2: Deep Slumber(Part 2)

1286 Words
Chaos Zaron Calloway's POV "Officer!" tawag ni Ovi kay Officer Saturna tsaka ito inakbayan. "Any business with our transferee?" siniko naman siya ni Officer Saturna kaya napabitaw ito. "Don't you make a move on my sister, Ovi." sabi ni Officer Saturna tsaka ulit hinarap si Cerys. "Stay away from crime scenes." sabi ulit nito tsaka umalis. Magkapatid sila ni Officer Saturna pero di sila magkamukha. "Tara na Cerys. It's almost seven. May klase pa tayo." sabi ni Vienna tsaka hinatak si Cerys. "Cute pa naman yung transferee. Oh well, tara na?" sabi ni Ovi tsaka naunang lumakad. "Cute? Weird kaya siya." sabi naman ni Vito. Naligo ako ulit at nagpalit ng uniform dahil ayokong nangangamoy dugo bago pumunta sa office ni Sir Rocco para sa report. Iniwan ko na si Vito at Ovi dahil ang bagal nila. Pagkakuha ng report, dumeretsyo ako sa room namin. "Nakuha mo yung report?" tanong ni Ovi kaya tumango ako. "Shhh... Prayer daw to para kay Lilian. Wag kayong mainggay." bulong ni Vito. After ng prayer, lumabas din si Mr. Guevarra para daw sa meeting kaya hinarap ko na yung dalawa. "Walang finger prints na naiwan sa murder weapon." sabi ko tsaka pinakita yung resulta ng report. "Sleeping pills? So kaya hindi siya nanglaban kasi tulog na siya nung sinaksak siya." That is Ovi. Tumango naman ako tsaka tumayo. Pupunta na lang ako ulit sa crime scene. "Sama ko. Girls dorm here we are." sabi ni Ovi kaya napailing ako. Pag dating namin doon, nakita namin si Cerys na nakatingin sa sofa kung saan namatay si Romiro. Hawak na naman niya yung teddybear niya. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya kami tsaka niyakap yung teddy bear na hawak niya at sumenyas na tumahimik kami. "If Vivi finds out that I'm here, I'll be in trouble," sabi niya. "Bakit ka ba nandito?" tanong ni Vito na tinagalog lang yung tanong ko kanina. "Investigating?" patanong na sagot niya bago humakbang palapit sa amin. "I'm curious." dagdag pa niya. "Curiosity kills the cat." sabi ko sa kanya habang naghahanap ako ng clue dito sa loob. Nag-iikot din sina Vito at Ovi. "I'm not a cat so I'm safe." sabi niya kaya napangisi ako tsaka siya nilingon. Now that's stubbornness. "According to the autopsy report, pinainom daw si Romiro ng sleeping pills bago siya pinatay kaya malamang tulog ito ng mga panahong sinaksak siya kaya walang nagulong gamit o panlalaban na nangyari." sabi ko tsaka lumapit sa sofa. "Wala ding nakitang fingerprints sa murder weapon. Mukhang pinagplanuhan, may tatlong suspek akong naiisip. Si Salasar, yung roommate ng biktima. Si Hamiento na boyfriend ni Romiro at si Crus na boyfriend ni Salasar." sabi ko pa. I don't know why I'm telling her about this information, but I think it will be helpful. "Vito." tawag ko kay Vito tsaka siya lumapit. "Tell her everything we gathered about those three." sabi ko tsaka naglibot. "Bakit ako?" tanong niya. "Just do it." sabi ko tsaka lumipat sa may kama ng biktima. "Ano pang gusto mong malaman?" tanong ni Vito pagkasabi ng lahat kay Cerys. "Walang kakaiba sa kusina. Malinis maliban dun sa tatlong canned juice na nasa ilalim ng lababo na di man lang inayos ang pagkakatapon sa basurahan. Girls are girls." sabi ni Ovi na di ko masyadong pinansin. "I think it's weird. Nakakapagtaka, sakto na wala si Graze nung nangyari yung krimen. Kung Ala-singko pa ang usapan nila Hamiento, ibig sabihin may tyansa na hindi niya inaasahang walang kasama si Lilian." sabi niya kaya napahinto kaming tatlo. May punto siya. "If that's the case, ang nakakaalam lang na walang kasama si Lilian eh si Graze at si Robert." sabi ni Vito. "Pero magkasama daw silang dalawa? Edi magkasabwat sila?" tanong ni Ovi kaya napa-iling ako. I got it. "No. Vito, call those three and Sir Rocco. We will catch the culprit." sabi ko tsaka siya tumango at lumabas na sinundan ni Cerys. "Hey, where are you going?" tanong ko. "Room. I'm 100% sure na pupunta din si Saturna dito. I need to hide." sabi niya tsaka tuluyang umalis. Pfftt... "Ow. Type mo, Chaos?" tanong ni Ovi kaya sinikmuraan ko ito. I'm not interested in those kinds of things. I'm interested in her way of thinking. Wala pang-limang minuto, dumating din silang lahat dito sa loob ng room. Kagaya nga ng sabi ni Cerys, nandito din si Officer Saturna which is rare. Madalas, hindi na siya nagpupunta. "Bakit niyo kami pinatawag?" tanong ni Hamiento. "To tell you a story about this case," sagot ko. "Can you make it faster? Natatakot lang si Graze dito." sabi ni Crus. "Sure. Mapapabilis ang lahat kung aamin ka na." sabi ko tsaka siya nanahimik saglit at natawa. "Anong sinasabi mong aamin ako? Ako ba ang pinagbibintangan mo?" pasigaw na sagot niya. "Pinagbibintangan? I am 100% sure." sabi ko na ginaya yung 100% na sinabi ni Cerys kanina. The truth is, I'm not that sure. I don't have any evidence, but if I can set things up, aamin ng kusa ang killer. All we have are those canned juice for evidence. "Nahihibang ka na? Magkasama kami ni Graze buong gabi." sabi nito. That's what makes you suspicious. "Ms. Salasar, don't tell us hindi ka nakatulog kagabi pagkatapos ng ginawa niyo?" I said teasing her. Namula naman ito. "Nakatulog pero parehas na kaming tulog nun!" sabi niya kaya napangisi na naman ako. "I see. Alam mo bang pinainom ng sleeping pills si Ms. Romiro bago siya pinatay. No wonder, hindi siya nagising ng bumalik si Mr. Crus. Being a gentleman, sinundo ka niya dito kagabi kaya pinapasok niyo siya ni Ms. Romiro. Siguro may dala siyang maiinom, probably canned juice. May mga sleeping pills na gumagana after 30 minutes at mukhang nakatulog si Ms. Romiro sa sofa samantalang si Ms. Salasar kasama mo hangang madaling araw." sabi ko tsaka lumapit sa kusina at kinuha yung tatlong lata ng canned juice. "Iniwan mo si Ms. Salasar nung nakatulog na siya tsaka madaliang pinatay si Ms. Romiro. Madali na lang yun dahil nga tulog ito. Madali ding kunin yung susi kay Salasar. Dahil walang nakitang finger prints sa murder weapon, mukhang gumamit ka ng gwantes o kaya naman panyo pero sigurado namang di mo yon maidedespose ng mabilis dahil unang una sa lahat hindi kayo pinalabas ng school. Pangalawa, palagi mong kasama si Ms. Salasar simula pa kagabi kaya wala kang oras para itapon o sunugin to ng maayos maliban nalang kung kasabwat mo si Ms. Salasar." sabi ko tsaka siya napaatras. "Kung nag-kataon, pwede naman nating ipa-test tong canned juice. Kapag may napatunayan, pwede na kayong magsama sa kulu..." hindi pa ko natatapos magsalita nang umamin siya. "Oo na. Ako na ang pumatay sa kanya! Ako lang. Naiintindihan mo ba? Ako lang, walang kinalaman dito si Graze. Ako lang. Tama lang yun sa kanya. Makasarili siya, naging kami noong nakaraang buwan tapos hiniwalayan niya ko dahil lang sa nakahanap na siya ng iba. Ngayong nagkalapit na kami ni Graze tsaka naman siya nanakot na ikakalat sa buong school ang s*x video namin! Masisira ako hindi lang sa buong school kundi pati kay Graze!" sigaw niya tsaka napaluhod. "Siraulo ka ba? Alam ng lahat na ganun ang ugali ni Lilian. Hindi pa rin sapat yun para patayin mo siya." sabi ni Hamiento. Hinayaan ko na sina Officer Saturna na hulihin si Crus. Mabuti na lang at umamin siya dahil wala akong matibay na ebidensya. "That was cool." sabi ni Vito habang naglalakad kami palabas ng kwartong yun. Babalik na muna kami sa klase. "Maganda pa naman si Lilian. Now she will be sleeping forever. That would be a deep slumber. Right?" tanong ni Ovi kaya tumango ako. Sleeping and Death, huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD