Takira Cerys Ashben's POV
"Shut up ok. Gets ko na, ikaw bahala sa pictures, ako sa articles." sabi ni Vivi tsaka humarap sa laptop ni Vito. Nasa loob kami ng club room ng Alpha Rosa. Si Chaos at Ovi naglalaro ng chess, si Vito at Vivi gumagawa ng report para doon sa nakaraang kaso tapos ako pinapanood lang sila. Wala akong magawa, hindi ko naman gustong magbasa kasi baka lalo akong maging weird.
"Checkmate!" sabi ni Chaos.
"Kailan ba ako mananalo?" tanong naman ni Ovi tsaka tumayo at lumapit kay Vivi.
"Oh bakit dito ka mangugulo?" tanong ni Vito kay Ovi na umakbay pa sa kanya.
"Pinopormahan mo ba si Vivs, huh Vito? Nakuuu... Binata ka na!" sabi ni Ovi tsaka tumawa. Namula naman si Vito kaya napangiti ako.
"Hindi no. Etong maarteng to? Tinuturuan ko lang siya kung pano sumulat ng report para naman magkasilbi siya." sabi ni Vito na binatukan ni Vivi.
"Wow hah. Excuse me kahit wala akong gawin, magkakasilbi ako." sabi Vivi kaya sabay na sumagot si Ovi at Vito.
"Pano?"
"Talaga lang ah?"
Ngumiti ng matamis si Vivi tsaka tumayo.
"I can be the disciplinarian. Pwede kong pinguntin ang tenga ng isip batang to na may matalim na dila." sabi ni Vivi tsaka hinila yung kanang tainga ni Vito. "at pwede ko ding hatakin ang tainga ng bwisit na lalakeng to na walang ibang ginawa kundi maglandi." pagtutuloy ni Vivi tsaka hinatak yung isang tainga ni Ovi.
"Pffftt... Hahahaha..." tawa ko tsaka sinubsob yung ulo ko sa likod ng ulo ni Sedi.
"Now that's new." inangat ko yung tingin ko kay Chaos na nakaupo sa harap ko.
"What's new?" tanong ko kasi nakatingin siya sa akin.
"For the past two weeks, this is the first time you laugh." sabi niya.
"I can't laugh without any reason, I'll look crazy." sabi ko tsaka siya tumango. I'm right? Right?
"I see." sabi niya. Lumingon siya kina Ovi at Vito na kumakawala kay Vivi. Namumula na yung tainga nila kaya tumayo na ko. Pumwesto ako sa likod ni Vivi tsaka tuming kayad kasi mas matangkad siya sa akin. Bumwelo pa ako sabay hipan sa batok ni Vivi dahilan para mabitawan niya yung dalawa.
"Geeezzz... Kinilabutan na naman ako! Sabi nang wag mong kyaaah! Ano ba?" hinipan kasi ulit ni Ovi yung batok ni Vivi.
"Sa batok pala ang weakest point mo ah. Masakit sa tainga yung ginawa mo. It's payback time!" sabi ni Vito na nakangisi kaya naghabulan sila dito sa loob. Ang cute nila tignang tatlo. Nagtatakbuhan silang tatlo nang biglang bumukas yung pinto.
"Woah! Easy kiddos." sabi ni Sir Rocco na kakapasok lang. Napaatras ako nang makita ko kung sino yung kasama niya na nakataas ang kanang kilay habang nakatingin sa akin ng deretsyo. Tinignan naman nila akong lahat kaya pinangtakip ko si Sedi sa mukha ko. Ayoko ng tinitignan ako.
"Sedi can't help you Cerys." sabi ni Saturna pagkapasok nila ni Sir Rocco.
"Sino si Sedi?" tanong ni Vito.
"Sedi. That teddy bear is Sedi." sabi ni Vivi na tinuro pa si Sedi. Napatango naman si Vito.
"Isip bata ka talaga, bakit mo naman pinangalanan yung teddy bear mo?" tanong niya kaya napasimangot ako. Isip bata din naman siya.
"Bakit? Gusto mo ba ang tawag lang sayo tao, bata o kaya naman lalake. Hindi di ba? Of course to individually classify a certain thing, we need to name it." sagot ko kaya na nahimik na naman siya.
"Ahemm..." nabalik naman kay Saturna yung tingin namin. "You'll go back to London."
"I don't want to." sagot ko. Tinaasan naman niya ko ng kilay tsaka nagsalita.
"I'm not asking."
"You don't need to ask me since I made up my mind." sabi ko naman.
"I don't care about it." sabi niya kaya umayos ako ng upo tsaka tinapat yung mukha ko kay Saturna.
"You need to care about it." sabi ko tsaka siya nginitian.
"You can't mandate me." sabi niya tsaka ngumiti din. Saturna is stubborn.
"I can." sabi ko na hindi inaalis yung tingin ko.
|"Make me." sabi niya.
"Sure will." sabi ko naman kaya nakipagtitigan ako sa kanya.
"This is frustrating..." sabi ni Saturna tsaka sinubsob yung ulo niya sa lamesa.
"That's... intense." sabi ni Ovi tsaka pumalakpak.
"Aha. Si Cerys nga talaga ang makakatalo sayo Sat? Parang lalong tumindi yung pagnanasa kong kunin yung utak niya at tignan kung pano gumagana." sabi ni Sir Rocco na umilag agad sa sapak ni Saturna.
"Don't you dare, you internal organ freak." sabi ni Saturna tsaka umupo at hinarap ako. "I really don't know what to do with you."
"You don't need to do anything." sabi ko kaya natahimik siya saglit.
"What a pain. Dinala kita dito para hindi ka nagkukulong sa kwarto mo sa London hindi para ipain ang sarili mo sa kriminal." sabi niya na nakapangalumbaba.
"It worked well. Nasalo naman ako ni Chaos." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na napipikon na si Saturna kaya napangiti ako. Saturna and I are half-sisters. Her real mom, Our Dad's first wife died a year before I was born kaya lang parehas ata kami ng kapalaran ni Saturna. My Mom also died when I was six kaya si Saturna na rin ang parang naging nanay ko.
"Officer Saturna, I think you can't do anything than to let her." sabi ni Chaos kaya nilingon ko siya.
"Yeah. Tama si Chaos, don't worry since she's your sister, I won't touch her. Isinusumpa ko sangalan ng pinakamamahal kong sandata." sabi ni Ovi.
"Tsaka kasama naman niya etong si Vivi." sabi naman ni Vito na tinapik pa yung ulo ni Vivi.
"That's right. I'm with her so don't worry." sabi ni Vivi kaya napangiti ako. Inakbayan naman ni Sir Rocco si Saturna.
"The kids are right. Huwag mo nang alalahanin si Cerys, alalahanin mo yung love life mo. Tatanda kang dalaga Sat. "Why don't you marry me?" tanong ni Sir Rocco kaya namula si Saturna tsaka hineadbang si Sir Rocco.
"As if... don't joke around about those stuff you internal organ freak!" sigaw ni Saturna tsaka naglakad papunta sa may pinto. Bago pa niya buksan yung pinto ng tuluyan, may hinagis muna siya sa akin.
Credit card.
"Bumili ka ng cellphone. You need to call me sa tuwing may kaso kayo sa labas ng Academy. Call me tonight." sabi niya tsaka tuluyang umalis.
"Wala kang cellphone?" tanong ni Vito kaya nilipat ko yung tingin ko galing sa credit card papunta sa kanya.
"Wala. I don't think its essential. I'm always on my room in London. Aside from that, Saturna and Vivi usually call me on my computer." sagot ko tsaka tumayo. Malapit lang yung mall dito kaya pupunta na lang muna ako doon.
"Where are you going?" tanong ni Chaos.
"I'm going to buy a cellphone. Kapag hindi ako nakatawag kay Saturna mamaya, paniguradong babalik siya dala yung plane ticket ko papuntang London." sabi ko. Inakbayan naman ako ni Vivi tsaka hinablot sa akin yung credit card.
"I'll go. Let's do shopping!" sabi ni Vivi kaya tumango ako. Wala namang problema doon, credit card naman yan ni Saturna at hindi sa akin.
"Sasama kami." sabi ni Ovi kaya nagkatinginan silang tatlo.
"Sabagay, kaysa nga naman mamatay tayo sa pagkabato dito." sabi ni Vito.
"It's settle then. Sir Rocco, give us the academy pass." sabi ni Chaos. Naiiling naman na inabot yun ni Sir Rocco galing sa bulsa niya.
"Treat this as your reward for the last case." sabi niya. Tumango naman ako tsaka sumunod kina Vivi.
***
"Cool. May lesensya na kayo?" tanong ni Vivi kina Chaos. Nasa parking lot kami ng academy.
"Sina Ovi at Chaos lang, wala pa ako sa legal age." sabi ni Vito tsaka binuksan yung isang itim na sasakyan at sumakay. Audi R8 to kaya takaw pansin pero dahil kasama ko si Vivi, wala akong magagawa kundi sumakay na lang. Tatlo kaming nakaupo dito sa likod, nasa gitna namin ni Vito si Vivi tapos si Chaos nasa shotgun seat. Si Ovi naman yung nagdadrive.
"If we will consider the distance and speed, we will be their within 15 minutes." I said unconsciously. -
"Ow please, stop talking about distance and speed Cerys." sabi ni Vivi kaya sinubsob ko yung ulo ko sa tuktok ng ulo ni Sedi. That's embarrassing. Nasanay ako sa sa mga driver namin.
"Pffftt... let's check if it's true. Fifteen minutes huh?" sabi ni Chaos kaya napaaangat ako ng tingin. Tumingin kaming lahat sa oras ng sasakyan, 3:18 p.m.
"Dapat makarating tayo ng 3:33p.m." sabi ni naman ni Ovi habang nagdadrive. Nag-uusap sila buong byahe habang ako nakatitig doon sa orasan.
"Time check! 3:33:14!" sabi ni Ovi tsaka inalis yung seat belt niya.
"Astig kahit may pagka-weird. Pano mo nalalaman yun?" tanong ni Vito.
"I think your going to call me weirder if I discuss about the formula here." sabi ko kaya nagtawanan sila at nagsibabaan sa sasakyan.
"Kalimutan na natin yang formula. Ano pa lang gusto mong brand ng cellphone Cerys?" tanong ni Vivi na nakahawak sa kanang kamay ko.
"Let's go ladies." sabi ni Ovi tsaka naunang pumasok sa mall. Pinagtitinginan ako este kami pala ng mga tao kaya napahigpit yung yakap ko kay Sedi.
"Iba talaga kapag gwapo." sabi ni Ovi na nakangiti. Inirapan naman siya ni Vivi tsaka nilapitan at piningot.
"Awww... Ano ba?" taong ni Ovi habang inaalis yung kamay ni Vivi.
"Dinidisiplina lang kita at umiiral na naman yang pagiging makati mo." sagot niya.
"Scared or nervous?" tanong ni Chaos na nasa gilid ko. Nilingon ko naman siya bago sumagot.
"How did you say so?" sabi ko. Mukha ba kong kinakabahan? Hindi ko naman pinapahalata kaya pano.
"You always hug that teddy... I mean, Sedi when your scared or somewhat nervous." sagot niya. Ilang beses naman akong kumarap bago napatango. Kinakabahan lang naman ako kasi pinagtitinginan kami.
"I see. That's why your a detective. You observe things keenly." sabi ko tsaka lumakad ng mabilis para mahabol si Vivi.
Noong makarating na kami sa store, pinapili na ko ni Vivi ng Cellphone dun sa mga nakadisplay.
"May napili ka na?" that's Chaos. Umiling naman ako habang tumitingin. Bukod sa hindi ko alam kung anong gusto ko, naiingayan ako kina Vivi, Vito at Ovi. Pinagtitinginan na nga silang tatlo pero tuloy pa din sila sa pinagtatawanan nila.
"Choose this one." sabi niya sabay turo dun sa nasa kanan. Tumango na lang ako tsaka inabot yung credit card. Wala naman akong pakialam kahit ano doon. Nagdemo pa yung sales representative pero di naman ako nakinig kasi madali lang naman.
"Nakapili ka na?" tanong ni Vivi nang makita yung hawak kong paper bag.
"Hmmm." sabi ko tsaka tumango.
"Kumain muna tayo. Libre ni Ovi." sabi ni Vito habang naglalakad kami palabas nung store.
"Who told you that?" angal naman ni Ovi sa sinabi ni Vito.
"Me, myself and I." sagot ni Vito na naunang naglakad.
"Babae lang ang nililibre ko Vits. Babae ka ba?" tanong ni Ovi. Nilingon niya ko tsaka si Chaos na nasa likod ko.
"Sige, ilibre mo yung dalawang babae tapos si Chaos ang manlilibre sa akin. Di ba? Case solve! Tara na at gutom na ko." sabi ni Vito. Naiiling na lang si Ovi tsaka sumunod.
"Tara na Cerys." hinatak ako ni Vivi kaya muntik na kong sumubsob, akala ko tatama na yung mukha ko sa tiles nang maramdaman ko yung kamay ni Chaos sa bewang ko.
"Kasama mo na yang teddy bear pero ang gaan mo pa rin." sabi niya tsaka ako nilapag ng maayos. Nilingon ko naman siya.
"Salamat." sabi ko lang. Hinatak naman ako ulit ni Vivi. Tinanong pa niya kung ok lang ako kaya tumango ako. Ganito pala yung pakiramdam na magpunta sa mall kasama ng kaibigan. Mainggay sila Vito pero ok lang kasi ang saya ng paligid tapos may umaalalay sakin kahit di ko sabihin kasi andito si Vivi at si Chaos na palaging nasa likod kasi nahihiya ata sa inggay nila Ovi. Kung alam ko lang na may mga ganitong tao, sana matagal na kong bumalik sa pilipinas.