2: Deep Slumber

1060 Words
Chaos Zaron Calloway's POV "Calling the attention of Alpha Rosa, please come to the office. Calling the attention of Alpha Rosa, please come to the office." Sinara ko yung libro ko pagkarinig ng boses ni Sir Rocco sa intercom. "Sa wakas, may case na tayo pero sobrang aga pa. Ala-singko pa lang oh!" sabi ni Vito tsaka nilabas yung camera niya sa bag. Inuna niya yung camera niya kasya magpalit ng damit. "Let's go." sabi ko tsaka naunang lumabas. Maaga akong nagigising kaya naka-ayos na ko, si Ovi naman kakagising lang kaya parehas silang nag-ayos muna ng madalian ni Vito. Mabilis kaming naglakad hangang sa nakarating kami sa office ni Mr. Rocco. Siya ang adviser ng Alpha Rosa at siya lang din ang may lakas ng loob na gamitin ang intercom ng ganito kaaga. "Halata naman siguro na may kaso kayo kaya ko kayo pinatawag?" sabi niya tsaka naglakad papuntang pinto. Sinusundan namin siya habang nagsasalita. "One of your classmates was found dead by her roommate about ten minutes ago," sabi niya. "Girls dorm here we are." nakangising sabi ni Ovi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Here comes the womanizer. "Sino sa kanila?" tanong ni Vito. He's testing his camera while walking. Hindi ba halata, hindi kami close mga kaklase namin. "Romiro." sabi ni Sir Rocco kaya tinignan namin ni Vito si Ovi. He didn't say anything kaya hinayaan na namin. Pag dating namin doon, iilan na lang yung nasa labas ng room ni Romiro at ng roommate niya. "Alpha Rosa, this is Ms. Graze Salasar, Romiro's roommate." pakilala ni Sir Rocco kaya tumango ako. Hindi namin siya kaklase kaya hindi ko siya kilala. May kasama pa siyang dalawang lalake pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko eh yung transferee na nakapajama pa at may dalang teddy bear. Pumupungay pa yung mata niya kaya mukhang kakagising niya lang, katabi din niya si Vienna na nakapangtulog din pero kumpara sa pantulog nung transferee mas maiksi yung kanya. That's nighties. Pumasok naman kami sa loob ng kwarto at doon namin nadatnan si Officer Saturna at yung team niya. Kumuha agad ng pictures si Vito kaya lumapit na ako sa bangkay. Nasa sofa ito at may sasak sa may puso. "Oh my..." rinig kong bulong ni Vienna tsaka tumalikod pagkakita kay Romiro. Kabaliktaran naman ang ginawa nung transferee, tinitigan niya yung duguang bangkay ni Romiro. "Suspect ba kayong dalawa? Bakit kayo nandito sa loob? Naiwan sa labas sila Ms. Salazar ah." sabi ni Vito tsaka pinatabi yung dalawa at kumuha ng pictures ni Romiro. "No were not. Sinundan ko lang si Cerys." sabi ni Vienna kaya tinignan ko yung transferee. Yeah, Cerys is not a transferee. Normally, hindi ko tinatawag sa pangalan yung mga kakilala ko, but I'll make her an exception since she's interesting. "Sinundan ko kayo." sabi niya tsaka mahigpit na niyakap yung teddy bear niya at lumapit kay Ramiro. Hinawakan niya yung kamay nito kaya binuhat ko siya sa may bewang niya at inilayo siya doon. Para siyang batang bigla na lang nanghahawak ng kung anong magustuhan niya. Crime scenes are not for kids. "Rigor Mortis. It's already stiff. Probably, she died about an hour or two." sabi niya kaya napahinto kaming lahat. "Cerys, I said, stay away from crime scenes! Hindi kita napansin kanina. Lumabas ka na." sabi ni Officer Saturna tsaka hinatak palabas si Cerys. Sumunod naman si Vienna kaya naiwan kami dito sa loob. "She's weird." sabi ni Ovi tsaka hinawakan si Romiro sa kamay. "but she's actually correct. She probably died in about an hour or two." dagdag pa niya. "Ow that's Cerys? Ang laki na niya ah. Parang kailan lang ah." sabi ni Sir Rocco tsaka tinignan si Romiro. Maybe I'll ask him about that later. "Base sa itsura niya, mukhang hindi siya lumaban. This stab may be the reason of her death." sabi ko tsaka naglibot sa buong kwarto. "Who are those people outside? If si Ms. Salazar yung roommate niya, siya ba yung nakakita?" tanong ko pero umiling si Sir Rocco. Sinenyasan niya si Officer Saturna kaya lumapit ito sa amin. "Sino daw ang nakakita?" "It's Den Hamiento, her boyfriend," sabi ni Officer Saturna. Boyfriend? "Ow. Ang bilis naman akong napalitan." sabi ni Ovi tsaka medyo natawa. "Bakit siya nandito sa girls dorm?" tanong ko. "Better ask them. Papapasukin ko. Ilalabas na din namin yung katawan ni Ms. Romiro para ma-Autopsy na." sabi ni Officer Saturna tsaka lumabas. Maya-maya pa, pumasok na nga yung tatlo. Si Ms. Salazar at yung dalawa pang lalake. "Mind to introduce yourself?" tanong ko tsaka sila nagkatinginan. "I'm Graze Salasar, roommate ako ni Lilian." Nanginginig siya habang nakayakap dun sa isang lalake. Probably her boyfriend. "At sinong nakakita sa bangkay?" tanong ni Ovi. "It's me. I'm her current boyfriend, Den Hamiento." sabi niya. "Current?" tanong ni Vito. "Current. Alam ng lahat na papalit palit siya ng boyfriend. The truth is, parang fling lang din kami. Nagpunta lang ako dito kasi may usapan kami na magkikita ng eksaktong ala-singko." sabi niya kaya napatango ako. No wonder naging sila ni Ovi. "Eh ikaw?" tanong ni Vito sa nakayakap kay Salasar. "Boyfriend ako ni Graze. Robert Crus Hinatid ko siya dito sa dorm nila kaya lang nung pababa na ko, narinig ko na sumigaw si Graze kaya bumalik ako at doon ko na nadatnan si Den at Graze." sabi niya kaya napatango ako. "You're saying na magkasama kayo ni Salasar?" tanong ko tsaka siya tumango. "Oo. Buong gabi kami magkasama." sagot niya. "Buong gabi huh? Anong ginawa niyo?" tanong ni Ovi. Obviously, nang-iinis lang siya. "Do you need to ask that?" namumulang tanong ni Salasar. "Where are you around 3 or 4 a.m.?" tanong ko naman kay Hamiento. "Nasa dorm ako." sagot niya. "Any witness?" tanong ko naman. "Wala. Wala akong kasama ngayon sa dorm dahil umuwi sa kanila si Regi." sagot nito. So basically, siya ang walang matibay na alibi, but those two are still suspicious. "Go to your rooms for now. Kami na munang bahala, just don't go outside the school premises." sabi ni Sir Rocco kaya naiwan kami dito. "Maybe you should go to your room too. Magpalit na kayo. Let's wait for the autopsy report and AFIS. Baka may fingerprint na makita sa murder weapon." sabi ni Sir Rocco kaya tumango kami at lumabas. Paglabas namin, nakita namin si Officer Saturna na mukhang sinesermunan si Cerys.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD