4: Death Adder 2

1823 Words
Chaos Zaron Calloway's POV Sh*t... this is unexpected. Tumatakbo kaming tatlo ngayon papunta sa 4th floor. Pinatabi namin lahat ng estudyante tsaka pumasok sa C.R. ng mga lalake. "He died with five bites. Sinurrender na nila Officer Saturna yung tatlong ahas. Similar with Mrs. Luna's case. Death Adders din ang pumatay kay Mr. Kortel." sabi ni Sir Rocco na naiiling. Mr. Kortel is one of our primary suspects. Nawala lang siya saglit sa paningin namin, ganito na ang nangyari. "I think this is a letter for us." sabi naman ni Vito sabay abot sa akin ng isang papel. May nakaprint doon at talagang nakapangalan pa sa amin. "Stop investigating about this, Alpha Rosa. What I did is just right for them." "Is this a warning? May susunod pa ba?" tanong ni Ovi kaya nailing ako. Hinarap ko si Sir Rocco. How can he/she send us such a warning? I will never back off on a case. "Sir, kindly call those two other suspects, something is wrong about this." sabi ko tsaka naglakad papuntang club room. Kilala ang grupo namin sa pagsolve ng kaso hindi lang dito sa Academy kundi pati sa labas. This is the first time na dalawang magkakasunod ang patayang nangyari dito sa loob ng academy. It's not like it's normal. Madalas, outside case ang sinosolve namin, wala namang madalas na p*****n sa loob ng school. This actually the first time and both are teachers. "F*ck..." inis na sabi ko tsaka ginulo yung buhok ko. Plano naming ituloy ang imbestigasyon ngayon pero naunahan kami ng killer. Dalawa na lang sila pero parang may mali, is it possible na isa sa kanila yung killer o lahat sila possible victim? "I want to help." napatayo ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Cerys... "No, you can't. Stay out of my case." sabi ko tsaka umupo ulit at tinignan yung pictures ng mga suspect na kakalabas ko lang. Si Mr. Juno Luna, asawa siya ni Mrs. Luna at ang sabi tinawagan siya nito three days ago para sabihing malelate siya ng uwi. Wala siyang kasama sa bahay ng mga panahong yun dahil wala naman silang anak. Wala din siyang matinong alibi. Si Ms. Shiera Castillo naman eh Co-teacher ni Mrs. Luna, teacher siya sa Filipino ng Grade 7 at umabsent din siya ng dalawang araw dahil sa nagkasakit siya. Wala naman siyang kasama at nanatili lang sa bahay kaya wala ding matibay na ebidensya. Yung huli eh yung namatay kanina, si Mr. Ervin Kortel na Co-teacher din ni Mrs. Luna. Teacher naman siya sa P.E. ng Grade 8. Hindi kagaya ng iba, pumapasok siya two days ago. "Alam mo ba kung bakit Death Adder ang tawag sa mga ahas na yun?" umayos ako ng upo tsaka hinarap si Cerys. Yakap na naman niya yung Teddy bear niya habang nakatingin sa picture ng mga suspect. "They are named Death Adder since they usually attack other snakes." sabi niya. So ahas sa ahas? I stop for a moment, ahas sa ahas? They deserve them? Don't tell me... So may trinaydor silang apat? "Chaos." napalingon naman kaming dalawa kina Vito na kasama sina Mr. Luna at Ms. Castillo. "Bakit namatay si Ervin?" tanong ni Ms. Castillo kaya tinitigan ko silang dalawa ni Mr. Luna. "Ms. Castillo, Mr. Luna, please take you seat." sabi ko tsaka sinenyasan si Vito na isara yung pinto. Naintindihan naman niya agad kaya sinara niya yung pinto. Wala si Ovi dito kaya malamang eh kasama siya ni Sir Rocco sa paghahanap ng clue. "We found a letter saying that you two will be the next target." pagsisinungaling ko. Nakita ko naman na mas lalo silang natakot. "What? Wala akong kinalaman dito! Namatay na nga ang asawa ko tapos pati ba naman ako." sabi ni Mr. Luna tsaka tumayo. Tumayo din ako tsaka hinampas yung lamesa. I need to put some act with these two. May hindi sila sinasabi sa amin. Alam ni Mrs. Luna na delikado ang buhay niya kaya siya nag-set up ng camera. It is possible na may alam din sila. "Listen. It's not us who will going to die so better tell us what happen between the four of you." sabi ko na nagpaupo kay Mr. Luna. "Fine then. I don't want to die but make sure that this will be our secret." sabi ni Ms. Castillo kaya tumango ako. Umupo naman si Vito sa tabi ko kaya nilingon ko si Cerys. "You are out of my case." sabi ko para paalisin siya. Delikado ang kasong to. Dalawa na ang napapatay ng killer, hindi mahirap pumatay ng isang studyante. "It's their case, not yours." sabi niya kaya napakunot ang noo ko at tumayo. Mas matangkad ako sa kanya kaya tumimgala siya para maiangat yung tingin niya. Yumuko naman ako ng kaunti. "Whether it's mine or not, your out of this case." sabi ko. Nakita ko naman na humigpit yung yakap niya sa dalang teddy bear bago sumagot ng seryoso. "Whether you agree or not, I'm staying." sabi niya kaya napa-singhap ako. Such a stubborn brat! "I'll count up to three, get out by yourself before I drag you out." banta ko. "Count until ten or twenty. I'll stay." sabi niya kaya tinalikuran ko na lang siya at umupo. "Fine then, suit yourself. Hindi ko kasalanan kapag napahamak ka." sabi ko nang hindi siya tinitignan. Umupo naman siya sa may gilid kaya nailing na lang ako at tinignan sina Ms. Castillo at Mr. Luna. "What happen between the four of you?" tanong ko sa kanilang dalawa. "The truth is, Agatha (Mrs. Luna), Juno (Mr. Luna), Ervin (Mr. Kortel) and I are all drug dealers." napaayos ako ng upo sa narinig ko. Drugs? "Bago mawala ang asawa ko, tumawag siya sa akin at sinabing makikipagkita siya kay Adder B. Siya yung supplier namin ng drugs, hindi namin alam kung anong itsura o number niya, madalas kasi nakikipag-usap siya sa amin through e-mail o di kaya eh nagpapadala siya ng sulat." sabi ni Mr. Luna. Tama nga ko kung ganun. Hindi lang sila ang involve sa kasong to. "Any idea why did Adder B killed your wife, Mr. Luna?" tanong ko tsaka yumuko. "We lied, hinati hati namin yung malaking pera na dapat ay ibibigay sa kanya." sabi niya. "Pero hindi lang iyon yun! Kaya siya nagalit kasi sinubukan naming kumawala. Natatakot na kasi kami sa kanya ni Agatha, minsan nagsesend siya ng picture habang nasa trabaho kami o di kaya eh nasa labas kami para mamasyal. Kontrolado niya ang galaw namin kaya naisipan ni Agatha na magsend sa kanya ng e-mail na bumibitaw na kami." sabi ni Ms. Castillo. "What? Bakit walang nasabi sa akin si Agatha?" pasigaw na tanong ni Mr. Luna. "Wait. Walang nasabi si Mrs. Luna so ibig sabihin wala kang natatangap na pictures o sulat Mr. Luna?" tanong ko tsaka sila sabay na tumingin sa akin. "Wala. Yun ay dahil sa hindi naman ako lumalabas ng madalas sa bahay. Home-based tutorial ang trabaho ko." sabi niya kaya napatango ako. "May iba pa ba kayong alam tungkol kay Adder B?" tanong ni Vito na abala sa pagsususlat. Vito is responsible for our reports, si Ovi naman eh sa pagkuha ng information kaya madalas si Vito ang kasama ko. "Wala. Hindi namin alam kung lalake siya o babae. Kapag tinatanong namin yung iba't ibang bata na inuutusan niya, iba-iba din ang sinasabi nila. Minsan babae o di kaya eh lalake." sabi niya kaya napatango ako. "May iba pa ba kayong sasabihin?" tanong ko. "Wala na. Yun lang talaga ang alam namin." sabi ni Ms. Castillo. Nilingon ko naman si Vito. So all we need to do is to guard them and look for that Adder B. "Samahan mo muna sila sa labas. Sabihin mo na din kay Sir Rocco na kailangan nila ng poteksyon. Susunod ako." sabi ko. "Sige. Ite-text na lang kita kung nasan kami. This case is exciting yet exhausting. Let's go oldies!" sabi ni Vito na nagpasimangot kina Ms. Castillo at Mr. Luna. Pagkalabas nila, nilingon ko si Cerys na nakaupo sa gilid. "Adder B, he must love those snakes." sabi niya tsaka may mga sinulat na pangalan sa papel. Tinitigan ko yun pagka-abot niya. Listahan ng pangalan ng ilang estudyante at teacher dito sa school. "Those are the names that I remembered. Nung bagong lipat ako dito, hiningi ko kay Saturna yung profile ng mga tao dito sa school. Lahat ng pangalan na yan may mga kinalaman sa ahas o di kaya eh may alagang ahas." sabi niya kaya napangisi ako. "Are you a detective or something?" tanong ko habang tinitignan isa-isa yung mga pangalan. "Do I need to be a detective?" tanong niya kaya nilingon ko siya. Nakapatong yung baba niya sa teddy bear niya kaya mukha siyang bata sa loob ng 17 year old na babae. "Nope. Why are you doing this? Naawa ka ba sa mga biktima?" tanong ko. Umiling naman siya bago sumagot ng seryoso. "I'm not doing this out of pity, I'm mad for them." sabi niya tsaka tumayo. Nagagalit siya para sa mga namatay? Napangisi ako sa naisip ko. "Well, that's an unexpected answer. You should talk with your sister if you still want to be mad for them." sabi ko tsaka lumabas. Takira Cerys Ashben's POV "Oh my GOSH! Papatayin mo ko sa takot Cerys! Saan ka ba nagpunta?" bungad sa akin ni Vivi pagkapasok ko ng dorm room namin. Kanselado lahat ng klase namin dahil sa nangyari kay Sir Ervin kaya siguro kanina pa nandito si Vivi. "Vivi, I want to be part of Alpha Rosa." sabi ko na nagpatulala sa kanya. Kung kasali ako sa Alpha Rosa, malaya kong makakatulong di ba? "Ahehe... Inaantok ka lang ata o baka gutom ka na? Ipagluluto ki..." "Seryoso ko." sabi ko kaya halos mabingi kaming dalawa ni Sedi sa reaksyon niya. "What are you saying? Nababaliw ka na ba? No, you can't! Hindi pwede. Pinapunta ka dito ni Saturna para maging normal na estudyante hindi maging detective." sabi niya o mas magandang sabihin na sigaw niya. "It's impossible for me to be normal. Magagamit ko pa ang utak ko sa pagtulong sa kanila kaya..." hindi pa ko tapos magsalita eh sumagot na siya. "Pwede mong gamitin yang utak mo sa... sa.... oo sa paggawa ng time machine! Kung ayaw mo ng time machine gumawa ka ng lumilipad na bike o kaya ng lumilipad na sa..." tinakpan ko na yung bibig niya gamit yung kanang kamay ko kasi wala ng lumalabas na matino sa bibig niya. Time machine? There are things we people must never play with and time is one of those. "People do forget how to think when their using too much emotion." sabi ko. Tinangal naman niya yung kamay ko tsaka pinatong yung dalawang kamay niya sa mga balikat ko. "Fine. Dahil matigas ang ulo mo, papayag lang ako kung isasali din ako sa Alpha Rosa." sabi niya kaya napatango na lang ako. At least pumayag siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD