya napakamot at napaatras ng isang hakbang. Now it's working.
"Ah... Potassium?" tanong niya, kaya tumango ako.
"Hmmm... Potassium Chloride. It was first used in 1868. Potassium chloride is an ionic crystalline chemical compound consisting of equal numbers of potassium and chloride atoms. Commonly, people call it salt," sabi ko bago ko siya tinalikuran at lumakad. Kagaya ng inaasahan ko, hindi na nga siya sumunod. Karamihan naman kasi kapag nagsalita na ako ng mga bagay-bagay na hindi nila naiintindihan, nananahimik na sila. Sa tantiya ko, makakarating ako sa Academy sa loob ng sampung minuto. Malapit na rin naman kasi ako. Naglalakad ako nang diretso nang may mapansin akong kumpol ng tao.
"Maaga pa naman," bulong ko sa sarili ko, tsaka niyakap ko nang maayos si Sedi. Sabi nga ni Saturna, curiosity ko ang papatay sa akin. Nakisiksik ako dun sa mga tao na nagkakagulo lang pala dahil sa isang lalaki at dalawang babae na nag-aaway. Kaparehas ko na naka-uniform yung lalaki sa gitna at pati na rin yung dalawang babae, pero kung ikukumpara sa uniform ko, mas maiksi yung sa kanila.
"You liar! Ako ang nauna. Hindi ba Ovi?"
"Ikaw? Nagsimula kaming mag-date noong Lunes. Sa itsura mo, baka napulot ka lang niya kanina sa daan."
"Wow. Napulot kanina? FYI, noong Linggo pa kami nag-date."
Akala ko naman eh kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Naiiling naman ako na nakisiksik paalis doon nang may makabangaan ako. Inangat ko yung tingin ko sa nakabangaan ko, tsaka napakurap. Masyado siyang malapit.
"Sorry," sabi ko,tsaka yumuko nang bahagya at umalis. Mukhang makikita ko pa naman sila sa school dahil sa mga uniform nila, at kung hindi ako nagkakamali, kasama sila sa Alpha Rosa. Yun yung grupo na madalas ikuwento ni Vivi sa akin sa video calls niya noon.
***
"Nakikinig ka ba, Cerys?" Nag-aayos kami ngayon ni Vivi ng gamit ko. Mabuti na lang din at kasama ko siya sa dorm; hindi ako mahihirapang humanap ng kausap.
"Hmmm," sabay tango ko. Nilagay ko sa may kama si Sedi tsaka nag-alis ng mga gamit sa bag. Nagkita kami kanina ni Vivi sa may school gate at halos kalahating oras pa siyang nagdrama dahil sa antagal ko daw at akala niya eh kung ano na ang nangyari sa akin.
"Hanggang ngayon bitbit mo pa rin si Sedi," sabi niya habang nakatingin kay Sedi. Isang medium-sized teddy bear si Sedi na bigay ni Sedistant. Iyan lang ang tanging gamit ko na hindi ko pinapahawak sa iba, kahit sa mga kapatid ko, kaya bitbit ko siya kanina dahil ayaw kong ipahawak sa mga kasamahan namin sa bahay.
"Hmmm," sabi ko ulit, sabay tango.
"Ayan ka na naman sa tango mo, eh. Uso makipag-usap. Duh? Teka pala, pinapabigay ni Saturna, andiyan na lahat ng hinihingi mo," sabi niya, sabay abot ng folder. Laman nito yung pictures at profile ng mga estudyante at teachers. Ang totoo niyan, noong June pa ko nag-entrance exam dito sa AAA (Alpha Academy of Athens), kaya lang hindi ako nakapasok agad kaya parang transferee nga ang dating ko. Ang sabi sa akin ni Saturna, matutuwa daw ako dito, kaya bumalik ako dito galing London. Wala namang problema kasi wala akong kausap doon. Sinimulan kong tignan yung mga pictures at profile ng mga magiging kaklase ko at may limang taong nakasalubong ko na pala. Itong sina Erina Lizante at Lilian Romiro yung dalawang babaeng nag-aaway kanina para sa isang lalaki. Kaklase ko pala sila. Masyado pa naman silang mainggay. Pati yung pinag-aagawan nila, kaklase namin ni Vivi, Ludovic Vilsen. Tapos yung nakabangaan ko kanina at yung kasama niya ay sina Chaos Zaron Calloway at Vito Rhett Casteño. Sila yung mga miyembro ng Alpha Rosa.
"Nakasalubong ko na itong lima," sabi ko kay Vivi, sabay pakita ng limang pictures.
"Ow, really? No wonder madalas talaga lumabas ng academy yang sila Chaos eh, pero yang dalawang babae for sure sumunod lang kay Ovi," sabi niya, tsaka tinuro si Ludovic. I see, so Ovi pala ang tawag sa kanya.
"Let's stop talking about them. How was your stay in London?" biglang tanong ni Vivi, kaya itinabi ko na yung mga pictures at folder. Kabisado ko naman na, kaya ok na.
"Boring," sagot ko dun sa tanong niya.
"Boring? London yun, Cerys. Dapat naglibot ka," sabi niya.
"I always stay inside my room. People can't understand how I think. Akala nila weirdo ako," sabi ko, tsaka siya natawa. Sa tuwing nagtatangka akong makipag-usap sa iba, naiilang sila kapag may nasabi akong kakaiba kagaya na lang ng scientific theory tungkol sa isang simpleng phenomenon.
"Malamang. You often speak about Math, Science or History kaya nao-awkwardan sila," sabi niya tsaka dumapa sa kama niya. Humiga na rin ako tsaka niyakap ko si Sedi.
"It's their problem," sagot ko sa kanya. Sanay naman na ako na ganoon ang turing sa akin ng iba.
"Don't be like that. Anyway, kasama mo naman ako kaya sisiguraduhin kong madami kang magiging kaibigan at masayang memories dito," sabi ni Vivi, kaya tumango ako at pumikit.
I hope so.
Chaos Zaron Calloway's POV
"So class, I want you to meet your new classmate, Cerys. She's from London, but she can fully understand and speak in Filipino." Pakilala ni Mrs. Lerkana sa bagong dating. She's that girl yesterday, yung nakabanga ko na may dalang teddy bear.
"Ma'am!" Kansenas raised her hand. Let me guess: itatanong niya kung bakit may transferee sa kalagitnaan na ng school year.
"Bakit po may transferee eh kalagitnaan na po ng school year?"
Bingo. It's a common question for this kind of scenario.
"The truth is, she took up the entrance exam last June. Remember the news about the only person who perfected the entrance exam? That's her." Now what she said caught my attention.
"What a cutie," sabi ni Ovi, tsaka ako ngumiti.
"Do you want to introduce yourself, Cerys?" tanong ni Mrs. Lerkana.
"No, ma'am. I think it will be redundant after you mention my name twice," sabi niya, tsaka yumuko at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa harap ko.
"I did my best not to sound like a weirdo," rinig kong bulong niya kay Vienna.
"Errr... you sound normal?" What she answered seemed to be a question rather than a declaration to me. She doesn't sound weird, but a little rude.
"Ok. Let's start class. Get your textbooks out, and let's continue our last discussion. Same page, 156."
As instructed, kinuha namin yung libro namin. I'm familiar with our topic, but still, I need to listen. Nagdi-discuss si Mrs. Lerkana nang mapansin niyang walang nakalabas na libro sa desk ng transferee. The thing is, walang kahit ano sa ibabaw ng desk niya; nakatitig lang siya kay Mrs. Lerkana.
"If you still don't have your book, Cerys, feel free to ask your classmates. I thought you're close to Vivi. Go ahead and share the book with her," Mrs. Lerkana said.
"Don't speak, Cerys. Lalapit na ko." Kagaya ng sinabi ni Vienna, inurong niya yung upuan at desk niya dun sa transferee. It may be a good thing na sa harapan ko lang sila nakaupo. It's interesting to see new actions.
"Abala pa sa klase. Sana kasi, Vivi, shinare mo na agad." That's Romiro. Tumayo naman yung transferee pagkarinig nun kaya napatingin lahat sa kanya.
"I'm sorry. It's my fault. I think you guys misunderstood me. I do have my book inside my bag. It's just that I have already memorized today's topic, and it is familiar to our next week's topic, so it would be a waste if I got my book," sabi niya.
"Are you bragging or something?" inis na tanong ni Romiro. She's always like that. Nothing's new, boring.
"No. I'm trying not to be weird, but please don't badmouth my cousin. I'm not bragging or something; I'm stating a fact. If you want, I can recite the next two paragraphs from our textbook," sabi niya bago siya hinatak paupo ni Vienna. Now that's fascinating.
"Ah ano... I'm sorry, Mrs. Lerkana. Magshe-share na po kami ng book and for you, Lilian, keep all your comments to yourself," sabi ni Vienna tsaka umirap.
"Ahem... Let's go back to our discussion," Mrs. Lerkana said.
I'm watching her from here, and it's really interesting since she's not listening at all. Base sa nakikita ko, sinosolve na niya yung exercises para sa next week's lesson namin.
"Matunaw." I looked at Ovi, who was smirking at me. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik sa tinitingnan ko. At least, I found a new mystery.