"SO HONEY, now take me in to your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars..." Napatigil siya sa madamdaming pagkanta nang pabagsak na ilapag ni Kisha ang mamahaling brush nito sa desk. "Ano'ng problema mo?" paangil niyang tanong mula sa pagkakahilata sa sofa. Itinuro siya nito gamit ang suklay nito. "'Yong totoo, Sharine, nagkita kayo ni Dominic sa labas, 'no?" "Eh?" Napabangon siya. "Sa'n naman galing 'yan?" "Kinanta mo na naman kasi 'yan, e. Inspired ang Lola, 'no? Magtapat ka!" Bumungisngis siya. "Secret." "Ang landi talaga!" Kunwari ay umirap siya. "Judgemental ka. Hindi ba pwedeng inspired lang dahil sa ganda n'ong kanta?" Pumalatak siya. "You, ha." "If I know, hindi ka nagsasabi nang totoo." Napabalik siya sa pagkakahiga at niyakap ang camera na nakasabit

