5: Death Adder 3

2000 Words
Chaos Zaron Calloway's POV "Nasa kwarto na niya si Ms. Castillo." sabi ni Ovi tsaka naglapag ng kape sa harap ko. Nasa dorm kami ngayon kasama sila Mr. Luna at Ms. Castillo. "Saan tayo matutulog? Alangan namang magsiksikan tayo sa kwarto mo." sabi ni Vito. Sa kwarto ni Ovi natutulog si Mr. Luna kaya kwarto ko na lang ang bakante. "We don't have a choice." sabi ko tsaka inubos yung kape ko at tumayo. Papunta na sana ako ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto ng dorm namin. "Ako na magbubukas." sabi ni Ovi tsaka binuksan yung pinto at ang nakabusangot na mukha ni Vienna ang sumalubong sa amin. Nasa likod niya si Cerys na dala na naman yung teddy bear niya. "Ow... Ladies, what are you doing here?" nakangiting tanong ni Ovi. "Stop looking at me with those pervy eyes! Kadiri ka." sabi ni Vienna. "I told you, wear something covered." sabi ni Cerys sa likod niya. "Ehhh... Alangan namang matulog ako dito ng naka-uniform. Tsaka hindi ako sanay matulog ng hindi nakaganito. Minsan nga nakaundies lang ako matulog eh." sabi ni Vienna kaya nailing ako. "Stop talking about undies!" sigaw ni Vito na medyo namumula na. Vito is the youngest among the three of us mentally and physically. "Oh sorry." sabi ni Vienna tsaka umupo doon sa inuupuan ko kanina. "Why are you here?" tanong ko na nakatingin kay Cerys. May inabot siyang papel na agad ko namang binasa. "Sh*t... that man!" sabi ko tsaka tinignan si Cerys. Inaprobahan ni Sir Rocco to? He should at least ask me about this. "How did you become our member?" tanong ko sa kanya. Hinablot naman ni Ovi yung papel sa akin. "Club membership? Kasali na kayo sa Alpha Rosa?" tanong ni Vito. "Nakasulat diyan di ba? May pagtanong pang nalalaman eh." sabi ni Vienna. How did they do this within a day? Pano nila napapayag si Sir Rocco? "Cool. May babae na sa team." sabi ni Ovi kaya siya nasiko ni Vito. "Anong cool? Hindi ka ba nagtataka bakit sila nakapasok agad sa club?" tanong ni Vito kay Ovi na umiling lang. "Nakapasok ako kasi hindi ako papayag na sumali si Cerys sa Alpha Rosa ng siya lang mag-isa. Nakapasok si Cerys kasi si Cerys siya." sabi ni Vienna. I see. "Is this fine with your sister?" tanong ko kay Cerys. "Yes." sagot niya tsaka umupo sa tabi ni Vienna. Napatingin kaming lahat kay Ovi nang pumalakpak siya. "I got it. Welcome to the team!" sabi ni Ovi tsaka lumapit kay Vienna. Tinakip niya yung hawak ni Vito kanina na kumot kay Vienna. "First thing first, ibalot mo yan sa katawan mo at di ako tumatalo ng ka-team. Your giving me hard time you know." sabi naman ni Ovi kaya binalot ni Vivi yung sarili niya tsaka umirap. "Do you have any plan?" sabi ni Cerys kaya nagkatinginan kaming tatlo. "For now, we need to find something about Adder B." sabi ni Ovi tsaka nilapag sa lamesa yung mga pictures ng estudyante at teacher na nasa listahang binigay ni Cerys anim sila kaya plano naming palabasin ng kusa si Adder B. "I have a plan." sabi ni Cerys kaya nilingon namin siya. "What is it?" tanong ko. Nakatingin kaming lahat sa kanya kaya mukhang kinabahan siya. Napansin ko lang na humihigpit yung yakap niya sa teddy bear niya kapag kinakabahan siya. "To catch the snake, you need to have a bait." sabi niya na nagpaseryoso sa akin. I don't like this. That's against our principle and I don't think they can handle it. "Hindi pwedeng ipain ang kahit sino kina Ms. Castillo o Mr. Luna. Mahahalata sila." sabi ni Vito. "I know. I'll be the rat." sabi niya tsaka ngumiti. Napatayo kaming tatlo at halos sabay-sabay pang hinapas yung lamesa. That's unexpected. "That's impossible!" sabi ko. I'll never agree with that plan. "It's possible. Magse-send lang ako ng e-mail sa anim na yan para sabihing alam ko na siya si Adder B. If he/she is not Adder B they will just think that's its a prank but if he/she is that Adder B. I'm sure he/she will hunt me." sabi niya. Yeah, it may work but still a NO for me. "It's too risky. You can't be the bait." sabi ko. Tumayo naman siya tsaka tumingala at sinalubong ang tingin ko. Crap, she did this to me earlier. Her stubbornness. "Vivi can't be the bait. She'll pee out of fear. You and your friends can't be the bait, Adder B knows your group so I'll be the rat." sabi niya na deretsyong nakatingin sa akin. "I disagree." sabi ko na bahagyang nakayuko dahil may matangkad ako sa kanya. "You need to agree." sabi niya kaya naiinis ko siyang sinagot. "Why are you so persistent?" "Because I'm mad for them." sabi niya kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. "Just agree Chaos. Wala kang magagawa sa tigas ng ulo niyan. I also hate this but since she's Cerys, the best thing that I can do is to support her." sabi ni Vienna. Napaupo na lang ako sa inis. I can't believe this. "That's cool! The mighty Chaos is defeated." pang-aasar ni Ovi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Let her used your laptop. Go and send your e-mail to those possible Adder B." sabi ko na binaling yung tingin kay Cerys. "May gatas ba kayo dito? Magtitimpla ko." tanong ni Vienna. Gatas? Is she a kid? "Phffttt..Nag-gagatas ka pa?" natatawang tanong ni Vito kaya inirapan siya ni Vienna. "So what? Pake mo? Tsaka hindi para sa akin. It's for Cerys." sabi niya kaya tinignan namin si Cerys na busy sa laptop. Mukhang nakikinig naman siya kasi sumagot siya. "Whats wrong with milk? As much as I know it contains Vitamin B1 which is thiamine, Vitamin B2 which is riboflavin, niacin also known as Vitamin B3, Pantothenic acid which is B5, B6 which is pyridoxine and Vitamin B12, cobalamin. The thing is it also have Vitamin C and folate. Those vitamins are needed by your body so what's the matter drinking milk at this time?" tanong niya nang hindi nakatingin sa amin kaya natawa ako. "Pffffttt... Hahahaha! Go... Go ahead Vito and buy her milk." sabi ko tsaka tinignan si Vito na nakatulala. "Your friend is amazing, Vivs." sabi ni Ovi. "Yeah she is amazing and what's with the nickname? Vivs? Are we close?" tanong ni Vienna. "Do you want us to be close?" tanong ni Ovi. "Close enough to kill each other? Yeah sure." sabi ni Vienna tsaka umirap. Why do girls love to roll their eyes? "I'm done sending messages." sabi ni Cerys tsaka binalik sa amin yung laptop. Dumating naman si Vito na may dalang milk powder. "Where did you get that Vito? Ang bilis ah." Sabi ni Ovi. "Hiningi ko kina Kuno sa kabilang room." sabi ni Vito tsaka inabot yung gatas kay Vienna. Tumayo naman si Vienna at nagtimpla ng gatas. "Ang plano bukas, hayaang lumabas ng kusa si Adder B. So kailangan ka naming bantayan ng pailihim." sabi ni Vito. "Exactly. Sila Sir Rocco na ang pagbabantayin natin kina Ms. Castillo at Mr. Luna." sabi naman ni Ovi. "I'll stay with Cerys. Kahinahinala kapag naiwan siya mag-isa samantalang palagi kaming magkasama." sabi ni Vienna tsaka nilapag yung dala niyang gatas. "No problem. I'll protect you ladies so no worries." sabi ni Ovi. Tinignan naman namin si Vienna na naglabas ng lalagyan ng gamot. Nilagay niya yung isang puting tableta sa gatas ni Cerys. "Para saan yan?" tanong ni Vito. "This?" sabi niya tsaka tinaas yung lalagyan. "Sleeping pills. Hindi nakakatulog si Cerys tuwing gabi." sabi niya tsaka inurong yung baso sa tapat ni Cerys. She look like her older sister or her mother. "Saan pala kami matutulog?" tanong ni Vienna kaya for the nth time, nagkatinginan na naman kaming tatlo. "Seems like we will sleep here." sabi ni Vito tsaka humiga sa sahig ng sala. "Let's go ladies. Tabi tayo!" sabi ni Ovi na nakatikim ng tadyak. "Sleep with cockroaches, jerk." sabi ni Vienna na hinatak palapit sa kanya si Cerys. "Akala mo naman kasi lahat ng babae malalandi mo." sabi ni Vito. Pumuwesto na lang ako sa may mini sofa. We will have a long day ahead so we need to sleep and good luck for that. Takira Cerys Ashben's POV "Cerys, tell me kung may napapansin kang kakaiba ah?" bulong ni Vivi. Kaninang umaga pa siya. Mas kinakabahan nga siya kaysa sa akin. "Mag-siC.R. lang ako." sabi ko kay Vivi. Bago pa siya makapag-reklamo, nauna na kong naglakad. Hindi ko mapapalabas si Adder B kung palagi siyang nakasunod sa akin. Huminga ako ng malalim tsaka niyakap ng mahigpit si Sedi. "Excuse me?" nilingon ko naman yung tumawag sa akin. Mas lalong humigpit yung hawak ko kay Sedi. Isa siya doon sa anim na pinadalhan ko ng e-mail. "Ikaw yung nagpadala ng e-mail hindi ba?" tanong niya kaya tumango ako. Hindi ako natatakot. Hindi ako natatakot. "Nagkamali ka ata ng send sa akin. Sino ba yung Adder B?" tanong niya sa akin. "Isa siyang killer. Pinatay niya yung dalawag teacher dito." sabi ko. Mukha naman siyang nagulat. "Killer? Hindi ako yun. Na-curious lang ako kasi may nagsend sa akin ng e-mail which is bihira kaya kita nilapitan." sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako para ipakitang naiintindihan ko siya at hindi ako natatakot. "Bihirang may mag-email sayo kasi lahat sila nag-eemail sa account mo bilang si Adder B. You don't need to worry. Wala pa kong pinagsasabihan, gusto kong manigurado pero dahil sa nilapitan mo ko, sigurado na ko na ikaw si Adder B. I'm going to tell them about you." sabi ko kaya mukhang nagalit ito. "How did you know?" tanong niya. "To lure the snake, you need a bait. For an aggressive snake like you, of course you're going without thinking too much about possibilities." sabi ko tsaka humakbang patalikod. Humahakbang kasi siya palapit sa akin. "Sinasabi mo bang ahas ako?" tanong niya. "You think like one." sabi ko kaya lalo siyang umabante. Paatras ako ng paatras hangang sa masandalan ko na yung railing ng hagdan. "I'm thinking like one? Fine. Fine. Then I'll eat a small piece of meat like you." sabi niya tsaka ako tinulak. Naramdaman ko na lang na bumaliktad ako at nahuhulog. Napapikit ako tsaka hinintay yung pagbagsak ko nang may naramdaman akong dalawang kamay na sumalo sa akin. "Didn't I tell you that this plan is risky?" sabi ni Chaos. Nilapag niya ko kaya pinulot ko agad si Sedi na nahulog ko tsaka niyakap. "Hey, Bred Donald Alde you're under arrest for killing Mrs. Agatha Luna and Mr. Ervin Mortel. Also for trying to kill our new member, Takira Cerys Ashben." sabi ni Ovi na may nakatutok na baril sa ulo ni Bred. Tumawa naman to ng malakas. "I see. If I'm the snake then you guys are huntsmen." sabi niya. Pinosasan naman siya ni Vito tsaka lumakad pababa sa amin. Nung magkatapat kami, tinignan niya ko masama. Ngumisi muna siya sa akin bago nagsalita. "Hindi ba't ang sabi mo kanina, nag-iisip ako na parang ahas? Let me tell you one more thing." sabi niya tsaka tinapat yung mukha niya sa akin. "I can see nothing but a frightened rabbit." sabi niya tsaka lumayo at tumawa. Hinigpitan ko yung yakap kay Sedi dahil sa sinabi niya. "I told you it's risky." sabi ni Chaos nung nakaalis na sila Ovi. "I told you this will work." sagot ko naman tsaka siya tumawa. Medyo tiniklop niya yung tuhod niya para magkapantay kami bago siya nagsalita. "Seriously? Why are you crying? If your that afraid, you can say so." sabi niya kaya umiling ako. "I'm not crying about it. I'm crying for them." sabi ko tsaka niya ginulo yung buhok ko at tumawa. "Yeah, yeah. I got it." sabi niya tsaka naunang naglakad. Sumunod naman ako sa kanya habang nagpupunas ng luha. Humans should act like one. Blessed with rational thinking, I think it's a crime acting without one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD