Takira Cerys Ashben's POV
"Cerys, please! Pretty please!" kanina pa pumupungay-pungay yung mga mata ni Vivi. Nakaupo kami ngayon sa may sa gitna ng klase pero walang teacher. Ang sabi eh wala daw si Mrs. Luna na teacher namin sa English. Pangatlong araw na niyang absent kaya medyo maingay na yung buong klase. Hindi ko naman siya inimik tsaka sinubsob yung ulo ko kay Sedi.
"Cerys please! Ayokong ipasa sa iba yung korona ko. Sayo lang pwede kaya sumali ka na!" ang lakas ng boses niya kaya ramdam ko yung pagtingin nung iba sa akin. Lalo kong sinubsob yung ulo ko kay Sedi. Kahapon pa niya pinagpipilitan na sumali ako sa Miss Alpha of Athens dahil siya ang nanalo last year at ayaw pa niyang i-surrender yung korona niya.
"Ok fine. Eto lang yung request ko eh, sige wag na." sabi ni Vivi kaya inangat ko yung tingin ko sa kanya. She's mad.
"Vivi..." tawag ko sa kanya pero hindi niya ko nilingon. Nakataas yung kanang kilay niya na nakatingin sa harapan.
"Sedi, galit sa akin si Vivi." sabi ko kay Sedi na hindi naman sumagot. Napabuntong hininga na lang ako tsaka kumuha ng papel at nagsulat.
"Sasali na ko." pagkasulat ko nun ay nilapag ko na sa desk ni Vivi yung maliit na papel tsaka tumayo at lumabas. Narinig ko pa yung pagsigaw niya ng "Yes!" bago ko sinara yung pinto.
"Tuso si Vivi, Sedi. Nagtamputampuhan na naman siya." sabi ko kay Sedi tsaka lumukad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naisipan ko na lang mag-ikot ikot dito sa building.
"Sedi sa tingin ko kaya ako tinitignan nung Alpha Rosa lalo na nung Chaos ay dahil sa pangingialam ko sa nangyari kay Lilian. Dapat ata di na ko nakialam." bulong ko kay Sedi na yakap-yakap ko. Nasanay na kong kausapin si Sedi dahil wala naman akong nakakausap dati. Nagtuloy lang ako sa paglalakad hangang sa mapahinto ako sa tapat ng Maintenance room. May naririnig kasi akong kakaiba kaya napahinto ako.
"Hisss... hissss..."
Nilapit ko pa yung tenga ko sa may pinto.
"hisss... hisss..." napaatras pa ko ng unti tsaka hinigpitan yung yakap kay Sedi. Dahan dahan kong binuksan yung pinto na naisara ko din agad. Napaupo ako sa lapag habang nakayakap kay Sedi. Mabilisan lang yun pero sigurado ako sa nakita ko.
"Si Mrs. Luna." sabi ko tsaka napalunok. Noong nakakita ko ang bangkay ni Lilian noon medyo nagpanic din ako pero hindi ko pinakita kasi may ibang tao. Pinilit kong tumayo tsaka mabilis na naglakad papunta sa classroom. May teacher na kami pero derederetsyo akong naglakad papunta dun sa mga nakaupo sa likuran ko sa last row.
"Si..." hinihigal pa ko kaya niyakap ko ng mahigpit si Sedi at huminga ng malalim. "Si Mrs. Luna, nasa may maintenace room siya kasama ng mga Death Adder, I mean snakes." sabi ko tsaka tumahimik yung buong klase.
"Mrs. Lerkana, please excuse us." sabi naman nung Chaos tsaka tumayo at hinatak ako palabas ng room, kasunod namin yung dalawa niyang kaibigan tsaka si Vivi. Mabilisan kaming nakarating sa maintenance room at bubuksan na sana niya iyon kaya hinarangan ko yung pinto.
"Those are Death Adders. They are poisonous and it's not just one. I think it's more than a dozen so please asks for sleeping gas or something. It's risky." sabi ko na hinihingal pa. Mukha namang na-gets niya kasi lumayo siya sa pinto.
"Vito, tawagin mo si Sir Rocco." sabi ni Chaos tsaka tumakbo paalis si Vito.
"Cerys tara na. Sila na ang bahala dito." sabi ni Vivi kaya tumango ako at aalis na sana nang magsalita si Chaos.
"You need to stay here. Ikaw ang nakakita kay Mrs. Luna." sabi niya kaya napahigpit na naman yung yakap ko kay Sedi tsaka tumango.
"But.."
"Ok lang Vivi." sabi ko tsaka sumandal sa may dingding. Naririnig ko pa yung mahinang paghiss nung mga ahas sa loob kaya kinikilabutan ako. Mga ilang minuto lang, dumating na si Sir Rocco na may dalang sleeping gas. So may stock sila niyan dito sa school? Mabuti na lang pala hiningi ko kay Saturna yung listahan ng mga teachers.
"Lahat kayo sa may likod ng pinto. Ihahagis ko sa loob to kaya mabilisan lang." sabi ni Sir Rocco kaya sumunod kami.
"I'll count up to three." sabi niya tsaka kami umayos. Nakakapit pa sa akin si Vivi kaya umayos ako at nagkunwaring hindi kinakabahan. Sana di niya maramdaman yung panginginig ko.
"One."
"Two."
"Three."
Mabilis na binuksan at sinara ni Sir yung pinto. Narinig pa namin yung pagsingaw nung sleeping gas sa loob kaya kanya kanya kami ng takip sa ilong at baka sakaling may mag-leak na sleeping gas. Mga five minutes siguro nang wala na kong marining na "hiss".
"I think it's fine." sabi ni Ovi tsaka niya binuksan yung pinto. Halos bumaliktad yung sikmura ko pagkakita kay Mrs. Luna. Nawala lahat ng inipon kong lakas ng loob tsaka napaupo at sinubsob yung ulo kay Sedi.
"Oh my..." rinig kong bulong ni Vivi tsaka tumalikod.
"This is... crap!" rinig ko namang sabi ni Ovi. Wala pa kong naririnig na humahakbang kaya malamang wala pang pumapasok sa loob. Iba talaga kapag natitigan mo na. Huminga ako ng malalim tsaka tumayo at tinignan yung loob. Nagkalat yung mga walang malay na ahas samantalang nasa upuan si Mrs. Luna, may mga ahas na nasa katawan niya habang kitang kita yung mga kagat na may mga umagos pang dugo. Meron pa ngang ahas na sinubo yung kanang kamay niya.
"I can't take this." sabi ni Vivi tsaka ako hinatak at umaaktong nasusuka.
"No Vivi. We need to help her." sabi ko tsaka inalis yung kapit niya.
"Help her? Patay na siya Cerys!" naghihisterical na si Vivi kaya natahimik ako saglit. Pumasok naman sila Chaos tsaka kumuha ng sako, mabuti na rin at Maintenance room to kaya may mga sako at gwantes dito.
"We need to make sure to keep those snakes. Papunta na dito sila Officer Saturna." sabi ni Sir Rocco tsaka dinampot yung isang ahas at nilagyan ng tape yung bibig. Maingat nila yung kinarga sa sako para siguro ibigay sa mga experto.
"Those are Death Adders. The thing is wala niyan dito sa Pilipinas, those snakes can be found in Austria and New Guinea. They look like vipers since they both have triangular shape heads and it's venom is a neurotoxin. They usually inject around 40-100 mg of venom which may cause paralysis and death for around six hours. Those snakes are considered as one of the worlds most venomous snake so I wonder what are they doing here." sabi ko habang naglalakad papasok. Those snakes... pano sila napunta yan dito? They might be imported.
"Woah! How did you know those things?" tanong ni Ovi. Tinignan ko naman siya habang hawak hawak yung Death Adder.
"From books." sabi ko tsaka lumibot. Iniiwasan kong tignan si Mrs. Luna pero balewala din kasi tumatak na sa isip ko yung itsura niya. I guess I'll be spending sleepless nights for a week or two.
"Mukhang eto ang dahilan kung bakit hindi pumapasok si Mrs. Luna." sabi ni Vito habang kumukuha ng pictures. Ginala ko yung paningin ko sa buong maintenance room, maliit lang to at madaming nakalagay na panlinis pero ang umagaw sa attensyon ko eh yung cellphone na nakasandal patalikod sa isa sa mga kabinet.
"Chaos." tawag ko kay Chaos. Tinuro ko naman yung cellphone pagkalingon niya kaya lumapit siya sa akin.
"I think this is essential." sabi niya pa. Kinuha niya yung cellphone gamit yung gwantes tsaka nilagay sa isang plastic.
"Sa pwesto niyan, mukhang sinadya yan para kumuha ng video." sabi ni Vito. Sakto namang pagkasabi niya nun, pumasok si Saturna kaya inangat ko si Sedi at pinangtakip sa mukha ko.
"Takira Cerys Ashben! Go back to your dorm." seryosong sabi niya. Now she's mad. Naramdaman ko naman na hinatak ako ni Vivi palabas.
"Tara na. We can't let your sister mad like that." sabi ni Vivi habang hatak hatak ako. Yakap yakap ko si Sedi gamit yung kanang kamay ko habang yung kaliwang kamay ko yung hawak ni Vivi.
"I'm sorry Vivi." Kaya naman na siguro ng Alpha Rosa yung nangyari tsaka nanginginig na yung kamay ni Vivi.
Chaos Zaron Calloway's POV
Nakatingin kaming lahat sa pinto kung saan lumabas sina Cerys at Vienna.
"We will talk about this later. How's the case?" tanong ni Officer Saturna.
"We will check this cellphone. I think si Mrs. Luna ang nagset-up nito." sabi ko tsaka lumabas. Sumunod sa akin sina Vito at Ovi kaya dumeretsyo kami sa Club Room. Mukhang aayusin pa nila Sir Rocco yung crime scene kaya hinayaan ko na lang.
"Mukhang prinsesa ni Officer Saturna yung crush mo, Chaos. Mahihirapan ka." sabi ni Ovi pagkaupo niya. Here he goes again. Ilang araw na niyang pinipilit ang kalokohang yan.
"Stop it idiot." Crush? Crush isn't my thing. Umupo na din ako tsaka chinarge yung cellphone. Mukha ngang iniwan to ni Mrs. Luna dahil walang password yung cellphone.
"Get your notebook, Vito." sabi ko tsaka siya tumayo at kinuha yung investigation notebook niya at ballpen.
"I'm ready." sabi niya kaya una kong binuksan yung sms niya. Walang messages. Sinunod ko yung pictures at wala namang kakaiba doon. Tinignan ko din yung call log niya at meron lang tatlong tao na tumawag sa kanya three days ago.
"List these name and number." sabi ko sabay abot nung cellphone sa kanya. Sinunod namin yung video at di nga kami nagkamali. May isang nakasave na video, yun yung pagpasok ni Mrs. Luna sa Maintenance room. Inaayos niya yung camera tsaka parang may inaantay, mga apat na minuto nung may dumating na tao. Hindi ko makita kung babae bato o lalake dahil sa balot na balot to ng jacket at nakasumbrero pa pero mas matangkad to kay Mrs. Luna, probably 5'4 or 5'5. May pinagtatalunan sila pero hindi naman namin marinig.
"Probably the killer." sabi ni Ovi kaya tumango ako. Maya-maya, inabutan niya ng kahon si Mrs. Luna tsaka ito iniwan. Binuksan naman ni Mrs. Luna yung kahon at dun lumabas yung isang Death Adder na lumingkis sa kanya. Nanlalaban pa si Mrs. Luna pero mga ilang minuto lang din eh di na siya nakagalaw. Bumukas ulit yung pinto tsaka naglapag yung kausap ni Mrs. Luna ng sako na may mga ahas. Itinumba niya yun tsaka mabilis na hinatak yung sako at sinara yung pinto. Kitang kita sa video paano siya pagpyestahan ng mga ahas.
"So that's what happen. Possibleng isa sa mga huling tumawag kay Mrs. Luna ang kausap niya dito na siyang may dala ng ahas." sabi ni Ovi. That's possible. Sinet si Mrs. Luna yung camera kasi alam niya delikado ang kausap niya.
"Find those three, Ovi. Vito checked Mrs. Luna's background. " sabi ko tsaka tumayo. Babalik muna ako sa crime scene.
"Chaos." huminto ako tsaka hinarap si Officer Saturna.
"Yes officer?" tanong ko.
"Listen, I'll go straight to the point." sabi ni Officer Saturna kaya sumeryoso ako. I guess it's about her sister.
"Please do not involve my sister on any case." sabi niya. See?
"It's not like I'm involving her, she's involving herself." sagot ko.
"I know. Whichever it is, I don't care. Just make her out of any crime scene. Your exceptionally smart so I know you understand." sabi niya kaya tumango ako.
"I understand that she is different. She can easily identify the body's condition through science, she calculated things and I really wonder how she knew about those snakes." sabi ko. Probably because she's a genius or something.
"Her I.Q. is above 140, psychiatrists said that it may be around hundred fifty or hundred sixty. She do have photographic memory and I know that those traumatic images such as Mrs. Luna's death will remain forever please, stop her from entering any crime scenes." seryosong sabi niya kaya napatango ako. That's it. "The reason why she doesn't want her to involve her sister.
"I understand." sabi ko tsaka siya nilagpasan. Remembering those things forever? That cruel image with Death Adders...